I don't know what to react because I can't believe he just called me on my surname.
How the freaking hell he knows me?
"Ms. Varmona?"
Mabilis akong bumalik sa huwisyo nang banggitin ulit niya ang apelyido ko.
"A-Ah... Yes! That's m-mine," nauutal ko pang sagot.
Inabot niya ito sa akin kaya kinuha ko iyon sa kamay niya at mabilis na pinasok sa bag ko. Hindi ko alam bakit ako nara-rattle ngayon dahil sakanya, basta ang alam ko ay ang lakas ng epekto sa akin ng presensya niya.
"Are you with someone? Family? Friends?"
His voice were soft but his eyes looks so serious, medyo malamig siya tumingin at para kang matutunaw sa klase ng titig niya.
"I'm with my..." Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Should I say fiancée? Pero nakakasuka pakinggan, eh. I don't wanna call him that and I don't want to broadcast it to anyone, this is not something to be proud of.
"I'm with my friend!" Tuloy ko.
Napatango-tango ito at natahimik na ng ilang segundo. Gano'n din siya pero agad din naman niyang pinutol ang katahimikan.
"Let me excuse myself then, I'm going to men's bathroom."
Doon na ako parang nahiya dahil parang na-istorbo ko pa ang pagpunta niya sa cr. Tumango nalang ako sa sinabi niya at gumilid na para makadaan siya.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Napasapo nalang ako ng noo habang naglalakad pabalik sa table namin. Saktong pagbalik ko ro'n ay nakita ko si Governor Hernandez na kinakausap ang waitress, mukhang tinatanong kung nakita ba ako.
Nakita naman agad niya ako kaya napabuntong-hininga siya. Akala siguro niya ay umalis na ako at iniwan siyang mag-isa. Baka balak pa niya akong pagbayarin ng kinain ko or hindi kaya ay mag-split kami ng bill?
"Saan ka nagpunta?" Tanong niya sa iritang boses.
"Nag-cr," simple kong sagot at bumalik na sa upuan ko.
"Your face looks so red."
Napahawak ako sa dalawa kong pisngi at naramdaman na sobrang init nito. Napainom tuloy ako ng tubig ng wala sa oras.
"Just don't mind me, okay? Ano ba 'yung ibibigay mo para makauwi na ako."
Nilapag niya sa harap ko ang isang envelope na malaki at isang invitation card. Kinuha ko ang mga iyon at unang kinuha kung ano man ang laman ng envelope na ito. Nilabas ko ang ilang papeles at agad iyong pinasadahan ng tingin.
Rules to follow... Basa ko sa utak ko.
Kumunot ang noo ko nang mabasa kung ano ang mga nakasulat doon. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya ng masama dahil sa dami ng mga gusto niyang gawin ko pati na rin ang bawal sa marriage life kuno naming dalawa.
"Are you kidding me, Mr. Hernandez?"
Inayos niya ang suot niyang suit at seryoso akong tinignan.
"Those are the things that you need to follow, Azekyne. This contract is valid for 5 years, you can only divorce me after that, if you still want though."
Hindi makapaniwalang binasa ko lahat ng dapat gawin at halos lukumusin ko ang mga ito dahil sa galit ko. No flirting with other men, curfew, etc... The hell is this?
"You don't expect me to do all of these, right? Hindi mo ako utusan, Governor! Tsaka ano ako? Bata? Bakit kailangan pa ng pesteng rules na 'yan? Kung ganiyan din lang, might as well find somebody else to marry," utas ko.
"I already settled this with your family," aniya.
"Then go marry them!"
"Azekyne, tone down your voice," he said in a cold tone.
Malalim akong napabuntong-hininga at napahawak nalang ng mahigpit sa dulo ng skirt ko.
"You want to make me your slave, don't you?" Saad ko sa mahinang boses.
Medyo nalakasan ko kase kanina ang boses ko, ayoko naming maging eskandalosa ng wala sa oras. Baka ikasira pa ng image ko kung sakali.
"Think whatever you want, I just came up with this idea so you will know your limitations. I know you're against this marriage, kaya kailangan natin niyan para hindi ka maging pasaway."
Pasaway? Ang panget ng term niya, sura! I'm not a freaking child for pete's sake!
"You know what? F*ck your rules," sambit ko at tumayo na.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at nagmartsa na palabas ng restaurant. Napasadahan pa ng tingin ko ang grupo nung sinayawan ko sa bar na nakatingin sa direksyon ko, including him.
I heard Governor Hernandez's voice calling me but I didn't look back. Dumiretso ako sa sasakyan ko at sumakay na ro'n. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at nagmaneho na paalis sa lugar na iyon. It's making me sick, even just for a couple of hours.
Imbis na dumiretso pauwi sa condo ko ay naisipan ko nalang na sa bahay nalang ni Hillary ako magpapalipas ng gabi. Habang nasa daan ay dinial ko ang numero ni Julie para tanungin kung nandoon pa ba siya.
Nakailang ring din ito bago niya sagutin.
"Hey," bungad ko sakanya.
"How's the dinner date?"
Napataas agad ako ng dalawang kilay at hindi nakasagot dahil ang alam ko wala naman akong pinagsabihan ng lakad ko kanina.
"I heard you talking to your fiancée, matalas ang pandinig ko kaya huwag ka na magtaka," dagdag niya sa kabilang linya.
I sighed. "It's terrible. Don't even ask."
She chuckled on the other line. "Oh, bakit ka napatawag?"
"Nasa bahay ka pa rin ni Hillary? I'm going to spend the night there."
"Wala na, huwag ka nang tumuloy. May sumulpot na lalake ro'n, bagong jowa ata nung bruha. Pinaalis nga ako nung dumating 'yon, eh!"
"Huh? Wala na sila ni Johnson?" Tukoy ko sa afam na kasama niya noong isang araw.
"Ewan ko, baka wala na? Alam mo naman 'yun, kapag fling lang, hindi na tumatagal ng isang lingo!"
Napakagat nalang ako ng labi at niliko nalang ang sasakyan papunta sa condo ko dahil hindi naman ako pwedeng matulog sa unit ni Julie dahil kasama niya ro'n ang mga kapatid niyang lalake. It will be awkward for me to stay there lalo na at mga maskulado at ang popogi rin ng mga kuya niya.
"I'm going home then, thanks for the heads up. Buti tinawagan muna kita, kung dumiretso ako ro'n baka nakapanood na ako ng live porn!"
Parehas kaming natawa. "Baliw ka talaga."
Pinatay ko na ang tawag nang may ngiti sa labi. Gumaan kahit papaano ang mood ko dahil sakanya. Nakarating na ako unit ko at pagod na sumalampak ako sa sofa ko at pumikit, sinandal ko rin ang ulo ko sa headrest ng sofa at nagpakawala ng ilang malalim na buntonghininga.
As expected, sisirain lang talaga ng isang 'yun ang gabi ko. Sana pala talaga ay hindi na muna ako pumayag makipagkita sakanya at sa kasal nalang mismo kami magsalubong ng landas, inis!
Kung bakit ko ba kase tinanggap pa itong deal na ito, simula na ata ng kalbaryo ko.
Nanlalanta akong tumayo at naglakad papunta sa kusina ko, kumuha ako ng isang pitchel na may lamang malamig na tubig at isang baso. Uminom ako ro'n at halos makadalawang baso na ako dahil sa uhaw. Habang umiinom ay pumasok sa utak ko ang nangyari kanina nung makasalubong ko 'yung VVIP.
Alam niya ang apelyido ko... Totoo kaya na tinanong nito kay Michelle kung sino ako? Hindi ba nagbibiro lang no'n si Lester?
Or, baka dahil sikat akong modelo kaya niya ako kilala? Kase kahit sino namang guest ng mga fashion show ay kilala halos lahat ng mga rumarampa, 'di ba?
Ayoko naman mag-assume kaya mas mabuting ganito nalang ang isipin ko. Tsaka pamilyado na 'yung tao, imposibleng magtanong pa siya ng pangalan ng ibang babae, unless byudo na siya or divorced na.
Hay! Nakakapagod mag-isip. Pinilig ko nalang ang ulo ko at pumasok na sa kwarto ko, I took all my clothes off and enter my bathroom. Binuksan ko agad ang shower at sinahod ang sarili ko ro'n. Init na init ako ngayon sa hindi malamang dahilan kaya niligo ko na para maayos din ang tulog ko mamaya.
After 15 minutes of taking a quick bath, nag-blow dry lang ako ng buhok at nagsuot ng manipis na lingerie pajama at natulog na.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para makapag-exercise sa gym dahil ilang araw na rin akong hindi nakakapag-exercise, pansin kong nagkaka-laman na ulit ang mga pisngi ko kaya kailangan kong ibalik ito sa dati. The firm your face, the better.
Iba kase kapag model ka, strict sa diet at weight.
Nagsuot lang ako ng isang gray fitted leggings at gray sports bra, suot ko rin ang earpods ko at dala ko ang tumbler ko na may lamang detox drink pati na rin ang phone ko. Maaga akong pumunta sa gym pero marami na agad tao.
This gym is located on the second floor of this condo building, I am a VIP member and I think they added some members here, I saw a lot of newbies.
Dumiretso na ako sa bakanteng treadmill. Nag-warm up exercise muna ako ng ilang minuto bago sumampa sa treadmill at sinimulan ang pagpapawis. While running on this equipment, I saw my phone's screen turned green, it means someone is calling me.
Pinindot ko ang suot kong earpods at sinagot iyon.
"I'm at the gym, Les."
"I know, Aze. Nakalimutan ko lang sabihin sa'yo kahapon na may natanggap pala tayong offer mula sa isang bigating kumpanya. Gusto mo bang makita offer nila? I'll send it to your email-"
"Ang hectic na masiyado ng schedule ko, Lester. Alam mo naman, 'di ba?" Putol ko sakanya.
"But this is not an urgent project naman, Aze. Tignan mo muna kaya? Ang ganda kase ng offer nila, tsaka ang dami mo nang tinatanggihan na malalaking projects, baka malaos ka na niyan?"
Medyo na-offend ako sa sinabi niya dahil hindi naman ang mga proyektong 'yon ang nagpasikat sa akin. It's my skills in fashion industry and my dedication to make my name big as other models.
"You know I really hate to hear that from you, can we stop talking now? Magkita nalang tayo mamaya sa studio, I still need to exercise," utas ko sa malamig na boses.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya.
"I'm sorry, Azekyne. See you later then."
Hindi na ako sumagot at ako na mismo ang nagpatay ng tawag. Inis na tinanggal ko ang earpods ko at basta nalang itong tinapon sa gilid ko. Nawala agad ako sa mood, ang aga aga.
I know he just want me to accept those offers in order for my name to go international, pero hindi niya kase alam na may trauma na ako sa mga malalaking kumpanya. Hindi ko sinabi sakanya ang naranasan kong harassment sa tinanggap naming offer noon kaya agad akong nag-quit.
It was the time that my career is at peak. Kaya wala akong pinagsabihan tungkol sa kamuntikan nang pangr-rape sa akin nung CEO ng kumpanyang 'yon.
Nasa kulungan na 'yon dahil sa kasong attempted murder sa kasambahay niya. Kaya simula no'n ay talagang hesistant na ako sa pagtanggap ng malalaking offer, except kung kilalang kumpanya talaga ang nag-offer at babae ang CEO, baka i-consider ko pa.
Dahil siguro sa inis ko ay inabot ako ng isang oras sa loob ng gym. Halos lahat ata ng equipment dito ay nagamit ko na. Pawis na pawis akong lumabas ng gym at bumalik sa unit ko. I waited for like 30 minutes bago naghanda para sa pagpunta ko sa studio.
Nakarating ako ro'n nang hindi gaanong pinapansin si Lester. Mukhang nahalata naman niyang wala ako sa mood kaya hinayaan nalang niya muna ako. Natapos ang practice namin kaya ang susunod kong schedule ay ang photoshoot ko para sa isang clothing apparel.
Sumabay sa akin si Les at siya na mismo ang nag-drive dahil wala siyang dalang sasakyan, wala pa rin kaming kibuan hanggang sa makarating kami sa isa nanamang studio. He assist me because he's my manager and we acted like professionals all throughout the shoot.
Since I feel bad for being mad at him for a lame reason, ako na mismo ang kumalabit sakanya nang matapos ang photoshoot.
"Give me the details, I'll take a look on it."
Lumiwanag ang mukha niya at agad niyang binuksan ang cellphone niya. He opened his email and show me the offer he received.
MCU Hotel Group and Companies...
Parang familiar sa akin itong kumpanyang ito.
"Itong kumpanya na ito ang may ari ng ilang malalaking business dito sa atin pati na rin sa ibang bansa. They owned the biggest 5-star hotel here too, pati na rin MIA International Airport!"
Tumingin ako sakanya at napakunot ng noo.
"So, what exactly I'm gonna do with this company? Imo-model ko mga buildings nila?"
Natawa siya sa sinabi ko. I'm to happy see him laughing, hindi ko rin naman kase siya matiis lalo na at hindi ko lang siya manager, bestfriend ko rin siya.
"Hindi baliw! They want you to become the new face of their company. Nagka-issue kase ata doon sa last na model ng kumpanya nila, nilandi ata ang CEO kaya pinatalsik agad."
"Ang lakas talaga ng radar mo pagdating sa mga ganiyang chismis," asar ko sakanya.
"Aba, syempre naman! So, ano? Tatanggapin ba natin? Ito na ata ang pinaka-malaking offer sa'yo sa buong career mo."
Humugot ako ng malalilm na hininga at kinuha na ang mga gamit ko.
"Pag-iisipan ko," tipid na sagot ko.