bc

Untold Stories

book_age4+
3
FOLLOW
1K
READ
kidnap
tragedy
twisted
serious
mystery
scary
supernature earth
abuse
disappearance
spiritual
like
intro-logo
Blurb

This is a compilation of stories that can actually broaden your knowledge. It is either a history, mystery, action and educational storytelling. If you have enough time or want more interesting storytelling you can visit my youtube channel named "Eyts Dji". Aside from teaching, reading and writing I also have the passion in making videos and storytelling. I do variety of videos and upload it on youtube. If you have any suggested story I will be very happy to do it . Lovelots.

chap-preview
Free preview
The Real Chainsaw Massacre Story
Hi, Hunnies! Napanuod niyo na ba ang movie na Texas chainsaw m******e? Dahil ang kwento natin ngayon ay tungkol sa lalaking pumatay ng maraming tao para gawing maskara, pagkain at kagamitan sa bahay. Sino nga ba ang lalaking ito? Bakit at paano nya naisip gawin ang mga bagay na ito? Simulan natin ang kwento sa ating bida. Si Edward Theodore Gein o mas kilala sa tawag na Ed Gein ay ipinanganak sa Plainfield, Wisconsin sa USA, noong August 27,1906. Ang kanyang mga magulang at isang kapatid ay payapang namumuhay. Ang kanyang tatay ay maraming naging trabaho at may isang maliit na tindahan. Ngunit meron itong isang bisyo na hindi maiwas iwasan. Ito ay ang pag-iinom ng alak. Palagi itong umuuwi ng lasing, dahilan para hindi nito maalagaan at masuportahan ang kanilang pamilya. Ito ang dahilan ng madalas na pagtatalo ng mga magulang ni Ed. Galit na galit ang nanay ni Ed sa kaniyang tatay dahil sa halos araw araw na paglalasing nito. Madalas itong natatanggal sa trabaho dahil sa bisyo nito. Nasaksihan ni Ed ang lahat ng ito. Pero sa kabila ng hindi pagkakaintindihan ng magulang nya ninais ng nanay nya na mapabuti ang kanilang pamumuhay kaya naisip nilang ibenta ang kanilang maliit na tindahan at lumipat sa bukirin. Sa lugar na ito ay hindi sila nakikisalamuha sa ibang kapitbahay. Nagsikap silang magsaka para sa kanilang kabuhayan. Si Ed at ang kapatid nyang si Henry ay nagpatuloy ng pag-aaral sa isang lokal na eskwelahan sa kanilang bayan. Naging isang magaling na estudyante si Ed lalo na sa pagbabasa. Ngunit sa murang edad ni Ed ay napansin ng kanyang guro ang kakaibang mga kilos nya. Sobrang mahiyain si Ed at madalas na tumatawa ng mag isa. Maraming naging kaibigan si Ed sa eskwelahan. Ngunit pinagbawalan siya ng kanyang nanay na makisalamuha sa mga ito. Kapag walangnpasok ay hindi sila pwedeng lumabas ng bahay. Ito ay dahil sa sobrang pagmamahal ng kanilang ina sa kanilang dalawa at sa sobrang galit nito sa kanilang ama. Sa sobrang galit ng nanay ni Ed sa kanilang tatay sa sobrang pag iinom nito dumating sa punto na galit na rin ito sa lahat ng tao bukod lamang sa kanilang magkapatid. Dahil sa relihiyon ng kanilang ina ay hindi magawang maghiwalay ng kanilang mga magulang. Ang kanilang nanay ay may malalim na paniniwala sa bibliya. Araw araw ay binabasahan sila ng kanilang ina ng mga pangaral mula sa bibliya. Iminulat nito amg kanilang kaisipan sa mga immoral na gawain, lalo na ang pag inom ng alak. Sinabi pa nya kina Ed na ang mga babae, maliban sa kanya ay mga instrumento ng demonyo. Iminulat nya sina Ed na sya lamang ang natatanging mabuting tao sa mundo at sya'y namumuhay ng matuwid sa gabay ng Bible. Dahil dito ay labis ang naging pagmamahal ni Ed sa kanyang ina at halos sambahin na nya ito.Di nagtagal ay namatay ang kanilang tatay dahil sa labis na pag inom ng alak. Dahil dito ay nagtrabaho na sina Ed sa bukid para sa pinansyal na pangangailangan. Si Ed ay malapit ang puso sa mga bata. Madalas siyang magbantay sa mga anak ng kanilang mga kapitbahay. Sinubukan ni Ed na makipagrelasyon sa ibang mga babae ngunit hindi nito magawa dahil sobra ang kanyang pagmamahal sa kanilang nanay. Sa kabila nito, ang kapatid niyang si Henry ay nagdesisyong iuwi ang kanyang kasintahan sa kanilang bahay. Nag-aalala na si Henry sa sobrang pagmamahal ni Ed sa kanilang ina. Sinubukan nyang siraan ito ngunit nasaktan lamang si Ed dahilan upang mas lalo pa nitong mahalin ang kanilang nanay at magalit sa kapatid. Habang nagtatrabaho ang magkapatid sa bukid. Biglang nagkaroon ng sunog sa bukid. Lumaki ito at ng di na maapula.ang apoy ay tumulong na ang mga pulis. Hindi mahanap ni Ed si Henry, ngunit patay na ng makita ito ng mga pulis. Sa pag iimbestiga ng mga pulis ay napag alaman na may mga sugat ito sa bahagi ng ulo ngunit hindi inisip ngga pulis na may foul play dahil ang lumabas sa autopsy ay namatay ito sa cardiac arrest. Sa kabila ng nangyaring ito ay itinuloy ni Ed at ng kanyang ina ang kanilang pumumuhay. Isang araw ay inatake sa puso ang kanyang nanay. Naparalisado ito kaya naman buong oras at atensyon nya ay itinuon nya sa kanya ina. Hindi nagtagal ay muli itong inatake dahilan para bawian ito ng buhay.Nalulungkot man sa kaalamang wala na ang pinakamamahal na ina at isiping mag isa na sya sa buhay ay itinuloy ni Ed ang kanyang pamumuhay. Ang kanya bahay ay napabayaan na at sobrang dumi maliban laman sa kwarto ng kanyang ina. Dahil sa halos pagsamba nya dito ay pinanatili nyang malinis at mabango ang kwarto nito. Di kalaunan ay nahilig si Ed sa pagbabasa ng libro na patungkol sa gyera. Ngunit kakaiba ang isa sa mga nakahiligan nya. Ito ay ang pagbabasa ng libro tungkol sa cannibalism o ang mga taong kumakain ng kapwa tao. Dito nagsimula ang lahat. Sa kabila ng normal na ipinapakita ni Ed sa mga tao wala silang kaalam alam na nawala na pala ito sa katinuan. Ang pagkamatay ng kanyang ina ang nagsimulang sumira sa kanyang kaisipan at di kalaunan si Ed na hinubog ng pagmamahal ng kanyang ina ay isa nang nakakatakot na baliw. May mga pagkakataon na ang mga batang inaalagan nya ay nagkukwento sa kanilang mga magulang na may nakikita sila sa bahay nito na iba't ibang parte ng katawan ng tao. Ngunit kapag tinatanong nila si Ed tungkol dito ay sinasabi nitong souvenir lamang ito galing sa pilipinas. Hindi naniwala ang mga magulang ng mga bata dahil inakala ng mga ito na nagbibiro lamang ang mga bata. Noong year 1940 to 1950, nagsimula na ang mga nakakasukang krimen ni Ed na tinawag na Butcher ng Plainfield. Sya ay pumapatay at kung minsan ay naghuhukay ng mga bangkay sa sementeryo. Minsan ay inaabangan nya ang mga inililibing bago ito huhukayin pagsapit ng gabi. Kung minsan ay ginagalaw muna nya ang bangkay bago ito hatiin at gamitin sa kung anong pwede nyang gawin. Noong November 16, 1957, isang tindera ang biglang naglaho. Nang imbestigahan ito ng mga pulis ay nakita nila ang mga patak ng dugo sa sahig. Ayon sa mga witness ay nakita nila si Ed na pumasok sa tindahan noong gabi bago mawala ang tindera. Base na rin sa imbestigasyon ay si Ed ang huling taong bumili dito mula sa resibong nakarecord sa tindahan. Nang gabi ring iyon ay hinuli ng kapulisan si Ed. At para sa mas matibay na ibedensya ay chineck nila ang bahay ni Ed. Ngunit nagimbal sila sa kanilang natuklasan. Halos bumaliktad ang sikmura ng mga pulis dahil sa mga nakita nila sa loob ng bahay nito. Tumambad sa kanila ang bangkay ng babaeng nawawala. Nakabitin ito patiwarik na parang isang hayop. Hati ang katawan nito sa gitna, at wala ng lamang loob. Putol din ang ulo nito na may mga pako at tali sa mga tenga. Dito na sumuka ang mga pulis dahil sa pandidiri. Dumating ang iba pang mga pulis at hinalughog ang buong bahay. Pumunta sila sa kusina at nakita nila ang kumukulong tubig katabi ang puso ng babae. Marahil ay isinabuhay nya ang mga nabasa nya patungkol sa cannibalism. Ang masaklap pa dito ay ipinamimigay nya ang mga lutong ulam sa kanyang mga kapitbahay.Naisip ng mga kapitbahay ni Ed na ang kinain nilang mga ulam mula rito ay galing sa karne ng mga tao. Sa patuloy na pagi-imbestiga ng mga pulis ay natagpuan pa nila ang madaming buto ng tao, mahigit sa sampung pugot na ulo na ang iba ay wala ng balat na ginagawang maskara ni Ed. Mga kagamitan na balot sa balat ng tao at mga bungo na ginawa nyang plato at dekorasyon sa kwarto. May mga putol putol ding maseselang bahagi ng katawan ng tao. Ang pinakanakaagaw sa pansin ng pulisya ay ang isang women's suit na gawa sa balat ng tao. Ginawa nya ito dahil gusto nyang maging katulad ng kanyang ina at maramdaman nya ito sa kanyang katauhan. Nang kumalat ang balitang ito ay nagimbal ang mga tao sa maliit na bayan. Dahil sa masusing imbestigasyon ay umamin din si Ed sa kanyang mga ginawa.. Inamin ni Ed ang pagnanakaw ng mga bangkay at ang pagkuha ng mga babaeng patay na kahawig ng kanyang nanay. Inamin rin niya ang pagbaril sa dalawang babae. Ilang beses na isinara at binuksan ang kaso ni na umabot ng sampung taon dahil sa nakikitang wala sa katinuan si Ed. May mga araw na inaamin nito ang kanyang nagawa, minsan ay itinatanggi ito at minsan ay sinasabi nitong hindi nya sinasadya. Nahatulan si Ed ng habangbuhay na pagkakulong sa isang mental hospital. Siya ay namatay noong July 26,1984. Sa edad na 77 years old dahil sa sakit na cancer. Sa huli ang pagmamahal ng kanyang ina ay lumikha ng isang halimaw sa mundong ibabaw. Sa pagkawala ng kaniyang pamilya ay naging isa syang katakot takot na halimaw.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
82.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
312.6K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook