Prologue

213 Words
Prologue Sabi nila hindi raw natin maaring piliin kung sino ang mamahalin natin. May mga pagkakataon daw kasi na titibok ang puso natin sa taong higit na hindi natin inaasahan. Pwede kang mainlove sa taong hindi mo naman gusto at malabong mangyari na mahalin mo. O di kaya naman ay mahulog ka sa taong ni katiting na pag-asa ay hindi ka magkakaroon. Pero kahit ganon ka kumplikado ang puso natin, hindi na natin ito madidiktahan. Sa oras na tumibok ito, wala na tayong magagawa. Diktahan man natin ang puso hindi na ito titigil sa pagtibok para sa taong napili nito. Ngunit, patuloy man ito sa pagtibok may mga sitwasyon na kailangan natin itong itago. Lalo na kung nainlove ka sa isang taong alam mong wala kang pag-asa. Minsan nga kailangan mo pang ikubli sa maskara ang pagmamahal na meron ka kung ang taong mahal mo ay mismong kaibigan mo pa. Masakit magmahal ng kaibigan, mag-aalinlangan kang umamin. Ano ba naman kasi ang mas matimbang, ang pagkakaibigan o ang katiting na pag-asang namumuo saiyo sa tuwing naiisipan mong umamin? “Sometimes the best way to stay close to someone you love is by just being their friend. It’s the safest choice you can make to avoid loving them from a far”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD