"Okay po, dad. Halika na, Sendrick." Sabi naman ni Shen sa kapatid na lalaki. " Opo, ate." Tugon nitong sumunod naman agad sa ate. Nakatayo lang si Mika at hindi umupo. Dahil wala naman kasi s'yang balak na harapin ng matagal si Sierge kung ano ang kailangan nito ngayon sa kanya. "Sabihin mo na, dahil buong hapon akong walang pahinga ngayon, Sierge at gusto ko na sanang makapagpahinga agad. " Kaagad na wika n'ya rito. "H'wag mong mamasamain ito, Mika. Sana ay h'wag mong ikagagalit ito." Sabi pa ni Sierge at may kinuha ito mula sa malaking paper bag na sinadya nitong itago iyon. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makitang mga bulaklak Ang inilabas nito mula roon. Para s'yang itinulos na kandila nang ini-abot nito iyon sa kanya. "Una sa lahat i'm sorry sa lahat ng pagpapasakit ko

