Chapter 1

1155 Words
“Mary ipinatatawag ka ni madam sa taas.” kumunot ang noo ko sa sinabi sa akin ni Julie kasamahan kong waitress dito sa V-bar. “Bakit daw?” Takang tanong ko. Wala naman akong nagawang mali para ipa tawag niya. Isa pa maayos naman ang trabaho ko dito sa bar. Mula ng lumuwas ako ng manila para dito na ipagpatuloy ang pag aaral ko ay naisipan ko mag trabaho at mag apply bilang waitress dito para makatulong sa gastusin ko sa pag aaral. Kahit kasi sabihin na scholar ako sa UP marami pa rin akong gastusin. Libre din naman ang dorm ko. Pagkain at mga project na lang sa school ang pinoproblema ko. Isa pang dahilan kaya lumawas ako at dito nag aral ay para hanapin ang totoong ama ko. Iniwan lang kasi ang mama ko kay nanay Mary Ann na matalik niyang kaibigan at dating kasamahan sa trabaho. Ang sabi sa akin ni nanay ay maliit pa lang ako ng namatay si mama sa sakit na cancer sa baga at hinabilin ako sa kanila ni tatay. Naging mabait naman sa akin si nanay Mary at tatay Lando, tinuring nila akong totoong anak at ni minsan ay hindi nila pinaramdam sa akin na hindi nila ako totoong anak. 22 years old na ako ngayon at patapos na sa kursong BSned o bachelor of special needs education. Ito ang napili kong kurso nung mag apply ako sa upcat dahil sa kapatid kong special child. Gusto ko na ako ang mag turo sa kanya dahil hindi siya kaya pag aralin nila nanay sa special school at kuhanan ng therapist. Kaya sinabi ko sa sarili ko na ito ang kukunin kong kurso para makatulong sa kapatid ko at makabawi man lang sa kanila. “Hindi ko rin alam eh, baka tungkol don sa inuutang mo na 50k sa kanya.” Sagot sa akin ni Julie. Umuutang kasi ako kay madam Lily ng 50k dahil nasangla nila nanay ang lupa namin na kinukuhanan nila ng hanap buhay nila at ngayon nga ay ginigipit na sila ng pinag sanglaan nila na kapag hindi daw maibigay nina nanay ang pera ay kukunin na nila tuluyan ang lupa. Ayaw ko na mangyari yun dahil doon kumukuha ng ikinabubuhay sina nanay at tatay. “Sige, Julie aakyat na ako, salamat ha.” Sabi ko sa kanya. Sana nga ay positive ang hiniram ko kay madam Lily dahil talagang kailangan na iyon ng mga magulang ko sa sabado. Kinakabahan na kumatok ako sa opisina ni madam Lily bago pumasok sa opisina niya. “Oh, Mary ikaw pala, umupo ka.” Agad naman akong umupo sa upuan na nasa harap ng mesa niya. “Pinatawag niyo daw po ako madam?” Kinakabahan na tanong ko. “Yes, tungkol ito sa sinabi mo sa akin. Hindi na ako mag papaligoy pa Mary. Mahirap kasi kitain ang 50k at alam mo rin naman siguro yun?” Bumuga ako ng hangin at tumango sa kanya. Ibig sabihin negative ang hinihiram kong pera sa kanya. Pero hindi ko naman siya masisi dahil mahirap naman talaga ang kumita ng pera at mahirap din mag tiwala sa tao lalo na at malaking halaga ang perang hinihiram ko sa kanya. “I'm sorry Mary pero alam mo naman na may anak din akong pinapaaral at ako lang ang nag ta-trabaho sa amin. Pero kung gusto mo talaga at kailangan na kailangan mo ng pera may alam ako na trabaho na sa isang gabi ay makikita mo agad ang 50k na kailangan mo, hindi lang 50k dahil pwede mo pang taasan kung gugustuhin mo.” nabuhayan ako ng loob sa narinig ko sa kanya. “Anong trabaho po madam Lily? Lahat po gagawin ko kahit po trabaho pa yan sa circus papasokin ko. Sobrang kailangan ko lang po talaga ng pera ngayon madam Lily at pangako po tatanawin ko po ito na utang na loob sa inyo.” Saad ko at medyo nasasabik na rin akong malaman kung Anong trabaho ang sinasabi niya. Tinitigan niya muna ako ng mabuti at sinuri ang katawan ko. “Hmm, hindi ko alam kung papayag ka sa trabaho na iaalok ko sayo pero maipapangako ko sayo na safe ka naman dito at maibibigay agad ang pera na kailangan mo.” Sabi niya na nagpa kaba sa akin. Ano ba talaga ang trabaho na tinutukoy niya? Hindi naman siguro ang pagbebenta ng katawan ko ang nais niyang trabaho. “Ano po ba talagang trabaho yun madam? Sabihin niyo na po sa akin.” sinalubong ko ang mata niya at pilit na tinatago ang kaba. “Okay, Kilala mo naman si sir Marc Monte Claro hindi ba? Ang matalik na kaibigan ng boss natin at may Ari ng bar na si sir Vince?” Napalunok ako at tumango sa kanya. “A-ano po ang tungkol sa kanya?” Kinakabahan na tanong ko. Sa totoo lang lagi ko dito nakikita ang mga kaibigan ni sir Vince at may lihim akong paghanga kay sir Marc. Bukod kasi sa gwapo ito ay magaling din makisama sa mga empleyado dito. Sa lahat ata ng kaibigan ni sir Vince, si sir Marc lang ang bumabati sa amin. “Kailangan niya ng babae na nagpapaligaya sa kanya." saglit siyang huminto at tiningnan ang reaksyon ko. "Alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin diba? Nag papahanap siya sa aking ng isang babae na vip at magugustuhan niya dahil sawa na siya sa mga babae na pinapadala ko sa kanya at ang gusto niya ay bago naman. Pero wag ka mag alala dahil safe si sir Marc. Wala itong sakit o ano man dahil lagi itong nagpapadala ng medical record niya. Isa pa laging sinasabi ng mga babaeng pinapadala ko doon na laging handa si sir Marc at lagi naka suot ng protection.” Napatulala ako sa sinabi niya at hindi agad nakahuma dahil hindi pa nag sisink in sa utak ko ang ibig niyang sabihin. Pero ng makuha ko ang ibig niyang sabihin ay agad akong napa iling sa kanya. “I'm sorry po madam, pero hindi ko po iyon kayang gawin. Kahit na malinis siya ay hindi ko po kayang ibenta ang sarili ko.” Walang emosyon na saad ko. Ngumiti naman sa akin si madam Lily. “Well kung yan ang gusto mo ay wala na akong magagawa. Pero pag isipan mong mabuti ang offer ko sayo at hihintayin ko bukas ng alas otso ng gabi ang sagot mo. Dahil kung hindi ka kaagad makapag desisyon bukas ay ibibigay ko sa iba ang trabaho na sinasabi ko at mawawalan ka ng pagkakataon na kumita ng pera. Alam mo ba na pwede kang kumita sa kanya ng 100k kapag nagustuhan ka niya?” Nakangising sabi niya. “ Sige bumalik ka na sa trabaho mo at bumalik ka na lang dito kapag makapag desisyon ka na.” Aniya at tumalikod sa akin. Humugot naman ako ng malalim na hininga at lumabas sa opisina niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD