“Five minutes before the time pero wala pa rin?” ano na lang ang sasabihin ng
prof namin kapag late na naman siya. Hindi ba siya nag-aalarm o sadyang
palagi siyang puyat kakalaro ng Mobile Legends -- ang sikat na sikat na laro
ngayon na kahit mga matatanda ay naadik na. Hindi naman masama kasi kahit
ako naglalaro rin.
“Good afternoon class, we’ll about to start please prepare yourselves.” napabalikwas ako sa kinauupuan nang madining ang sinabi ng prof namin.
Nasaan na ba kasi ang lokong yun. Pumasok ang prof namin na as usual nakared lipstick at nakasuot ng
napakataas na heels. Unang tingin mo pa lang sa postura at itsura niya
masasabi mong may pagkaistrikto siya. Bata pa ito ngunit mahahalata mong
masyadong seryoso sa buhay at parang walang naninirahang kasiyahan sa
loob nito.
“We’ll about to talk about the responsible use of FREEDOM” in-emphasize niya
talaga yun word na freedom. Nagpatuloy sa pagdiscuss ang proof namin
tungkol sa kalayaan. Lumipas na ang ilang oras at wala pa rin ang lokong Oli, may plano pa kaya
siyang pumasok.
Nagulat ako nang biglang sumigaw sa pagkadimaya ang prof
namin.
"LATE KA NANAMAN?!" We all looked at the man in our room's door as our prof literally shouts at him. Ang ilan sa mga classmate namin ay tumawa, ang iba naman ay nagbulong
bulungan. Imagine someone coming to school ONLY at the last class and is
an hour and a half late yet still wearing a smile from ear to ear. "ANONG YEAR KA NA ULIT?!" tanong ng prof namin , "4th year, right? Jusmiyo, Graduating ka na pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos lagi kang late!"
"Eh, ma'am, traffic po kasi banda sa---"
"Aba!" natigil siya sa biglaang sabat ng prof namin "Wala tayo sa Maynila para
ma traffic ka!"
"Ma'am, as long as there are cars there would be traffic," sabi pa ng loko na
saiyang dahilan para mapatawa kaming lahat.
"See? late na nga, eh sumasagot pa!"
"Isn't this what school is for po? To help us think and reason out on our own?
This is what I learned in our Philosophy class, from our best professor ever!"Once again, we laughed, as we are now in our Philosophy class and the
professor he's talking about is the professor he's talking with; trying to
persuade her by complimenting her. "AYIIIIIIIIE!" lahat kami ay napasigaw at may naglakas loob pang magsabi ng , "We love you, ma'am!" Minutes later, her guard went down. "Sige na, maupo ka na r'un" sabi ng prof namin habang pinipigilan ang
pagsilay ng ngiti sakanyang mapupulang labi, "You still have 30 minutes to
answer your paper, sige na."
Napapalakpak na lamang ang buong klase bilang pagsuporta sa sa classmate
naming kakatapos lang masermunan. Biruin mo para lang siyang naglalakad sa
red carpet para sa isang awarding. Napailing nalang ako sa kalokohan ng
mokong na’to. "Hi" bati niya sa akin bago umupo sa tabi ko.
"Hi ka pa d'yan, 30 minutes nalang!" tugon ko habang napapatawa.
He silently laughed, "Grand entrance ba?"
"Wag mo na 'ko daldalin, sumagot ka nalang." may gana pang makichika, di
nalang unahin ang exam.
"Oh, s**t" napamura siya pagkatapos tingnan ang test paper, " 'Di ako nag
review, 'di ko alam 'to natulog lang ako"
"Loko ka talaga" bulong ko, trying my very best not to laugh and slowly put my
paper sideways in a way that he can read it, " 'Di ko sure 'yung multiple choices, pero the rest na review ko" Napatawa siya, "Kaya kita kaibigan eh!"
I watched him as he carefully copies my answer. Well, he's still him; messy
black hair, tan skin complexion, his neat uniform, and skinny yet tall physique. Wala namang pinagbago higit sa lahat late pa rin siya sa kada klase. Kelan kaya
magtitino ang isang ‘to.
“What?” natigil ako sa pagtitig sakanya nang bumaling siya saakin. “Wala, go ahead tapusin mo na yan para mainterrogate na kita as to why are
you late again” mahabang litanya ko para di niya na pagtuunan ng pansin ang
pagtitig ko sakanya.
“Alam kong gwapings ako pero baka matunaw ako kapag ganun ka makatitig
Primavera Cerise Martinez. Pero sure tuloy mo lang yan, sabi ko na nga ba
crush mo ake eh” ang yabang ng tuno niya ah. Ang feeling masyado. “Grabe ang lakas ng hangin dito sa side natin, parang may paparating ng
bagyo. Shane nafeel mo ba yung malakas na hanging tumama lang
kani-kanina dito sa may side namin?” baling ko sa katabi kong si shane kahit
pa medyo malayo layo ang distansya namin. Dalawahan lang kasi kada row, ibig sabihin kami lang talaga ni Oli ang magkatabi.
“Medj nafeel ko eh pero kunti lang siguro yung hangin lang yun galing sa labas, kung yung tinutukoy mo eh yung kahanginan ng bestfriend mo hindi ko nafeel kasi totoo naman yung sinabi niya na pogi siya. Depensa niya kay Oli, hindi
nakalampas saakin ang pag smirk at thums up ng lokong si Oli kay Shane.
“Hay ewan ko sainyo, at mind you Oli hindi kita crush noh. Having a crush on
you is on the bottom of my list” Acting is my forte and hiding is my specialty. No one will notice that I’m starting to have a crush to Oli.
“Itanggi mo pa, mamaya na tayo machikahan mare tapusin ko lang to” buti
naalala niya na sumasagot pa siya sa exam. Minsan maiisip mo na
napakabading naman nito, palaging nakasabay sa uso.
Minutes later natapos na ang lahat sa exam at nakaalis na rin si ma’am.
Akmang tatayo na rin ako nang hilahin ni Oli ang kamay ko. “Off to go Prim, we’re going somewhere” Naguguluhan man ay sumabay nalang ako sakanya. “Where are we going then?” tanong ko pero imbes na sagutin niya ako ay
tumawa lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Habang naglalakad kami ay
panay ang tinginan saamin ng mga estudyanteng nakatambay lang sa may
hallway. Ano ba ang iniisip nila, baka mamaya sabihin nila may something
saamin ni Oli. To avoid the possibility of misconception hinatak ko ang kamay
ko mula kay Oli na siya namang ikinabigla niya.
Natulala siya sandali pero bumawi ng ngiti. “ Iniisip mo siguro na baka sabihin
nila na may something tayo noh?” natatawang tanong niya. “Mabuti ng sigurado baka mamaya awayin ako ng fangirls mo” tugon ko
naman na mas ikinatawa niya pa.
“ We’re bestfriends kaya understood na yon noh, wala namang malisya” Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang napunta sa parking lot kung saan
nakapark ang kotse niya.
Oli came from a well off family, they own a series of
food chains here in Cebu and they even extended their business abroad. It’s
not a surprise though since his parents are hardworking and very focused on
their business. Nilibot ko ang paningin ko para mahanap ang kotse niya, nang maspot ko na
ay agad ko siyang hinila. Makakalimutin kasi kaya ganyan, pati yung location
ng kotse niya hindi niya pa matandaan.
“Let me put on your seatbelt baka mamaya umaandar na tayo di ka pa
nakaseatbelt” medyo namula yung cheeks ko sa ginawa niya although palagi
niya namang ginagawa yon ngayon lang ako naawkward.
“ Thanks” yun lang ang nasabi ko.
“So bakit late ka na naman ngayon Oliver Damien Alfaro?” pinandilatan ko siya
ng mata para mafeel niya na kailangan niya talagang magexplain.
“Naglaro ako hanggang umaga par, lahat ng game ko talo. Bobo pa mga
ka-team ko. Lahat dumbbell kaya ayon puyaters ako na dahilan ng pagkalate
ko” natawa ako ang bobo naman ng kateam nito.
“Kung ako inaya mo edi sana nakatulog ka ng maaga HAHAHA. Baka nga ako
pa nagbuhat ng team mo.”
“Ikaw? Magbubuhat sa team ko wag ka ngang magbiro eh ako nga
bumubuhat sayo para tumaas na yang rank mo”
“Hoy nag-improve na ako, hindi mo ba alam na every Sunday naglalaro kami
nina kuya Sky ha?” pagmamalaki ko siyempre hindi na ako pabuhat ngayon
noh. Mas mataas na nga rank ko sa kuya ko. Ml na yung hobby naming magkakapatid every Sunday kasi family day yun. Kami kami lang nina kuya Sky at kuya Nyx. Palagi kasing busy ang parents
namin kaya kapag rest day ng lahat which is Sunday kaming magkakapatid
lang ang magkakasama.
Minsan pumupunta din si Oli para makijoin kasi only
child siya. Hindi naman siya kulang sa aruga pero siguro nafifeel din niya na
boring sa bahay nila kasi wala siyang napapagtripan. Kung pag-uusapan
naman sa school hindi yan mawawala, siya ang numero unong tagapamahagi
ng aliw at chismis. Kita mo kalalaking tao pugad ng chismis.
“Laro tayo sa Sunday para matest natin yang Ml skills mo” panghahamon ng
loko, ako ba minamaliit niya.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa hindi ko na namalayan
nakarating na pala kami sa sinasabi niyang pupuntahan namin. “We’re here” lumabas siya ng kotse at hinintay ako sa labas. Kita niyo yun hindi
man lang ako pinagbuksan. Hindi uso ang pagiging gentleman sa lalaking toh.
Bumungad sa akin ang mala 5- star restaurant, makikita mong napakaganda at
medyo mahal kung dito ka kakain kasi pintuan palang napakaeleganteng
tingnan, ano pa kaya kung papasok sa loob. Bumati sa amin ang guard bago
kami pagbuksan. “This our newly built restaurant, malapit lang ito sa school kaya panigurado
dadagsain din ito ng mga classmates at schoolmates natin.”
“Is that so? ang ganda ng ambiance pati na rin ang interior. Nice ano ba naman
ang aasahan natin sa parents mo. They’re so hardworking, no wonder kung
bakit napalago ng ganito ang business niyo. Soon ikaw na ang magmamanage nito kaya siguraduhin mong hindi ka parating late para naman may matutunan
ka sa business managing” mahabang litanya ko.
On the other hand, nakakamangha talaga ang ayos ng restaurant na ito kasi ibang-iba siya sa iba
nilang restaurant. Ito kasi kahit mukhang elegante may vibe siya welcoming
para sa lahat.
“Ang haba naman ng sinabi mo siguro gutom ka na” hinila niya ako papunta sa
spot na malapit sa bintana.
“Ako na mag-oorder and ako na magbabayad to repay your kindness sa
pagpapakopya saakin kanina”
“No, I’ll pay para sa kakainin ko . Hindi naman pwedeng librehin mo ako dahil
lang pinagaya kita.” pagsalungat ko sa sinabi niya.
A girl should not let a man
pay for her. We should erase that belief and thought kasi hindi naman porket
babae ka eh kailangan lalaki na ang magbayad ng bills mo. Wala sa depinisyon
ng pagiging gentleman ang pagbabayad ng fees para sa babae.Women
should be independent enough to pay their bills. Being able to do so proves
that you are trained and a skilled woman.
“ I insist besides this is our restaurant. Ano ka ba naman papairalin mo na
naman ang pagiging strikta mo. Ano ka nanay ko?” umalis na siya nang hindi
man lang pinapakinggan ang sinasabi ko. I’ll just put some money on his car
mamaya para patas at hindi niya naman mapapansin yun.
“I ordered you’re favorite vegetabe salad and fuit juice since alam kong
nagdadiet ka. Siguro gusto mong maging slim para doon sa mga manliligaw
mo, may napili ka na ba? Pag-uusyuso niya habang kumakain kami.
“You know what hindi ako nagdidieat ba’t ako magdidiet kung masarap
kumain . Isa pa hindi ako mabilis tumaba, mabilis ang metabolism ko. I
appreciate the effort of my suitors but none of them passed my standards”
“Grabe pinasosyal mo lang yung pagreject mo iba ka talaga madam” pagpipigil niya ng tawa. “Wag ka ngang makiaalam sa love life ko, hindi nga ako nangingiaalam ng
sayo eh” pabirong sabi ko.
“I don’t have any girlfriend right now, my bestfriend is already enough to fulfill
my love life. Hindi ko pa kailangan yan ngayon. Sabi mo nga diba focus on my
studies” well medyo kinilig ako sa first statement niya at napawow ako sa last
na sinabi niya.
“Very well yan unahain mo studies mo at siguraduhin mong hindi kana
malalate bukas kung hindi lagot ka talaga saakin” pagbabanta ko.
“Kung malat----
“Did I heard it right? Nalate ka na naman Damien? Sabat ng isang pamilyar na
boses na nanggagaling sa likuran ko. Napaubo naman ang kasama ko sa gulat nang marinig ang boses. Kilalang
kilala ko ang boses na iyon at alam kong mas kilala ito ni Oli. Only his Mom
calls him with his second name.
Nang lumingon ako, no doubt siya nga. Tumayo ako para bumati at bumeso
sakanya.
“Good afternoon Tita Olivia, have a seat po”
“Good afternoon din my dear Prim and Oli late ka na naman pala sa klase. Didn’t I tell you to always go to school early and to focus on your studies.” makahulugang saad nito bago umupo. Tapos na kaming kumain kaya malinis na ang table at pwede ng magpreach si
Tita.
Tita Olivia Corazon Alfaro, the matriarch of the Alfaro family. A strict, independent and goal oriented business woman. She’s in her 40’s yet her
beauty is for a 20 year old lady. She has the power and the one who pulls the
string for her family. She overpowers the patriarch of the family because her
husband love her so much.
Unlike tita Olivia, tito Miguel - her husband is a cheerful and funny guy. He
likes to spoil Oli and I with so many things so If you’ll ask both Oli and I to
choose between them, we’ll choose Tito Miguel. No offense kay tita pero yun
talaga eh but if you want to learn how to do thing properly you’ll have to just
visit tita for you to learn. “Mom I’m sorry, I promise to your both that I’ll go school early starting
tomorrow” saad ni Oli with matching panunumpa pa. Nagpigil ako ng tawa
para kasing bata na pinagalitan ng nanay tapos napilitang magpromise. “Prim, hija how are your parents. I haven’t seen them for a while since naging
busy kami ni Miguel sa business namin”
“Just like you po busy din sila. We barely see each other since they’re always
out of the country.”
“I hope you guys understand why we’re always busy. What we are doing is for
your future. Gusto namin pag dating ng panahon secured na ang future niyo at
wala na kayong aalalahanin pa. That’s what parents do to secure their childs’ future. Hindi naman kasi pwede na dadalhin namin kayo sa mundong ito na
puro pasakit lang ang dadanasin niyo. Hindi dapat ganun, you’re not an
investment na pagdating ng panahon ay magiging retirement namin. We
brought you into this world for your to experience life and all the things a
person can experience. We, parents are responsible to guide you and to give
the happiness your deserve the second you are brought into this world” nakakainspire talaga ang bawat salitang binibitawan ni Tita. That’s what I
admire about her. Bawat buka ng bibig niya alam mong may laman at
pinag-isipang mabuti.
“We understand naman po but in our case I think it’s too much. We only gather
as a family once in every two weeks because of their busyness”
“Dyan naman nagkamali sina Art, hayaan mo at pagsasabihan ko sila ng
mommy mo”
“Thank you Tita, Oli medyo dumudilim na I have to go. Tita mauuna na po ako, nice to talk to you again po” pagpapaalam ko baka kasi mapagalitan ako ni
kuya kapag hindi pa ako umuwi.
“Oli, ihatid mo ang bestfriend mo. Magpakagentleman ka naman kahit
papaano” singit ni Tita.
“Mom, even if I don’t drive her home kaya niya na ang sarili niya. Malaki na yan
eh at saka hindi naman yan mapapahamak, tingnan mo nga ang itsura niya
mahihiya ang holdapper na pagnakawan siya” natatawang tugon ni Oli.
Pinanadilatan naman ni tita ng mata si Oli na siyang nakapagpatigil kay Oli. Imbes na bumanat pa ay tumayo na siya at inaya ako palabas.
“Son, take care of Prim and tell your dad I’ll be home in an hour” pahabol na
bilin ni tita bago kami tuluyang pumasok sa kotse ni Oli.
“Hoy bata! kung inaantok ka umidlip ka muna. Huwag mo muna akong
kausapin ngayon pinahamak mo ako kanina. After 20 minutes saka kita
papansinin” pamamaktol niya habang iniistart ang car engine.
“ Ang arte mo naman ehh kasalanan mo din yun, bala ka dyan bonak iidlip
talaga ako”
-
- -
“Wake up sleepyhead you’re home” Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at kinusot ito bago tingnan
ang paligid.
Natanaw ko na si kuya Sky sa labas nakaabang sa pagdating ko. Sinasabi ko na nga ba, lagot ako nito. Lumabas kaming dalawa ni Oli sa kotse niya.
“I-explain mo kung ba’t ako late umuwi ngayon tutal ikaw ang dahilan kung
bakit ako late umuwi”
“Don’t worry ako bahala kay kuya Sky” proud na sabi nito bako tumuloy
papunta kay kuya.
“Oliver bakit ngayon lang tong bata namin?” Halata mo na medyo nagtataka talaga siya at may balak na sermonan ako
mamaya.
“Kuya binisita po namin kanina ang bagong restaurant ng family namin
malapit sa school. Linibre ko si Prim kasi may utang ako sakanya kanina” Napatango lang si kuya sa dahilan ni Oli bago bumaling saakin.
“Totoo ba M’lady?” M’lady ang tawag saakin nina kuya kasi nga ako ang
nag-iisang babae kapatid nilang babae. Ang common na daw kasi ng Princess
kung iyon pa ang itatawag nila saakin.
“Yes kuya” nakangiti kong sagot sakanya.
“Pumasok kana I have something to say to Oliver” liningon ko muna si Oli bago
tuluyang pumasok sa bahay. I wonder ano ang pag-uusapan nila. Itext ko muna si Oli para iremind na
magdrive ng maayos at mag-ingat siya.