Hindi na lang nakipag argument si Mika sa mga kaharap na mga bisita ng sister in-law na si Kristina at ng kanyang Kuya Mico. Hindi na lang s'ya tatanggi, total, simpleng bagay lang naman iyon. Pagkatapos ng salu-salo at pictorial ay pwide na s'yang umalis. Hindi nga lang s'ya makapaniwala na magkakalapit na ang kanyang nakakatandang kapatid ngayon at ang kanyang dating asawang si Sierge. Matapos silang nakakausap ay sabay na rin silang tumungo sa likod ng mansion kung saan may malaking dining table roon at may malaking punong kahoy na malamig na hangin. Pinatawag na sila ni Mico sa isang katulong dahil tapos na ang mga itong mag meeting sa likod at sisimulan na ang kanilang salu-salo. Pagdating nila roon ay napahanga pa lalo si Mika dahil mas naging maayos na tingnan doon kaysa dati nang

