Namangha pa si Mika sa narinig muli sa kanyang dating asawa. Bakit ba kasi tinanong pa n'ya ito? "Hindi gano'n kadali, Sierge. Kahit lumipas pa ang mga taon ay nanatili paring hindi ko makakalimutan ang lahat na mga pinagdaanan ko sa'yo. Kaya nga mahirap tanggapin kahit kaibigan ka na lang sana. Gusto ko lang kasing malaman kung anong pakay mo sa pakikipagkaibigan mo dahil kung mas higit pa roon ay ikinalungkot kong hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay muli sa'yo. At patutunayan mo muna sa akin ngayon kung bagay ba kitang muling kakaibiganin. Iyon lang." Mahabang wika ni Mika rito. Gusto n'yang pahirapan ito kahit sa simpleng pakikipagkaibigan lang upang tuloyan nitong marealized na hindi na gano'n kadali kung ano man ang iniisip nito. Wala na kasi talaga s'yang balak pa

