Maaga s'yang naligo at sumabay sa almusal sa kanyang mga anak. Natuwa naman ang mga ito nang makita s'ya ng mga itong maagang nagising at bagong ligo. " Good morning po, Mommy." Nakangiting bati ni Shen sa kanya. "Good morning po, Mommy. Okay na po ba kayo? buti naman po kung okay na kayo." Malungkot pa ang mga matang wikang tanong sa kanya ng anak na lalaki. Nakita din n'yang naroon na rin ang kanyang inang si Camela sa hapag. "Good morning, Mama." Nakangiting bati ni Mikaellah sa kanyang ina. "At good morning din sa inyo mga baby ko. Yes, okay na ang Mommy n'yo. Lumipas din ang lungkot at sakit kaya okay na rin at wala ng problema." Nakangiting tugon ni Mika sa kanyang mga anak. "Hayst, thank you naman po, kung gano'n, Mommy." Wika naman ni Shen. "H'wag kayong mag-alala mga

