Chasing You - 12

1637 Words
Meadow's POV: Umalis na ang doctor at gulat na gulat naman ang mga kasama ko, lalo na si King dahil sa ginagawa ni Walter kay Ally, hinaplos-haplos nya kasi ito sa mukha at buhok habang nakaupo sa tabi nito at nag-aalalang tinignan ito. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na si Allison ang babaeng dahilan kung bakit nya ako hiniwalayan at iniwan. Napatigil naman ito sa ginagawa nya ng magsalita si Zachary. "Oy! Musta Crest? Long time no see ah." Siniko naman sya ni Xander at napatingin sa amin si Walter na parang wala lang. Si Cresent ang tinutukoy nyang Crest, yon kasi ang tawag nya kay Mof. Napatingin ako kay Walter na parang wala lang kung tingnan kami. Ganon lang yon? Para wala lang nya kami kung tignan. "H-Haha Oo nga eh. Ito okay lang. He he he." Tumawa naman ng mahina si Cresent pero halatang napipilitan. "Hey." pormal na bati ni Xander. "Yow!" balik bati ni Cresent sa kanya. Kasundong kasundo ni Cresent ang dalawang yan kaya ganyan kung magbatian. ""Mead." Tangong bati nya sa akin na ikinagulat ko pero agad naman akong ngumiti sa kanya. "Xand." Tumango naman ako. "Oy! Nandyan ka pala Mead. Hehe hindi kita napansin, si Crest lang nakita ko eh." Biro nya. Alam ko naman na napansin nya ako, hindi nya lang talaga feel ang atmosphere sa loob ng silid na ito. "Yeah right." Pagsu-sungit ko sa kanya. "Ay! Masungit na." Bulong nya pero narinig ko naman kaya tiningnan ko sya ng masama, nag-peace sign naman sya (^__^)V tsk! Binalik naman ni Walter ang tingin kay Ally. Nakatitig lang ako sa kanya. Tanga ka ba? May asawa na yan! Habol ka pa rin ng habol! Nandito ang asawa oh! Nandito! Ang sarap isigaw yan sa mismong mukha nya para itigil nya ang ginagawa nya. Bitter lang? Watever! Ewan ko sa mga kasama ko kung napaos o napepe ba at ayaw magsalita. Parang kaming apat lang ang magkakasama. Napatingin naman ako kay King na hanggang ngayon ay nagugulat parin sa ginawa ni Walter. Sapakin mo nga yan King ng matauhan. "Magkakilala kayo?" Tanong ni Gray, at last may nagsalita na din. Kasi ilang sandali nalang at hindi pa sila nagsalita, talagang mapapanis na ang mga laway nila. Eww! "Ah Oo. K-Kaibigan namin." Sagot ni Cresent. "Sya nga pala guys, si Gray, boyfriend ko." "Ano!? May boyfriend ka na? Bakit hindi mo ako hinintay Crest? Ang duga mo naman eh." Pagmamaktol ni Zachary. May gusto kasi sya kay Crest pero hindi namin alam kung totoo ba yon o biro kasi parati nyang binibiro si Cresent, pero kaibigan lang ang turing ni Sent sa kanya. Nakita ko naman na hinawakan ni Gray si Cresent sa bewang. Ayaw maagaw ha? "Haha baliw." Natatawang sabi nya kaya napanguso naman si Zachary. "Sya naman si Faith, si Darwin boyfriend nya. Ito naman si Fayre at si Troy boyfriend nya." Isa isa nyang tinuro ang mga kaibigan namin at nakipag-shakehands sa kanila. "Si S-Seb, m-manliligaw ni M-Meadow." Pakilala ni Mof kay Sebastian na parang nagdadalawang isip pa. "Hello dude." Bati ng dalawa sa kanya sabay shakehands. "Hello." Balik bati naman ni Sebastian. Napatingin naman ako kay Walter na hindi parin kami nililingon at nakatingin lang kay Ally. Did you heard that Walt? May nanliligaw na sa akin. Wala ka bang ire-react dyan? Kumirot naman ang puso ko dahil hindi man nya lang ako tinapunan ng tingin at nakatitig lang kay Ally. Mahal mo ba sya? Parang gusto kong maiyak! Bakit ganon? Bato na ang puso ko pero ng makita ko sya bigla nalang naging mamon, bigla nalang lumambot. "Ako nga pala si Xander, sya naman si Zachary." Turo nya kay Zachary na ngumiti naman. "At sya naman si Walter." Turo nya sa kanya pero hindi parin kami nililingon nito. "Pagpasensyahan nyo na. hehe. May PMS eh - - - OUCHH!" Siniko ulit kasi sya ni Xander. "Ano nga palang ginagawa nyo dito?" Tanong ni Xander. "Ahh... Kaibigan kasi namin si Ally. Kami din ang nagdala sa kanya dito kahapon. Kayo?" Balik tanong ni Cresent. Sasagot na sana si Xander ng biglang nagsalita si King. "What the hell do you think you're doing?" Mahina pero may diin na tonong tanong ni King. "And who the hell are you?" Tumayo naman si Walter at hinarap si King. "Walt relax lang, mga kaibigan sila ni Aye." Pagpapa-relax ni Xander dito. "Tsk!" "Sino ba sya Crest my labs?" Taas babang kilay na tanong ni Zachary. Tila ba iniinis si Gray at hindi nga sya nabigo dahil nakita ko kung paano napatiim bagang si Gray. "Don't call her like that!" Madiin nitong sabi. "Eh paano kung gusto ko?" Pang-iinis ni Zachary kay Gray na nginitian pa ng nakakaloko. "Oops oops oops... Enough guys." Awat nya sa dalawa. "Sya si Blake, asawa ni Allison." "WHAT!?" Sabay na sigaw nilang tatlo. Natakpan naman namin ang mga tenga namin dahil sa nakakabingi nilang sigaw. Makasigaw naman. Sobrang shock lang? "What the hell were you sayin'?" Pa-slang na tanong ni Walter. Bakit galit ka? Dahil ba may asawa na ang pinagpalit mo sa akin? Woke up dude! "Is this a fcking joke?" Ayan! Napamura na si Xander. "It's not funny Cresent." Galit na sya. Ganyan magalit si Zachary, tatawagin ka sa buo mong pangalan. Bakit parang galit sila? Lahat ba sila may gusto kay Ally? "It's true." Taas noo kong sagot. "What's wrong with that?" Yeah! What the hell is wrong with that!? "Who the hell do you think you are to marry her?" Galit na tanong ni Walter, pinigilan naman sya nina Xander at Zachary. "Ano bang pakialam mo at sino ba kayo!? Nagkagulo lang ng dumating kayo dito!!" Sigaw ni King. Hindi na napigilan ang galit nya. Pinigilan naman sya nina Troy at Darwin habang si Seb ay tahimik lang sa tabi at ang mga babae naman ay nakikinig lang at halatang natatakot na magkagulo. "Kami lang naman ang... " Hindi  na natuloy ang sasabihin ni Walter dahil nagsalita si Xander. "Her family." Seryosong sabi nya. Kumalma naman si King ng sabihin nya ito. Her family? Kapatid? Wala naman silang nabanggit sa akin na may kapatid silang babae o kaibigan na babae, dahil sa twing magkakasama kami ay sila lang ang palaging kasama ni Walter. At isa pa, sinabi sa akin noon ni Walter na only child lang sya. "Kapatid?" Takang tanong ko. "Wala naman akong maalala na may kapatid kayo o kaibigan kayong babae. Hindi nyo naman sya napakilala sa amin dati ah." "It's a long story." Seryosong sabi ni Zachary. "Then make it short!" Sigaw ko. "Mof." Tawag sa akin ni Cresent pero hindi ko sya pinansin. Nalilito na ako. I want to know the truth! "Kaano-ano mo ba talaga sya Walter?" Tanong ko sa kanya pero nakatingin lang sya sa akin ng blangko. "Sya ba si Aye? Ang Aye na dahilan para hiwalayan mo ako?" Umiwas naman sya ng tingin and that's hurt me. Wala na akong pakialam kong may nakakarinig sa amin ngayon, basta ang gusto ko lang ay malaman kung sya ba talaga si Aye. Ang babaeng dahilan para hiwalayan nya ako, ang babaeng umagaw kay Walter sa akin. "Sagutin mo ako Walter! Sya ba?" Turo ko sa natutulog na Allison. "Sya ba?" Tiningnan naman nya ako ng blangkong mukha, the last time that I saw that blank face it was 5 years ago. Bumuntong hininga naman sya. "Kailangan na natin umalis Walt." Sambat ni Xander. "Mauna na kami. Babalik nalang kami pagnagising na si Aye." umaling naman sya kay King. "Take good care of her." Tumango naman ito bilang sagot. "S-Sige. Babye." Paalam ni Cresent. Lumabas naman sila. Umalis na naman si Walter na hindi sinasagot ang tanong ko. Mas dinagdagan nya pa. Ang sakit! Ang sakit kasi nga hanggang ngayon mahal ko parin sya, na hanggang ngayon nasasaktan parin ako. K-Kailangan ko syang habulin. Dahil kapag hindi ko pa sya hinabol baka magsisi ulit ako, tulad ng nangyari 5 years ago, na hindi ko sya hinabol kaya hindi ko sya naabotan kinabukasan. Tumakbo ako palabas ng kwarto at hinabol sila, tinawag pa ako ni Cresent pero hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Kailangan ko syang maabutan. Nakita ko naman sya, kasama ang dalawa na naghihintay sa pagbukas ng elevator. "Walter." Habol hininga kong sambit ng pangalan nya. Lumingon naman sya sa akin na nakakunot ang noo. Bumukas naman ang elevator. "Hintayin ka nalang namin sa baba." Tinapik naman ni Xander ang balikat nito at ganun din ang ginawa ni Zachary. Tumango naman sya at hinintay na sumara ang pinto ng elevator bago ako nilingon ulit. "Bakit?" Walang emosyon na sabi nito. "S-Sya ba yon?" Nauutal kong tanong. Tumango naman sya dahilan para magsibagsakan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. "N-Ngayon na may asawa na sya... " Lumunok naman ako bago bitawan ang mga susunod kong sasabihin. "Pwede ka na bang bumalik sa akin?" Nagmamakaawa kong tanong. Umiiling naman sya dahilan para mas lalo akong maiyak. "P-Pero bakit?" "Akala ko naka-move on ka na kasi limang taon na ang nakakalipas, lalo na ngayon na may nanliligaw na sayo." Habang sinasabi nya iyon ay parang wala lang sa kanya. Na balewala na lang ako sa kanya. "M-Mahal parin kita Walter." Umiiyak na sabi ko. "Please come back to me." Nagsusumamo kong sabi. "Please." "I can't." "But why!? Tell me why!?" Ang sumunod na sinabi nya ang tuluyang nakapagpadurog ng puso ko. "Because I don't love you anymore." "But I still love you and I will win you back." Yes! I'll do anything to win you back! You'll be mine again. I won't give up. "Masasaktan ka lang." And with that pumasok na sya sa elevator hanggang sa sumara ito. "Mahal kita Walter!!" Sigaw ko bago ito tuluyang sumara. I will win you back. I know you still love me. Desperada na kung desperada. Tanga na kung tanga pero mahal ko sya. Mahal ko pa rin sya. Sya parin talaga. Sya parin ang mahal ko. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang isang imahe ng lalaki na nakatingin sa akin. Parang gumuho naman ang mundo ko ng umalis sya. I'm sorry. Please come back. Please don't leave me. I was expecting that he will comfort me but NO, he didn't. He walk away... Sebastian...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD