The Ghost Train : ZANETTI

683 Words
(Ang Misteryosong Pagkawala ng Tren sa Isang Tunnel sa Italy) (Marami sa atin ang nahihilig sa mga kwentong may halong misteryo. Pero ang istoryang aking ikukwento sa inyo ngayon ay ang misteryosong paglalaho ng isang tren sa isang tunnel sa Lombard, Italy kung saan naglaho rin ang mga Italyanong turista na sakay nito.) (Ang Paglalaho ng Tren) (Ayon sa mga balita, noong 1911 ang tren na tinatawag na Zanetti ay umalis sa Roma kung saan kelangang dumaan nito sa isang Mountain tunnel sa Lombard. Ang tunnel na ito ay itinuturing na pinakamahabang tunnel sa Italy noong mga panahong iyon. Ngunit hindi inaasahan ang mga sumunod na pangyayari sa pagpasok pa lamang nito sa tunnel.) (Sa pagpasok ng Zanetti sa Tunnel ay bigla itong naglaho kasama ang 106 kataong pasahero nito. Nagtaka ang kumpanya ng Zanetti kung bakit ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin lumalabas sa kabilang dulo ng tunnel ang tren na kung tutuusin ay mahigit isang oras lang ang byahe sa loob nito. Nang ilang oras na ang nakalipas na hindi pa lumalabas ang tren ay nagpasya ang kumpanya na magpadala ng search and rescue team sa tunnel para imbestigahan kung ano ang nangyari. Ayon sa nagiimbestiga ay walang kahit na ano mang bahid ng ebidensya na naaksidente ang tren. Sa patuloy na pagsisiyasat ay natagpuan nila ang dalawa sa 106 na pasahero ng tren. Agad nila itong nilapitan at tinulungan. Nang mahimasmasan ang dalawang lalaki ay tinanong ito ng mga pulis. Ang sabi ng dalawa ay napansin daw nila ang itim at puting usok na unti unting binabalot ang tren pagpasok pa lamang nito sa tunnel. Sinabi pa nila na nang maansin ito ng mga pasahero ay nakaramdam ng hindi maipaliwanag na takot at pagkabalisa. Nang mapansin nila ito ay agad silang tumalon palabas ng tren. Ilang araw matapos maikwento ng dalawang survivor ang nangyari ay napagalaman na nagka psychiatric disorder ngunit naging maayos din naman paglipas ng panahon.) (Mula ng insidenteng iyon ay hindi na muling binuksan ang tunnel. Nung panahon ng World War 2 ito ay napinsala at nasira dahil sa mga airplane attacks.) (Mga Ebidensya) Pinanatili ng Railway Museum ng Italy ang tunnel. Nakapagtataka lamang dahil hindi masyadong inilabas sa mass media ang insidenteng ito na kung tutuusin ay may malaking impact dahil mga mayayamang Italyano ang lulan ng Zanetti. May pangilan ngilan lamang na balita patungkol sa paglaho nito.) (Walang sinuman ang nag-ungkat ng pangyayaring ito maliban sa isang kapamilya ng isa sa mga nawawalang pasahero. Sa kanyang pagsisiyasat sa mga records noong 1926 ay may isang record sa Mexico na kung saan may 104 na Italyano ang natagpuan at lahat sila ay nagsasabing sila ay naglalakbay mula sa Roma. At sa record na yun ay nakalagay ang 1845 na petsa kung kailan ito nangyari. Sinabi ng isang doctor sa Mexico na ang mga Italyano nagkaroon ng Mass madness at dinala sila sa Psychiatric hospital sa Mexico. Wala silang maipaliwanag kung bakit ang mga gamit at damit ng mga Italyano ay hindi tumutugma sa moda ng mga panahong iyon. Hanggang sa isa sa mga pasahero ang may natatagong kahon ng tobacco na may tatak na 1907 ang nakuha nila na hanggang ngayon ay nasa pamamahala pa ng Mexico.) Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa mgq tao ang paglalaho nito. Ngunit ang Zanetti ay napag-alamang nagpapakita sa iba't-ibang bansa gaya ng Russia, India, Germany, Italy, at Romania. Ang mga nakakita nito ay may pare-parehong deskripsyon. Sinasabi nilang meron itong makalumang modelo, walang tagamaneho at ang bintana ay natatakpan ng makapal na kurtina. Ngunit sa Russia, sinasabi nila na ito ay unang nakita sa Crimea, kung saan nakita ito na dumadaan sa lugar na wala namang riles at tipong nadadaanan ang mga manok. Noong taong 1991, muling nakita ang Zanetti sa Poltava at nang taon ding yun isang Paranormal Activity Scientist ang tumalon papasok sa tren na nakita ng maraming tao at hanggang ngayon at considered missing pa din. Marahil ay marami pa sa inyo ang gustong ungkatin ang mga bagay bagay patungkol sa Train Ghost na Zanetti. Ngunit hanggang dito na lamang muna tayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD