CHAPTER 17 (SINGAPORE)

2209 Words
"Hindi ba talaga makakarating ang manager mo? Sinong mag me-make up sa'yo?" "Kaya na niya 'yan! Hindi naman heavy make up ang gagawin!" "Dapat kase kumukuha ka na ng assistant mo bukod kay Lester. Magbawas bawas ka rin ng kayamanan, inday!" "Huwag mong igaya 'yan sa'yo na hindi kayang mag-isa, huy! Independent 'yang babae na iyan!" Napailing-iling nalang ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Hillary at Julie habang nandito kami sa breakfast lounge ng hotel kung nasaan kami naka-check in. We are all having a breakfast dahil maya maya lang ay ang final rehearsal na namin at sa gabi na ang aming final show. All set na ang rarampahan namin at narinig ko nga kay Ms. Rich na may mga dadalo daw na mga bigating businessmen dito sa Singapore. Lahat kami ay kabado pero excited, itong dalawa lang ata na nasa harap ko ang kanina pa nagbabangayan. Mas pino-problema pa nila ang problema ko. Hindi ko nalang sila pinansin at humigop na sa green tea na nasa harap ko. Nakasuot lang ako ng roba at undies sa loob pero hindi naman halata. Tsaka parang nasa VIP section kami nitong breakfast lounge kaya walang ibang nandito kung hindi kami kami rin lang. Hindi rin naman ma-issue ang mga tao rito sa Singapore kahit ano pang suot mo. Kahit siguro naka-bra ka lang ay wala silang pake. "Stop eating, Julie! Mamaya maging bloated ka at hindi na kumasya sa'yo 'yung gown mo!" "Huwag ka ngang exaggerated, napaka-oa mo!" "Ang ingay niyong dalawa, kayo lang ata ang naririnig dito," saway ko sakanila. Pinanliitan ako ng mata ni Hillary at nilapit pa ang mukha sa akin. "Sus! Ikaw nga kagabi, eh!" Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh? Anong meron kagabi?" Hinampas niya ako sa kamay kaya napa-angil ako at sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ka ba nananakit?" "Akala mo ba hindi kita naririnig na may kausap kagabi? Sino 'yung katawag mo, ha? Si Governor na ba 'yan?" Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil sa lakas ng pagkakasabi niya no'n. Magkakasama kase kami kagabi sa kwarto niya dahil nagkayayaan na uminom ng kaming tatlo lang. Pumuslit lang talaga kami ng alak dahil gusto rin naming magsaya bago ang event. Both of them drank a lot last night and ended up sleeping with their make ups on. "Anong kausap pinagsasabi mo? Lasing ka lang kagabi-" "Nako, huwag mo na akong lokohin! Hindi pa kaya ako totally lasing kagabi, I heard you talking to someone on the phone! Parang kinikilig ka pa nga, eh!" Napalunok ako dahil sa klase ng tingin niya na parang siguradong sigurado talaga siyang narinig niya na may kausap ako. Which is true. I am quite tipsy last night and I don't know what happened but I ended up calling Cillian's number. He answered it within a minute and there... We started talking. It lasted for about 15 minutes, I think? Or 20? I cannot actually remember. Hindi ko na nga rin maalala kung anong mga pinagsasabi ko sakanya, para akong nagka-amnesia kinabukasan. Pasimple akong bumuntonghininga at tinignan si Hillary. Titig na titig siya sa akin at mukhang inaabangan kung magsisinungaling ba ako o hindi. "It's someone you don't know so stop asking and just eat," saad ko at tumayo na. "Abaaaa! Ang galing sumegway!" Nagkibit-balikat nalang ako at naglakad na palayo sakanila. Babalik na ako sa kwarto ko at maliligo na dahil isang oras nalang ay rehearsal na. Hindi ko alam kung may kahihiyan ba akong nasabi kagabi pero hindi ko na muna iyon inisip. I should focus on the event tonight and set my mind in something more important. Nakapasok na ako sa kwarto ko at naghubad na ng damit. Pinuno ko na rin ang bathtub ng tubig dahil doon ko balak magbabad at maligo para smooth talaga ang balat ko mamaya. Medyo showy kase ang napunta sa aking gown at isa ito sa pinaka-maganda sa collection ni Rich. Nang mapuno na ang bath tub ay nilagyan ko na rin ito ng iba't ibang pampabula at ang mga sabon na lagi kong ginagamit sa katawan ko. Nang bumula na sila ay tsaka ako lumusong at nahiga sa bathtub. I sighed in relief when the cold water touches my skin. Isang araw nalang ay babalik na kami ng Pilipinas, hindi ko alam kung magiging ganito pa ba ka-relaxing ang buhay ko kapag nakabalik na ako ro'n. Halos 30 minutes lang naman ang tinagal ko sa pagbababad dahil kailangan ko na rin agad bumaba para hindi mahuli sa sundo namin papunta sa studio. Nagsuot lang ako ng isang simpleng turtle neck long sleeve at isang highwaist denim pants and black boots. Medyo malamig ang panahon ngayon dito kaya ganito ang napili kong suotin. Paglabas ko ng kwarto ay sakto namang lumabas na rin si Juls kaya nagsabay na kami pababa. Hillary is already there, bus pala ang sasakyan namin dahil masiyado kaming marami. Nakasakay na si Hillary sa loob kaya sumunod nalang kami. While on the bus, I received a message from Cillian and it made my heart beats very fast. Agad ko iyong binuksan at binasa ang mensahe niya. "Are you sober now?" "How's your head?" Magkasunod pa ang text niyang 'yan kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang mabasa ang mga 'yon. Para akong teenager na natutuwa dahil nakatanggap ng text mula sa crush niya. But I don't like him... Do I? I don't know. Basta ang alam ko lang ay natutuwa ako dahil sa concern niya. This is the first time that I smiled because of a certain text. But I know I should've not. I'm going to get married soon, pero hindi naman siguro masama ang matuwa, ano? Tsaka bakit ko ba iniisip na ikakasal na ako? I'm only making myself feel guilty over something that I should not. It's a forced marriage after all! Nag-type agad ako ng mensahe at sinabing ayos lang naman ako. Gusto ko pa nga sanang tanungin kung ano bang napag-usapan namin kagabi kaso ay nahihiya ako. Bahala na 'yun. Mas mabuti na sigurong hindi ko alam. Nakarating na kami sa studio kaya hindi ko na na-check kung may reply pa ba siya. Tinago ko na rin kase ang cellphone ko pagpasok namin ng building dahil baka mapagalitan ako ni Baron kapag nakita niyang nakahawak ako ng cellphone sa rehearsal. It's unprofessionalism. Nagsimula na rin naman agad ang aming rehearsal na nagsimula sa loob at nang ma-perfect na namin ang lakad ay tsaka kami nag-rehearsal sa labas kung saan mismo gaganapin ang event. Like what I said, It's an outdoor fashion show event. Dalawang oras na kami rito sa labas at hindi pa rin nasa-satisifed si Baron sa ginagawa namin. The model are starting to get tired but since we need to really do our best here, pinangpahinga lang kami nang makuha na namin ang gusto niya. Magkaiba kase ang paglakad sa stage at paglakad sa labas. You need to be more aware about the distance and the speed of your walk. Mas malawak ang space dito sa labas kaya medyo mahirap talaga ang mag-adjust. Bumalik kami sa loob para magpahinga. Kahit pa medyo malamig dito ay pinagpapawisan ako dahil sa tindi ng rehearsal. I am drinking water when I remember my phone that's why I took it out from my bag and was about to check Cillian's reply when it suddenly rang and Lester's name flashes through the screen. Sinagot ko agad ang tawag niya at umupo sa sahig nitong studio. "A-Azekyne..." His voice cracked while saying my name, napakunot agad ko ng noo at nakaramdam ng matinding pag-aalala sa boses niya. "Les, what happened?" "S-She's dead. My mom is dead, I'm sorry I really can't make it there. Galingan mo, okay? Goodluck!" Despite of the sadness on his voice, he still managed to cheer me up and say goodluck. I was about to say my condolences but he end the call before I could even speak. Napatakip nalang ako ng bibig ko at napaiyak dahil sa lungkot. Lester needs me there as a friend but I cannot leave here yet, not until the show was done. Wala man lang akong magawa para sakanya. Pinunasan ko agad ang mga luha ko nang makitang papunta sa direksyon ko sila Hillary. I don't want them to see me crying because I know they will get worried. Ayokong may iniisip kaming tatlo habang rumarampa, baka maka-apekto pa sa performance namin. I cannot risk those weeks of preparing for this show. Tumayo ako at sinalubong sila ng may ngiti sa labi kahit pa mabigat ang loob. Nagpatuloy na ang practice namin hanggang sa mag alas dos na ng hapon at pinabalik na kami sa hotel dahil nandoon ang lahat ng gamit namin. Sobrang bigat ng loob ko na halos hindi pa ako makakain at makapag-ayos ng mabuti dahil iniisip ko si Les. Nang tumunog ulit ang cellphone ko ay akala ko si Lester ulit ang tumatawag. Hindi ko na tinignan ang pangalan sa screen at basta nalang itong sinagot. "Hello, Les-" "You didn't tell me that you have a show overseas, Azekyne." Nagsalubong ang dalawang makakapal na kilay ko at napatingin sa screen ng phone ko. It's the asshole! Governor Vincent Hernandez. "And why would I tell you? Kailangan ko bang i-report lahat sa'yo pati trabaho ko?" Lumayo ako nang kaunti dahil baka may makarinig sa akin at magtaka kung sino ang kausap ko. Mga mimosa pa naman ang nasa likod ko. "Of course not. I'm just saying that you could atleast told me so I can let you use my private plane." Mas nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. "Princess treatment is not my thing, Mr. Hernandez. I guess you didn't know that," asik ko sakanya. "You're not a princess, Azekyne. For me, you're a queen. That's why next time, I want you to tell me about your shows. I want to be aware of your schedule," parang wala lang na saad niya. "You know what? You should stop controlling me, baka magbago pa ang isip ko sa dami nang mga pakulo mo, Governor. Stop being so annoying and let me live my own life!" He chuckled on the other line despite of hearing my angry voice, seems like he's enjoying this instead of being bothered. "Alright, enjoy your stay there then. Just remember, no boys for you, Azekyne. I am telling you this incase you forgot our agreement." Nanggagalaiting tinignan ko ang cellphone ko nang babaan na niya ako ng tawag. Halos murahin ko siya sa isipan ko dahil sa galit. Wala talagang araw na hindi ako nainis sa kahayupan ng ugali ng isang 'yun! Damn it! No boys, what? Parehas lang sila ni daddy! Bwisit! Nakasimangot tuloy ako hanggang sa oras na ng pag-aayos namin para sa event. Nandito na kami sa loob ng dressing room at habang nagme-make up ay nakasimangot pa rin ako. Pinagtitinginan tuloy ako ng ibang mga models pati na rin ng mga kaibigan ko. Hindi rin kase ako pumayag na tulungan ng mga manager nila at talagang inayusan ang sarili ko nang ako lang. When the time has come and we're about to start the show, tsaka ko lang inayos ang postura ko at ang emosyon sa mukha ko. I need to act professional. Hindi dapat dinadala sa trabaho ang problema pati na rin ang galit. Sayang ang milyones na sasahurin kung nagkataon. The show was a blast! I didn't expect that the theme outside was mysteriously awesome! May mga kurtina kung nasaan ang mga invited guests at ang tanging may ilaw lang ay ang aming lalakaran. Meaning, hindi mo makikita ang mga guests dahil masisilaw ka na agad ng mga ilaw kapag tumingin ka sa gilid. All eyes infront and fierce, ganiyan kaming lahat ngayon dahil binabagayan namin ang theme ng gowns na suot namin. I heard a loud applause from the guests when the show was done. Nakahinga kaming lahat ng maluwag nang marinig namin iyon, ang iba pa nga ay napatili sa tuwa dahil walang sumablay sa amin at naging successful and event. Napagalitan nga lang ni Baron ang tumili dahil sa ingay nito. Nagyakapan kaming tatlong magkakaibigan dahil sa wakas ay tapos na ang show, nairaos din namin. "Okay, ladies! Since it's a success, hindi pwedeng uuwi tayo ng Pinas na hindi nag e-enjoy! Let's go party tonight!" Naghiyawan kaming lahat dahil sa sinabi ni Ms. Rich. Hindi na kami bumalik sa condo at dumiretso na sa isang sikat na club at nagsimula nang mag-celebrate. We ordered a lot of drinks and dance wildly on the dance floor. Since it's our last night here in Singapore, might as well enjoy this night then. Habang palalim ng palalim ang gabi ay mas akong ginaganahang uminom at sumayaw. Tinungga ko nang diretso ang laman ng tequila bottle sa table namin kaya naghiyawan sila Hillary at sinulsulan pa ako lalo. Lasing na ako pero alam ko pa naman ang ginagawa ko, nasa huwisyo pa ako at nakakalakad pa naman ng maayos. Pumunta ulit ako sa dancefloor at sumayaw, ilang saglit lang pagpunta ko ro'n ay may humawak na sa bewang ko. I was about to turn around and look who dares to hold me when two masculine arms enveloped me from behind. "You need to stop drinking, Elleanor. That's enough." That voice...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD