Chapter 3

1706 Words
Althea Alcantara's P.O.V Ngayong pinalayas ako ni Dad sa bahay, saan na ako tutuloy ngayon? Wala rin naman akong kaibigan na malalapitan. They are just my so-called friends. Psh. Kung tatawagan ko naman si Ate Alliyah, for sure na hindi rin niya ako matutulungan at baka ngayon ay sinabihan na siya ni Dad. Tumunog ang cellphone. Kinuha ko naman at tinignan kung sino ang tumatawag. Ate Alliyah Calling... Si Ate ang tumatawag. "Hello? Ate?" ako. "ALTHEA! KAMUSTA KA NA AT NG PAMANGKIN KO?" hyper na tanong ni Ate. Napangiti ako. "Ayos lang ako at ang baby ko, Ate. Napatawag ka? Kamusta ka na?" tanong ko naman sa kanya pabalik pagkatapos sagutin ang tanong niya. Narinig kong napabuntong hininga siya. "Ayos lang din ako. I'm sorry, Althea. Hindi kita matulungan. Sabi ni Dad ehh," sabi niya. Napabuntong hininga din ako. "I know, Ate. Its okay." Sabi ko sa kanya. "Wahh! Althea, pwede ko rin naman na wag sundin si Dad. Patago lang. Nalaman ko kasi kay Mom na pina-freeze lahat ang cards mo. May pera ka pa ba? Pag wala, sabihin mo lang sakin," sabi ni Ate. Napangiti ako. Mabait si Ate Alliyah at nakapa masunurin kay Dad. "Sige Ate. Hihingi na lang ako ng tulong sayo pag walang wala na ako. Pero wag kang mag-alala, may ipon pa ako. Sapat pa yun sa akin at sa baby ko," sabi ko sa kanya. "Bakit hindi mo sabihin sa ama ng bata na buntis ka? Baka makatulong siya sa iyo," sabi ni Ate. Napatingin naman ako sa labas ng bintana. "I can't, Ate. Napagkasunduan namin na kalimutan na namin ang nangyari sa aming dalawa. At sinabi ko na hindi ko siya guguluhin," sabi ko sa kanya. Nakarinig naman ako ng pagsinghot sa kabilang linya. "Bakit ganun, parang ibang Althea ang kaharap ko? Nasaan ang kapatid ko? Ang mataray at masungit kong kapatid!" sabi ni Ate. Napangisi na lang ako. "Grabe Ate! Akala ko mas gusto mo akong ganito. At hindi yung mataray na Althea," sabi ko sa kanya. "Mas pipiliin ko yung Althea na kapatid ko at mahal na mahal ko. Yung masungit at palaban. Yung hindi susuko at walang kinatatakutan," sabi ni Ate Alliyah. Tipid akong napangiti. "I'm sure, yung Althea na kapatid mo ate, makakabalik din siya," sabi ko sa kanya. "Aasahan ko ‘yan!" sabi ni Ate Alliyah. Dun na rin natapos ang paguusap namin ni Ate Alliyah. Pumasok ako ng banyo at humarap sa salamin. Namumutla ang mukha at namamaga ang mata ko. "Althea... get back on your nerves. Makakaya mo 'to. Wag kang padaig sa problema!" kausap ko sa repleksyon ko sa salamin. Napangiti ako. Yes, wag magpadaig sa problema. Napatingin ako sa impis ko pang tyan. Lalaki na rin siya makalipas ang ilang buwan. Siya rin ang makakasama ko kahit na nagbunga lang siya sa isang pagkakamali ng isang gabi. "Baby, don't worry. Mommy's here for you," sabi ko. Kailangan ko ng maghanap ng trabaho. *tok*tok* Sino naman kayang poncio pilato 'tong bibisita ng ganitong gabi na. Napabuntong hininga ako at tinungo ang pintuan at binuksan. "Baki-" naputol ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang nasa labas ng hotel room na kinatitigilan ko ngayon. "Althea..." si Rafael! Anong ginagawa niya dito? "Ra-rafael? A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa paligid bago niya ako itinulak papasok at isinarado ang pinto. Agad niya akong sinipat mula ulo hanggang paa. "Ayos ka lang? T*ng*n* Althea! Magsalita ka! May masakit ba sayo?" tanong niya. Naguguluhan naman ako sa ikinikilos niya. "Ayos lang ako. Ano bang ginagawa mo dito ng ganitong oras?" tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa mga mata ko at sinisiguro na totoo ang sinasabi ko bago siya yumuko at napabuntong hininga. "I... Nalaman ko na pinalayas ka sa bahay ninyo. And nalaman ko rin na nandito ka. I just want to make sure you are okay," sabi niya. Tinaggal ko naman ang pagkakahawak niya sa balikat ko. Umupo ako sa isang sofa na nandoon. "I'm okay, Rafael. You should go," sabi ko sa kanya at tumingin sa ibang direksyon. Hindi sa tinatanggalan ko ng karapatan si Rafael sa bata pero nangako ako na hindi ko na guguluhin ang buhay niya. Sapat na nagulo ko ang buhay niya ng isang gabi na nagresulta ng katangahan at ng batang nasa sinapupunan ko. "Althea... May hindi ka ba sinasabi sakin? May dapat ba akong malaman?" tanong niya ng seryoso. Napatingin ako sa kanya. Kita ko sa mukha niya ang kaba at hindi maipaliwanag na emosyon. Napakunot noo ako. May alam ba siya? Bigla naman akong kinabahan. "Wa-wala. Wala naman. Ano naman ang sasabihin ko sayo?" tanong ko pabalik sa kanya. Hangga't maari gusto ko siyang iwasan. Napailing siya at frustrated na napahilamos ng mukha at ginulo ang buhok. "Althea... D*mm*t Althea! Tell me! I know you're hiding something from me. Gusto kong malaman mula sayo at hindi sa iba. D*mn!" nafu-frustrate na sabi ni Rafael. Napasinghap naman ako at napatakip ng bibig. Alam niya? paano niya nalaman? It can't be! Walang nakaka-alam na buntis ako kundi ang family ko at si Ate Alliyah. At sino naman ang magsasabi sa kanya? "Rafael... Wala akong sasabihin sayo. Nangako ako na hindi na kita guguluhin at kinalimutan ko na ang nangyari sa atin," sabi ko sa kanya at nagiwas ng tingin. Naiiyak ako. Naiiyak ako dahil alam kong lahat ng mga sinabi ko na masasakit kay Elleina at Rhea ay bumabalik sakin. Narinig kong napangisi si Rafael. "Kinalimutan? Sure ka? I don't think so. Paano mo makakalimutan ang nangyari sa ating dalawa ngayong may batang na-involve? Kailan mo sasabihin saking buntis ka? At ako ang ama," sabi niya. Agad akong napatingin sa kanya. "Paano mo nalaman?" kunot noong tanong ko sa kanya. Pinunasan ko ang mga luhang lumabas mula sa mga mata ko. Ngumisi siya. "Hindi mo na kailangan alamin kung paano ko nalaman. Ang gusto kong malaman kung may balak kang sabihin sakin na may anak tayo? Na buntis ka?" tanong niya sakin. Napayuko ako. "Hindi ko alam. Gusto ko lang naman tuparin ang sinabi ko sayo na hindi na kita guguluhin," sabi ko sa kanya. Lumapit siya sakin at pinantayan ako bago itinaas ang mukha ko at tinignan ako. "Althea, anak ko ang nasa tyan mo. Ayokong may mangyari sa kanya. Sa ayaw at sa gusto mo ay pakakasalan kita," sabi niya sakin. Tigas akong umiling. "No, Rafael. Ayoko!" sabi ko sa kanya. Pero bakit nga ba? Bakit ayoko magpakasal sa kanya? Nakita ko ang pagkunot noo niya. "Hindi mo ba ako narinig, Althea? Sa ayaw at sa gusto mo ay pakakasalan kita. T*ng*n*! Hindi pwedeng wala ka sa poder ko! Baka kung ano ang mangyari sayo at sa bata!" sabi niya. Napakurap ako. Concern siya sakin. Napakurap din siya at napaubo. "Ang ibig kong sabihin, nagaalala ako sa anak ko. Wag mong bigyan ng kung anong kahulugan ang sinabi ko," dagdag niya. Napasimangot ako. Yun pala ang dahilan. Akala ko naman concern sakin. "Ayoko magpakasal sayo, Rafael!" matigas na sabi ko. Umiling siya. "Sa ayaw at sa gusto mo, Althea. Pakakasalan kita. Pero sa Huwes lang muna for formality. Bukas na bukas din," sabi niya. Napatingin ako sa kanya. "Rafael! Magisip ka nga! Pakakasalan mo ako dahil nabuntis mo ako? Parang hindi naman tama yun diba?" sabi ko sa kanya. Napangisi siya. "Hindi tama? Althea, nabuntis kita? Dapat lang na pakasalan kita. Anong mali doon?" nagsisimulang mainis na sabi ni Rafael. Umiling ako. "No! Alam kong may mahal kang iba, Rafael! Sa tingin mo, paano pag nakita mo na ang taong mamahalin mo or yung taong para sayo? Paano na lang ang anak natin? tapos kasal ka pa sakin? Aabutin ng sobrang tagal ang annulment ng kasal natin. Hindi mo ba naisip yun? Hindi mo ako mahal! Bakit mo pa ako pakakasalan? Kung para sa apilyedo ng anak natin, I will gladly let him/her have your last name. Hindi ko naman siya ipagkakait sayo!" Sabi ko sa kanya. Umiling siya. "Kahit na ano pang sabihin no, pakakasalan pa rin kita. Bahala na kung dumating ang panahon na yun. Basta pakakasalan pa rin kita! Magpahinga ka na," sabi niya at tumayo na. Napatingin naman ako sa kanya. Bakit ba ang kulit niya? "Pupuntahan ulit kita dito bukas. I-lock mo ng maigi ang pintuan. Wag kang magpapapasok ng kahit sino," pagkatapos niya sabihin ‘yun ay umalis na siya. Napabuntong hininga na lang ako. Wala na akong magagawa. Napaka-stubborn naman niya. "Anak, wag mo sanang mamana ang pagka makulit ng tatay mo," napapabuntong sabi ko habang hinihimas ang maliit ko pang tyan. Rafael Arellano's P.O.V Pagkalabas ko ng Hotel room ni Althea. Agad kong tinawagan si Mike. "Mike!" napapabuntong hininga na sabi ko habang naglalakad ako papalabas ng hotel. Narinig ko ang pagtawa niya. "So totoo nga, ikaw ang ama ng dinadala niya. Kaya pala pinapasundan mo," sabi niya. Binuksan ko yung kotse ko at pumasok na. Hindi ko alam kung bakit yun ang sinabi ko but I can't take it back anymore. "I want you to contact Felicia. She's your ex, right? She's also a judge diba?" tanong ko. Napaubo naman si Mike. "T*ng*n* bro! Bakit? Anong kailangan mo sa kanya? As much as possible ayoko na siyang kontakin pa," sabi niya. Napabuntong hininga ako. "I need to marry Althea, Mike. Buntis siya. At tama ka. I'm the father of her child," sabi ko sa kanya at napahagod ng buhok ko. "Oh! Congrats bro! Daddy ka na. Diba yan naman ang gusto mo?" tanong niya. Napabuntong hininga ako. "Yeah, but it’s too sudden. And ang gusto ko sa babaeng mahal ko. Pero wala akong magagawa. Nagsabi na akong pakakasalan siya at bukas na bukas rin. Contact her now, Mike! Bibili ako ng singsing ngayon. Maghanap ka na rin ng pwedeng witness sa Kasal namin," sabi ko sa kanya ay inistart na ang kotse. "O sige. Si Honey ko na lang ang and yung isang friend niya. Ingat ka bro!" sabi ni Mike at ibinaba na ang tawag. Napahawak ako ng mahigpit sa manibela. It’s for the best, Rafael. Ayaw mong lumaki ang bata na sira ang pamilya niya. Kaya kailangan mo 'tong gawin. For the sake of the baby. Umalis na ako ng hotel na yon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD