Chasing You - 13

1753 Words
Meadow's POV: Maaga akong nagising para maghanda ng pagkain. Nalaman ko kahapon kay Zachary kung saan nakatira ngayon si Walter. Hindi ko talaga sya tinigilan hangga't hindi nya binibigay sa akin ang address ni Walter. Mas may makukuha akong impormasyon kay Zachary kaysa kay Xander. Dinaig pa kasi non ang bato. Kahit anong piga mo ay wala ka talagang makukuha. Kinuha ko ang cake na binake ko saka inilagay ito sa lalagyan. Natuto akong mag-bake para sa kanya. Gusto ko kasi ang bigay ko sa kanyang cake ay sarili kong gawa para mas ramdam nya talaga ang pagmamahal ko para sa kanya. Huminga ako ng malalim saka ngumiti. "Sana magustohan nya ito." Simula ng makita ko ulit sya noong isang araw ay napagdesisyonan kong angkinin sya ulit. Siguro naman kahit katiting ay may pagmamahal parin sya para sa akin at palalaguin ko yon. Imposible naman na agad na nawala ang pagmamahal nya sa akin. Ilang taon din kami naging magkasintahan at sa bawat araw na magkasama kami ay masaya kami. Ngumiti ako kay Cresent na nasa hamba ng pintuan dito sa kusina. "Aalis muna ako Mof. Pupuntahan ko si Walter." Nakangiti kong sabi habang hinahanda ang mga dadalhin ko. "Dadalhan ko sya ng binake kong cake." "Ganon ka ba talaga ka martir?" Tanong nito dahilan para mapahinto ako sa ginagawa ko at mapatingin sa kanya. "Ha?" "Ganon ka ba ka tanga?" "A-ano bang pinagsasabi mo dyan Mof?" Nakangiti ko pa ding sabi saka pinagpatuloy ang ginagawa ko. Hindi sya ngumiti. "Ha!" Natatawa nitong kunwari. "Narinig ko ang sinabi ni Walter ng huli kayong magkausap. Hindi ka nya mahal at confirm na nga di ba? Na si Allison ang ipinagpalit nya noon sayo." "Pero may asawa na si Allison at si Blake yon. Kaya..." "Kaya ano?" Nagsimula ng tumaas ang boses ni Cresent. "K-kaya may pag-asa na magkabalikan kami." Napalabi ako ng bumalatay sa mukha nya ang inis. "Wala ng hahadlang sa amin." "Ang tanga mo naman Meadow." Sigaw nito. "Anong pag-asang pinagsasabi mo? Hindi mo ba narinig ang sinabi nya sayo non sa hospital o sadyang nagbingi-bingihan ka lang? Hindi ka na mahal nong tao." "Mahal nya parin ako." Napayuko ako. "Nararamdaman ko." "Hindi yon ang nararamdaman mo Meadow. Ilusyon na yon. That damn, stupid illusion of yours." Galit na nitong sabi. Hindi ko sya magawang tingnan dahil makikita ko lang ang galit nyang mukha. "Masyado kang tanga sa pag-ibig mong akala mo na meron pa. Bakit hindi ka nalang mag-let go?" "Paano ako magle-let go kung sya lang ang mahal ko at nararamdaman ko hanggang ngayon ay mahal ko parin sya?" Tinitigan ko sya sa mga mata nya para ipakita at ipaintindi sa kanya na mahal ko talaga si Walter. "Mahal mo parin sya? Ha!" Ngumisi ito ng nag-aasar. "Eh anong nararamdaman mo para kay Seb?" Hindi agad ako nakasagot at natigilan ng marinig ang pangalan ni Sebastian. Simula din ng araw na yon ay hindi ko na sya nakakausap at nakikita. Kahit sa campus ay hindi ko sya makita. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Ang sabi ko naman sayo di ba, gusto ko sya pero hindi ibig sabihin non ay mahal ko na sya." "Talaga lang ha." May halong sarkastikong sabi nito kaya napapikit ako. "Sana nga lang hindi ka magsisi sa ginagawa mo ngayon." "Bakit ba kinukontra mo ako?" Sigaw ko sa kanya. "Hindi kita maintindihan Cresent eh. Dapat ako ang kinakampihan mo dahil ako ang best friend mo." "Ikaw pa nga ba ang best friend ko?" Napakunot-noo ako sa sinabi nya. "Syempre ako parin to." Huminga ako ng malalim dahil alam kong walang patutunguhan ang pag-uusap naming to. Mag-aaway lang kami. "Suportahan mo nalang ako. Maiintindihan mo rin ako kapag ikaw ang nasa sitwasyon ko." "Hindi." Napakunot-noo akong tumingin sa kanya. Seryoso ang mukha nya. "Hindi ko kailanman maiinitindihan ang sitwasyon mo dahil hindi ko gagawin ang mga katangahang ginagawa mo." Umiling-iling ito. "May tao ng handang magmahal at hintayin ka. Yong taong siguradong mamahalin ka ng totoo at hindi ka iiwan. Yong taong nagbago para sayo, pero sinayang mo lang para ipagpalit sa taong sinaktan, iniwan ka at pinagpalit ka sa iba. Hindi ko talaga maiintindihan ang sitwasyon mo Meadow dahil kung ako, ikaw... Hindi ko sasayangin ang taong yon." Pagkatapos nitong sabihin ang mga salitang yon ay iniwan nya akong nakatulala sa kusina. May tao ng handang magmahal at hintayin ka. Yong taong siguradong mamahalin ka ng totoo at hindi ka iiwan. Yong taong nagbago para sayo, pero sinayang mo lang para ipagpalit sa taong sinaktan, iniwan ka at pinagpalit ka sa iba. Sebastian. Sabihin nga nating, gusto ko na sya at masaya ako kapag kasama sya pero anong magagawa ko kung si Walter parin ang hinahanap ko. Yong tipong pati katawan ko ay ito na mismo ang lumalapit. Napabuntong-hininga ako saka kinuha ang mga gamit saka sumakay ng kotse. Maiintindihan naman siguro ako ni Sebastian kung bakit ko ginagawa to. Alam naman nya kung gaano ko kamahal si Walter. Tama. Maiintindihan ni Sebastian ang ginagawa ko. Lagi naman nya akong iniintindi eh. Pinaandar ko na ang sasakyan papunta sa condo kung saan nakatira si Walter. Huminga muna ako ng malalim saka inihanda ang ngiti bago ako kumatok. Kung dati si Walter ang nanligaw, ngayon ay ako naman ang manliligaw sa kanya. Gaya nya ay hindi ako titigil hanggang hindi ko sya napapa-oo. Mas ngumiti ako ng dahan-dahang bumukas ang pinto. Inihanda ang sarili na makita muli si Walter. Dapat maganda ako pagkakita nya. Pero nawala ang inihanda kong ngiti ng isang mistesang babae ang bumukas nito. Napalunok ako ng makitang isang polo ang suot nya. Napatingin ako sa buo nyang katawan, sexy sya. Napatingin ulit ako sa mukha nya, at maganda. "Yes?" Ngumiti ito. Mukhang friendly. Napalunok ulit ako. Mukhang hindi ata ito ang condo ni Walter dahil babae ang nagbukas. Tama. Baka namali lang ako. Napatingin ako sa number ng condo 608. Tama naman pero bakit iba ang nagbukas. Ngumiti ako kahit na nag-aalinlangan. "S-sorry. Baka namali lang ako ng number." Tama. Baka pinagtripan lang ako ni Zachary. Aalis na sana ako ng tuloyan ng bumukas ang pinto at naistatwa ng makita si Zachary na walang pantaas at napa-towel lang sa pambaba. "Who's that babe?" Napakunot ito ng noo ng makita ako. "Meadow." Biglang nagsitaasan ang balahibo ko ng tawagin nya ako sa pangalan ko. Kung dati may halong lambing ang pagtawag nya sa pangalan ko, pero ngayon parang balewala nalang ito. "Anong ginagawa mo dito?" Bumuka ang bibig ko pero walang salitang lumalabas kaya napatikom nalang ako saka napayuko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Parang nawala lahat ng confident ko ng makita ang babae at si Walter. Kahit hindi ko itanong ay hindi naman ako bobo para hindi mabasa kung anong ginawa nila. "Pasok ka." Napaangat ako ng tingin ng magsalita sya. Niluwagan nya ang pinto. Napatingin ako sa babae. Nakangiti parin sya. Nagtataka ako dahil parang okay lang sa kanya na pumasok ako. Tumango nalang ako saka pumasok. Napatingin ako sa paligid. Ang linis at neat, gaya ng ugali ni Walter. Masyado kasi syang neat pagdating sa mga gamit nya. "Maupo ka." Turo nito sa mahabang sofa. "S-salamat." Umupo ako. Lumapit naman ang babae kay Walter na agad hinapit nito ang bewang dahilan para magkadikit sila. Napakagat labi ako para pigilan ang namumuo kong luha dahil sa nakikita ko. Kahit alam ko na nasasaktan ako kapag tinitignan ko sila ay hindi ko naman maiwasan na tingnan sila. "I'll just take a shower babe." Malambing nitong sabi. "Okay." Tuloyan na akong napaiwas ng halikan nito ang labi ng babae. Ilang beses kong pinikit at idilat ang mata ko para pawalain ang luha. Ayokong umiyak. Ayokong umiyak sa harap nya. Pinangako ko sa sarili ko kahit mahirap at masakit ay hindi ko sya susukuan. Huminga ulit ako ng malalim bago sya hinarap. Nakaupo na sya ngayon sa kaharap kong sofa. Nakasuot na din sya ng roba. "Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Hindi ako nakasagot pero kahit na hindi ako magsalita ay alam ko na alam nya kung paano ko nalaman kung saan sya nakatira. "That damn Blood." May bahid ng inis nitong sabi. "W-wag kang magalit kay Zachary." Bigla akong napalunok ng tingnan nya ako ng nakakunot ang noo. Iba na nya akong tingnan ngayon. Kung noon, tinitingnan nya ako ng may pagmamahal ngayon ay palaging nakakunot ang noo sya sa twing tinitingnan nya ako. Napailing nalang ako sa mga naiisip ko. "Hindi naman nya kasalanan. Talagang kinulit ko sya at hindi tinantanan hangga't hindi nya sinasabi sa akin kung saan ka nakatira." "Still the same." Napanguso ako sa sinabi nya pero napangiti din. Alam parin pala nya na makulit ako. Napabuga ito ng hangin. "So, what are you doing here?" Nawala ang ngiti ko ng tanungin nya ako sa malamig na paraan. Nakaramdam na naman ako ng kirot dahil sa pananalita nya. Huminga ulit ako ng malalim saka hindi pinansin ang kirot sa dibdib. Pasasaan din at makukuha ko din sya at pagnangyari yon ay hindi ko na mararamdaman ang kirot na to. "Dinalhan kita ng pagkain." Binigay ko sa kanya ang paper bag na naglalaman ng pagkain at cake na binake ko. Hindi nya tinanggap yon kaya nilagay ko nalang sa mesa na nasa gitna namin. Isang mahabang katahimikan naman ang namayani sa amin. Ano ba Meadow, say something. Para yatang umurong ang dila ko ng makita ko sya. Habang hindi ako mapakali sa inuupuan ko ay tinitingnan naman nya ako ng walang emosyon at parang naiinip na. Tama na! Kahit paulit-ulit ko na tong sinasabi sa kanya at alam kong naiirita na sya ay sasabihin ko parin dahil yon naman talaga ang nararamdaman ko. "M-Mahal kita Walter." Wala akong sagot na nakuha mula sa kanya bagkos ay tiningnan nya lang ako ng blangkong mukha. "P-Please come back to me. I'll do everything you want." Napayuko naman ako at tuluyan ng nagsilaglagan ang mga luha ko. "Everything?" Kahit malamig ang pagkakasabi nya ay tumingin ako sa kanya at tumango. "All I want you to do is..." Halo-halong emosyon naman ang nararamdaman ko ng magsalita sya. Parang sinasabi na nya kung ano ang pwede kong gawin para lang bumalik na sya sa akin. Lahat gagawin ko para lang bumalik at mahalin nya ulit ako at pagnangyari yon ay hinding hindi ko na sya papakawalan kahit na anong mangyari "To stop this s**t! And stay away from me." Para naman akong natauhan sa pagda-daydream ko ng sinabi nya iyo ng dahan-dahan na may kasamang diin. Pagkatapos nyang sabihin yon ay dumating na din ang babaeng kasama nya kaya umalis na din ako dahil naghahalikan sila sa harapan ko at kulang nalang ay mag-live show sila sa harapan ko. Wala na ba talagang pag-asa na bumalik ka sa akin? No! Meron pa. I won't give up easily. I'm Meadow Blackwood, ang babaeng palaban at hindi basta-basta sumusuko. I'm gonna take you back again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD