"Sierge, hihingi na ako ng pasensya. Okay, sige, mali nga ako dahil hindi kita nilapitan at hindi ako nagrespeto man lang kunti sa'yo. Sorry." Sabi naman ni Lance. " B-bakit s'ya pa? m-marami namang babae na pwedi mong ligawan at seryosohin. Kasal kami ni Mika, Lance. Kaya alam mo na kung anong tawag sa'yo, sakaling sasagutin ka n'ya." Sabi pa ni Sierge sa kaibigan. "I know. Pero may paraan naman ang lahat diba? kaya sundin ko ang tinitibok ng puso ko. Handa kong punan ang lugar mo sa pamilya mo, handa akong magpaka ama sa mga anak mo kay Mika." Seryosong wika ni Lance. Nagulat si Sierge sa kanyang narinig mula sa kaibigan. "Nasisiraan ka na ba?" Di mapigilang matigas na wika ni Sierge sa kaibigan. " Sierge, wala ka nang pakialam pa. Pinili mo si Nathalie diba? so, bakit nangingi

