Parang nakadama ng kilig si Mika nang makatanggap s'ya ng mga bulaklak ng umagang iyon. Sino kaya ang nagpapadala sa kanya nito? bakit kailangan pang maging secret admirer? tiyak n'yang kilala s'ya ng kung sino man ang kanyang secret admirer na nagbibigay ng mga mamahaling bulaklak ngayon sa kanya. Di naman n'ya maiiwasang ma-curious kung sino kaya ang lalaking ito. Aaminin n'yang nakadama naman s'ya ng tuwa ngayon sa mga bulaklak. Para tuloy s'yang bumalik sa pagteenager. Halatang mamamahalin pa ang mga ito. Kauuwi lang n'ya kahapon mula sa New York. Sa New York kasi naka schedule ang modeling nila sa High-fashion runaway shows noong mga nakaraang araw. Sa isang taon ay dalawang beses ang schedule sa New York, winter iyon at summer. At may schedule din sa ibang bansa tulad ng Lond

