CHAPTER 7 (THE START)

2233 Words
Exactly 7 am, nagising ako sa tunog ng cellphone ko na kanina pa ata paulit-ulit. Kinapa- kapa ko iyon sa gilid ng kama ko at nang mahawakan ay agad kong sinagot kung sino ang tumatawag kahit hindi ko pa nakikita ang pangalan sa screen ko. "Hello?" I answered with a morning, groggy voice. "Gising na, alaga ko! Let's be productive today para more more blessings from above!" Matinis na boses ang sumalubong sa akin. "Lester, alas nuebe pa ang nasa sched ko. Can you just give me 30 minutes more to sleep?" "Huy, bruha ka, sa tagal mong nag-aayos, dapat alas sais pa kita ginising! Bumangon ka na riyan, si Baron ang organizer ng event ni Ms. Rich next week. Alam mo naman ang ugali no'n, 'di ba?" I sighed in frustration because I still feel so sleepy but I am a model. I always need to be on time lalo na kapag practice. "Fine," I said in defeat. "Mauuna na ako sa studio, just call me when you get there. Ire-ready ko na rin mga gagamitin mo." Um-oo nalang ako sa sinabi niya at nakapikit pang bumaba mula sa kama ko. Late nanaman ako nagising kagabi dahil nanood ako ng korean movies. Inabot ata ako ng madaling araw sa kaka-last episode ko. Natulog kase ako ng mag a-alas sais kaya nahirapan na akong matulog after no'n. Mabilisan lang akong naligo at nagbihis ng isang fitted lacy strap dress na abot hanggang sa paa ko. I chose to wear a nude 3 inches stiletto to make it more elegant. Hindi na ako nag-make up at hinayaan nalang na bare face ako pumunta sa studio, tutal practice lang naman, hindi na kailangang mag-ayos. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso ako sa kusina ko. Kumuha ako ng dalawang pirasong wheat bread at mayonnaise, I also took some tomato and cut it into flat circles. Ito nalang ang kakainin ko dahil wala na akong time para magluto pa, ganito talaga kapag mag-isa ka sa bahay, hindi ka na masiyadong nakakakain ng lutong bahay. Uminom na rin ako ng mga vitamins ko at ang maintenance ko para sa panic attacks ko na ni-reseta sa akin ng doctor ko. Pagkatapos no'n ay lumabas na ako ng condo ko pero agad din akong napahinto nang muntik ko nang maapakan ang isa nanamang rosas na nasa harapan ng pintuan ko. I pick it up and take a look on it. It's the same red rose yesterday. Ganitong ganito ang itsura nung natanggap ko kagabi. Napabalik agad ako sa loob ng unit ko at tinignan ang flower vase kung saan ko nilagay iyong unang natanggap ko, at nandoon pa rin naman 'yun. Salubong ang kilay na tinignan ko ang hawak kong rosas at hindi na maiwasang mag-isip kung sino ba ang nagpapadala nito. Iba ang pakiramdam ko sa rosas na ito, ewan ko ba, it feels strange. Dahil nagmamadali na ako ay nilagay ko nalang ulit ito sa flower vase ko at pinagsawalang-bahala na kung sino ang sender nito. Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho na papunta sa studio. Medyo may kalayuan din iyon pero hindi naman na ako inabot ng siyam siyam dahil walang traffic ngayon. "Les!" Tawag ko agad sa manager ko nang makita ko siya. Nakikipag-kuwentuhan siya sa ilang manager. Nagpaalam agad siya sa mga ito nang makita ako. "Bakit ang plain naman ng itsura mo ngayon?" "Practice lang naman, tsaka minamadali mo ako, eh." He chuckled. "Hindi bale, maganda ka naman kahit walang make-up kaya ayos na iyan. Tara na sa dressing room. Isusukat niyo na mga design ni Ms. Rich, para makita if may adjustments na kailangang gawin." Sumunod nalang ako sakanya papunta sa dressing room at doon ay naabutan na ang iba pang mga models, pati si Julie na nakasuot na ng isa sa mga collection ni Ms. Rich. It's an elegant blue gown with diamond beads on it. Napahanga ako sa ganda ng suot niya na talagang bumagay sa kulay niyang porselana. I walk towards her and tap her shoulder. "Ang ganda mo naman ngayon," puri ko sakanya. "Ngayon lang talaga, Azekyne?" Nakataas ang isang kilay niya. Natawa ako at pabirong tumango. "F*ck you," she mouthed. "Where's Hillary? Late rin ba?" Hindi ko kase makita ang isang 'yun ngayon kaya nagtataka ako. "Hindi makakapunta, nilalagnat daw. Her manager called Baron, I just heard it." Nilagnat? Bago 'yun, ah! Hindi masiyadong nagkakasakit ang isang iyon tsaka never pa atang um-absent 'yon sa mga rehearsals. Baka hindi na talaga kinaya ng katawan niya ngayon, lagi ba namang may lakad. "Let's visit her after this rehearsal then. Dalhan na natin ng makakain, mahilig pa naman 'yun magpalipas." "Sige, baka magtampo rin kapag hindi natin binisita," aniya. Natapos ang usapan namin kaya binigay na sa akin na Lester ang susuotin ko at pinapasok na ako sa isang cubicle. It's a silver bodycon gown, pure silver siya at madami ring diamonds, buong tela nito ay meron at may slit din siya sa kabilang binti. Tube style ito kaya for sure litaw na litaw ang cleavage ko rito kapag sinuot. Hindi na ako nag-inarte dahil sanay naman na ako, for two years, puro halos revealing ang sinusuot ko. I even have a bikini fashion show line up for this month. I'm already used to it. Sinuot ko na iyon at saktong sakto lang naman sa akin, parang sinukat mismo sa katawan ko. Lumabas ako ng cubicle at agad na naagaw ang atensyon ng lahat. Some of them looks amaze but most of them are giving me some evil eyes. I flip my hair a bit and walk with confidence, nilapitan ko ang nakangangang si Lester na akala mo ay ngayon lang ako nakitang ganito ka-sexy. "Tutulo na laway mo, huy!" Biro ko sakanya. Ako na mismo ang nagsara sa bibig niya. "Ang ganda ganda mo talaga, Varmona. Jusko, para akong nakatingin sa isang dyosa!" "Ilang taon na tayong magkasama, naninibago ka pa rin ba?" Kinurot niya ako sa braso kaya napa-aray ako. "Maganda ka pero mayabang ka minsan!" Natawa na lang ako sa sinabi niya at hindi na nagsalita pa. Inayos niya ang pagkakasuot sa akin nitong gown at inayos na rin pati ang buhok ko. Nakalugay lang kase ako kanina, may pagka-backless itong gown kaya kailangang nakatali ang buhok. Dumating na si Baron at sinabihan na kaming maghanda dahil magsisimula na ang rehearsal kaya naglakad na ako papunta sa pwesto ko and as usual, ako nanaman ang nasa pinakahuli. Although wala naming pang finale or what sa event, ako pa rin ang nilalagay sa pang huli. I don't know if it's an advantage or what, but it's fine with me. Nagsimula na ang practice sa pagrampa at kakasimula pa lang ay madami na agad sinisigawan si Baron dahil pangit daw silang maglakad at mukha raw silang bored na bored. Ang ending ay ilang beses kaming bumalik sa pinaka-una dahil lang sa pagkakamali ng iba. Medyo naiirita na ako sa ilang beses na paulit niya pero naiintidihan ko naman kung bakit kailangan dapat maayos at pulido talaga ang bawat lakad. "Ms. Azekyne! Focus!" Sigaw niya sa akin. Nawala pala ako sa huwisyo dahil sa mga iniisip. Sinenyasan ako ni Les na umayos daw ako kaya ginawa ko ang gusto niya. Naging maayos naman na ang mga sumunod na rehearsal kaya binigyan kami saglit ng break. Malamig sa loob ng studio pero hindi ko pa rin maiwasang pagpawisan. Lester gave me a bottle of water, umupo ako sa upuan na binigay rin niya at kinuha ang cellphone ko. I saw a message from my notification, it was from an unknown number. Uminom na muna ako at tsaka ko iyon binuksan. Halos maibuga ko ang iniinom ko dahil sa nabasa ko. Nagulat pa si Les na nasa harap ko dahil natalsikan ko siya ng tubig. Napaubo ubo ako dahil doon kaya agad niya akong binigyan ng tissue. "You're so gross, Aze!" "Damn it," mura ko at mabilis na nagtipa ng reply sa text ni Governor Hernandez. He's asking me to save his number and be ready because he will pick me up for a dinner date. "I don't have time, I'm busy." Iyan ang ni-reply ko sakanya. Alam kong natanggap na niya ang pinirmahan kong mga papeles kahapon, grabe siguro ang tuwa niya at nagawa pa akong ayain mag dinner date, ano kami? Mag-jowa? Hindi ko na hinintay ang reply nito at sinave ko ang number niya, asshole ang nilagay kong pangalan dahil iyon ang tingin ko sakanya. Pinabalik na kami sa stage at nagsimula na ulit ang rehearsal. It went smoothly this time at natapos din kami sa loob ng halos dalawang oras. Nagsabi na ako kay Lester na may pupuntahan pa kami ni Julie kaya naman nauna na siyang umalis. Hinintay ko si Julie sa parking lot at habang naghihintay ay chineck ko ulit ang cellphone ko at tatlong mensahe agad ang natanggap ko mula sa Governor na 'yon. "You're not busy, you just don't want to see me, Azekyne." "I will pick you up later at 7 pm." "Wear something formal." At talagang nag-demand pa ng susuotin ko! Sa inis ay hindi ko na siya ni-reply-an. Hindi pa ako makapag-decide kung handa na ba akong harapin ang gagong 'to. Baka kase galitin nanaman niya ako at magbago pa ang isip ko na pakasalan siya. I still remember what he did last time, that arrogant punk! Lumabas na si Julie sa studio kaya sumakay na ako sa kotse ko. Nag-convoy lang kaming dalawa at pinuntahan na ang bahay ni Hillary. Nakapasok kami sa subdivision kung saan siya nakatira at nakita ko na agad ang dalawang sasakyan na naka-park sa bakuran niya. Hillary is an only child, mayaman din ang pamilya niya at lahat ay nasa ibang bansa. Baka pinsan niya itong mga nandito ngayon. Hindi na kami nag-abalang kumatok at basta nalang pumasok sa loob ng bahay niya, nauuna akong maglakad pero agad din akong napahinto nang makita kung sino sino ang mga nandito. It's Kim and Karina, the mean cousins of Hillary. I don't know why they are here but I already sense some heavy atmosphere here. Nakaupo silang dalawa sa sala at nagtatawanan, natigil lang sila nang makita kami. "Oh, Azekyne, Julie! Bakit nandito kayo?" Tanong ni Karina. "A-Ah," awkward akong natawa. "Bibisitahin lang namin si Hillary, nandito ba siya?" "Nasa taas, kanina pa hindi bumaba. Puntahan niyo na pakisabi kanina pa kami nagugutom, wala pa siyang niluluto." Si Kim ang nagsabi no'n, ang pinaka-masungit sa dalawa. Agad kong hinawakan si Julie sa kamay dahil naramdaman kong susugurin niya ang mga ito. Malaki ang galit ng mga ito kay Julie at Hillary, eh. Dati na silang nag-away away, ewan ko kung bakit. Hinila ko nalang siya paakyat ng hagdan at pinuntahan ang kwarto ng kaibigan naming may sakit. Naabutan namin doon si Hillary na nakatalukbong ng kumot at halata ang pamumutla sa mukha. "Hey," tinapik ko siya sa pisngi. Agad naman siyang nagising at mukhang nagulat nang makita kami. Tinulungan namin siyang bumangon, kumuha ako ng bimpo sa banyo niya at binasa ito tsaka bumalik sa tabi niya. Kinakausap siya ni Julie habang ako ay pinupunasan ang mukha niya. "Bakit hindi ka man lang asikasuhin ng mga pinsan mo? Hindi ba nila alam na may sakit ka?" "Kahapon pa sila dumating, alam mo naman ang mga 'yun, wala silang pake." Sabay kaming napabuntong-hininga ni Julie. Kahit siguro may sakit ang isang 'to, uutusan pa rin ng mga 'yun. Nag-presinta na akong ako na ang magluluto sa baba para makakain na rin siya at wala nang masabi 'yung dalawang pinsan niya sakanya. Pagbaba ko ng hagdan ay naririnig ko pa ang malalakas nilang tawa na mas nakapagpa-irita sa akin. Nako, pasalamat sila at may sakit si Hillary. Baka nagka-rambulan na rito kung sakali. Nagluto nalang ako ng may sabaw para madali lang kainin. Nagluto na rin ako ng kanin at dinamihan ko na para sakto na hanggang hapunan nila. Inabot din siguro ako ng isang oras bago natapos. Alas dos na nang sabihin ko kay Karina at Kim na pwede na silang kumain. Kinusilapan pa nila akong dalawa at hindi man lang nagpasalamat. "Here's your food, kumain ka na para makainom ka ng gamot," sambit ko pagpasok ko sa kwarto. Since ako na ang nagluto, si Juls na ang nagpakain sakanya. Nagtagal kaming dalawa dito hanggang sa sumapit ang alas sais ng gabi. Napatingin ako sa phone ko na tumunog, agad akong napaayos ng upo nang makitang tumatawag na si Governor Hernandez. Sinagot ko ito at lumayo ng kaunti sa mga kaibigan ko. "What now?" Masungit na bungad ko sakanya. "Just checking if you're getting ready. I can't fetch you since I have something to do. Ipapasundo nalang kita sa driver ko-" "No need to do that, Governor. I know how to drive, hindi na ako bata para sunduin," bwelta ko sakanya. He casually chuckled on the other line. Am I a joke to him or something? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko, letse! "Alright, see you later then, honey." Napangiwi ako sa pagtawag niya sa akin ng cringe na call sign na 'yon kaya binabaan ko na siya ng tawag. Honey? Honey my ass! Huminga muna ako ng malalim bago nagpaalam sa mga kaibigan ko na aalis na dahil kailangan ko pang bumalik sa condo para magpalit. Sana lang ay hindi sumumpong ang masamang ugali ko ngayong gabi. Baka mabara ko siya mamaya habang kumakain, kainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD