"Nasa tamang pag-iisip ka pa ba Sierge? sa ngayon ay mag-asawa pa tayo sa papel pero darating din tayo sa punto na maghihiwalay din tayo ng lubos at ma-annul na rin ang kasal natin! kung ganyan lagi ang ipinakita mong ugali, ay lalong hindi kita matatanggap kahit kaibigan na lang sana! at isa pa, hindi ko nakakalimutan ang ginawa mong kapangahasan sa akin sa hotel! hindi ka nakakatuwa, Sierge! at mas mabuti nang prangkahin na lang kita na hindi na kita mahal! simula nang araw na mas pinili mo si Nathalie ay unti-unti na din kitang binura sa puso ko! at ngayon, nagpasalamat ako na nandito si Lance, na dumating siya sa buhay ko kaya lubos na kitang nakalimutan!" Nanggigil na talaga n'yang wika rito. Parang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Sierge nang marinig ang mga sinasabi ni Mika. Lu

