CHAPTER 8 (GRANDIEURÉ)

2131 Words
Since he said I should wear something formal, pumili ako ng isang black tube style top at isang black skirt at black boots na may taas na 5 inches. Malayong malayo sa formal na damit na dine-demand niya sa akin kanina. I don't feel like wearing formal attire right now, wala rin ako sa mood na sundin siya kaya naisip ko itong kalokohan. Baka sakaling sa katigasan ng ulo ko ay tsaka lang siya umurong sa deal between him and my parents. Nilugay ko lang din ang mahaba kong buhok. Medyo lumalabas na ang natural na kulay nito which is blonde. Kinulayan ko lang talaga ng black dahil mas gusto ko 'yon at mas nagmumukha akong matured sa gano'ng kulay. 20 minutes ata ang tinagal ko sa pag-aayos at exactly 6:30 ay nakasakay na ako sa elevator pababa sa basement kung nasaan ang parking lot ng condo building. I chose to ride my BMW car since medyo kailangan na ng car wash nung isa kong sasakyan. I have two cars here and one car on our house, iyon na ang ginagamit ngayon ni Allen kapag papasok siya sa opisina. Nagmaneho na ako papunta sa address na binigay ni Governor Hernandez kanina sa text at naghanap na ng ibang daan para hindi ako maipit sa matinding traffic since rush hour na. As much as possible ay gusto ko agad makarating doon para matapos din agad kami. Ayokong makisalamuha sakanya ng matagal. Madali lang sundan ang address na binigay niya since I'm using a map, nakarating ako doon at tumambad sa akin ang isang high-end restaurant na sa labas pa lang ay alam mo nang pang mayaman dahil sa exterior design nito. Sinalubong ako ng isang staff at hiningi nito ang susi ng kotse ko para siya na raw ang mag-park nito sa kanilang parking lot for VIPs. Binigay ko ito sakanya at naglakad na papasok ng restaurant, may isa nanamang staff ang lumapit sa akin at nginitian ako. "Welcome to Grandieuré, Miss." I smiled at her. "Thank you." "This way, please?" Iginiya niya ako papunta sa naka-reserve na table para sa amin. Mukhang ako pa ata ang nauna kesa sa mokong na 'yon. Paghihintayin kaya niya ako rito ng matagal? First date pa lang, ang pangit na ng ugali. Pero ano bang aasahan ko sa isang 'yun? Halata naman na may taglay siyang kasuklam-suklam na ugali. Nilibot ko ang mata ko sa loob ng restaurant na ito at hindi ko maiwasang hindi mamahanga dahil sa ganda nito. Kung sa labas ay maganda na, mas triple rito sa loob. Para akong nasa ibang bansa, I've been to a lot of 5-star restaurants but this one is just so unique. I bet the prices of food here is unique too. May mga ilang kumakain din na karamihan ay naka-suot ng formal attires. They look so elegant, parang mga businessman or tycoons ang nandito, ako lang ata ang naiiba ang suot. Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa isipan ko dahil baka oras na makita ni Governor ang suot ko ay ikahiya niya ako. I don't care if I look like somewhat outcast here because if it means shaming that man, then it's totally fine with me. Pinagkrus ko ang mga binti ko at sumandal sa upuan. Lumapit sa akin ang isang waitress at agad na nag-offer ng welcome drink. It's a red wine at hindi ko naman na tinanggihan, I guess I need this tonight. "Thank you," sabi ko rito nang matapos. Nag-bow lang ito sa harapan ko at umalis na. I took a sip of the wine and look at my watch. It's almost 7 pm, kapag wala pa siya ng 7:10 ay aalis na ako. Hindi ako maghihintay para sakanya, mahal masiyado ang oras ko at hello? Hindi dapat pinaghihintay ang mga babae! Malapit ko nang maubos ang wine nang makita ko siyang bumaba mula sa magara niyang sasakyan mula sa glass wall nitong restaurant. Umayos ako ng upo at wala sa mood na tinignan siya habang papasok na sa pintuan. Agad na dumako ang mata niya sa akin at sinuri ang suot kong damit, I saw how he deeply sighed before walking towards me. Nakasuot siya ng magarang suit at mukhang pinaghandaan talaga ang date na sinet niya ngayon. "Goodevening, Azekyne," bati niya sa akin at yumuko. Hindi ko na naiwasan ang labi niyang dumampi sa pisngi ko. Gross! Sa isip isip ko. Hindi ko siya binati pabalik, instead, I look at him with my bored eyes. "You're late, Governor." He smiled and sit down Infront of me, sinenyasan niya muna ang waiter bago ako sinagot. "Sorry, may emergency lang. I'll make it up to you, don't worry," aniya na akala mo ay close na close na kaming dalawa. Tumikhim ako at inisang tungga na ang laman ng wine glass ko. Lumapit na sa amin ang waiter at binigyan na kami ng tig isang menu. Binuklat ko ito at tama nga ako ng hinala, sobrang mahal ng pagkain nila dito, triple ata ang presyo sa mga napuntahan kong kainan. Pumili nalang ako ng light meals dahil wala naman ako sa mood kumain ngayon, para rin mabilis kong maubos at makaalis na. "I'm sure I didn't forgot to mention that you should wear something formal, right?" Nakatingin siya sa menu habang sinasabi iyon. "Did you?" Maang-maangan kong sabi. "Hindi ko ata nabasa, my bad." Sinara niya ang menu at sinabi na ang order niya sa waiter. "I should repeat it next time then," utas niya kahit halatang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Whatever! Sigaw ng utak ko. Tahimik kaming dalawa sa loob ng ilang minuto hanggang sa siya na mismo ang bumasag no'n. "I thought it will be hard for me to get you, Azekyne. You made the right decision," wika niya. Napakuyom ako ng kamao ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. I made the right decision, seriously? Saan naman niya nakukuha ang mga pinagsasabi niya? "You should give credits to yourself, Governor. Ikaw ang dahilan bakit ako pumayag na ikasal sa'yo, you forced my family, remember?" Ngumiti siya na para bang wala lang sakanya ang sinabi ko, nagawa pa nga niyang magsalin ng alak sa wine glass na nasa harap niya at tumungga doon. "I have no choice, I need someone beside me and it just turns out that they offered me something. Since it's not easy to have you, then your family will do the work for me." Tumaas ang gillid ng labi ko hindi dahil natatawa ako kung hindi dahil sa inis. "How cruel..." I uttered. Hindi pa rin nawawala ang nakakairitang ngiti sa labi niya kaya napasalin din ako ng alak sa wine glass ko. Ininom ko ito na para bang tubig lang ang nilalagok ko. Maganda pa sana kung okay ang ugali nitong ipapakasal nila sa akin, may itsura nga kaso bagsak sa ugali, napakasama! Kung hindi lang malawak ang koneksyon nito, nunkang papayag ako sa deal at kakatakutan ang isang ito. I know how dangerous those people with connections are, I've seen it once. Tsaka kung hindi lang talaga nito ginigipit ang pamilya ko, hinding hindi ako papayag na matali sakanya, even when I die! "Ang ganda mo lalo kapag nagagalit," puri pa niya sa akin. Inirapan ko lang siya at hindi na nagsalita pa. Dumating na ang order namin at kasabay no'n ang pagpuwesto ng isang musician sa gilid namin na may hawak na violin. He started playing a melody the moment waiters are done serving our foods. "Come on, let's eat." Kinuha ko na ang tinidor at kutsilyo sa harap ko at nagsimula ng kumain. I can feel his stare and it's making me feel uncomfortable. Hindi pa rin siya kumakain at tinititigan lang ako kaya naman pabagsak kong binaba ang tinidor ko at masungit siyang tinignan. "Can you stop staring? It's rude, you know?" He chuckled, "It's just that you are so beautiful. Hindi ko maalis ang tingin ko sa'yo, you are a goddess-" "I know that, but stop being so cringe. It won't work on me," I cut him off and even rolled my eyes at him. "I like your attitude, but we need to change that, especially if we get married." Biglang naging seryoso ang boses niya pati na rin ang expression ng mukha niya. "I need you to act accordingly, my friends are all politicians and business tycoons, this kind of attitude won't amaze them and it won't help me in my campaign." Medyo nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya kaya pasimple akong napalunok. Hindi na rin ako nagsalita pa dahil baka kung ano nanaman ang masabi ko sakanya. Nagpatuloy kami sa pagkain at habang sumusubo ay napatingin ako sa pintuan ng restaurant at halos mabulunan ako nang makita kung sino ang pumasok sa pintuan na 'yon. Shit! What a coincidence! Napainom agad ako ng maraming tubig dahil parang na-stuck sa lalamunan ko ang kinain ko at hindi pa ito bumababa. That guy... Bakit sa dinami-rami ng taong makikita ko ngayong gabi ay siya pa talaga? Jusko! It's the guy in the bar! Isa sa mga VVIP last fashion show. Hindi ko akalain na pati rito ay magtatagpo ang landas namin. May kasama siyang tatlong lalake, ang isa ay parang familiar sa akin. Hindi ko lang ma-confirm dahil nasa likod siya nung tatlo. Nakita kong lumibot ang mata nito kaya agad akong napayuko at pasimpleng napatakip ng kamay sa mukha. Damn it! Ayokong makita ako no'n na nandito, hanggang ngayon kase ay nahihiya pa rin ako sa ginawa ko. "Why are you covering your face?" "Huh?" Napansin nitong isa ang ginagawa ko kaya umayos din naman ako agad ng upo. Sinundan niya ng tingin niya ang mata ko kaya agad kong binalik ang atensyon ko sa pagkain. Tumikhim tikhim pa ako at sinunod-sunod ang pagsubo. Nang medyo humupa na ang kaba ko ay pasimpleng hinanap ng mata ko ang grupo nito at nakita silang nakaupo na sa isang table malayo nang kaunti sa amin. Nakaharap siya sa direksyon namin pero medyo nahaharangan naman kami ng isa niyang kasama. Lahat sila ay mukhang bata pa, mga nasa early 27 to 30 siguro, hindi ko lang sure. Natapos kaming kumain ni Governor at sunod nila kaming pinag-serve ng panibagong wine pero tumanggi akong salinan ang baso ko dahil ayoko na uminom. I've had enough for tonight, tsaka magd-drive pa ako pauwi. "Can I go now? Tapos naman na tayong kumain-" "We still need to talk about our wedding," putol niya sa akin. "Why are you in a hurry? Maaga pa naman," dagdag niya. "I'm tired, madami akong ginawa ngayong araw kaya gusto ko na magpahinga," paliwanag ko. "Alright then, let me get something in car first. I forgot to give you something," aniya at tumayo. "Wait a minute." Lumabas siya ng restaurant at pumunta sa parking lot. Saktong paglabas niya ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya naman tumayo na rin ako at nilapitan ang isang standby waitress at tinanong kung nasaan ang banyo. Tinuro naman niya sa akin kaya agad na akong na naglakad papunta doon. Sa dami ng nainom kong tubig, hindi na kinaya ng puson ko at bumigay na. I enter a clean and wide bathroom for women, walang katao-tao bukod sa akin kaya pumasok na ako sa isang cubicle. Umihi lang ako saglit at naghugas na ng kamay, nag-alcohol at naglagay lang ulit ng lipstick dahil medyo mapusyaw na ang labi ko. Nagmadali na ako sa paglabas dahil baka nakabalik na rin 'yung isa sa table namin, sa kakamadali ko ay hindi ko pa nalagay ng maayos ang lipstick ko pabalik sa bag ko kaya ang ending ay nahulog ito sa sahig at gumulong papalayo sa akin. Sa taranta ko ay lakad-takbo ko iyong sinundan hanggang sa tumama ito sa isang pares na itim na sapatos bago huminto. Napa-angat ako ng tingin at tinignan kung sino ang may ari ng sapatos na iyon at natakip nalang ako ng bunganga sa natuklasan. I gasped and stand straight. Yumuko ito at kinuha ang lipstick ko, he look at it carefully. Binasa niya ang nakasulat na brand gamit lang ang kaniyang bibig bago niya ako tinignan. His face looks stoic and I cannot help but to admire his pretty face. Especially his sexy jawline and thick eyebrows. He's so tall, sa tangkad kong 5'6 ay mukhang hanggang leeg lang niya ako. He has broad shoulders, masculine body and that hand... Kitang kita ko kung gaano iyon kaugat! Nakaramdam ako ng kakaibang paghanga sa loob loob ko. Just how perfect this man is? Napahakbang ako ng isang beses paatras nang maglakad siya palapit sa akin. He stopped the moment I did that and looks quite apologetic. Masiyado sigurong halata na na-intimidate ako ng presensya niya. He extended his hand while holding my lipstick. "Is this yours, Ms. Varmona?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD