Sebastian's POV:
Hinihingal akong tumakbo ng mabilis para lang hindi ako mahabol ng nakakairitang babaeng 'yon. Nakakainis sya. Ayoko talaga sa kanya, bukod kasi sa nakakairita sya ay ang kulit nya pa.
Ilang linggo na nya akong hinahabol at kinukulit. Walang araw na hindi nya ako ginagambala. Ang mas nakakainis ay kahit anong sabihin ko sa kanyang tigilan na nya ako ay ayaw nya paring tumigil. Para syang walang kahihiyan sa katawan at kapaguran.
Para na tuloy akong baliw sa mga pinaggagawa ko. Minsan kapag nakita ko sya, nasa malayo palang ay nagtatago na ako, minsan naman ay nagja-jacket, cup at naka-mask ako gaya ngayon hopefully na hindi nya ako makikilala.
Naka-sunglasses ako kanina pero nalaglag ng mabangga ako ng isang babae kanina sa campus. Hindi ko na napulot ulit ang sunglasses o makita ang buong mukha ng babaeng nakabangga ko kanina dahil sa pagmamadali ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng may nakahawak sa braso ko saka gulat na nakita ang babaeng kanina ko pa pinagtataguan pero hanep talaga at nakita pa ako. Amputek! Hindi na naman ako titigilan nito.
"Nahuli din kita Sebastian." Nakangisi nitong sabi at may mababasang tuwa sa mukha dahil sa nahuli nya ako.
"Anak ka ng talaga tinapa! Balot na balot na ko't lahat, nakilala mo pa ako."
"Oo naman. Kahit mag-mask ka pa, mag-jacket, o ano man makikilala at makikilala kita. As long as I can see that eyes of yours that look like the color of the deep ocean, I know that it was you."
"Whatever. Tigilan mo na nga ako baka makalimotan kong babae ka at masapak kita." Tinalikoran ko na sya saka naglakad papalayo.
Pero dahil isa syang dakilang makulit ay sinundan nya parin ako at talagang kumapit pa sya sa braso ko. Inis kong tinulak ang noo nya papalayo sa akin dahilan para mabitawan nya ako.
"Ano ba!"
"Ha!" Natatawa ako kunwari. "Ako dapat ang nagsasabi nyan. Ano ba!" Singhal ko sa kanya. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo ako. Ti.gi.lan mo ako! Hindi ka ba nakakaintindi?"
"Nakakaintindi naman." Mas nainis ako ng nginitian nya lang ako. "Pero ayoko kong sundin, anong magagawa mo? Hindi mo naman pag-aari ang katawan ko para mapasunod mo. Or else..." Ngumiti ito ng makahulogan.
"Or else what?" Naiinis talaga ako kapag kausap ko ang babaeng ito.
"Pumayag ka ng magpakasal sa akin." Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis pero nawala din ng tumawa ako ng malakas.
Oo. Malakas na malakas na tawa na para bang nang-iinsulto. Bahala syang mainsulto kaysa naman matali sa babaeng to.
"Asa ka!" Lumapit ako sa kanya saka sya tinitigan ng seryoso. "Kahit anong mangyari ay hinding-hindi kita papakasalan. Ni patulan ka nga ay hindi sumagi sa isip ko, ang pakasalan ka pa kaya. Kahit nga siguro maghubad ka sa harap ko," tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. "Ay hindi tatayo ang batuta ko sayo dahil hindi kita gusto at mas lalong hindi kita type. Ni wala ka nga sa kalingkingan ng mga babaeng naikama ko."
Napabaling ako sa kabilang direksyon dahil sa malakas na sampal na binigay nya sa akin. Tumayo ako ng diretso. Tiningnan sya ng malamig kahit na umiiyak sya.
"Kahit kailan ay hindi ako magbabago. Lumaki akong gago, tatanda akong gago. Kaya wag ko nang aksayahin ang buhay mo sa akin." Tinalikoran ko na sya.
Psh! Isa sya sa mga babaeng naghahabol para pakasalan ko. Ang kapal naman talaga ng mukha nila para maghabol. Kababaeng tao sila itong naghahabol.
Sana naman ay tigilan na nya ako. Iyon na siguro ang pinakamasakit na mga salita ang nasabi ko sa kanya. Nagu-guilty man dahil inosente ang babaeng yon ay wala akong magagawa, dahil kahit kailan hinding-hindi ako magkakagusto sa mga babaeng nirereto sa akin ng matandang yon.
Hinding-hindi ako magkakagusto sa mga puppet nya. Itaga nya yan sa bunganga nya.
Habang naglalakad ako pabalik, papunta sa parking lot ay may nadaanan akong isang babaeng nakaupo sa sahig at umiiyak habang inaalo naman sya ng kasama nito. Hindi ko nakita ang mukha ng dalawa dahil nakatalikod ito sa akin. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad diretso sa parking lot.
Nang makauwi ako ay isang malutong na sampal ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng bahay. Napabuntong hininga ako.
Hindi ata ako na-inform ng horoscope ko ngayon na ilang beses pala akong masasampal sa loob ng araw nato.
"How dare you Sebastian. Bakit mo pinaiyak si Grace?" Sigaw sa akin ng kaharap ko. "Alam mo bang kagagaling nya lang dito at nagsumbong sya sa akin. Kung ano-ano daw masasakit na mga salita ang sinabi mo sa kanya. What the hell is wrong with you?" Malakas nyang sigaw. "Ilang babae na ba ang pinaiyak mo? Bakit hindi ka magtino Sebastian? Kaya nga nirereto ko sayo ang mga anak ng mga amiga ko para kahit papaano ay makahanap ka ng matinong babae. Hindi 'yong mga babaeng nakikita at nakikilala mo lang sa club. Ano nalang sasabihin ng mommy ni Grace dahil sa ginawa mo sa anak nya."
Tss. Gusto nya yan eh. Eh di panindigan nya.
Hinihingal sya pagkatapos nya akong pagsabihan. Nakahawak pa ito sa dibdib nya. Hindi ako nakatingin sa kanya. Bumaling lang ako ng matapos sya sa kasasatsat nya. Kahit kailan ang ingay talaga nito. Nakakarindi, nakakasakit ng tenga.
"Tapos ka na?" Malamig kong tanong sa kanya. Nanlaki ang mga mata nya. "Kung tapos ka na aakyat na ako." Tumalikod ako saka naglakad.
"Ang bastos mo talagang bata ka kahit kailan! Don't you dare turn your back at me young man. Hindi pa tayo tapos mag-usap Sebastian."
Humarap ako sa kanya dahilan para mapatigil sya. Nasa unang baitang na ako ng hagdan.
"Hindi ka ba napapagod sa pagdadada mo dyan?"
"What?"
"Hindi ko alam kung tanga ka lang o ano."
"What?" Nanlalaking mga mata nyang tanong.
Psh! Puro nalang sya what. Nabingi na ba sya sa sarili nyang boses?
"Tss." Napailing ako. "Alam mo naman kasi na ganito na ako ka gago ay sinusubukan mo parin na baguhin ako. Para sabihin ko sayo tanda," mas nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko at nanggagalaiti sa galit na tiningnan ako. "Walang ibang pwedeng makapagbago sa akin kundi ako lang. Naiintindihan mo? Kahit kailan hindi magiging sulosyon ang mga babaeng nirereto mo sa akin para magbago ako tanging sarili ko lang ang makakapagpabago sa akin tanda."
"How dare you to call me old!" Napasiring ako. "Have a respect on me. I'm still your mother."
"Step mother." Masama ko syang tiningnan dahilan para mapatigil ito. Kitang-kita ko kung paanong mawala ang galit nito at mapalitan ng takot. "Wag mong kakalimutan na sampid ka lang sa pamamahay na 'to and you will never, ever replace my mom. 'Cause your to way far from her." Nginisihan ko sya bago ako tuloyang umakyat papunta sa kwarto ko.
Pabagsak kong sinara ang pinto ng kwarto. Naiinis ako. Naiinis ako sa matandang yon. Ang kapal ng mukha para sabihin nya sa aking ina ko sya. Pwe! Kahit kailan hinding-hindi ko matatanggap ang isang katulad nya. Akala nya siguro ay hindi ko alam ang mga katarantaduhang ginagawa nya.
What the heck is she thinking? Akala ba nya ay bata lang ako na mauuto at mapapasunod sa mga gusto nya? Yon ang akala nya.
Kaya ang lalakas ng loob ng mga babaeng yon na habul-habulin ako kasi may mga back up sila. That witch! Hanggang hindi sya umaalis sa pamamahay na to at sa buhay namin ay hinding-hindi ako magkakaroon ng buhay na mapayapa.
Nagbihis ako at umalis ulit ng bahay. Ayoko matulog don, baka bangungutin lang ako. Nang makarating ng club ay umupo ako sa counter. Hindi pa ako um-order ay may binigay na sa aking alak ang bartender.
They know what I already want because--- napatingin ako sa mga taong nagsasayawan, nagtatawan, nag-iinuman at sa buong paligid ng malaking club --- I own this club.
Sebastian Duke is IN...