Chasing You - 6

1614 Words
Meadow's POV: "Bilisan mo Mof." Hila-hila sa akin ni Cresent. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Payapa lang akong nakaupo at nagbabasa sa bench ng basta-basta bigla nalang akong hinila nito. "Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Naiinis ko ng tanong dahil kanina pa ako tanong ng tanong sa kanya pero hindi nya parin ako sinasagot. "Babatukan na talaga kita Cresent kapag hindi mo pa sinabi sa akin kung saan mo ako dadalhin." Napahinto kami sandali ng makarating kami sa gym. Napakunot noo ako, nagtataka kung bakit madaming tao dito. Wala naman akong nababalita na may program na magaganap dito. Hinila ulit ako ni Cresent papasok sa gym. Nagkipagsiksikan pa kami para lang makapasok. Halos puno na ang gym. Hinila nya ako sa may bakanteng upuan saka umupo. "Aray!" Bigla nyang sigaw. "Bakit ka nambabatok dyan?" Naiinis nyang tanong. "Gaga ka!" Asik ko sa kanya. "Sinabi ko na kanina sayo na kapag hindi mo ako sinagot babatukan na kita." Napanguso naman ito kaya napairap ako. "Bakit mo ba kasi ako dinala dito?" "Hehe hindi ko din alam eh." Sinamaan ko sya ng tingin at ang gaga ay nag-peace sign lang. "Basta narinig ko kanina na may magaganap daw na confession dito." "Napaka-chismosa mo talaga. Pati confession ng iba ay nakikisawsaw ka." "Chismosa ka dyan. Kung chismosa ako, pano nalang sila?" Tinura nya ang mga tao na nasa loob ng gymnasium. Blanko akong napatingin sa paligid. "Lahat sila chismosa, kagaya mo." "Ang ampalaya mo." Tumawa lang si Cresent kaya tumingin nalang ako sa harap ng stage. May malaki at makapal na kurtina na nakaharang sa stage kaya hindi ko makita kung anong meron don. Confession? Tss. Bigla nalang umasim ang mukha ko. Naalala ko na naman tuloy ang ginawa nyang pag-confess sa aking sa harap ng maraming tao. Hindi man ganito karami pero sapat na para maraming makaalam. "Walter." She mumbled his name. Pinigilan ni Walter ay pagsampal sana sa kanya ni Cassandra. But why? Is he really her Knight and shining armor? Her prince charming that will save her every time she's in trouble? "You better stop." Sabi ni Walter sabay malakas na bitaw nito sa kamay ni Cassandra. "Why should I?" Sigaw nito. Napaatras ito ng tignan ito ni Walter ng masama. "Because she's now my girl." Napakurap-kurap sya sa sinabi nito. My girl? Kailan pa? Bakit hindi nya alam? Tulog ba sya ng sinagot nya ito o nakalimotan nya? Napasinghap sya ng bigla sya nitong hawakan sa kamay saka pinagsiklop. "No one can touch Meadow. She's my jowa." Napalabi ako ng maalala ang 'She's my jowa' nya. Kahit mapait ang naging kahinatnan ng relasyon namin ay hindi ko parin maiwasan ang mapangiti kapag naaalala ko ang mga masasaya naming pinagsamahan. Kahit may parte sa puso ko na masakit dahil nanghihinayang ay hindi ko parin maiwasan ang mapangiti. Napailing-iling ako. Kaya hindi maka-move on eh. Napatingin ulit ako sa stage ng biglang tumunog ang drum kasunod ng gitara. Sa pagtunog nito ay ang unti-unting paghawi ng kurtena. Napako ang tingin ko sa lalaking nakaupo habang masayang hinahampas ang drum. Sebastian Duke. Nang makita ko syang tumugtog ay parang bumilis ang t***k ng puso ko. Di ko maitatanging gwapo