Heto na naman si Sierge. Ipinaalala na naman sa kanya na ama daw ito sa mga anak n'ya. Pilit na naman niya itong tiningnan. "Sino ba kasing nagsabi na hindi ka ama ng mga anak ko? kahit ilang beses ka pang maging ama, pero hanggang sa mga anak na lang at wala ka nang pakialam pa kung ayokong sasakay sa kotse mo. Porke't ikaw ang ama ng mga anak ko ay basta na lang din ba akong sasama sa'yo? hindi kita kaibigan, baka nakakalimutan mo?" Hindi na naman niya napigilang magsungit rito. Pakiramdam n'ya kasi ay unti-unti itong lumalapit sa kanya na hindi lang sa mga bata. At iyon ang labis n'yang ikinainis dahil pagkatapos ng lahat ng ginawa nito ay ang kapal ng mukha nitong lalapit muli sa kanya. " It wouldn't be bad to help you with something simple like this, would it?" Parang nagalit pa

