Hindi na nagkomento pa ang kanyang Ina sa kanyang sinabi na nagsampa na s'ya ng annulment laban kay Sierge. Nagpahinga muna si Mika dahil hindi n'ya maintindihan ang kanyang sarili. Para bang may mali ngayon sa kanya. Hindi naman talaga s'ya napagod. Pero nagtaka s'ya kung bakit nakaramdam s'ya ng pagkahilo. Matapos s'yang makapagpahinga at naging okay na ang kanyang pakiramdam ay muli s'yang bumaba. Nagpakuha siya ng mainit na tubig sa katulong upang inumin n'ya dahil medyo malamig ang kanyang sikmura. " Mommy.." Anang tinig ni Shen na biglang lumapit sa kanya. Agad naman s'yang napatingin rito. "Oh, Shen, may kailangan ka ba?" Tanong naman niya rito. "Yes po, Mom." Sabi agad nito. " Oh ano yan?" Tanong naman n'ya sa anak. "Bukas kasi, babalik si Daddy Sierge rito. At ipagp

