CHAPTER 5

2021 Words
"Bruha ka talaga, saan ka nanaman ba galing kagabi at ganito ang itsura mo ngayon, huh?" I knew it. Papagalitan talaga ako ni Lester, ikaw ba naman ang pumasok sa dressing room na mukhang zombie. Kahit siguro concealer ay susuko, eh. Ang itim ng eyebags ko at ang sakit ng ulo ko dahil sa hangover kagabi. Hindi rin naman kase ako pinatulog nung nangyari kagabi sa parke. Palaisipan pa rin sa akin kung sino ang nasa loob ng sasakyan na iyon at kung anong pangalan nung nagbalik ng bag ko. Ang bilis kase ng mga pangyayari, kaya talagang nakakawindang. Hindi pa nga ako nakapagpasalamat sa taong 'yun dahil umalis agad. I feel like I owe him something, which is making me so anxious today. I should say thank you, but I don't know them. "Just start doing my make-up, Les. Malapit na tayong mahuli sa event, magagalit nanaman sa'yo si Lui." Isang fashion event nanaman kase ang pupuntahan namin, hindi bilang model, kung hindi isang guest. Si Michelle Lui ulit ang designer pero this time, mga bagets ang rarampa. We are invited, actually ako lang sa team namin ang inimbitahan dahil ako ang top model ngayong taon. Hindi ito kasing grande gaya noong nirampahan ko kaya naman hindi ako kinakabahan. Manonood lang naman kase kami. "Next time, Aze, kapag alam mong may prior commitments ka, please avoid sleeping late. Alam mo naman na maraming mata ang nakatingin sa'yo, hindi ba?" Ayan na siya sa panenermon niya. I sighed. "I'm sorry, madami lang talaga akong iniisip kaya napa-club kami nila Hillary kagabi," pag-amin ko. Pumuwesto na siya sa likod ko at sinimulang ayusin ang buhok ko. Napangiti nalang ako dahil alam kong hindi naman ako nito sesermunan ng matagal. I look at my reflection in the mirror and saw how stressed I am. Mabuti nalang at may naka-imbento ng make-up. Such a life saver! Nagtagal siguro si Lester ng halos trenta minutos sa pag-aayos ng mukha ko pati na rin sa pagpili ng susuotin ko. Nang matapos ay saktong tumawag na ang assistant ni Michelle Lui at sinabing malapit nang magsimula ang event. Nagmadali na kami sa pagsakay sa kotse na nakaabang sa amin sa labas. It's a Porsche, pinasundo kami mismo ni Michelle sa driver niya. VIP treatment talaga kami sakanya, hindi lang maiwasang masermunan minsan. Napatingin ako sa cellphone ko nang makitang umilaw ito. Binuksan ko ang pumasok na mensahe sa phone ko at nakitang galing ito sa kapatid ko. Si Allen. His full name was Allejandro Varmona, ang kambal naman ay sina Paine and Peri. "You should come home and talk to them, ate. Avoiding them won't solve your problem." Aniya sa text. Napahugot ako ng malalim na buntonghininga dahil sa sinabi niya. I know it won't solve my problem since they really need to pay their debts. But since hindi pa siya matanggap ng sistema ko at nasa stage of shock and denial pa ako, ayoko munang makita sila. Gusto ko munang humupa ang galit ko para mas makapag-usap kami ng maayos. Also, I'm buying my own time. Nag-iisip pa rin ako hanggang ngayon ng paraan paano makalusot sa sitwasyong ito. Hindi ko na muna ni-reply-an si Allen at binalik nalang sa bag ko ang cellphone ko. Nakarating na rin kase kami sa studio. Madaming mga reporters ang nasa labas, pati photographers. Nagsi-lingon sila sa amin nang bumaba na kami ng sasakyan. Agad nilang tinutok ang mga camera nila sa akin at kinuhanan ako ng litrato. Agad din naman akong nag-pose sa harap nila at ginawa lahat ng best shots ko. A reporter suddenly asked me something. "Ms, Varmona, is it true that you don't have any relationship with Mr. Falcon?" Nagpantig ang tenga ko sa tanong na iyon dahil ang tinutukoy niyang Mr. Falcon ay isa sa mga ni-reject ko noon pero pinagkakalat na naging kami raw at hanggang ngayon ay kami pa rin kuno. He's a model too, but he was fired by our agency because of his false rumors about me. Imbis na ipakitang nainis ako sa tanong ay ngumiti nalang ako sa reporter at hindi na sinagot ang tanong niya. I was advised not to answer any malicious questions. Pumasok na kami sa loob at doon ko na pinakita ang inis ko. Nahalata naman agad iyon ni Lester kaya hinaplos niya ang braso ko para kumalma ako. Ganito nalang ang galit ko kapag nababanggit ang isang iyon dahil muntik na nitong sirain ang magandang career ko. Mabuti nalang at may mga kaibigan akong sumuporta sa likod ko. That damn asshole! Nakapasok na kami sa mismong hall at nakitang madami na ang mga imbitadong guests. Iginiya agad kami ng isang staff sa upuan namin at doon ay kitang kita ko ang mga naglalakihang personalidad na nandito, most of them are actor and actresses. Mga parents nitong mga chikiting na rarampa, I know most of them pero may mga bagong mukha ang nandito. "Hey, babatiin ko lang sila Chasity. I'll be back in 5 minutes," paalam sa akin ni Lester. "Okay," tipid na sagot ko nalang sakanya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating na siya sa pwesto ng mga kaibigan niya. Mga managers din ito at matagal na niyang kaibigan sa industry. Napukaw lang ang atensyon ko nang makita ko ang pagdating ng tatlong lalake na naka-suit at may suot na earpiece sakanilang tenga. Nilapitan nila ang event coordinator na nasa gilid ng stage at kinausap. Parang natakot agad ang event coordinator at agad na nagtawag ng ilan pang staff at pinasunod sa mga naka-suit na lalake. Mukha silang mga high-end bodyguards dahil sa astig nilang maglakad, idagdag mo pa ang mga suot nila. Nawala na sila sa paningin ko kaya nilabas ko nalang muna ang cellphone ko at nagbukas ng mga social media account. Nagbasa na muna ako ng mga mensahe sa accounts ko at ni-reply-an na ang iba sakanila. Saktong kababalik lang ni Lester sa tabi ko nang magsimula na ang show, nagsalita na ang isang automated voice at dumilim na rin ang paligid. Tanging ilaw nalang sa ramp stage ang nakabukas kaya lahat kami ay nakatutok na ang mata doon. "Huy, may chika pala ako." Umusog palapit sa akin si Les at sinanggi ang balikat ko. Hindi ko siya nilingon dahil lumabas na ang mga rarampa. "Mamaya mo na sabihin, I want to focus-" "Ay day! Hindi ko na kayang ipa-mamaya pa ito. Natatakot ako para sa'yo ngayon, aba!" Bulong niya. Kumunot ang noo ko at binalingan na siya. "Bakit naman?" Nginuso niya ang harapang row ng upuan na nasa kabilang stage, katapat namin. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita ang ang mga lalake kanina na kumausap sa coordinator. Nakatayo sila sa likod ng isang lalake na nakaupo. Naka-dekwatro ang mga paa nito at nakatutok sa stage, I cannot see his face dahil natatakpan siya ng mga kalalakihan na iyon. "Iyan 'yung isa sa VVIP guest noong nirampa mo ang latest collection ni Lui! Iyan din 'yung sinayawan mo sa bar the same night!" Napasinghap agad ako sa sinabi niya at napatakip ng bunganga. Tinitigan ko ng mabuti ang lalakeng iyon pero hindi ko talaga makita ang mukha niya, bukod sa natatakpan siya, medyo madilim rin kase talaga ang paligid. "Invited din pala siya, sabi ni Chasity, anak raw ata niya 'yung pang huli mamaya." Mas lalong nanlaki ang mata ko nang marinig ang word na anak. "That means..." Sinayawan ko ang isang pamilyadong lalake? What the hell! Nasaan ang hiya natin, Azekyne, huh? "Sayang may anak na, kung single lang 'yan baka may pag-asa ka pa-" "Shut up, Les!" Saway ko sakanya. "Let's get out of here, hindi naman tayo mahahalata ni Michelle-" "Ano ka ba! Sawa na akong sermunan nun, hintayin na nating matapos, okay? Hindi ka niyan makikita tsaka aalis din tayo agad after his son," conyo pang angil nito. Kinurot ko siya sa kamay pero imbis na masaktan ay tinawanan lang niya ako. Wala na akong nagawa nang talagang pinilit niyang tapusin namin ang show. Ngayon talaga ako tinablan ng hiya, kung kelan ilang araw na ang nakalipas. Iba talaga ako kapag nalalasing, hindi ko makontrol ang sarili ko. Kung bakit ko ba iyon nagawa sa isang tulad pa niya, nakakahiya! Pang huli na ang rarampa kaya naman napatingin na ako ro'n. Lumabas ang isang cute na cute na bata na nakasuot ng isang mamahaling coat na isa rin sa latest design ni Lui. Sa tingin ko ay nasa 6 years old itong batang ito. Mukha rin siyang may lahing Espanyol na may halong pagka-amerikano. Napaka-poging bata pero masiyadong seryoso ang awra niya. Wala siyang kangiti-ngiti habang rumarampa at tila bored na bored pa sa ginagawa. Nagpalakpakan ang lahat nang umikot na ito at pumwesto sa gitna. Nagsi-labasan na ang mga naunang rumampa kanina at puwesto sa likod niya. Pumalakpak na rin ako at napangiti sa panibagong successful fashion show ni Michelle. She's really good, and I admire her so much. Sana soon ay makapagpatayo na rin ako ng sariling company for models like me. I want to handle my own team, hindi pa nga lang kaya sa ngayon. Natapos na ang show kaya naman nauna na agad akong tumayo sa upuan ko para sana lumabas na pero sakto ring tumayo ang lalakeng sinayawan ko sa bar noong isang gabi at nagtama agad ang mga mata namin. Talagang sumakto pa sa pagbukas lahat ng ilaw. Shit! Kitang kita ko na ngayon ang pagmumukha niya. Agad na umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha nang huminto pa siya at talagang tinitigan ako. His one hand on his pocket, he looks so dashing and... hot! Ang solid ng features, grabe! Para akong nakatingin sa isang pinaka-gwapong nilalang sa buong mundo. I nearly drooled over him. Napalunok ako nang makita ko siyang naglakad palapit sa direksyon ko kaya agad kong naitakip ang bag ko sa mukha ko at mabilis na naglakad palabas ng pintuan nitong studio. Talagang nakipag-unahan ako sa paglabas, narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Lester pero hindi ko na siya pinansin pa. Pumasok agad ako sa nakaparadang sasakyan namin. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng t***k no'n. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako na-intimidate ng ganito sa isang lalake. Hindi makatarungan ang itsura ng isang 'yun! "Grabe ka naman makatakbo, para kang kabayo," reklamo ni Lester nang makapasok na rin siya sa sasakyan. "Nagulat ako, eh. Tinignan ba naman ako, mamaya namukhaan pala ako no'n-" "Aba talagang namukhaan ka, bruha! Tinanong nga niya kay Michelle sa loob kung anong pangalan mo." My eyes widen. "Don't fool me. Kinakabahan na nga 'yung tao, eh!" He chuckled. "Kung ayaw mong maniwala, tanungin mo si Lui mamaya," aniya. Humalukipkip ako at pinunasan ang pawis sa noo. "Sana kase nilalayo mo ako sa mga gano'ng kahihiyan," paninisi ko pa sakanya. Imbis na suyuin ako ay mas lalo pa akong tinawanan ng bruho! Binagabag ang loob ko sa isiping sinayawan ko ang isang lalakeng pamilyado na. Ano nalang ang maipapakita kong mukha kapag may lumabas na chismis tungkol doon? Hindi rin talaga ako nag-iisip minsan, hanep! Nagpahatid ako sa condo ko dahil gusto kong magtambay na muna sa doon at magpahinga ngayong araw. Simula kase sa lunes ay magsisimula nanaman ang hectic schedule ko at ilang whole day practices para sa isang big event. Kailangan kong sulitin ang dalawang araw na maluwag ang schedule ko, or else, I will surely burn out myself. Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang condo ko. I was busy scrolling on my phone nang bumukas na ang elevator. Lumabas ako ro'n at naglakad na papunta sa unit ko, my attention is still on my phone and when I was about to enter my condo unit, I noticed that it was already open. Agad na nagsalubong ang kilay ko at mabilis na tinulak ang pinto ng unit ko para tignan kung sino ang pumasok at gano'n na nga lang ang gulat ko nang makita kung sino sino ang mga nakaupo sa living room ko. My whole family... is here. Damn it! How they did find my place?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD