Chasing You - 1

1189 Words
Announcement: This happen when they are at America. So yeah, English-english. Pero dahil tamad ako mag-english (nakaka-drain ng brain mga dre!) at mas prefer ko ang tagalog kaya ita-tagalog ko lang ang storyang ito. Kayo na bahala umintindi my dear Blazerz. **** It was a fine, beautiful first day of school for Meadow at the iKON University. Huminga sya ng malalim. Isang buwan palang sya sa America kasama ang pamilya nya. They moved there. They always moved. Dahil sa business ng family nya ay kahit saan sila napupunta. Umaabot sila ng ilang taon bago sila lumilipat ng ibang lugar. Kaya sya naman ay lipat din ng lipat ng eskwelahan. It was a lonely journey for a only daughter. Buti nalang talaga dahil kasama nya ang forever best friend nyang si Cresent Collen. Mag-best friend ang mga magulang nya s***h mag-business partner kaya kung saan ang pamilya nya ay kasama din nito na lumilipat ang pamilya nina Cresent. Buti nalang talaga at kasama nya ang kaibigan kung hindi baka naging loner na sya. Kasama-sama nya ang kaibigan palagi pero ngayon ay hindi. Late na kasi itong nagising kaya nauna na sya. Napailing nalang sya saka pumasok sa campus. "Grabe! Ang gwapo ng mga transferee no?." "Oo. At ang ho-hot pa nila." "Sinabi mo pa. Yiieh! May bago na namang hunk sa eskwelahan natin." Napailing nalang sya sa mga naririnig. Seryoso? Yon talaga ang una-una nyang maririnig sa unang pasok ng klasi. Mga gwapo agad ang pinag-uusapan. Nagpatuloy nalang sya sa paglalakad para hanapin ang room nya, nila ng kaibigan nya. Napahinto sya sa paglalakad ng makitang hindi sya makadaan dahil sa mga nagkukumpulang babae na may kasabay na tili na halos makakabasag ng tenga. Dahil sa gusto na nyang pumasok at makahanap ng mauupoan nina ni Cresent ay naisipan nyang makisingit. Halos maipit sya dahil sa dami ng mga babaeng nakikisiksik. Napapikit sya sa kasikip at nang maramdaman ang kaluwagan ay napadilat sya. Nang maramdaman na may naapakan ay napatingin sya dito at nang makitang paa ito ay magso-sorry na sana sya nang bigla syang itulak nito. "How dare you step on me. b***h!" Sabi nito sabay tulak. Napapikit sya sa bilis ng pangyayari. Hinihintay ang pagbagsak ng kanyang katawan sa matigas na semento. Pero ang ikinabigla nya ay may mga bisig na sumalo sa kanya na agad nakapagpamulat sa kanya. Parang huminto ang mundo nya ng makita ang dalawang asul na pares na mga mata na para syang hinihigop nito. Parang biglang bumilis ang t***k ng puso nya, na kahit anong pigil nya ay hindi nya mapigilan ang pagbilis nito. "Are you okay miss?" Tanong nito na nakapagbalik sa kanya sa reyalidad. Doon nya lang napansin ang mga bulong-bulongan sa paligid nya. "Who's that b***h?" "Transfer ata. Hindi ko kilala eh." "What a b***h! Gumawa talaga ng eksena para lang mapansin ng mga gwapo." "True." Tinulak ako. Gusto nyang sabihin 'yon pero wala syang lakas ng loob para magsalita. Bigla-bigla ay tumakbo sya palayo sa lugar na 'yon. "Miss, wait!" Tawag sa kanya ng binatang sumagip sa kanya kanina pero hindi nya ito nilingon. Masyado na syang napahiya para lumingon pa dito. Nang makakita sya ng restroom ay agad syang pumasok dito saka ikinulong ang sarili sa isa sa mga cubicles. Inuntog-untog nya ang sariling ulo sa ding-dinh dahil sa kahihiyang nangyari kanina. Hindi nya alam kung matagal ba ang posisyon nila ng binata kanina. Kung matagal man, mas nakakahiya talaga 'yon. Napasapo sya sa noo ng may ma-realize. Hindi ko nakita ang buong mukha nya. Napapikit nalang sya. Bakit hindi nya nakita ang buong mukha nito? Napabuntong-hininga sya. Sa mga mata lang kasi sya nito nakatingin. Kinuha nya ang phone sa bulsa nya ng mag-vibrate ito at agad na sinagot ng makitang si Cresent ang tumatawag. "Bruhang babae!" Bigla nyang nailayo sa tenga ang cellphone ng bigla itong sumigaw. "Makasigaw ka Cresent." Reklamo nya. "Ano bang problema mo?" "Anong problema ko?" Mahinahon nitong tanong saka biglang nag-alburuto. "Nauna kang pumunta ng school pero nauna pa akong makarating sayo dito sa room. Anak ka ng tukwa!" "Cresent!" Kahit hindi nya ito nakikita ay alam nyang pinaikotan sya nito ng mga mata. "Get your ass here right away." Hindi na sya nakasagot pa ng bigla sya nitong babaan. Napailing nalang sya. May pagkasiga talaga ang kaibigan nyang 'yon. She wonder kung kailan ito magbabago o kung may makapagbabago pa ba sa ugali nito. Inayos nya ang sarili bago lumabas sa banyo. Yuko-yuko ang ulo nya habang naglalakad papunta sa room nila. Lihim na pinapanalangin na sana walang makapansin sa kanya o makakilala. *** SA BUONG ARAW ay nagpapasalamat naman sya dahil naging maayos ang unang araw nya sa eskwelahan. Well, maliban sa nangyari kaninang umaga. "What!? Seriously?" Sigaw ng kaibigan nyang si Cresent. Tinakpan nya ang bibig nito. "Tumahimik ka nga dyan. Baka may makarinig sayo." Asik nya dito saka binitawan ang bibig nito. "At saka, kailangan talagang sumigaw?" Nandito kasi ang napaka na kaibigan nya sa kwarto nya. Kaninang umaga pa nya iniiwasan ang mga tanong nito. Nagbibigay sya ng ibang alibay ngunit hindi ito naniniwala. Kilala na kasi sya nito kaya alam nito kung may tinatago sya o wala. Nakahinga sya ng maluwag kanina ng uwian na dahil makakaiwas na talaga sya sa kaibigan ngunit laking gulat nalang nya ng kumatok ito sa harap ng pinto ng kwarto nya saka sinabing dito daw ito matutulog ngayong gabi. Wala na syang nagawa ng kulitin sya nito ng paulit-ulit hanggang sa sinabi na nya ang nangyari kaninang umaga. "Malamang. Nagulat ako eh. May nagugulat ba na hindi sumisigaw?" Napailing nalang sya ng pinaikotan sya ng mga mata nito. Sabay silang napatingin sa pinto ng bumukas ito saka dumungaw ang ama nya. "Are you girls okay?" "We're okay dad." Agad nyang sagot. "Bakit ka nga pala sumigaw Cresent?" Tiningnan nya ang kaibigan saka pinandilatan ng mga mata. Binabantaan na wag magsalita. "Sorry tito. Nagkukwentohan kasi kami ng nakakatakot. Sa sobrang takot ay napasigaw ako." Napasapo sya sa noo dahil sa rason nito. Talaga lang ha. Ang ingay kasi ng kaibigan nya. Hindi nya alam kung saan ito ipinaglihi ng tita nya. Sa pwet guro ng manok, kasi putak ng putak eh. Tumango-tango ang ama nya saka ngumiti. "Okay. Matulog na kayo. Maaga pa kayo bukas." "Yes po." Sabay nilang sagot. Sinamaan nya ng tingin ang kaibigan. Ngumiti lang ito ng malapad saka nag-peace sign. Napailing nalang sya. "Anyway, gwapo ba?" Usisa nito. Nagkibit-balikat sya. "Hindi ko alam." "Anong hindi mo alam?" Tanong nito saka sya niyugyog. "Eh sa hindi ko nakita ang buong mukha nya. Agad akong tumakbo dahil nakakahiya." Napasimangot ang dalaga sa sinabi nya. Isang malaking tanga ang hindi na makita ang buong mukha ng isang tao kung ganon kalapit ang mga mukha nila. At isa syang malaking tanga dahil hindi nya nakita ang mukha ng binatang sumagip sa kanya. Kung hindi dahil dito ay baka sa semento ang naging bagsak nya. Anong magagawa nya kung sa mga nakaka-hipotismong mga mata lang sya nito nakatitig. Napabuntong-hininga sya. Siguro, makikita o makikilala lang nya ito kapag tinitigan nya ito sa mga mata. 'Yon nalang ang palatandaan nya sa binatang nagligtas sa kanya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD