Dumiretso na muna ako sa coffee shop ni Julie dahil medyo maaga-aga pa naman. Nag-order ako ng best seller niya na chocolate croissant at blueberry cheesecake, sinamahan ko na rin ng drinks. I will have my last cheat day today bago bumalik sa matinding diet.
"Nag-text nga pala sa akin si bruha, magaling na siya at makakapag-practice na bukas. Mukhang effective ang boy medicine niya," natatawang chika ni Juls sa akin.
"Sus, iyon pa ba? Baka nadiligan kaya agad na gumaling!"
She laughed before grabbing my spoon and took a piece of my cheesecake.
"Ayos na rin 'yon para magka-rambulan sila doon nila Karina at Kim. Ewan ko lang kung walang makalbo sakanilang tatlo."
Napailing-iling nalang ako sa sinabi niya at nilantakan na ang pagkain sa harapan ko.
"Malapit na pala ang fashion show ni Rich, dalawang linggo nalang. Ano nang balita sa costume mo? Napadala na 'yung sa akin sa bahay."
"I don't know, baka nandoon na rin sa condo ko. Hindi ko pa na-che-check locker ko, eh."
May locker room kase sa floor namin at lahat ng mga delivery na kailangang itago ay doon nilalagay, lalo na kung mukhang mamahalin.
Umalis na si Julie sa harapan ko para tumulong na mag-serve dahil dumadami na ang mga customer sa loob ng coffee shop. It's raining outside kaya siguro madaming gustong magkape ngayon. It's quarter to 5 o'clock too kaya dagsa na ang mga tao.
Sumimsim ako sa capuccinno na in-order ko at pinagmasdan ang ulan sa labas. Naisip ko nanaman 'yung pinag-usapan namin ni Lester kanina. I said I will think about it... But for me to do that, kailangang malaman ko muna kung sino ang CEO nila at kung okay ba ang magiging kontrata.
I will set an appointment with them, I need to see them first in order for me to decide. Hindi ko pa totally nakikita kung anong magiging role ko sakanila pero I have this feeling na hindi lang basta face of the company ang gusto nilang gawin ko.
Or, I'm just being paranoid?
Hay, bahala na! Basta hindi ko muna tatanggihan para mapagbigyan ko man lang si Lester. Kung may pangit man sa magiging kontrata, doon ko nalang siguro tatanggihan.
Inubos ko na ang iniinom at kinakain ako bago ako tumayo at nagbayad na sa counter. Hindi ko na nagawang makapag-paalam kay Julie dahil masiyado na siyang busy.
Nginitian ko nalang ang cashier niya at umalis na.
Gaya nga ng sinabi ko kanina ay nandito na nga talaga sa locker ko ang pinadala ni Ms. Rich na gown. Kinuha ko ito at nilapag na muna dahil puno na pala ang locker ko ng mga padala mula sa mga hindi ko kilalang tao.
Binasa ko isa isa ang mga sender at nang wala akong makilala ni isa sakanila ay hinayaan ko nalang muna sa loob lahat. Tanging itong box ng gown lang ang kinuha ko at pumasok na sa unit ko.
While taking a rest on my sofa, narinig kong may nag-doorbell kaya mabilis akong napatayo at binuksan ang pinto.
I saw not just one... But two deliverymen. Ang isa ay nakapula habang ang isa ay naka-asul, familiar sa akin ang mukha nito.
"Miss, delivery-"
"Ma'am, delivery po-"
Halos sabay pa silang nagsalita kaya nagulat ako. Ang isa ay may katandaan na habang itong nakapula ay medyo bata pa. Ang isa ay nakahawak ng isang sobre habang itong si tatay ay may hawak nanamang isang pulang rosas, pero this time, may kasama na siyang maliit na card.
I remember him now, siya iyong nakita ko sa cctv noong chineck ko ito sa control room.
Pilit ang ngiti at awkward na inabot ko ang mga dini-deliver nila at pumirma na rin sa form na hawak nilang dalawa. Umalis din naman agad sila nang makapirma na ako kaya sinara ko na ang pinto at bumalik sa living room ko.
Sunod sunod nalang ang nagpapadala ng kung ano ano sa condo ko, dapat na ba akong lumipat ng unit?
Umupo muna ako bago ko binuksan ang envelope at nakitang isa pala iyong invitation card, binasa ko ang nakasulat at nakitang mula ito sa isang malaking kumpanya. May pangalan ko sa unahan kaya nagtaka ako. Wala naman sa schedule ko na may pupuntahan akong anniversary party.
Hindi kaya nagkamali sila ng padala? Pero may pangalan ko, eh. Baka may nakalimutan si Les na ilagay sa sched ko this month. Tinabi ko nalang muna iyon at sunod na kinuha ang rosas, tinanggal ko ang ribbon nito dahil doon nakatali ang maliit na card.
Binuklat ko iyon at binasa ang nakasulat.
"Captivated..." Basa ko rito.
Iyon lang ang tanging nakasulat at wala ng iba. Akala ko pa naman ay malalaman ko na kung sino ang nagpapadala nito pero hindi pala.
I should've asked the delivery man awhile ago, damn it!
Tinignan ko ng maigi ang bulaklak pati na rin ang handwritten word na nasa card. What does it mean? Captivated?
Ngayon lang ako nahiwagaan sa mga natatanggap ko. Sa dami ng nagpapadala sa akin ng kung ano ano ay dito lang ako naging interesado.
Nilagay ko nalang ulit iyon sa vase ko at tinanggal na ang dalawang nauna na rosas dahil lanta na sila. Pinalitan ko na rin ng tubig at tsaka nilipat ang vase sa babasaging lamesa sa living room ko.
Malalaman ko rin kung sino ang nagpapadala no'n, next time tatanungin ko na talaga.
Tumunog ang cellphone ko at nakitang may text galing kay Daddy.
"Did you receive the invitation card? If yes, then reply. We need to attend that anniversary party, a lot of investors will be there. We need you to come with us, Azekyne."
Si daddy pala ang nagpadala. Kailangan nila akong sumama para makaagaw ng pansin, gano'n naman ang strategy nila. Gagamitin na naman nila ang magandang image ko para makakuha ng investors.
Nag-reply nalang ako ng simpleng 'ok' sakanya at pinatay na ang cellphone ko.
Nagsimula na akong magluto ng hapunan ko dahil alas sais na rin pala. I chose to boil some vegetables, and cook brown rice. I need carbs and protein that's why I have a lot of choices of foods inside my fridge. Once a month lang ako mag-grocery pero ang hirap na ubusin.
Matapos kumain ay naisipan kong manood nalang muna ng TV para antukin. Kumuha ako ng isang tub ng vanilla ice-cream at pumasok na sa kwarto ko. Binuksan ko na muna ang TV ko bago ako sumampa sa kama.
Saktong nasa news channel ito at kasalukuyang may binabalita tungkol sa isang airport na may nasusunog daw na eroplano. Na-intriga agad ako sa balita dahil nabanggit ang apelyidong Moroco. I know them, sikat na business tycoons ang magpi-pinsang Moroco, I've seen them once and it was such a privilege. Naging schoolmate ko pa nga ang isa sakanila.
Ayon sa balita ay may tinutugis daw ang otoridad na nasa loob ng eroplano. May kidnapping daw na naganap at isang Moroco ang biktima. Nasa loob daw ito ng nasusunog kasama ang mga kidnappers. The reporter also show a clip where a woman was shouting and crying infront of that burning airplane.
Behind her was the great Tres Vanni Moroco.
Damn, what is happening? Talagang binalita pa nila, knowing how private this family are, for sure take down na itong balita mamaya.
Too late though, madami na ang nakapanood nito.
I sighed because I feel sad for what is happening right now. I should give my condolences to Dr. Thunder. Nalulungkot ako para sakanya at sa buong Moroco Family.
Natapos na ang balita kaya binuksan ko nalang ang netfllix ko at tinuloy na ang pinapanood ko noong isang gabi. Pero hindi pa rin ako mapakali sa balita kaya ang ending ay hindi ko rin na-enjoy ang pinapanood ko.
I used to like Thunder Lui way back when I was attending the same school with him, kaya hindi ko maiwasang hindi makisimpatya.
I sighed and finished my ice-cream. Tinapon ko na ito sa basurahan na nasa gilid ng kama ko at humiga na ng maayos. I'm torn between calling Lester to tell him about this news or just go to sleep. Gusto kong i-chika sakanya pero baka tulog na ang isang 'yun.
Pinilit ko nalang matulog dahil wala rin naman akong magagawa.
"Huy, gising na! Anong oras na, Aze!"
Nagising ako sa malakas na pag-uga sa akin ni Lester. Pupungay-pungay ang matang tinignan ko siya habang nakaluhod sa kama ko at nakapamewang.
Tinignan ko ang orasan sa gilid ng kama ko at mag a-alas nuebe na ata. Nasobrahan na ako ng tulog kaya humihikab na umupo ako at sinimangutan siya.
"Sorry, hindi ko na-set ang alarm ko."
Kinurot niya ako sa braso kaya napa-aray ako.
"Bilis na at gumalaw ka na! Agahan daw nating lahat ngayon dahil may announcement pa si Ms. Rich.
"Ito na!"
Tumakbo na ako papasok ng banyo at ginawa na ang lahat ng routine ko. It took me 40 minutes to get ready and when I was about to find Lester, I heard him saying thank you to someone infront of my door.
"Les, who's that?"
Lumapit ako sa likod niya pero hindi ko na nakita kung sino ang nasa labas dahil sinara na niya ang pinto.
"Mukhang may isa ka nanamang admirer," aniya at binigay sa akin ang isang rosas.
Ow, it's the same flower again. Mas lalong umuusbong ang curiousity ko dahil doon. Medyo naf-frustrate na ako dahil hindi ko man lang matanong si tatay. Nakakainis!
Kinuha ko ito sa kamay niya at nilagay nalang ulit sa flower vase ko at hinila na siya palabas. Sinara ko na ang pinto at hinila na siya ulit papasok sa elevator.
Wala nanaman siyang dalang sasakyan kaya ang ending ay siya nanaman ang magd-drive ng sasakyan ko. While he's driving, chineck ko ang bulletin board ng isang sikat na news channel at tinignan kung may panibago nanaman silang balita tungkol sa mga Moroco.
I knew it, the news last night was taken down. Hindi ko na ito makita sa page nila kaya sinubukan kong I-search sa ibang news pages pero wala na rin akong makita. Mabilis talaga mag-asikaso ng mga ganitong problema ang pamilyang 'yun!
Bumuntonghininga ako at pinatay na ang cellphone ko.
"Have you heard about the news?" Lester asked.
"Yeah, napanood ko kagabi," sagot ko.
"I heard it's the ex-wife," aniya.
"Ex-wife? Sino?"
Tinignan niya ako ng nakataas ang isang kilay. "Akala ko ba napanood mo kagabi?"
"Oo nga!"
"Iyong babae na nasama sa balita, 'yung umiiyak? I heard she's Mr. Thadron's ex wife."
Napa-ohh nalang ako dahil hindi ko alam. Si Thunder kase agad ang pumasok sa utak ko.
Hindi na nasundan ang usapan naming tungkol doon dahil nakarating na kami sa studio. Dumiretso kami sa backstage at nakitang nakaupo na silang lahat doon.
Napatingin silang lahat sa amin including Ms. Rich and Baron. As usual, agaw atensyon nanaman kami.
"You're 15 minutes late, Ms. Varmona!" Ani Baron sa masungit na boses.
"Sorry, Baron. Nagtatae kase itong alaga ko kaya na-late kami," pagda-dahilan ni Les na ginamit pa talaga ako.
Umirap nalang ito at binuklat ang pamaypay niya. Nginitian kami ni Ms. Rich at sinabihang umupo na, mabuti pa ito at mabait samantalang 'yung isa ay akala mo pinaglihi sa sama ng loob.
Nagsimula na ang mabilisang meeting kaya nakinig na ako ng mabuti sa sinasabi niya. She just gave us a brief instructions about the upcoming fashion show. Gaganapin daw ito hindi na rito sa Pinas kung hindi sa ibang bansa na.
Lahat kami ay nagulat at na-excite dahil sa wakas, another out of the country show nanaman. She said that she will be coordinating with Singapore's number one fashion agency. It will be done outside and we will not use a stage anymore, ang dami palang babaguhin sa original na plano.
Pinahahanda na sa amin ang mga gamit namin, passports, some important documents and etc. Next week na ang lipad namin at tatlong araw daw kami doon. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa wakas, makakalayo na rin ako sa mga problem ko kahit tatlong araw lang.
When the meeting is done, we started practicing again and this time, Baron became more strict. Kung noong last ay inaabot lang kami ng dalawa or tatlong oras sa rehearsal, ngayon ay halos anim na oras kaming nagpa-ulit ulit dahil sa dami ng mga nagkakamali.
Kaya ang ending, pagod na pagod akong umupo sa restaurant na pinuntahan namin ni Lester for a late lunch. He's ordering our food while I'm busy taking deep breaths... What a tiring day indeed!