I had the same routine for a couple of days hanggang sa sumapit na ang araw kung saan may dadaluhan kaming company anniversary party kaya kinailangan kong magpaalam kay Baron na hindi na muna ako makakadalo sa last rehearsal dito sa Pinas.
May last and final rehearsal pa naman kami sa Singapore kaya sinabi kong doon nalang ako babawi. Mabuti nga at good mood noong nagpaalam ako.
Mamayang gabi pa ang party pero dahil kailangan kong maghanda ng susuotin at mag-ready na rin ng sarili ay kailangan ko ang buong araw para mag-asikaso.
"Huy, tara na. Ang tagal mo naman kumilos," ani sa akin ni Lester.
Kasalukuyan kase akong nagpapalit ng damit dahil pupunta kami sa pagmamay-ari niyang salon and spa para mag-pamper ng sarili. I need to have my nails done too kaya naisipan kong sumama sakanya.
"Oo, teka lang kase!"
"Hinihintay na ako ni Luhan doon, bilisan mo! Ayaw pa naman no'n ng naghihintay!"
Luhan is his long time boyfriend, on and off silang dalawa kaya hindi ko alam bakit sila nagtagal. Kung ako 'yun, isang break up lang, wala ng second chance.
Lumabas na ako ng kwarto ko, suot ang isang highwaisted denim shorts at isang simpleng black hoodie. Since we're going somewhere very public, kailangan ko rin kahit papaano mag-disguise. Mahirap ma-spot-an ng media sa labas, especially my fans. Baka bigla akong dumugin, maubos pa ang oras ko sakanila.
It's not that I don't want to interact with them, may tamang oras lang talaga para doon. Tsaka limited lang ang oras ko, hindi ko sila kayang ma-accommodate lahat.
Sumakay na ako sa kotse ni Les dahil sakanya naman ang gagamitin namin ngayon. Wala ako sa mood mag-drive ng sarili kong sasakyan. I already chose a gown for tonight's event, since gusto nilang makakuha ng investor ay binonggahan ko na ang susuotin ko mamaya.
It's always like this. I'm doing everything for their sake. Minsan tuloy pakiramdam ko ay wala na akong sariling buhay, lagi nalang kase sila ang iniisip at inuuna ko.
Hanggang kelan kaya ako gagamitin ng pamilya ko? Kelan nila maibibigay sa akin ang kalayaan na matagal ko nang gusto?
Kaso mukhang malabo pang mangyari ito ngayon. Lalo na at ang ipapakasal sa akin ay isa ring gaya nila, mas malala pa.
Hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil sa mga iniisip. Napansin siguro ni Lester na nakatunganga ako sa labas ng bintana ng sasakyan kaya kinalabit niya ako.
"May problema ka ba?"
Agad akong napailing at tipid siyang nginitian.
"Are you sure?"
His voice sounds so concerned.
"I'm fine, Les. Medyo masakit lang ang ulo ko dahil sa sunod sunod na project," utas ko.
Napatango-tango siya pero halatang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Natahimik siya ng ilang segundo pero agad din namang bumaling ng tingin sa akin.
"Speaking of projects, napag-isipan mo na ba 'yung inaalok sa'yo ng MCU Hotel Group of Companies?"
Tumagilid ako ng upo at hinarap siya.
"Set an appointment with them, I want to know and see them first. Tsaka gusto ko ring makita ang magiging kontrata bago ako tuluyang mag-decide."
Lumabas ang malawak na ngiti sa labi niya at agad na nilabas ang cellphone gamit ang isa niyang kamay.
"Sabi mo 'yan, ha? Magse-set na talaga ako ng appointment, walang urungan!"
Iniripan ko siya dahil halata ang excitement sa mukha niya.
"Sabi ko titignan at kikilatisin ko muna, huwag ka munang magsaya at baka mausog."
Tinikom agad niya ang mga labi niya at binilisan na ang pagmamaneho. Nakarating na kami sa isang mall kung saan meron siyang pinaka-malapit na branch. His salon and spa has 10 branches all over the country.
Sa yaman nito ay mas gusto pa ring mag-trabaho bilang manager ko kesa manatili nalang sa bahay niya.
Nakarating na kami sa parking lot ng mall at pansin kong sobrang dami na agad ng tao kahit alas nuebe pa lang ng umaga. Kumuha ako ng isang facemask at sinuot ko na rin ang dala kong puting cap bago ako bumaba ng sasakyan.
"Yuko, Aze. May paparazzi sa harap."
Agad kong sinunod ang sinabi ni Les at pumwesto sa likod niya habang naglalakad papasok ng mall. Tatlong paparrazi na agad ang nakita ko sa labas ng mall. Nag-aabang sila ng makukuhang scoop kase parte iyon ng trabaho nila.
Mabuti nalang at hindi naman nila kami nakita.
Nakapasok kami ng matiwasay sa loob ng salon ni Lester at agad na sinalubong ng manager ng salon niya.
Astig 'di ba? Manager siya pero may manager din siya ng business niya.
Una kong pinaayos ang buhok ko, simpleng treatment lang naman ang kailangan ko at kaunting kulay lang ulit ng itim para matakpan na ang ilang strand ng buhok ko na nagiging blonde na ulit.
"Kikitain ko lang saglit si Luhan sa labas. Sasamahan ko rin muna mag-shopping. Saglit lang ako-"
"Akala ko ba pamper day mo rin ngayon?'
"Mamaya na ako magpapa-masahe, puno na ang massage room. Avail all the services you want, it's on me!"
Hindi ko na siya napigilan sa pag-alis dahil tumakbo na siya palabas.
I sighed and tightly closed my eyes. Lagi nalang akong libre rito, buti hindi nalulugi ang baklang 'yon!
Matapos ang hair treatment ay sunod ko nang in-avail ang ilang paborito kong treatment sa mukha. Kumpleto na ata lahat ng services ang salon niya, mabilis lang ang mga treatment kaya naman wala pang dalawang oras ay mga kuko ko na ang pinapa-ayos ko.
Nakaharap ako sa isang malaking vanity mirror habang ang nagpe-pedicure sa akin ay nasa paanan ko nakaupo. I was busy scrolling on my phone nang marinig kong may pumasok sa salon dahil sa tunog nung salaming pintuan.
"Hello, sir! Welcome to-"
"I need a barber."
Naputol ang pa-welcome script ni Carlo, ang manager dito nang magsalita 'yung kakapasok lang na customer. Naibaba ko agad ang cellphone ko at napatingin sa salamin nang marinig ang boses nung nagsalita.
Oh my god!
It's him again!
"Okay, sir. This way, please?"
Iginiya siya ni Carlo sa kabilang parte kung saan sila naggugupit.
At hindi lang pala siya nag-iisa!
Kasama niya 'yung bata na rumampa sa show ni Michelle last week. It's his son!
Napalunok ako ng wala sa oras nang umupo siya sa sofa na nagsisilbing waiting area dahil hindi pala siya ang gugupitan kung 'di iyong anak niya. Napatingin siya sa banda ko kaya agad akong napaiwas ng tingin at napa-ayos ng upo.
Tinignan pa ako nung naglilinis sa kuko ko dahil baka naguluhan sa akin.
"Sorry," mahinang sambit ko.
Ngumiti lang naman ito at tinuloy na ang ginagawa.
Ramdam kong may nakatingin sa akin kaya para akong estatwa sa upuan ko dahil halos hindi ako gumalaw. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko pabalik sa vanity mirror at tumingin sa pwesto kung nasaan ito gamit ang salamin.
I saw him sitting there with his furrowed eyebrows. Nakapatong ang dalawa niyang siko sakanyang mga tuhod at nakasiklop ang mga kamay niya habang pinapanood niya ang anak niya na ginugupitan.
"Ma'am, sa kamay na po tayo."
Nabaling ang atensyon ko sa babaeng nasa harap ko nang tumayo na siya. Inikot niya ang upuan ko paharap sa direksyon kung nasaan 'yung mag-ama kaya gulat kong tinignan si ate.
Shems! Bakit kailangan pang umikot?
Kinuha niya ang mga gamit niya at umupo sa mas mataas na upuan sa gilid ko at inabot na ang kaliwang kamay ko.
Halos manigas ako nang magtama ang mata namin nung VVIP kaya agad akong napaiwas ng tingin at napakagat ng labi.
How is this so freaking awkward?
I still don't know his name, but he knows mine!
His stare feels like daggers, kahit hindi ko na siya tignan ay sure akong nakatingin siya sa akin. Nakilala na ulit niya siguro ako, gusto kong abutin ang mask na dala ko kanina pero malayo ito sa akin.
"Ma'am, what color po?" Tanong ni ate.
Pinakita niya sa akin ang mga cutics kaya pumili agad ako ng kulay na babagay sa suot ko mamaya.
"This one," turo ko sa silver shade with glitters.
Pilit ko nang iniwasan ang mapatingin sa banda nila at naka-focus nalang ang atensyon ko sa nagma-manicure sa kamay ko. Hanggang sa narinig kong tapos nang gupitan 'yung anak niya siya naman ang sumunod.
"Just a light trim."
His deep masculine voice... Damn! Ang sexy pakinggan.
Sobrang bilis lang ng pag-cutics sa kamay ko kaya saktong tapos na itong gupitan ay tapos na rin ako sa nail polish ko.
Nauna akong tumayo at kinuha na ang mga gamit ko, nag-thank you muna ako sa mga staff at nagmadali na sa paglabas.
Halos mapahawak ako sa dibdib ko sa gulat dahil paglabas ko ay sumalubong sa akin ang mga nakatayong lalake sa harap ng salon ni Lester.
Lahat sila ay nakasuot ng itim na two piece suit na mukhang mamahalin at may mga suot silang earpiece sa kaliwang tenga. Nasa anim ata sila at namukhaan ko itong isa!