talaga sya noong una naming pagkikita, pero mas lalo syang gumwapo ng sinimulan nyang hampasin ang drum. Tama talaga sila, napakaliit lang ng mundo. Na sa sobrang liit ay nakita ko sya ulit. Hindi ko aasahan na sa iisang skwelahan lang pala kami nag-aaral. Banda ba sila dito? Ang astig tuloy nila tignan, yong vocalist nila sobrang ganda, gaya ng boses nya. Pero parang nakita ko na sya. Hindi ko lang alam kung saan. Nang matapos na kumanta ang babae ay nagsalita sya at asawa pala nya yong gwapong lalaki na tinatawag nilang King. Nakita ko naman na lumapit si Seb kasama yong dalawang lalaki na kasama nya sa stage at yong Gray na crush ni Cresent. Akalain mo nga naman, magkakakilala pala sila. "Grabe hindi parin ako makaget over sa ginawa ni Allison." sabi ni Cresent na kinikilig. "Paano mo naman nalaman na Allison ang pangalan nya?" tanong ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa isang bench. Pagkatapos ng confession kanina ay nagkanya-kanya na kaming nagsialisan. "Eh yon yong narinig kong tawag sa kanya ng mga lalaking sumigaw eh. Grabe ang sweet sweet nya." "Tss. Anong sweet don? Nakakahiya kamo. Sya yong babae tapos sya pa yung nangharana." "Narinig mo naman siguro ang sinabi nya kanina no? Nag-sorry sya kasi nagselos yong asawa nya. Kaya dapat lang na mag-appologize sya. Pero grabe yong ginawa nya. Appologize song in front of all student. Yiiiieeh! Ang sweet." kinikilig na sabi nya. "Kahit na no. Pwede naman nyang gawin sa private ang sorry ah." "Palatandaan yon na mahal nya talaga yong asawa nya. Sa pag-ibig lahat magagawa. Haha." "Watever." "Bitter. Someday you'll do the same. Haha." "Asa." Inirapan ko sya. Kahit ano-ano din lumalabas sa bibig nito eh. Someday? Tss. Kung para kay Zachary ay handa ko talaga yong gawin. "Haha oy, pero hindi ko akalain na magkakilala pala si Gray at Seb at tsaka yong mga gwapong lalaki, pati si Allison." "Ako nga rin eh." "Haha what a coincedence. What a small world. No. It's destiny." "Anong destiny?" taas kilay kong tanong. "Destiny. Kasi magkakilala si Grayson my loves at yong Seb 'mo' haha." "Seb mo ka dyan." inis na sabi ko sa kanya. "Haha kilala kita Mof. Kilalang kilala kita. Alam kong gusto mo rin sya." "Hindi ah! Asa!" "Hindi daw pero kung makatitig ka sa kanya kanina habang nagda-drum sya wagas na wagas haha." Napairap ako. Hindi ko napansin na napansin nya pala ang pagtitig ko kay Seb kanina. Sabihin na nating napatitig nga ako sa kanya pero sapat na dahilan na ba yon para masabi nyang gusto ko yon. Tsk! Kalokohan. "Hindi kaya." "Sige, magdeny ka pa. I know you." Hindi na ako nagsalita pa. Ang totoo nyan ay gusto ko sya, una ko pa lang makita sya at yong ngiti nya ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Pero di ko pinahalata at ayaw ko. Hindi pa ako handang magmahal at masaktan ulit kung sakali. Hindi ko alam kung anong meron ba sa lalaking yon at bigla ko syang nagustohan. Playboy ang dating nya pero ang hindi ko maintindihan ay parang kilala ko na sya. Parang familiar sya sa akin gayong nong nasa bar pa naman kami nagkakilala. ***** Nandito kami ni Cresent sa bar ni Seb para mag-chillax, sumama na din ako para makita si Seb. Para akong timang, hindi ko pa daw kayang