Chasing You - 2

774 Words
MABILIS NA tumakbo si Meadow sa kung saan para lang hindi sya maabotan ng mga humahabol sa kanya. Napunta sya sa isang old abandon building ng university. Hinihingal na sumandal sa pader saka pinigilan ang hininga ng marinig ang mga yapak na papunta sa dereksyon kung saan sya nagtatago. "Saan na 'yon?" "Nandito lang 'yon." Napapikit sya ng magsimula itong maglakad ulit. Hindi nya talaga akalain na may makakilala sa kanya. Ganito kasi ang nangyari. *** MAG-ISA NA NAMAN sya habang papunta sa canteen para bumili ng tubig. Tapos na silang kumain nina Cresent saka bmumalik sa room nila pero bigla syang nauhaw kaya bumalik ulit sya sa canteen para bumili ng tubig. Nang makabili ay agad syang lumabas ng canteen pero hindi pa sya tuloyang nakakalabas ng may humarang bigla sa dinaraanan nya. "Excuse me." Imbis na padaanin sya ay mas humarang pa ito sa daraanan nya. "Bakit?" "You look familiar." Sabi ng isang blonde na mukhang ito ang leader nila. May bumulong na isang babae dito saka ito tumango. "Kaya pala pamilyar ka sa akin." Napakunot-noo sya. Hindi naman nya kilala ang mga ito. Ni wala pa nga syang nagiging kaibigan, kaaway pa kaya. "Do you know me?" Umiiling sya. "Ako lang naman ang babaeng tinapakan mo nong nang-aakit ka ng mga gwapo." Napa-tsk sya. 'Kung hindi mo ako tinulak, hindi sana ako mauumod sa lalaking 'yon at hindi sana ako mapapahiya. Bilib din sya sa memorya ng mga babaeng ito dahil naaalala pa sya. "At dahil hindi mo ako kilala. I'll teach you a lesson to keep reminding me in your stupid head. Total, hindi pa ako nakakaganti sa ginawa mong pagtapak sa paa ko. You bitch." Tsk! Hindi naman nya sinasadya ang tapakan ang paa nito. Sadyang masikip lang ang lugar na 'yon. Mabilis syang nakailag ng iangat nito ang kamay saka sana sya sasampalin. Napanganga sya. Bully! "Hawakan nyo nga sya. Ang likot." Utos nya sa mga alepures nya. Pero bago pa sya mahawakan nito ay umatras na sya para tumakbo. Pero bago tumakbo ay itinapon muna na ang biniling tubig sa leader ng mga ito. "Arrrggh! You bitch." Natawa sya ng sumapol ito sa mukha. Hindi nya alam na shooter pala sya. "Habulin nyo sya. Gaganyi din ako sayo babaeng ka." Galit na sigaw nito. Mabilis na tumakbo sya palayo ng habolin sya ng ilang kababaihan. *** At 'yon n nga ang nangyari, kaya ito sya ngayon nagtatago dahil hinahabol. "Teka." Huminto ang mga ito. "Wag na na natin hanapin." "What? Are you nuts? Kailangan kong mabigyan ng leksyon ang babaeng 'yon." Galit na sabi ng isang babae. Alam nya na 'yon ang may pasimuno ng paghabol sa kanya. "Wag na. Sa mga naririnig ko, may gumagala daw na multo dito. May ni-rape daw kasing babae dito. Hindi nabigyan ng hustisya kaya nagpagala-gala dito. Hayaan nyo na, na ang multo ang magturo sa babaeng 'yon ng leksyon." "Damn you! Bakit ngayon mo lang sinabi?" May bahid ng takot ang boses nito. "Tara na." Nakahinga na sya ng maluwag ng marinig na nagmamadali itong tumakbo palabas ng building. Napatingin sya sa paligid, nasa isang classroom sya. Naalala nya ang sinabi ng isang babae. Multo? Hindi sya naniniwala sa mga multo. Sadyang gawa-gawa lang ito ng mga imahinasyon natin kaya kahit ano nalang nakikita natin na napagkakamalan nating multo. There's no such a thing like ghost in the world. Sumilip sya sa labas. Kinaklaro kung wala na nga ang mga humahabol sa kanya. Nakahinga sya ng maluwag ng makitang wala na ni isang tao sa hallway ng lumang building. Buti nalang naisahan ko sila. Napabuntong-hininga sya ng marinig ang bill. Mukhang mag-e-skip sya ng klasi ngayon ah. "Anong ginagawa mo dito?" "Ay multo!" Napaimpit sya sa pagsigaw ng may biglang nagsalita sa likod nya. Napatingin sya sa lalaki saka nanlaki ang mga mata. "Ikaw!" Sabay nilang sabi saka turo sa isa't-isa. "Kilala mo ako?" Nagmamaang-maangan na tanong nya nang maalala ang kahihiyan na nagawa nong nakaraang araw. "Oo. Ikaw 'yong babaeng..." "Hep-hep. Wag mo nang ituloy, masyadong nakakahiya." Pagpipigil nya dito. Medyo natawa ang binata na nakapatibok ng puso nya ng mabilis. "Salamat nga pala ha." Nalito ito. "Salamat saan?" "Sa pagsagip mo sa akin ng araw na 'yon. Kung hindi mo ako sinalo, baka bumagsak na ako sa semento. Mas lalo 'yong nakakahiya." Nakayuko nyang sabi. Hindi nya nakita ang reaksyon ng binata dahil sa nahihiya syang tumingin dito. "Wala 'yon." Napaangat sya ng tingin ng hawakan nito ang baba nya saka inangat. "Para sa isang magandang katulad mo, gagawin ko ng paulit-ulit." Biglang uminit ang mukha nya sa sinabi nito at mas bumilis ang t***k ng puso nya ng ngumiti na naman ito. Tumikhim ito nang mapansin na nahihiya na sya. "Anyway, ano nga palang pangalan mo?" "Meadow. Meadow Blockwood." Inilahad nya ang kamay. "Ikaw?" Kinuha nito ang kamay nya. Marahan itong pinisil saka ngumiti. "Walter. Walter Smith."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD