Na bad trip tuloy ang lakad ni Mika ng mga sandaling iyon. Ang lakas pa talaga ng loob ni Sierge na sabihin ang mga iyon sa kanya, ang pagiging karapatan daw nito sa kanya at sa kanilang mga anak. Habang nagmamaneho s'ya sa kanyang kotse ay napag-isip n'yang bibilhin na lang talaga ang Lote. Bahala na kung kay Sierge ito galing, ang mahalaga ay hindi niya ito hiningi. Sa paglipas ng ilang araw ay naibigay na nga sa kanya ang documento ng nasabing Lote. Subalit laking inis n'ya nang ibinalik ni Sierge ang pera at may note itong ihulog na lang daw n'ya sa bangko ng kanilang mga anak ang pera na kanyang ibinayad rito para sa lote. Siniguro muna ni Mika na makaalis sa school ang dalawang anak bago s'ya nagalit at nakipag-usap sa kanyang Ina. Ayaw n'ya kasing marinig ng mga anak na galit n

