Kanina ako palakad-lakad dito sa loob ng locker room namin at hindi mapakali 8:00 ang usapan namin ni madam lily pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakapag desisyon. Kung hindi ako papayag sa sinasabi niya sa akin ay mawawalan ng lupain ang mga kinikilala kong magulang. Perro kapalit naman nito ay ang aking inaalagaan na p********e. Dahil ni minsan nga hindi ko pa naranasan kahit ang halik lang dahil hindi pa ako nagkaroon ng boyfriend ni minsan.
“oh Mary may problema ba?” Tanong sa akin ni Julie na pumasok siya sa loob ng lucky room at nadatnan akong hindi mapakali.
“Hindi ko alam julie pero ngayon kasi ang deadline na sinasabi sa akin ni madam Lily.” Sagot ko sa kanya.
“Deadline? Deadline saan? Takang tanong niya sa akin.
“Diba nasabi ko sayo na nanghihiram ako kahay madam lili ng 50k at hindi siya nakapag pahiram sa akin dahil wala siyang ganun kalaking halaga”
“Oo nasabi mo nga sa akin yan. So para saan naman yung deadline na sinasabi mo?” aniya na umupo sa upuan.
“May I offer kasi sa akin si madam Lily, at hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi, pero kasi nakasalalay dito ang lupa ng mga magulang ko Julie kaya nalilito ako.” Saad ko at umupo sa tabi niya. Paano kung tanggapin ko ang offer sa akin ni madam Lily pero ano pa ang mukha na ihaharap ko kay sir Marc at sir Vince pagkatapos nun, ano na lang ang sasabihin nila sa akin.
“Mukhang alam ko na kung ano ang inalok na trabaho sayo ni madam Lily.” Kunot ang noo na tumingin ako sa kanya.
“Wag ka mag alala Mary dahil hindi lang naman ikaw ang gagawa niyan kung sakali dahil ako Isa rin sa inalok niyan ni madam Lily noong kailangan ni sir Jonathan ng nagpapainit ng gabi nila. Pero hanggang doon lang naman yun. Isa pa malaki sila mag bigay na magkakaibigan at sa kanila lang tayo ibinigay ni madam Lily, pagkatapos nun ay hindi na dahil hindi na rin umuulit ng isang babae ang mga kaibigan ni sir Vince, isang babae isang s*x at isang gabi lang.” Hindi ko akalain na pati pala si Julie ay naofferan din ng ganung trabaho ni madam Lily.
“Ops wag mo akong pag isipan ng masama dahil si sir Jonathan lang naman ang naka s*x ko sa kanila, oh diba ang yummy na may bunos ka pang pera hindi lang yun dahil masarap sila sa kama, hindi ko man naka s*x ang ibang kaibigan ni sir Vince pero alam ko na masarap din sila dahil sa dami ng babae na nababaliw sa kanila. But anyway, sino sa kaibigan ni sir Vince ang gusto ni madam Lily na pagsilbihan mo?” kung kanina ay naka kunot ang noo nito ngayon ay may kakaibang ngiti na nakapaskil sa labi niya.
“Si sir Marc, pero natatakot ako Julie. Paano kung–”
“Wag ka nang matakot girl ganyan din ako noon, pero mabait naman sila sir lalo na yang si sir Marc kaya walang masamang gagawin iyon sayo. Kuna ako sayo pumunta ka na kay madam Lily at baka may makuha na siyang iba, Sige ka pera na naging bato pa.” Aniya sa akin. Humogot naman ako ng malalim na hininga. Bahala na mas kailangan ng mga magulang ko ang pera ngayon.
Dahan dahan akong kumatok sa pinto ng opisina ni madam Lily bago pumasok.
“Magandang gabi madam Lily.” Nahihiya na bati ko sa kanya.
“Mary, ang akala ko hindi ka na darating, tatawag na sana ako sa isang tao ko para ipadala kay Marc ang babae, pero mukhang hindi ko na kailangan na gawin yun dahil nandito ka na.” Nakangiting saad niya. Napalunok ako at tumango para sabihin na pumayag na ako sa alok niya.
“Mabuti naman kung ganun iha, ipahatid nalang kita sa driver ng V-bar sa Monticello hotel kung saan ay may penthouse ni sir Marc.” Aniya na tinignan ako mula ulo hanggang para.
“Pero bago ka pumunta don ay sasama ka muna sa assistant ko para ayusan ka, at siya na rin ang magbibigay sayo ng damit na dapat suotin mo. Tandaan mo Mary, na ayaw na ayaw ni sir Marc ang may na aamoy o amoy pawis ang gusto niya ay laging fresh at maganda sa paningin niya yung unang tingin pa lang ay maaakit na siya.” Dugtong pa niya habang naka tingin sa akin.
“Nicole, samahan mo na Mary, bihisan mo siya ayon sa taste ni Sir Marc.” Utos ni madam Lily sa kanang kamay nitong si Nicole.
“Halika na Mary, kailangan matapos tayo bago pa matapos ang binigay na oras ni sir Marc kay ma'am Lily dahil kung hindi pare pareho tayong mananagot.” Kinakabahan na sumunod ako kay Nicole, hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa na malalgot kami pareho kapag na late kami pero hindi na ako nag tanong pa at sumunod na lang sa kanya.
Dinala ako ni Mary sa isang salon at pinaayosan pagkatapos akong ng bakla ay binihisan din nila ako ni Nicole at sinigurado na malinis at mabago akong tingnan. Napaisip nga ako na kung magkano nga ba ang binabayad ni sir Marc kay madam Lily para gumastos ng ganito. Sa pagpapaayos pa lang ng buhok ko ay magkanu na ginastos nila, body scrub at pag papa-facial sa akin bukod dun ay pina pedicure and manicure pa ako kaya masasabi ko talaga na ang linis ko ngayon dahil pati mga singit ko ay pina scrub ni Nicole.
“Ayan ang ganda muna Mary, halos hindi kita na kilala pagkatapos kang ayusan ni Myra.” Ani sa akin ni Nicole na ang tinutukoy niya ay ang bakla na nag ayos sa akin.
“Hintayin na lang natin ang driver ni Sir Vince, para ihatid ka sa hotel na pagmamahal ari ni sir Jeffrey.” Kinakabahan na tumango lang ako sa kanya habang hawak ko ang sling bag ko.
“Wag ka mag alala mabait naman yun si sir Marc, nakakainggit ka eh, dahil ikaw ang napili niya sa mga litrato ng babae na pinadala namin sa kanya. Kaya dapat maging proud ka gurl. Dapat ngumiti ka kaagad mamaya kapag nasa hotel room ka na niya.” dagdag pa niya. Kung ganun ay nakita na pala ako ni sir Marc at siya mismo ang pumili sa akin. Pero saan naman ni madam Lily nakuha ang litrato ko? Kagat ang ibabang labi na napaisip ako kung saan nga ba nakuha ni madam Lily ang litrato na pinadala niya kay sir Marc.
“Basta galingan mo dun Mary ha, para naman pati malaki ang bunos na ibigay ni sir Marc sayo, at pati kami ay makatikim din ng malaking bunos.” muli akong napatingin kay Nicole ng magsalita siya. So ibig din sabihin maliban sa ibabayad sa akin ni sir Marc ay babayaran din sila nito.
"Ganun ba talaga ang mayayaman? handang gumastos ng malaki para lang sa isang gabing pakikipagtalik sa mga babaeng hindi naman nila kilala o girlfriend at basta binayaran na lang nila?" wala sa sarili na tanong ko sa kanya.