Nakipagsukatan na s'ya ng tingin sa kanyang dating asawa at ipinakita n'ya rito na hindi s'ya natutuwa ritong kinausap s'ya nito. "Wala kang alam kung paano kami nagkakilala ni Mr. Lance Salazar. At isa pa, labas kana kung ano man ang buhay ko ngayon, Mr. Saleem. Kung nakipaglapit man ako sa kaibigan mo, wala ka na do'n. Atupagin mo ang buhay mo, h'wag ang buhay ng ibang tao." Inis na wika n'ya rito. Nanlaki ang mga mata ni Sierge sa gano'ng pananalita n'ya rito. Alam n'yang gulat ito dahil iyon ang unang beses na narinig s'ya nitong nagsusungit. At nagmamadali na n'ya itong iniwan. Napatiim-bagang naman si Sierge nang maiwan sa comfort room na iyon. Labis pa n'yang ikinainis dahil hindi n'ya talaga alam na naging malapit pala ang kaibigang si Lance sa kanyang asawang si Mika. At

