"What are you all doing here?"
Iyan agad ang bungad na tanong ko sakanila matapos ko silang makita na nakaupo sa sala ng condo unit ko.
Tumayo si Allen at kinuha ang mga gamit ko. Nilapag niya ito sa kabilang sofa at naglakad siya papunta sa kusina ko at binuksan ang aking ref. He took a bottle of water and an empty glass, he pour the water to the glass and gave it to me.
"You got a spacious place, that's good."
Napatingin ako kay daddy na nagsalita habang nililibot ang mata sa buong sala ko. I unbelievably look at them because they're not answering my question. Uminom ako sa tubig na binigay ni Allen at umupo sa single sofa habang nakatingin pa rin sakanila.
"We're waiting for you to come home, Ate Aze. But you're not answering our calls, that's why we came to your place instead," si Peri ang sumagot.
At the age of 19, Paine and Peri were both matured. Mas umaasta pa silang matanda sa akin minsan, they're both good and excel in everything too. Close kaming magkakapatid pero medyo lumayo ang loob nila sa akin noong humiwalay na ako ng tirahan sakanila two years ago.
I sighed.
"Since you all are here, feel free to stay then. I'm going to change clothes first," sambit ko at tumayo na.
Pumasok ako sa kwarto ko at dumiretso sa banyo. I caress my hair and tightly closed my eyes while facing the mirror.
Alam ko na agad kung bakit nandito silang lahat. They will going to talk about the arrange wedding again. Just by thinking that, it makes my head hurts. Akala ko makakapagpahinga ako kapag nandito ako sa condo ko, hindi pala.
For the nth time, I sighed.
Fine! Tutal nandito na rin naman sila, might as well talk about this now. Mukhang wala na rin naman akong kawala, mas mabuti nang mapag-usapan ngayon at baka sakaling may paraan pa para hindi matuloy ang kasal.
Nagpalit na ako ng simpleng denim shorts at white t-shirt, lumabas ako ng kwarto ko at bumalik sa dati kong inupuan.
"Okay, let's talk." Wala sa mood na sambit ko.
Umupo ng maayos si mommy, habang ang mga kapatid ko ay nagsi-tayo at doon umupo sa kitchen counter ko. Daddy is standing Infront of my balcony's door, looking so problematic.
"Gov. Hernandez is asking to set a family dinner now, iha. He said we need to start the wedding preparations now," ani Mommy. "We can't reach you that's why we have no choice but to come here."
Tinukod ko ang dalawa kong siko sa tuhod ko at napahilamos sa mukha. I didn't say anything, and I don't even know what to say. I'm out of words because of their sudden decisions, ang bilis ng mga nangyayare. Noong isang araw lang ay engagement pa lang ang sinasabi nila, ngayon kasal na.
"We tried to ask him to give you more time, but he needs to get married as soon as possible because of the upcoming election. We don't know the exact details..."
Hearing what mommy just have said, hindi ko napigilang hindi matawa. They look at me with confused eyes because I chuckled.
"So, gagamitin pala niya ako sa election? Ano ako, tarpaulin?" I asked, with sarcasm.
Hindi natawa si mommy sa sinabi ko, she instead move beside me and hold my hand. Halata sa mukha niya ang pag-aalala, kitang kita ko rin ang pangangayayat niya, dahil siguro sa dami ng problema ng aming kumpanya.
"Please, Azekyne, help us. We cannot do something anymore, he's insisting this. It's our fault that we gave him this idea of marrying you, but please... Can't you just agree with us this time, iha?"
Her voice cracked that's why I gulped and look away. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak sa harap ko, I am not stone-hearted. She admits that it's their fault, of course, alangan namang kasalanan ng iba, hindi ba?
Narinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga ni daddy bago siya humarap sa direksyon namin at umupo sa tabi ni Mommy. Nilabas niya sa dala niyang suit case ang ilang papeles at nilapag ito sa glass table sa harap namin.
"He sent these papers, read it and sign," he said in a low tone.
Napatingin ako sa mga papeles na iyon at ang una kong nabasa ay ang salitang agreement. Alam ko na agad kung para saan iyon, I'm not a slow poke.
"Are you really going to sell me off, Dad?"
Naramdaman ko ang pagka-estatwa ni mommy dahil sa tanong ko. Her hands became stiff, but she remain holding my hand. While daddy seems hurt because of that question.
"I'm not selling my daughter or anything," he said. "I'm just asking for her help. It may sound stupid, but that's not the proper term for this agreement. You are still my daughter, Aze. Nothing will change-"
"How can you say that so calmly?" I cut him off.
Bakit wala man lang ako makitang awa sakanila? Like, hello? Ikakasal ang panganay nilang anak dahil sa mga utang nila, hindi ba sila naaawa sa kalalagyan ko?
"I'm so sorry, iha."
I cursed inside my head. Sorry... Sana lahat ay naaayos ng sorry. Kung pwede lang, sana isang sorry din nila ay mawawala na ang sama ng loob ko, pero hindi, eh. Mas lalo lang nitong pinapabigat ang loob ko.
Nagtiim-bagang ako at natahimik ng ilang minuto. Gano'n din sila, wala kaming kibuan at walang nagbalak magsalita sa loob ng ilang minuto na iyon. Hanggang sa napatingin silang lahat sa akin nang kunin ko ang mga papeles at tumayo.
Naglakad ako palapit sa cabinet na may vanity mirror at ilang gamit at kumuha ako ro'n ng isang tinted ballpen. Pinirmahan ko lahat ng papeles kahit hindi ko pa sila nababasa, galit ako sa loob loob ko pero hindi ko na kayang tiisin ang pamilya ko.
Kung ako nalang talaga ang solusyon para maayos na ang problemang 'to, handa na akong tanggapin ang pesteng agreement na ito. I will sacrifice my freedom for the sake of them. Wala na rin naman akong choice, kesa ang kambal pa ang maipit sa ganitong sitwasyon, hindi nila kakayanin.
Tsaka nag-aaral pa silang dalawa, I cannot let my parents ruin their future. Kaya ako nalang, kahit alam kong malaki ang magiging epekto nito sa career at personal life ko.
Bahala na.
"Here," inilapag ko sa lamesa ang mga papeles.
Mommy stands up and rush to my side. Niyakap niya ako ng mahigpit at umiyak sa balikat ko.
"Thank you so much, iha!" She muttered.
Nakailang beses ako lumunok at napatingala para pigilan ang luha ko. Ayokong umiyak dahil alam kong kapag tumulo ni isang butil man lang ng luha ko, hindi na ito titigil hanggang sa maubos. I didn't hug my mother back, masamang masama ang loob ko sakanila pero pilit ko pa rin silang sinusunod dahil gano'n naman lagi, eh.
Magulang ko sila at hindi ko sila kayang talikuran.
Nagtagal sila ng isang oras sa condo ko at dahil matagal tagal ko rin silang hindi nakasama ng matagal sa iisang lugar, nagpasya akong sulitin nalang ang araw na ito na kasama sila. Sa sobrang bait kong anak ay nagawa ko pa silang lutuan ng makakain.
My siblings likes everything I cooked. Sila nalang talaga ang iniisip ko at pinaka kino-consider ko para sa mabigat na desisyon na ginawa ko kanina. I set aside all my worries this day and grabbed the chance to ask my siblings about their studies.
Nauna na sa pag-alis sila Mommy dahil dadalhin na nila ang mga papeles kay Governor Hernandez. Hindi ko na sila hinatid palabas at basta nalang silang tinanguan. Nakipag-kuwentuhan ako sa kambal pati na rin kay Allen.
"Are you going to be okay, Ate?" Paine asked out of nowhere.
"I don't know," I honestly said.
I know that they are fully aware of my situation. Hindi lang nila magawang sumabat sa usapan namin nila Daddy dahil takot sila sakanya, at syempre, out of respect na rin nila.
"I strongly disagree with them at first but..."
I waited for her next words.
"Madami na kaming natatanggap na death threats sa bahay, Ate Aze-"
"Paine, shut up."
Nahinto sa pagsasalita si Paine nang pigilan siya ni Allen. Sinamaan niya ito ng tingin kaya agad siyang napatikom ng bibig dahil sa takot.
Too late though, I already heard what she said.
"What did you say? Threats?"
Umupo ako ng maayos dahil agad na nagpantig ang tenga ko sa salitang iyon.
Walang nagtangkang sumagot sakanila kaya nagsalubong ang dalawa kong kilay. I was about to ask them again but my doorbell rang.
Napalingon ako doon at agad na tumayo para tignan kung sino iyon dahil wala naman akong inaasahan na bisita ngayon. Tinignan ko muna ang oras sa cellphone ko at nakitang malapit na mag-alas kwatro ng hapon.
I opened my door only to see no one but a piece of red rose on my door step.
Nagulat ako at kinabahan dahil baka isa sa stalker ko ang nakahanap kung saan ako nakatira at nilagay ito rito. Dinampot ko agad iyon at agad na sinara ang pintuan.
My heart is beating fast for no reason. Tinitigan ko ang bulaklak at mukha itong galing pa sa isang sikat na flowershop. Fresh pa itong rosas at makinis ang tangkay, I'm torn between throwing it or not.
I end up putting it in my flower vase.
I don't know who put it there that's why I'm going to ask the security later, pupunta ako ng security room para sa cctv footage. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman kung sino naglagay no'n sa harap ng pintuan ko.
It's for my security after all.
Mga ilang minuto ko pang tinitigan ang bulaklak hanggang sa mawala na ro'n ang atensyon ko dahil kinalabit ako ni Allen. Nandito kase ako sa kusina, napansin kong nakatayo na silang tatlo at mukhang aalis na.
"Padilim na, uuwi na kami," ani Allen.
"Dito na lang muna kaya kayo matulog?"
Umiling siya at hinalikan na ako sa pisngi. He's 1 year younger than me but he's acting like the oldest most of the time.
"We're going, Ate. I'll call you when we get home."
Bumuntonghininga ako at tumango nalang. Hinatid ko sila hanggang sa makasakay na sila ng elevator. Nang mawala na sila sa paningin ko ay tsaka ako dumiretso sa security room to check who's the sender of that rose. Nasa iisang floor lang sila kaya hindi na ako sumakay ng elevator pa.
I knock on their room before coming in. Suki na ako rito dahil lagi kong pinapa-check kung sino sino ang mga pumupunta at nagpapadala ng regalo sa condo ko.
"Oh, nandito ka nanaman?" Biro sa akin ni Omir.
I chuckled. "May nagpadala kase sa akin ng bulaklak, walang nakalagay kung sino," utas ko.
"Hindi ka na ba nasanay? Lagi namang may nagpapadala sa'yo ng hindi mo alam." sabat ni Jolu at kinalikot na ang computer niya.
Apat silang nandito pero itong dalawa lang ang close ko.
"Siyempre nag-iingat lang ako."
Lumapit ako sakanya at pinanood ang ginagawa niya. Tinanong niya kung anong oras ko natanggap ang bulaklak kaya sinabi ko sakanya ang saktong oras. Hinanap niya iyon at plinay niya sa harapan ko ang video clip.
A delivery man wearing a blue uniform were seen on the video putting that piece of rose infront of my doorstep. He's an old delivery man, I think nasa late 50's or something?
"Dapat tinanong mo sa nag-deliver kung sino ang nagpadala. May contact number 'yan sa front desk kung talagang curious ka kung sino ang sender," ani Omir.
I deeply sighed and stand up.
"Nah, hindi na siguro. Nanibago lang siguro ako dahil ito ang unang beses na may nagpadala ng rosas, tapos iisang piraso pa," may halong biro kong sabi.
Nagtawanan sila ni Jolu dahil sa sinabi ko.
"Aba, nagreklamo pa!"
Tumawa nalang ako at nagpaalam na sakanila. Bumalik ako sa condo ko at nagsimula nang maglinis ng mga kalat at naghugas na rin ng mga pinagkainan namin kanina. When I'm done doing all the chores, naligo na ako ng mabilisan at tumawag ng room service para sa dinner ko mamaya. I'm starting to doze off because of tiredness that's why I throw myself into my bed and sleep.