Saglit lang s'yang umiyak at pinahid agad ang kanyang mga luha. Umiyak s'ya hindi dahil talunan s'ya nito, kundi umiyak s'ya dahil sa kanyang galit dahil sa pananakot nito sa kanya para lang sumakay lang siya sa kotse nito. Narinig naman n'ya ang paghinga nito ng malalim bago pina start ang kotse nito. At sa galit n'ya rito ay hindi na s'ya nagsasalita pa. "Ikaw kasi.. sorry na please, Mika." Sabi pa nito sa kanya. Nakadama s'ya ng pagkailang kay Sierge. At hindi lang yun, nakadama na s'ya ng takot rito dahil sa ugali nito na parang hindi nagpapatalo. " Saan kita ihahatid, Mika?" Tanong pa nito sa kanya sa kalagitnaan ng pagmamaneho nito. Hindi parin siya umimik rito. Ano ba talagang gusto nito? na maging okay na lang sila? hindi naman n'ya mapipilit ang kanyang sarili na makipag

