CHAPTER 13

2125 Words
Ginawa naman niya ang sinabi niya dahil bago kami tuluyang makalabas ng hallway ay binitawan na niya ang kamay ko. Huminto din siya kaya napatingin ako sakanya. "You can head inside first," aniya. I gulped and nodded. "Thank you." He nod a bit and insert both of his hands on his pocket. Dahan dahan kong tinanggal ang mata ko sakanya at humugot na muna ng malalim na hininga bago naglakad pabalik sa table namin. Naabutan ko ro'n si Allen na may katabing babae, si Mommy, Daddy at Governor Vincent. Nag-uusap sila ng dumating ako pero agad kong naagaw ang atensyon nila. Umupo ako sa bakanteng upuan at hindi sila tinapunan ng tingin. Basta kinuha ko lang ang isang nakataob na wine glass at sinalinan ito ng alak. "Saan ka galling, iha? Kanina ka pa hinihintay ni Governor-" Nakita kong sinenyasan ni Governor Vincent si Mommy para pahintuin ito magsalita. "It's okay, Mrs. Varmona. I'm happy to see her, please don't scold my fiancée," anito na may ngiti sa labi. Gusto kong masuka sa pagbanggit niya ng fiancée sa akin dahil wala sa bokubolaryo ko ang matawag na gano'n ng isang gaya niya. Naiinis na tinungga ko ang alak na nasa wine glass ko at nalasahan ko agad ang tapang nito. This is not a champagne, it's a Martini. Gumuhit ang pait nito sa lalamunan ko pero dahil gusto kong malasing ngayong gabi ay nagsalin ulit ako at tinungga ito. While drinking, I landed my eyes on this jerk infront of me and saw that he's staring at me. Inirapan ko lang siya at inubos ang laman ng wine glass ko. I was about to pour my glass again when Allen grabbed the bottle on my hand. "Stop drinking, Aze." Tinignan ko siya ng masama dahil kung kelan inom na inom na ako ay tsaka pa niya ako pipigilan. "Give me that, Allen." He sighed and put the bottle far away from me. "It's too early to get drunk, drink some water instead." Kinuyom ko ang kamao ko sa ilalim ng lamesa at napatiim-bagang nalang. Instead of arguing with him, bumuntonghininga nalang ako at sumandal sa upuan ko. "Did you cry, Azekyne?" Lahat ay napatingin kay Governor nang tanungin niya ako. Napatingin muna ako kay daddy at mukhang kinabahan agad siya dahil sa tanong nito. Kaya siguro niya ako tinitignan ng matagal kanina, baka namumugto ang mata ko or namumula ang paligid nito. Umayos ako ng upo at pinagkrus ang mga braso. "No, I didn't," simpleng sagot ko. "Are you sure?" Pagkumpirma pa nito. Narinig kong tumikhim si daddy at napainom pa sa baso niya. My brother is looking at me with curious eyes. "Don't be so annoying, Governor. I'm having a bad day, huwag ka na dumagdag." Alam kong hindi nila inaasahan ang sagot ko pero imbis na ma-offend itong isa ay napangiti pa siya. Tumayo siya kasabay ng malamyang tugtog at lumapit sa akin. "If so, then dance with me." Inalok niya ang kamay niya sa akin at tinignan ko lang iyon ng matagal. "Iha..." Mommy's worried voice irritates me. Napakagat nalang ako ng madiin sa labi ko sa sobrang galit ngayon dahil isang tawag lang niya sa akin ay agad na talaga akong sumusunod. I don't even have a choice! Labag sa kaloobang tinanggap ko nalang ang kamay nito kaya inalalayan na ako nito papunta sa gitna at pumwesto kasama ng ibang mga nagsasayawan. Pinalibot niya ang mga kamay niya sa bewang ko kaya wala na akong choice kung 'di ipalibot na rin ang mga braso ko sa leeg niya. Lumabas ang isang ngiti sa labi niya nang gawin ko iyon. He then started moving in a slow motion and pulled me closer to his body. Ibang iba ang naramdaman ko kanina nang hawakan ako ni Mr. Montecarda sa bewang. Parang nagkaroon ng mga paru-paro sa tiyan ko nang gawin niya iyon pero nang ito na ang humawak sa akin ay hindi na ako makaramdam ng iba kung 'di galit. "Smile, my dear fiancée. They're looking at us," utos nito sa akin. Hinaplos niya ang likod ko kaya nagtaasan ang mga balahibo ko sa pangit na dahilan. "Pati ba ngiti ko ay kontrolado mo na ngayon, Gov?" "I told you to call me Vincent. And no, of course not. But part of your responsibility now as my fiancée is to make our relationship look healthy." Tinignan ko siya ng diretso sa mata at ginawa rin niya iyon. Our eyes met and I saw how ruthless those eyes is, itago man niya gamit ang mapanlinlang niyang ngiti ay kitang kita ko pa rin iyon. "Don't make this hard for both of us, honey. Let me experience my money's worth," he even uttered. A fake smile suddenly formed on my lips because of his insulting remarks. "Damn you, Vincent. You're a monster." He chuckled and landed a quick kiss on my left cheeks. "Thank you for that, honey." He's good in acting. Dapat nag-artista nalang siya, bwisit! Nakailang buntonghininga na ata ako sa buong araw na ito. Inayos ko ang expression ng mukha ko at inalis na rin ang tingin sakanya. I roam my eyes around and saw a lot of people looking at us. They look amazed and some of them are taking pictures of us. Is this his way of announcing that we're engaged? Sana brinoadcast nalang niya sa TV, nahiya pa siya! Napalitan na ang kanta kaya akala ko ay uupo na kami pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsayaw sa akin. Bugnot na bugnot na ako sa loob loob ko pero wala akong magawa, hanggang sa para akong tinakasan ng kaluluwa sa hindi malamang dahilan nang madaanan ng mata ko si Cillian Montecarda. He's with some businessmen, nakatayo sila hindi kalayuan sa amin. Kung kanina ay sigarilyo ang hawak niya, ngayon naman ay isang babasaging baso na may lamang alak. He's watching us and I don't know why I suddenly feel ashamed. Kanina lang ay nakita niya akong umiiyak tapos ngayon may kasayaw na. Just how fast things changed. I feel so shy while looking at him but I cannot look away, his presence seems like hypnotizing me. Nagkatitigan kami at walang may gustong bumitaw. Walang emosyon ang mukha niya kaya hindi ko alam kung anong iniisip niya. He took a sip on his glass while still looking at me, and damn! I find it so hot... Pakiramdam ko talaga ay divorced na ang isang 'to. Kase kung may asawa pa siya, hindi naman siguro siya hahawak ng ibang babae, 'di ba? Unless he's unfaithful and he's a jerk, then he can surely do that. Pero wala naman sa itsura niya 'yun. Now that I already know his name, it makes me wonder what kind of life he has. I'm getting curious about him and it's bad, alam kong oras na magka-interest ako sa isang lalake, mahihirapan na akong kalimutan ito. That's why I have attachment issues. And aside from that... I'm getting married. There's no way I can be interested with his life anymore. Mas lalo tuloy akong nanghinayang. "I'm tired," I said unconsciously. I heard him sighed before stopping. Hindi pa tapos ang musika pero dahil pagod na ako sa paggalaw ay gusto ko na umupo. "Fine, let's sit then." Hinawakan niya ako sa kamay at inalalayan na pabalik ng aming table. Wala na ro'n ang parents ko at may mga kausap nanaman sa kabilang lamesa. Saktong pag-upo ko ang siya namang pagsulpot ng ilang bisita sa gilid namin. Kinausap nila si Governor kaya lumayo sila sa table namin. Naiwan ako ritong mag-isa dahil wala na rin dito si Allen at ang kasama niyang babae kanina. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta. I caress the back of my head because I feel tired already and I wanna go home now. Gusto ko nang mahiga sa kama ko at magpahinga. Nilabas ko ang cellphone ko at nakitang malapit na mag alas nuebe. Hinanap ko sa contacts ko ang number ni Allen at tinext na siya para ihatid na ako pauwi. I guess I'm already done here, wala naman na siguro silang ipapagawa sa akin dahil tapos na ang exposure ko for their own benefits. "Allen, I wanna go home. Where are you?" Text ko sakanya. Tumayo na ako at balak na sanang lumabas ng kumpanya nang makita ko si Cillian kasama ang ilan niyang kausap kanina na palabas na rin kaya imbis na sumabay ay pinauna ko nalang sila. Hindi ko na rin naman siguro kailangang magpaalam sa mga magulang ko para umalis. Matanda na ako, hindi na ako bata na kailangan magpaalam muna sakanila bago umalis. Bahala na kung hanapin nila ako mamaya, hindi naman siguro nila ine-expect na magtatagal ako rito ng matagal, ano? May flight pa ako bukas papuntang Singapore. Hindi ko lang nasabi sakanila. Nakalabas na ako ng kumpanya at wala na rito ang mga reporters, mukhang tinaboy na ng mga security. May ilan-ilang photographers nalang hindi kalayuan. Tinignan ko ang cellphone ko kung may reply na ba si Allen pero wala pa. Nabubugnot na naglakad ako papunta sa parking lot para sa kotse ko nalang sana siya hintayin. Nakita ko na ang sasakyan na ginamit namin kanina pero bago pa man ako makarating doon ay halos masilaw ako sa liwanag mula sa isang kotse na humaharurot papunta sa direksyon ko. Halos ma-estatwa ako nang makita iyon kaya hindi agad ako nakagalaw. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay naramdaman ko nalang ang sarili kong natumba sa medyo madamong parte ng kalsada dahil may tumulak sa akin. Naramdaman ko ang isang matipunong katawan sa ilalim ko kaya agad akong napamulat. I saw Cillian's mad face when I opened my eyes. "Are you going to kill yourself, woman?" Galit niyang asik sa akin. Hindi pala ako sa mismong damuhan bumagsak, kung 'di sa ibabaw niya. Napalingon agad ako sa likod ko para tignan kung nasaan na 'yung sasakyan na muntik nang bumangga sa akin pero humarurot na pala ito palayo. Mabilis akong tumayo at galit na tinignan ang dinaanan ng sasakyan na 'yon. "Is he going to bump me? What the hell?" Galit ko ring sabi. Tumayo si Cillian at pinagpagan ang nadumihan niyang suot. "Hindi ka dapat humihinto sa gitna ng kalsada, when you saw a car running towards you, cross the road fast." Salubong ang makakapal niyang kilay habang pinapagalitan ako. Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa nangyari ay hindi ko na inintindi ang sinabi niya. Naiinis na tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok ko kaya bumagsak ito at hinayaan ko nalang na nakalugay. "I'm sorry for that, Mr. Montecarda. Masiyado na kitang naabala ngayong gabi, I'm really sorry-" "Aze!" Naputol ako sa pagsasalita nang sumulpot na sa likod ko si Allen na hinihingal pa, hawak ang kaniyang cellphone. "Sorry, I just read your message, Let's go, ihahatid na kita." Sinamaan ko siya ng tingin dahil kanina pa 'yung text ko, ngayon lang niya talaga nabasa. "Saan ka ba kase nagpunta?" Tanong ko pa. "Just..." Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya. Bumuntonghininga ako ng pagkalalim-lalim bago ko ulit tinignan itong nasa gilid ko. "Pasensya na ulit, tsaka thank you. Give me your number, I will make it up to you next time," utas ko. Masiyado na siyang madaming nagawa ngayong gabi sa akin, gusto ko man lang bumawi kahit papaano. It's very unlikely for me to ask for someone's number, lalo na kapag lalake pero ewan ko bakit biglang lumabas sa bibig ko ang mga katagang 'yun. Umiling ito kaya nagtaka ako. "I'll message you instead, Elleanor. Be safe next time, I'm going." Hindi na ako nakapagsalita pa ulit nang mabilis na siyang naglakad palayo sa amin. Ramdam ko ang makahulugang titig ni Allen pero hindi ko na iyon pinansin. Sumakay na ako sa sasakyan at sumunod naman siya. "Do you know that guy?" Tanong niya. "No, I don't," I sarcastically answered. "I'm really sorry, Aze. Hinatid ko lang saglit si Eurie kaya hindi ko agad nabasa-" "Just drive, Allen. I'm tired, let me rest now." Sinandal ko ang ulo ko sa headrest ng passenger seat at pumikit. Binuksan ko rin ang bintana para sariwang hangin ang malanghap ko at hindi aircon. Sobrang daming nangyari ngayong gabi at ang iba do'n ay pinasakit masiyado ang ulo ko. Nagmaneho nalang ng tahimik ang kapatid ko dahil kilala niya ako, kapag wala na ako sa mood at pagod na ako ay mas naiinis ako kapag kinakausap ako. That's why he remained silent until I got home. What a mixed of emotions I had there at the party. Hindi ko na nagawang maligo at magtanggal ng make up dahil sa pagod. Basta naghubad nalang ako ng suot at nakahubad na sumampa ng kama. Ilang minuto lang din ay hinila na agad ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD