Hillary keeps on asking me what's wrong because I keep on sighing and turning my phone off every time my Dad's name were flashing through the screen.
"Nag away nanaman ba kayo ng Daddy mo? Hindi ba bumisita ka sakanila noong isang gabi?"
Nagsalin ako ng alak sa shotting glass ko at tinungga iyon ng isahan bago siya hinarap. Nandito kase kami ngayon sa isang sikat na bar dahil niyaya ko silang dalawa ni Julie. I need to calm my nerves down because I am starting to feel stressed.
"It's nothing, just a little misunderstanding," sagot ko sakanya.
"Iyang kaka-nothing mo, alam ko malaking bagay iyan. Hindi ka magmumukhang depressed ng sampung taon kung simpleng misunderstanding lang iyan between your family," sabat naman ni Julie.
Magaling talaga siya magbasa ng emosyon, she's like the mother of this group dahil wala kang maitatago sakanya.
'Right!" Sang-ayon ni Hillary at umusog palapit sa akin. "Tell us, come on! Tayong tatlo lang ang nandito, tsaka malay mo naman, makapagbigay pa kami ng advice sa'yo, 'di ba?"
Napaupo ako ng maayos at tinignan silang dalawa.
"Promise me first, walang makakaalam nito bukod sa inyong dalawa, okay?"
Sabay silang tumango. Tsaka ko nalang sasabihin kay Lester kapag hindi ko na talaga kayang lusutan. Sa ngayon, I will keep this a secret between the three of us here.
Seryoso ang mga mukhang nag-aabang sila sa sasabihin ko kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at sinabi na sakanila.
"I'm getting married-"
"WHAT?" halos sabay nilang asik.
Agad ko silang pinandilatan dahil sa ingay nila, nakaagaw tuloy kami ng ibang atensyon mula sa kabilang grupo na nandito lang sa katabi naming Vip Lounge.
"Can you guys be quiet? And please! Let me finish, okay?"
Nakatanggap ako ng isang malutong na kaltok sa ulo mula kay Hillary dahil sa sinabi ko.
"Bruha ka, sinong hindi magre-react sa sinabi mo. Ikaw? Ikakasal? Jusko!" Hindi makapaniwalang sambit niya.
She knows I'm against marriage because I've seen a lot of movies where marriage always failed. It's just a movie but it really affects my perception in life. Kaya siguro gano'n nalang ang gulat nila sa sinabi ko.
"That's why I'm mad at my parents because they set me up in an arrange marriage. Hindi ko na alam paano ito lusutan, I've tried my first and last shot to fix this but it didn't help. Ayokong ikasal sa hindi ko pa gaanong kilala!" Problemadong saad ko.
Nagsalin ulit ako ng panibagong alak sa baso ko at diniretsong tungga ito.
Mas naging seryoso ang mga mukha nila dahil hindi na biro ang kalagayan ko. They know me, hindi ako masiyadong nagsasabi ng problema lalo na kapag maliit lang. Pero kapag oras na nagsabi na ako sakanila, ibig sabihin, mabigat na problem na ito.
"Sino naman ang mapalad na lalakeng 'yan, ha?" May halong sarkasmo ang boses ni Hillary.
"He's a Governor. Anak ng malapit na kaibigan nila Daddy noon," sagot ko.
I've done some researched about him, that's why I found out about his family background.
"A government official? Bakit naman sa dinami-rami ng pwedeng ipakasal sa'yo ay politician pa?"
"Alam mo ba kung bakit gusto ka ng pamilya mo na ikasal sakanya? Is this some kind of deal or what?"
Napalunok ako sa tanong ni Julie dahil kahit sinabi ko sakanila ang tungkol sa problema ko, hindi ko pa rin magawang sabihin sakanila na dahil sa utang ng parents ko kaya ako nandito sa ganitong sitwasyon ngayon. I don't want to tell them that our businesses are suffering from bankruptcy and my parents wants to use me to pay all of our debts.
Gusto ko pa ring alagaan ang reputasyon ng pamilya ko. Ayokong mapahiya sila kapag kumalat ang balita. Tsaka para na rin hindi masira ng ganitong issue ang career ko. Mahirap na...
"Huy! Tinatanong kita!"
Umiling ako. "Hindi ko alam. May ganitong tradisyon talaga ang pamilya namin, pero sinabi ko naman sakanila noon pa na ayoko ng arrange marriage. I guess they didn't consider that."
"Anong consequences naman kapag hindi ka talaga pumayag sa gusto nila? You can always escape that unfortunate-"
"Isa sa kambal ang pipiliin nilang ipakasal kapag umayaw ako. And you know how I treasure my siblings. Masiyado pa silang bata para ikasal, that's why my parents left me with no choice."
Kanina pa kami nag-uusap at pansin kong kanina pa rin ako tumutungga, Ramdam ko na ang epekto ng alak sa katawan ko, nagsimula na itong uminit.
"Your tradition sucks! Iinom nalang natin 'yan, mukhang wala ka na rin naman talagang kawala. Sana lang ay hindi magsisi ang governor na 'yun sa'yo!"
Nagtawanan silang dalawa ni Julie pero mas lalo lang akong namroblema sa sinabi nilang dalawa. Nananakit na ang ulo ko at hindi ko na kayang magdagdag pa ng iisipin. Dahil sa kagustuhang mawala sa utak ko ang mga problemang kinakaharap ko ay tumayo na ako at dumiretso sa gitna ng dancefloor.
"Dj! Give me some loud music, please!" I shouted.
Agad naman nitong sinunod ang sinabi ko. Suki na kami rito kaya kilala na naming halos lahat ng staff. Nagpatugtog siya ng paborito kong kanta kaya agad akong tumalon talon at sinabayan ang beat ng kanta. My manager, Lester, doesn't know that I'm here clubbing. May event pa naman kami bukas, pero bahala na. Matatakpan naman siguro ng make-up ang eyebags ko bukas.
Sumayaw ako ng sumayaw para lang mapunta sa iba ang atensyon ko at makalimutan saglit ang problema... At effective nga! Lalo na noong madami na ang nagsi-sayawan at kumpulan na ng mga tao ang nasa likod ko. Sumabay ako sakanila hanggang sa mapagod. Lasing na ako pero nagawa ko pa rin namang maglakad papunta sa women's bathroom.
Pagewang gewang akong pumasok sa loob at binuksan ang isang cubicle. Sa dami ng ininom ko ay gano'n din ata kadami ang inihi ko. Nagtagal ako ng halos limang minuto sa loob ng cubicle at lalabas na sana nang makarinig ako ng malakas na kalabog sa labas.
Agad akong nahinto sa pagbukas ko ng pinto nang marinig ang ilang daing sa labas. I heard some curses too kaya talagang napakunot ako ng noo. Tatlong minuto siguro ang tinagal ko pa sa tapat ng pinto bago ko ito tuluyang binuksan. Nakita ko ang isang lalakeng nakahandusay sa tapat mismo ng pintuan kung nasaan ako kanina, duguan ito sa mukha at mukhang lasing din gaya ko. Wala na itong malay kaya naman natakot agad ako at balak na sanang tumawag ng bouncer pero paglabas ko ng mismong pintuan ng banyo ay nakita ko ang isang matipunong likod na naglalakad palayo.
He's wearing a formal suit, hindi mukhang pang-club ang outfit. Ito siguro ang bumugbog sa lalaking nandito sa loob. Talagang dito pa sa banyo ng mga babae nagbugbugan, bastos!
Pinauna ko nalang siyang maglakad at hindi na siya sinabayan. Baka ako pa ang isunod, jusko! Pero, in fairness... Ang sexy ng likod at sobrang kisig. Sayang lang at hindi ko na nakita ang mukha.
Ni-report ko agad sa nakasalubong kong bouncer ang nangyari kaya agad siyang nagtawag ng ilan pang bouncer gamit ang hawak niyang walkie talkie at pinuntahan na ang lalakeng nakahandusay sa loob ng banyo.
Hindi ko na sila sinundan at bumalik na sa table namin. Wala doon si Hillary at Julie, mukhang nasa dancefloor pa sila at nag e-enjoy pa sumayaw. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng bar hindi para umuwi kung 'di para lang magpahangin. May parke kase na malapit dito at lagi ko iyong nadadaanan kapag pumupunta ako rito.
I need some fresh air. Hinanap na muna ng mata ko kung nasaan ang mga kaibigan ko at nang makitang nasa kabilang table na sila nakikipag-kuwentuhan ay tsaka na ako tuluyang lumabas.
Ite-text ko nalang sila mamaya.
Walking distance lang naman ang parke kaya hindi na ako nag-abalang kunin ang sasakyan ko. I'm wearing a lacy strap dress and 4 inches heels. Napangiti ako habang naglalakad dahil sa lakas ng hangin na sumalubong sa akin.
This... I badly need this one.
Nakarating ako sa parke ng wala pa halos tatlong minuto. Umupo ako sa isang swing at doon ay sinandal ko ang ulo ko sa bakal na suporta nito. Walang katao-tao rito bukod sa akin, medyo madilim din sa parteng 'to pero hindi naman ako natakot.
Mas mabuti nga ito, atleast walang makakakilala sa akin at wala akong aalalahanin kung may makakita man sa akin at gawin akong hot topic bukas.
Nilapag ko muna ang dala kong bag sa kabilang swing at bumalik sa dati kong pwesto. I closed my eyes and tried to relax my self.
Hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin ako kung ano pa bang pwedeng gawin para umurong sa deal si Governor Vincent Hernandez. He's too greedy, umayaw pa talaga siya sa pera, 50 million na iyon kung tutuusin. Pero bakit ba mas gusto pa niyang itali ako sa bewang niya? Am I some kind of animal or what?
I don't know what's with him, hindi ko gusto ang awra niya at mas lalong ayokong makasal sa tulad niya. I'm a supermodel, ang ma-link sa isang politician ay malayo sa bokubolaryo ko. It will tarnish my reputation, iyon ang hinuha ko. Iisipin ng ibang kapwa ko models na nagpapalakas lang ako ng kapit kaya sa tulad ni Governor Hernandez ako magpapakasal. I know how some of those bitches thinks, lalo na at madaming nai-inggit sa akin sa team namin.
Sa isiping iyon as may lalo lang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko at napadaing pero agad ding nawala ang atensyon ko sa sarili lalo na nang maramdaman ko ang isang presensya sa likod ko. Agad akong napatingin sa likod ko at nagulat nang makita ang isang lalake na nakatayo sa likod ko at may hawak na kutsilyo.
He's wearing a clothed mask, nakasuot ito hanggang sa ilong niya at tanging mata lang niya ang nakikita.
"Huwag kang sisigaw!" Banta niya sa akin.
Tinutok niya ang kutsilyo niya sa akin kaya napahakbang ako paatras. Binalot agad ako ng takot dahil sa itsura niyang mukhang adik.
"D-Don't... Don't hurt me, please-"
"Huwag ka sabing maingay!" sipat niya sa akin.
Nakita ko ang paglingon-lingon niya sa paligid at nang makitang walang tao ay agad niyang kinuha ang bag kong nakapatong sa isang swing. Chineck niya iyon gamit ang isang kamay niya habang ang isa ay nakahawak pa rin sa patalim.
I gulped when I saw him holding my wallet. Nasa loob no'n lahat ng IDs ko at credit cards. Akala ko ay iyon lang ang kukunin niya pero binalik niya iyon sa loob ng bag ko at kumaripas na ng takbo.
"YA!" sigaw ko sakanya.
Hindi na nakagalaw ang mga paa ko sa takot kaya hindi ko na rin ito nagawang habulin pa. Napahilamos nalang ako ng mukha at napasalampak sa lupa dahil sa nangyari. Ang lakas ng t***k ng puso ko, naiiyak na rin ako.
I bowed my head when I feel like it's spinning.
Damn it!
Ngayon pa talaga nagsabay ang mga kamalasan, grabe! Hindi pa ba sapat 'yung ikakasal ako sa isang estranghero at talagang nanakawan pa ako?
Wala naman akong naapakang tae, wala rin akong balat sa katawan. Pero bakit parang galit sa akin ang mundo?
Tumulo ang luha ko sa sobrang lungkot at inis. I want to call my friends or even Lester to fetch me now but my phone is there too... Nasa loob din pala ito ng bag na ninakaw ng criminal na iyon.
Bwisit!
Naiyak nalang ako ng tuluyan dahil sa frustration na nararamdaman. Tatayo na sana ako para maglakad pabalik sa bar nang manlambot ang mga tuhod ko. Mabuti nalang at may umalalay agad sa kamay ko at pinigilan akong mapabalik sa lupa. Napatingin ako sa lalakeng humawak sa braso ko at napalunok nang makitang hindi na ito mukhang criminal gaya nung isa kanina.
"Are you okay, Miss?" He asked.
Napatango ako ng wala sa oras dahil sa sobrang lumanay ng boses niya. He's wearing a black suit that really matches his looks.
"Here's your bag, do you want me to call the police?"
Nagulat ako nang makitang hawak na niya ang tinangay na bag ko kanina.
"H-How?" I asked, unbelievably.
He just smiled and handed me my bag.
"Please be careful next time, Miss. Avoid such dark places, it's too dangerous."
Hindi na niya ako hinintay na sumagot at yumuko nalang sa harapan ko bago naglakad palapit sa isang magara at tinted na sasakyan sa hindi kalayuan. Bumaba ang bintana sa passenger seat nito at tila may kinausap siya doon bago tuluyang pumasok sa driver's seat. Hindi ko makita kung sino ang nasa likod no'n dahil madilim. Umalis na ang sasakyan at saktong dumating ang mga kaibigan ko na mukhang kanina pa ako hinahanap.
Hindi ko nalang sinabi sakanila kung anong nangyari at tulalang sumama na pauwi.