I remember him in the park! Noong muntik na akong manakawan, siya iyong nagbalik ng bag ko!
What a small world!
Dahil sa paghinto ko sa mismong tapat ng pinto ay hindi na ako nakita nung sumunod na lumabas kaya nabangga ako nito at muntik na akong mapasubsob sa sahig.
"Oh, I'm sorry, my bad!"
Nahawakan agad ako sa kamay ng nasa likod ko kaya napatingin ako sakanya.
Shet naman!
"Are you okay, Ms. Varmona?"
Wala sa sariling napatango ako at napaayos ng tayo.
"T-Thank you..."
He nodded at me before looking at the guy beside me.
"Dash wants to walk around, go with him. I need to go somewhere," utos niya rito.
Nagulat ako ng yumuko ito sa harapan niya at hinawakan na sa kamay ang anak niya.
"Aren't you going with me, daddy?"
His son's voice sounds so cold. No doubt, mag ama nga sila.
Dahil pakiramdam ko ay hindi na dapat ako magtagal pa ro'n ay dahan dahan na akong um-exit at lumayo sakanila.
Kaano-ano niya 'yung nagsauli ng bag ko? Tauhan?
Grabe palang bigatin ng isang ito!
"Ms. Varmona?"
Napahinto ako sa paglalakad nang tawagin niya ang pangalan ko. Nakasunod pala siya sa akin, ang ibang naka-suit na kakalakihan ay nakasunod din sakanya, may distansya nga lang.
"It's nice to see you again," aniya.
Wala man lang kangiti-ngiti sa labi kaya hindi ko alam kung genuine ba 'yung sinabi niya.
"Ahh..." awkward akong natawa. "Same here!"
"I forgot to introduce myself last time," utas niya.
We are talking while walking towards the exit.
"I'm Cillian Montecarda, sorry for the late introduction." Nilahad niya ang kamay niya sa akin.
I was hesistant to hold his hand at first but I cannot let it hanging so I accepted it.
Cillian Montecarda...
What a cool name, his surname sounds expensive too.
Nakalabas na kami ng parking lot at nakita ko na ang sasakyan ko kaya huminto ako sa harap niya at pilit na ngumiti.
"Nice to meet you, Mr. Montecarda."
Magsasalita pa sana siya pero nagulat ako ng may mga tumili at nagsi-takbuhan sa direksyon ko.
"Si Azekyne! Oh my gosh!"
"Hala, oo nga!"
"Azekyne, pa-picture kami!"
Sunod sunod na ang nagsi-datingan kaya agad akong napatakip ng kamay sa mukha dahil naglalabas na sila ng mga cellphone para picture-an ako.
Nakita kong sinenyasan agad ni Mr. Montecarda na harangan ako ng mga tauhan niya kaya walang nakalapit sa akin.
Napamura ako ng makita hindi kalayuan ang isang paparazzi at nakatingin na rin sa akin. Tumakbo na ito papunta sa direksyon ko kaya mas lalo akong nataranta.
Nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman kong hinawakan ako ni Mr. Montecarda sa bewang at giniya na palapit sa sasakyan ko.
"Is this your car?"
Tumango ako ng matapatan niya ang sasakyan ko. Binuksan niya ang driver's seat at pinasakay na ako ro'n, siya na rin mismo ang nagsara. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag nang nasa loob na ako dahil tinted ang sasakyan na dala ko.
Geez! That was close!
Wala pa naman si Lester na kasama ko sana ngayon. Ayokong pagka-guluhan dito nang wala siya at wala rin akong dalang security.
Mahirap na, hindi lang kase fans ang meron ako. Meron din akong mga bashers, hindi naman iyon mawawala lalo na kapag sikat ka.
Nakita kong todo pigil pa rin ang mga tauhan ni Mr. Montecarda sa mga nagbabalak lumapit sa kotse ko. Siya naman ay naglakad na palapit sa magara niyang sasakyan na nasa kabilang parte ng parking lot. The moment he stepped into his car, hindi ko maiwasang hindi humanga sa sobrang astig niya.
He just helped me escape. What a nice man!
Nagmaneho na ako paalis ng parking lot at nakita kong sinundan ng sasakyan niya ang kotse ko. Lumiko lang ito nang makalayo na kami sa mall.
Agad kong dinial ang numero ni Lester para i-chika ang nangyari pero hindi siya sumasagot.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko hanggang sa makarating na ako sa condo ko. Grabe ang kaba ko kanina lalo na nang maramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. Hindi naman ako tanga para hindi ma-address kung bakit ako nakaramdam ng gano'n.
Normal lang naman humanga sa gano'ng klase ng lalake, ano? Kahit pamilyado na.
I respect his private life pero may parte sa loob ko na nanghihinayang kase pamilyado na siya.
Hay, ewan ko ba! I should get a hold of myself! This is wrong, I should stop it. Ikakasal na rin naman ako tsaka kahit pa single 'yun, hindi pa rin naman magiging kami.
Assumera lang ako!