Meadow's POV:
Habang nag-uusap kami ng mga babae ay bigla namang bumukas ang pinto at may tatlong lalaking pumasok. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng makita ko kung ang isa sa mga kasama nila na matagal ko ng hindi nakikita.
Napatayo naman ako sa kinauupuan ko at ganun din ang mga kasama ko. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Cresent ang braso ko, napatingin naman ako sa kanya at kitang kita ko sa mga mata niya ang pag-alala. Kaya ko to. Napatingin ulit ako sa mga dumating. Walter. Sambit ko sa isip ko.
Napatingin naman kami sa isang pintuan dito sa loob ng silid at lumabas ang mga lalaki galing sa kusina at lumapit sa amin. Hindi ko napansin na tinawag pala sila ni Fayre dahil masyado akong nakatutok sa lalaking kaharap ko ngayon. Napatingin naman ulit kami sa pinto kung saan galing ang tatlo at pumasok ang isang Doctor at may kasamang dalawang nurse na babae.
Lumapit naman ang doctor kay Ally, pati ang dalawang nurse at chineck ang mga sugat at dextrose ni Allison. Agad namang lumapit si Blake sa kanang side ng bed ni Allison, lumapit din ang tatlo sa kaliwang side ng bed ni Ally.
Bago paman nakapagsalita si King ay nagsalita na si Walter. "How's Aye doc?" nag-aalalang tanong nito.
Nahugot ko naman ang hininga ko at napantig ang tenga ko. Aye? Napatingin naman ako kay Allison. Siya si Aye?
"She's safe and fine, she just need some rest. We just have to wait when she will be wake up." marami pang sinabi ang doctor at diniscuss sa kanila pero parang wala akong naririnig.
Nakatitig ako kay Allison. Ikaw si Aye?
** FLASHBACK **
"Sagutin ko lang to hon." paalam nya sa akin.
Tumayo naman sya at lumayo. Kailangan talaga lumayo? Sino naman kaya yun? Napapadalas ng may tumatawag sa kanya this past few dates namin. Ayoko naman sya pagdudahan dahil mahal ko sya at may tiwala ako sa kanya.
Nakaramdam naman ako ng tawag ng kalikasan kaya tumayo ako at pumunta ng CR. Pero hindi pa ako nakakalapit ng CR ay nakita ko sya na nakatlikod sa direksyon ko...
" Nasaan ka ba ngayon?... Oh sige... Hintayin mo nalang ako dyan... Aye! Stay there, okay? " Aye? Who the hell is that? " Okay... I miss you too... Just wait me there, I love you... " at binaba na nya ang cellphone nya.
Para akong binuhusan ng isang malamig na malamig na tubig, na sa sobrang lamig ay nanginginig ang katawan ko.
' I miss you too... Just wait me there, I love you... '
' I miss you too... Just wait me there, I love you... '
' I miss you too... Just wait me there, I love you... '
Nagpa-ulit-ulit naman ang mga salitang yun sa isip ko na parang isang sirang plaka. A-Anong ibig sabihin non? M-May iba sya? Agad naman akong umalis at bumalik sa pwesto namin dahil nakita kong pabalik na sya sa pwesto namin.
Hindi. Wala. Wala syang iba. Ang sabi nya ako lang ang mahal nya at ako lang ang girlfriend nya. Mahal nya ako. Mahal nya ako.
Isang taon na nanligaw sya sa akin at dalawang taon naging kami, imposible na itatapon nya lang ang tatlong taong pinagsamahan namin at ang masasayang alaala na sabay naming binuo.
No. Baka naman kapatid nya lang yun. Tama! Pero wala naman syang sinabi sa akin na may kapatid sya at ang dalawa nyang kaibigan ang tanging nakilala ko. Ang sabi nya ay wala na syang mga magulang at sila nalang ang pamilya nya. Nalilito na ako. Napahinto naman ako sa pag-iisip ng tawagin nya ako.
" Hon? "
I try my best to smile. Dapat hindi ako magpahalata na may narinig ako dahil kung totoo na may iba sya ay dapat malaman ko kung sino ito. Sino ang Aye na yan.
" H-Hon? " ano ba boses, makisama ka. Mahahalata tayo nyan eh.
" Pwede bang umuwi na tayo? May nakalimutan kasi ako, may gagawin pala akong report para bukas. " pagdadahilan nya.
" O-Okay. "
Report o babae mo?
********
Nawala din naman ang paghihinala ko dahil palagi nya pa rin akong niya-yayang mag-date, hatid sundo pa rin nya ako at wala naman nagbago sa kanya. Mas naging sweet sya at extra effort sa relationship namin.
Isang araw ay niyaya nya akong mag-date sa isang sea side. It was almost perfect. Almost. Almost perfect if he didn't broke up with me.
" I'm sorry Mead, but we need to end this relationship. " I was all shock. He called me by my name. I can't find a word to say para sa pamatay nyang linya.
" Y-You're kidding, right? " tumawa pa ako pero halatang pilit. Nararamdaman ko na umiinit na ang gilid ng mga mata ko. Tears, that waiting the right time to fall down. " Right? " pero hindi sya sumagot at umiiwas lang ng tingin sa akin. Hinawakan ko ang magkabila nyang braso at hinarap sya sa akin, tumingin naman sya sa akin ng seryoso. " Hon you're just kidding right? Right? "
Imbis na sagutin nya ako ay yumuko lang sya at bumuntong hininga. hinawakan nya ang dalawa kong kamay na nasa balikat nya at dahan-dahan nyang binaba ito. Tiningnan naman nya ako sa mga mata ko ng blangkong mukha na ikinagulat ko. He never stared at me like that.
" I'm sorry. " tinalikoran na nya ako at nagsimula ng lumakad palayo sa akin.
" Is this about that Aye? " hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin sya. Napahinto naman sya sa paglalakad pero hindi nya ako nilingon. " Is it? " please say No, please come back to me and say that it was all a prank, that it was all just a joke. A fcking joke!
" I'm sorry. " yun nalang ang sinabi nya at tuluyan ng nawala sa paningin ko.
Bumagsak naman ako sa kinatatayuan ko at nakuyom ang kamao ko. No. He just broke with. Walter just broke up with me. Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina pa gustong-gustong kumawala sa mga mata ko. Why? Bakit Walter.
" Is this about that Aye? "
" Is it? "
" I'm sorry. "
Naalala ko naman ang tinanong ko sa kanya. So totoo? Dahil sa kanya? Dahil sa babaeng yun? Dahil sa Aye'ng yun? Kaya nya ako iniwan dahil sa babaeng yun?
" Arrrrrrgggghhh!!! I HATED YOU!! " I hate you who ever you are. Hahanapin kita kung sino ka mang babae ka!
** END OF FLASHBACK **
Sinubukan ko pang magmakaawa sa kanya kinabukasan para lang balikan at wag akong iwan pero pagdating namin sa condo nya wala na sya, umalis na sya at hindi na nagpakita.
At ngayon na okay na ako, na nakamove on na ako dahil kay Seb, ito sya ngayon. Bakit nagpakita ka pa?
Ngayon hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko o kung tama ba ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko syang yakapin ng mahigpit at sabihin na namiss ko sya ng sobra sobra. Namiss ko ang maamo nyang mukha, ang ngiti nya, ang boses nya at ang mga malalambot nyang labi.
He is my first kiss...
My first love...
And...
My first heartbreak...
Nakita ko naman kung paano nya hinaplos ang mukha at buhok ni Ally na dati sa akin nya ginagawa. Napabuntong hininga naman ako para pigilin ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan simula ng makita ko sya kanina.
How much I missed him. Mas lalo syang gumuwapo, mas nag-build ang katawan nya at muscle.
Ngayon ko lang narealize, hindi pa talaga ako nakaka-move on. Na mahal ko parin sya. Na infatuation lang ang nararamdaman ko para kay Seb.