CHAPTER 12 (FRUSTRATED)

2277 Words
Naghintay lang ako hanggang mag-alas kwatro bago ako nagsimulang mag-ayos ng sarili, I took a 30 minutes bath and dried my hair first before pulling it up into a messy a bun. I am wearing a silver gown with off-shoulder long sleeves, v-cut ang bandang dibdib nito kaya kitang kita ang cleavage ko, naglagay na rin ako ng silver na kwintas na may malaking pendant para mas maging sopistikada ang dating. Even my earings are silver. Mabuti nalang at marunong ako mag-ayos ng sariling buhok at mag-make up na rin ng sarili. I put some light make up on my face, and make my lips look glossy. When I'm satisfied with my look, kumuha na rin ako ng silver stiletto na may taas na 5 inches. This made me look more taller and I'm liking it. Tumingin na muna ako sa malaking salamin na nasa kwarto ko at tinignan ng huling beses ang kabuuang itsura ko. I smiled because I look so pretty. Para akong hindi makabasag pinggan sa itsura ko ngayon, masiyado ko atang pinaghandaan ang party na 'to. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-mirror selfie para may ma-post naman ako sa mga social media accounts ko mamaya. I know my fans are always waiting for my posts, madami rin kasi silang nagagandahan sa pananamit ko kaya ginagawa nilang inspirasyon. I remembered one time, when I promoted a not-so-famous brand of a clothing line, naging trending pa ito at na-sold out lahat ng mga tinda nila. That's how social media works, being able to help small businesses when I was on my first year of my modeling career was such a blast! Lumabas na ako ng condo unit ko at tinawagan na si Allen kung malapit na ba siya dahil pababa na ako ng building. "I'm almost there," aniya sa kabilang linya. "Okay, I'll wait for you in the parking lot. Bilisan mo dahil ayokong maghintay ng matagal sa labas," utos ko pa sakanya. "Sure, I'll be there in 3 minutes." Pinatay ko na ang tawag at sumakay na ako ng elevator pababa. Hindi ko kase trip magmaneho ngayon lalo na at naka-gown ako kaya nagpasundo nalang ako kay Allen. He's coming with us kaya sabay na rin kaming pupunta. Saktong pagkarating ko naman sa parking lot ay nandoon na siya. Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto sa backseat. "Thank you, bro." Bumalik na siya sa driver's seat at walang sali-salitang nagmaneho. He's always like this, hindi gaanong nagsasalita, he always do the act of service. Ang swerte ng magiging girlfriend nito, masiyadong maalaga. "Did Mom and Dad asked you to come too?" I asked, out of nowhere. "Of course, I'm handling some of our businesses now. They want me to interact with some high-profiled businessmen, kilala mo naman sila." Napairap nalang ako sa kawalan dahil wala rin palang kawala ang isang ito. Pinalaki kaming masunurin, hindi ko alam kung tama ba 'yon or hindi. Sinusunod kase namin lahat ng gusto nila kahit hindi talaga namin gustong sundin. Nanatili nalang akong tahimik hanggang sa makarating na kami sa kumpanya kung saan kasalukuyang ginaganap ang kanilang anniversary party. I saw a red carpet outside as well as some reporters from a well-known channels. Nasa tabi sila ng red carpet at pini-picture-an ang mga nagsisi-datingan. A group of photograhpers were infront of the red carpet, todo posing naman ang ibang mga dumalo. Nakita ko rin si Sumee, isang korean-filipina model. Hindi lang pala mga bigating tycoons ang nandito, pati rin mga models na gaya ko. Ang iba nga lang sakanila ay escort lang ng mga businessmen na dumadating, their date for this night kumbaga. Inalalayan na ako ni Allen pababa ng sasakyan. Kahit naka-heels ako ay mas lamang pa rin siya ng tangkad. Kumapit ako sa braso niya at nagsimula nang maglakad palapit sa red carpet. Doon ay agad kaming tinutukan ng mga camera at sunod sunod na flash ang sumalubong sa amin. I heard my brother cussed because he's not really a fan of cameras habang ako ay sanay na. "Don't look at them, sa baba ka tumingin para hindi ka masilaw," bulong ko sakanya habang naglalakad. Ginawa naman niya ang sinabi ko. Binitawan ko ang braso niya nang makarating na kami sa gitna ng red carpet. Nag-pose lang ako doon ng ilang segundo para may magandang shot din silang makuha bago tuluyang pumasok sa entrada ng kumpanya. Doon pa lang ay sinalubong na kami nila Mom and Dad, tuwang tuwa agad si mommy nang makita ako. "Iha! You look so gorgeous!" Hinalikan niya ako sa pisngi. Binigyan ko siya ng pilit na ngiti. "You too, Mom." "Let's go, ipapakilala kita sa mga kaibigan ng daddy mo, they can't wait to finally meet you, iha!' Yeah, I know. Ani ko sa isip isip ko. Sumunod nalang ako sakanila habang si Allen ay sa ibang direksyon na pumunta. Nilapitan namin ang ilang mga kilalang businessmen and women at doon ay pinakilala ako nila Daddy. They look so proud while bragging about my career but I know that behind those proud faces, they're not really proud of me. Mas gusto kase talaga nilang nasa opisina lang ako, which not really into my likings. Pinakilala din nila ako sa nag-imbita at may-ari nitong kumpanya. Nasa 30s pa lang ata ito at mukhang bata pa. We just simply shook hands and after that, umupo na kami sa lamesang nakalaan para sa amin. "I'm sure may mga mag e-email na sa atin at the end of this party. We just offered a good deal, tsaka unti-unti nang bumabalik ang mga stock holders natin." "Mr. Loi asked to set a meeting too, we can make him sign a contract if we offer him 10% of the sales." Dahil ayokong makinig sa usapan nila ay tumayo ako at naglakad papunta sa mahabang lamesa kung saan nakalagay ang mga alak at iba pang pagkain para sa mga bisita. Tinignan ko ang mga pagkaing nasa charcuterie board at nakitang may cheese at iba pang savory accompaniments ang nandito. Kumuha lang ako ng isang pirasong cheese at kinain bago uminom ng wine. Sakit ng tiyan ang aabutin ko rito mamaya pero ayos lang. I'm kind of craving for some sweets. This is not the main courses but they put it here in case someone might be hungry while the party is on-going. Nagsalin ulit ako ng kaunting red wine at ininom, habang nasa harap ako ng lamesa ay may kumalabit sa likod ko kaya napalingon ako para tignan kung sino iyon. Gusto ko agad magmura nang makita kung sinong poncio pilato itong nasa harap ko. Justin Falcon, the obsessed co-worker. "I heard you're here, Azekyne. I've missed you-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil naglakad na ako paalis sa harap niya. Wala akong oras para makipag-usap sa isang baliw. Narinig ko ang pagtawag niya sa akin at ang paghabol niya, hinawakan niya ako sa braso kaya nagtaasan ang mga balahibo ko sa diri. I shook my arm to shove his hand but his grip were too tight. "Can you let go of me, Falcon?" Inis na sambit ko. "Why are you so grumpy? I'm just trying to-" "What's happening here?" Napatingin ako sa gilid ko at nakita si Daddy na salubong ang dalawang kilay habang nakatingin sa kamay ni Justin. "Dad..." I uttered. Agad naman akong binitawan ni Justin nang marinig niya ang pagtawag ko ng daddy. Hindi siguro niya alam na nandito ang mga magulang ko. "What's the matter, Iha?" He asked with serious voice. Lumunok ako at matalim na tinignan si Justin, binigyan ko rin siya ng signal na umalis na para hindi na magka-iskandalo pa pero ang gago, lumapit pa sa daddy ko at ngumiti. "Goodevening, Tito. I'm Justin Falcon, I'm your daughter's friend," pakilala niya sa sarili. Inalok niya ang kamay niya kay daddy pero tinignan lang ito ni daddy at hindi tinanggap. Instead, he look at me with mad eyes. "Let's talk, Aze. Come with me." Medyo nakaramdam ako ng takot dahil sa sinabi niya kaya bago ako sumunod sakanya ay tinignan ko pa ng masama itong baliw na ito at nagmura sa isip isip ko. Napunta kami ni daddy sa isang sulok kung saan wala masiyadong tao. Huminto kami doon at nakapamewang na hinarap niya ako. "Are you stupid, Azekyne?" Asik niya sa akin. Nagsalubong agad ang mga kilay ko dahil sa tinanong niya. "Huh? What kind of question is that-" "Governor Vincent is invited here too. Can you stop talking and flirting with other guy? Paano nalang kapag nakita ka niya at magbago ang isip na pakasalan ka? Malulubog ulit tayo sa matinding problema, hindi ka nag-iisip!" Agad na may bumikig sa lalamunan ko at nanubig ang mata ko sa bintang niya sa akin. Flirting? Did he just... "Huwag ka munang makisalamuha sa ibang lalake, wait for him instead, You're not single anymore, iha." Parang may kung anong kumurot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi na ako nakasagot dahil natulala nalang ako sa sinabi nito. I became speechless, none a single word came out from my mouth. Hanggang sa iniwan na niya ako ro'n at bumalik na sa table namin. I put my hand on my chest and took a deep breath because I can't still believe I just heard that from him. From my own father... Akala ko pa naman ay nahalata niyang hina-harass na ako ni Falcon, pero iba pala ang nasa isip niya. How can he accused his own daughter like that? Hindi naman ako malandi! I sob as I felt my tears coming down. Tinakpan ko ang bibig ko at naglakad na sa nakita kong mahabang hallway hanggang sa makarating ako sa isang exit point nitong first floor at doon ako lumabas. My tears doubled when I am finally outside. Hindi ko na kase napigilan ang emosyon ko dahil sobra naman na 'yun. I feel like they're not giving a damn about my feelings. Talagang ang iniisip niya ay kung ano ang magiging reaction ng Governor na 'yun kesa sa mismong anak niya. I can't with him! This is so messed up! Medyo maliwanag naman dito sa napuntahan ko pero walang katao-tao bukod sa akin. Napahilamos nalang ako sa mukha dahil ayaw tumigil ng luha ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa pinaghalong inis at lungkot. Nagpalakad-lakad ako habang todo punas sa mukha ko. I don't have any tissue right now and my bag was inside. Nasa inuupuan ko kanina kaya mas lalong nakadagdag sa inis ko iyon. While wiping my own tears, naramdaman kong may ibang presensya sa likod ko kaya napalingon ako. At sa hindi inaasahang pagkakataon... Si Cillian Montecarda nanaman ang nakita ko. Nakasandal siya sa pader malapit sa pintong nilabasan ko kanina habang may hawak na sigarilyo. He's smoking there while looking at me. I cannot see him completely since it's dark but I know that it's him. "Why did you stop? You can cry all you want, Elleanor. Don't mind me here..." E-Elleanor? Did he just called me on my second name? "K-Kanina ka pa ba riyan?" My voice even cracked while asking him. Humithit siya ng isang beses sa hawak niyang sigarilyo bago ito binato sa lupa. Inapakan niya muna ito bago siya tumayo ng maayos, he walk towards me while his left hand is on his pocket. I guess he was invited here too. Hindi ko lang alam bakit siya nandito sa likod. "I just got here," aniya. Nakaramdam agad ako ng hiya dahil naabutan pa niya akong umiiyak dito. Akala ko kase ay ako lang ang tao dito kanina, akala ko lang pala. "Sorry... Hindi kita nakita," utas ko at suminghot. Maglalakad na sana ako paalis dahil sa kahihiyan nang hawakan niya ako sa braso para pigilan. My eyes landed on his hand before looking directly on his eyes. "Are you done crying though?" His voice has a hint of concern. But his eyes... It's so cold. I gulped before nodding slowly. I saw his jaw tightened and before I could even react, he pulled my arms and let my body land on his broad chest before encircling his other hand on my tiny waist. Sa sobrang gulat ko ay nanlaki pa ang mga mata ko at nahigit ko ang aking hininga. "C-Cillian..." I uttered his name unconsciously. May kung anong dumaan na emosyon sa mukha niya pero agad din iyong nawala. Tinaas niya ang isang kamay niya at gamit ang likod ng palad niya ay pinunasan niya ang aking basang pisngi. I got stunned by the sudden electricity brought by his warm and veiny hand. What are you doing, Mr. Montecarda? I want to ask him that but I am mesmerize by his cold eyes. He's so focused on wiping my tears while me... I am running out of breath. "You're so stunning, Elleanor. I hope I won't see you crying next time... I don't think I can let it pass again." Sa hindi malamang dahilan ay para akong nakahanap ng kakampi dahil sa sinabi niya. His words were comforting me and it's making my heavy heart feel at ease. He stuck some loose strands of my hair behind my ear before letting go of my waist. "I should accompany you back inside, the party is about to formally start." Doon lang ako medyo natauhan sa sinabi niya kaya napatikhim ako. As much as I want to go back inside, ayoko namang makita ulit ako ni Daddy na may kasamang lalake. Nang makita niyang medyo hesistant pa akong bumalik sa loob ay hinawakan niya ako sa kamay at hinila palapit sakanya. "Don't worry, I won't cause an issue. Let's go." Nagpahila nalang ako sakanya at wala nang nagawa pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD