Lumaki si Gemary na hindi na kilala ang kanyang totoong ama. Kaya naman nung nag nag aaral siya sa Manila ay naisipan niya na hanapin ang kanyang ama. Lumaki siya sa pangangalaga ng kaibigan ng nanay niya bata pa lamang siya noon ng mamatay ang nanay niya sa cancer sa baga at hinabilin siya sa kanyang kinilalang ina na si Mary Anne. Minahal naman siya at itinuring na anak ni Mary Anne pero habang lumalaki siya pakiramdam niya ay may kulang sa pagkatao niya. Kaya naman naisipan niyang hanapin ang kulang sa pagkatao niya. Habang nag aaral si Gemary ay nagtatrabaho din siya sa V bar bilang waitress hanggang sa nangailangan siya ng malaking pera para makapag tapos siya sa kanyang pag aaral. Kaya naman ng sabihin sa kanya ng kaibigan niya sa bar na nag hahanap ito ng babae para sa vip client nito ay pumayag siya para sa malaking halaga. Ang buong akala niya ay hindi na niya ulit makikita ang lalaking na kumuha sa p********e niya. Pero sa paghahanap niya sa ama ay ang lalaki ang natagpuan niya. Dahil sa pag apply niya sa kumpanya na pag aari ng kanyang ama ay dito niya ulit makikita ang lalaki si Marc Sean Monte Claro, isang multi-billionaire, at gwapong lalaki. Ito na ang humahawak sa kumpanya ng kanyang ama. Dahil sa kagustuhan ni Gemary na makilala ang kanyang totoong ama ay nag apply siya bilang secretary nito. Pero paano kung lalo siyang mahulog sa karisma ng binata upang maging dahilan sa paulit ulit na pag angkin sa kanya. At ano ang gagawin niya kung mahulog siya dito at malaman niya na ang lalaki ay anak ng asawa ng kanyang ama na siyang naging dahilan para iwan ang kanyang ina?