magmahal at masaktan pero ito ako at gusto ko syang makita. Ewan ko ba, parang hinahanap sya ng mata ko. Ilang linggo na rin ang nakakalipas ng huli kaming magkita at walang araw na hindi ko sya namiss. Ginayuma ata ako ng hinayupak na yun >>__aist! Anong bang iniisip mo Meadow >>__ Pinakiramdaman ko ang sarili ko, bakit ganon nalang ang nararamdaman ko? Bakit gusto ko na sya gayong mahal ko pa rin si Walter. Tsk! Nagiging salawahan na ata ang puso ko. "Cresent?" napatingin naman ako ng may tumawag ky Mof. "Gray." masayang tawag ni Mof. Napatingin naman ako sa likod nya. Baka sakaling kasama nya si Seb. Pero wala (.___. ) "Hey, I didn't expect to see you here." "Yeah, me too." "Kayo lang?" tanong nya na nakaturo sa aming dalawa. Obvious ba? "Yeah. Ikaw?" "I'm with my friends." Napaupo ako ng maayos. Kasama kaya nya si Seb? "Do you both wanna join?" Nagkatinginan naman kami ni Cresent. Pumayag kana. Sarap sabihin pero nahihiya ako. "O-Okay lang ba sa mga friends mo? I mean hindi ba kami makakadistorbo?" Tumawa naman sya. "Haha of course not." "S-Sige." "Let's go." Kaya tumayo na kami at sumunod sa kanya. Napunta kami sa second floor kung saan ang mga VVIP room at huminto sa pinto sa may dulo. Ito din yong room kung saan kami dinala ni Seb dati. Nang buksan nya ang pinto ay nakita ko na ang kanina ko pang hinahanap. Kasama nya ang mga lalaki na kanina tumugtog sa eskwelahan at yong babae na kumanta kanina. "Guys I invited some friends." sabi ni Gray na tinuro kami ni Cresent. Napatingin naman sa amin silang lahat at kita ko kay Seb na napatayo sya sa gulat. "Meadow?" hindi makapaniwalang tawag nya sa akin. Lumapit naman sya sa akin. "Hi- - - HUK." nagulat nalang ako ng bigla nalang nya akong niyakap. "Finally, nakita kita ulit. I've been looking for you." nabigla naman ako sa sinabi nya. Hinanap nya ako? "I missed you." bulong nya sa akin. Napakurap-kurap ako sa gulat. Parang nabingi sa sinabi nya. He said he miss me, pero bakit? Kakikilala lang namin. Napalabi ako, kahit ako namiss ko din sya at hindi ko talaga alam kung bakit. Bwesit! Bakit nga ba? Akmang yayakapin ko na sana sya pabalik ng biglang may tumikhim. Napakagat labi ako. Tumikhim na kasi ang mga kaibigan nya pero hindi nya parin ako pinapakawalan mula sa pagkakayakap. Sinamaan ko ng tingin si Cresent ng tiningnan nya ako ng nanunukso. "Ahm, Sebastian?" Tinapik-tapik ko ang likod nya. "Bakit?" "Bitaw na." Tumawa muna ito bago ako pinakawalan. Nakaramdam ako ng awkward ng sapuin nya ang buo kong mukha saka ngumiti. Ramdam kong uminit ang mukha ko sa naging ngiti nya. Hinawakan nya ang kamay ko saka iniharap sa mga kaibignan nya. "Guys, sya nga pala yong sinasabi ko sa inyong babae. Si Meadow." Proud na pround na sabi nito. Parang ako pa ang nahiya sa pinagsasabi nito. "Ikaw pala ang nakapagpatino sa kaibigan ko?" Tumayo ang gwapong lalaki. "Ako pala si Trevor, you can call me babe." Magkaibigan talaga sila. Parehong playboy eh. "f**k off." Tinulak ito ni Sebastian bago pa tuloyang makalapit sa akin. "She's mine." Bigla akong napatingin sa kanya sa sinabi nya at naalala na naman si Walter saka napangiti ng mapait. She's mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD