(Mahal Kita)
Cordaphia Pov.
Wala akong ideya kung bakit may ganitong daan sa likuran mismo ng malaming frame kung saan makikita mong madilim lamang ang naroon. Pinilit kong humakbang upang muli ay ayusin ang frame sa pwesto nito, naguguluhan pa rin ako at halos tambulin ang puso ko sa sobrang kaba.
Nais kong pasukin iyon ngunit hindi ko pa kaya sa ngayon, naghalo-halo na ang emosyon sa aking dibdib. Idagdag mo pa ang kasambahay kanina na may itinatago palang patalim sa kanyang dala.
Napalunok ako.
Pilit kong inayos ang sarili bago humugot ng mahabang hininga. Hindi pa man ako nakakabawi sa nangyari, bigla na lamang akong nagulat ng may magsalita sa likuran ko.
”What are you doing here?” mabilis na napalingon ako sa lalakeng iyon, malalim ang kanyang tinig. Ang awra niya ay lalong nag-iba ngayong gabi habang pinagmamasdan ko ang kabuuan nito.
”S-stevan?” halos manginig ang buong sistema ko habang pinagmamasdan ang lalakeng nasa harapan ko.
Animo'y pinaulanan siya ng dugo dahil sa kanyang ayos, ang kamay niya ay may hawak na baril. Duguan iyon maging ang buong kasuotan niya.
Lumapit siya sakin ngunit napaatras ako. ”A-anong n-nangyari s-sayo?”
”You are obviously afraid of me.” bahagyang umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi nawawala ang titig niya sakin habang pinakikiramdaman ko ang t***k ng puso ko. ”I came home right away to see you. I'm worried about you, you might be in danger.” nangunot ang noo ko.
”A-anong i-ibig mong sabihin?”
Umiling siya. ”Nothing, go to your room. I will just take a shower.” humakbang ako upang lumapit sa kanya, binalak ko siyang hawakan ngunit humakbang siya palayo sa akin. ”Don't touch me right now. I k*lled a lot of people tonight.” natigilan ako sa sinabi niya, para ba akong minantilyo sa kinatatayuan at bigla'y hindi na ako makagalaw sa sinabi niya.
”I'm sorry if i didn't tell you about this, but i want you to know who really i am. I don't want to keep a secret from you anymore and sleep without you every time i do something bad.” nanatili akong tulala sa lahat ng sinabi niya. Hindi na lalo akong makakilos habang unti-unti kong binabalik ang tingin sa kamay niya at hawak nitong baril.
Ako ngayon ang biglang napaatras, para bang nanghina at nahilo ako bigla sa nalaman habang naiiling. Sa sobrang pagpapanic ko ay hindi ko na namalayang matutumba ako.
Mabuti na lamang at mabilis ang naging pagsalo sa akin ni stevan, ngunit kahit titigan ko ito ay wala ng klaro kahit anong parte ng mukha niya. Patuloy na nanlabo ang aking paningin at ang huling salita nito ang siyang tumatak na lamang sa isip ko.
”I can't afford to lose you, i'm sorry.”
____________
HINDI naging mahaba ang pagtulog ko matapos kong mawalan ng malay. Ngunit wala ako sa aking silid, nasa ibang kwarto ako na halos kulay puti ang nakikita ko.
Hindi pa ako makapagsalita dahil pinakikiramdaman ko ang sarili. Ngunit dinig na dinig ko ang pagsasalita ng doctor sa tabi ko na para bang hindi nila napansin ang pag-gising ko.
"Your wife is pregnant." nakatalikod sa akin si stevan habang kaharap nito ang doctor na may suot ng mask. Ngayon ko lang din napagtantong nasa ospital ako.
"How did you know?" iyon ang sagot ni stevan. Muntik ko pang makalimutan na totoong buntis nga ako, at hindi ko pa iyon nasabi sa kanya ang naging resulta kanina dahil nga sa nasaksihan ko.
Tinitigan kong muli si stevan, may suot na siyang mahabang coat. Malinis na ang kamay niya at wala na itong kahit anong bahid ng dugo.
”This is the result of your wife pregnancy, she's seven weeks pregnant.”
Pansin kong matagal bago makasagot si stevan. Tila ba nagulat siya dahil sa totoong buntis nga ako, hindi ba nabanggit ni manang mercy ang tungkol doon. Sinunod ba talaga ni butler ryan ang bilin kong huwag na munang sabihin kay stevan na buntis ako.
”What is the gender of my child then?” dinig ko ang mahinang pagtawa ng doctor sa tanong niyang iyon.
”Hindi pa natin malalaman?"
"What? Why? Is their anything problem about her pregnancy? Bakit hindi ko pa pwedeng malaman!” mataas na agad ang boses ni stevan. Doon lang din bumukas ang pinto kung saan ay iniluwa nito si butler ryan.
Ngunit walang pumansin sa kanya dahil nakatuon lahat ng atensyon ni stevan sa doctor dahil sa mga katanungan niya.
Napabuntong hininga ako.
Napabaling na sa akin si butler ngunit muli din nitong ibinalik ang paningin sa boss niyang mainitin ang ulo.
Hindi ko na naiwasang sumingit pa dahilan upang mapalingon sila sakin. ”Hindi pa natin malalaman dahil maliit pa ang bata.” napatitig sa akin si stevan, tila ba hindi siya kumbinsido sa sinabi ko at nais niyang gawan iyon ng paraan.
”Your wife is right, maybe after three months.” muli'y hinarap ni stevan ang doctor.
”After three fvcking months! Masyadong matagal 'yon! I want to know the gender of my child tomorrow!"
Napasapo ako sa noo, napapikit at hinagod ko ang aking sintido. Ganoon ba siya kasabik malaman na lalake ang dinadala ko? Madidismaya ba siya sa oras na malaman niyang babae ang pinagbubuntis ko? Pero nasabi naman niya sa akin noon na kahit ano man ang kasarian ng bata ay tatanggapin niya ito, iyon nga lang. Mas nais niyang lalake ang magiging unang anak namin.
”Calm down, sir. The baby is still processing. We need to wait until that baby grow in five months.”
Iyon ang sinabi ng butler niyang nagpatahimik sa kanya. Tila napagtulungan ito kaya wala na siyang naging imik pa, nilingon niya akong muli. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya dahil pinagmamasdan ko ang reaksyon nito.
Muli ay bumuntong hininga siya. Lumakad siya palapit sa akin ng hindi ko inaalis ang titig sa kanya. Naupo ito sa gilid ng kama kung saan may bakanteng upuan ang naroon. Napamaang ako ng hawakan niya ang aking kamay, yumuku ito at idinikit niya ang noo sa likurang palad ko.
”I'm sorry..” aniyang sabi habang nananatiling nakayuko sa aking kamay. ”I wasn't careful about what i was doing and what i told you about me. I shouldn't have speak the truth first, I'm sorry.” Napakurap ako sa sinabi niya. Para bang wala na itong pakialam sa dalawang kausap niya kanina lang dahil pag angat ng ulo niya ay sa akin muli dumapo ang mata niya.
Nagpaalam ang doctor kay butler ryan dahil tila hindi na niya nais istorbohin pa ang pagdadrama ngayon ng lalakeng nasa harapan ko.
Ngunit hindi ko rin maiwasang mapalunok, naisip ko kung totoo ba lahat ng sinabi ni stevan at hindi lang ito joke time. Totoo ba na pumapatay talaga siya? Ngunit bakit?
Naguguluhan ako at napakaraming kong tanong na nais ibato sa kanya. Ngunit hindi pa sa ngayon, saka na muna sa oras na maging maayos na ako.
”A-ayos lang..” sagot ko, pilit ngumiti. ”W-wala ka naman kasalanan, hindi mo naman alam na buntis pala talaga ako..”
Nakatitig pa rin ito sa akin, hindi niya nilulubayan ang aking mukha na tila sinusuri ba nito kung ayos lang ba talaga sa akin lahat.
”I will tell you everything, just don't judge me.”
”Aalamin ko talaga lahat ng tungkol sa'yo, ngunit huwag muna ngayon. Hindi kita huhusgahan.” sa pagkakataong ito ay ngumiti siya, hinaplos nito ang buhok ko pababa sa aking pisngi.
”Do you know how happy i am today?” napangiti na lang ako sa tanong niya, halata namang masaya ito ngunit maangas pa rin ang dating. Kumbaga, hindi na maiaalis ang malakas niyang awra kahit anong gawin nito. ”I'm going to be a father, i want to stop everything i'm doing but the fight isn't over yet. I don't even have a face to show at my mom's grave, i haven't given her justice until now.” nag-iwas siya ng tingin sa akin. Alam ko kung gaano kahirap mawalan ng magulang, ngunit dahil namatay ang ina ni stevan sa ibang paraan. Tiyak na mas masakit iyon, kaya't hangga ngayon ay hindi pa rin siya makalimot na naging sanhi sa pagiging ganito niya.
Nagiging masamang tao siya dahil lamang nais niya ng hustisya.
Hinawakan ko ang kanyang kamay, marami akong nais sabihin ngunit nag-aalinlangan pa ako. Gusto kong ipagtapat lahat ng nalalaman ko tungkol kay dahlia gostavo.
Dahil si dahlia gostavo ang pumatay sa kanyang ina.
”Magiging maayos rin ang lahat, stevan. Sa ngayon, huwag ka na munang magpadalos dalos. Baka mapahamak ka.”
Ngumiti siya. ”They can't hurt me, not at all ever.”
”May kailangan ba akong ipag-alala sa ngayon?”
”Nothing, stop over thinking. I'm not going to leave, i'm sorry. I won't lie anymore.”
”Hindi ka na ba talaga aalis?”
”No, after your check up here, when you can go out. Were going home. Right there in my own house, huwag na muna tayong umuwi sa mansyon ng matandang 'yon.”
Nais ko sana siyang kaltukan dahil tinawag niyang matanda lamang si don agaton. Ngunit napagtanto kong hindi naman pala sila totoong mag-ama, iyon rin ang isang iniisip ko pa. Paano ko na lamang ipapaalam kay stevan ang katotohanang hindi sila anak ni don agaton, na sa iba nabuntis ang ina niya at si agaton lamang ang umako lahat ng responsibilidad.
”Do you want to tell me something?” natigilan bigla ako sa pag-iisip sa tanong na iyon ni stevan. Natakot pa ako dahil baka nabasa niya kung ano ang laman ng isip ko. ”If you have a thought in your mind, don't keep it to yourself. Share with me instead because i don't want to stress you out, it will harm the baby..”
Ngumiti at tumango ako. ”Wala naman akong iniisip.”
“Then get rest first, manang mercy is on her way with your food. Everything you eat must be nutritious, if you want something just tell me..I'll get it.” tumango muli ako, hindi mapigilan ang ngiti dahil sa sinabi niya. ”Do you want something to eat today? Doesn't the baby have cravings?”
Sa totoo lang ay may nais akong kainin simula kaninang umaga ng magising ako. Ngunit kailangan pa nilang magluto at baka matagalan ang pagkain ko.
”Tell me, huwag mo ng itago pa.” napanguso ako, masyado ba akong halata at nalalaman niyang may gusto nga ako.
”Gusto ko na bangus.”
Nangunot ang noo niya. ”A fish?” tumango ako. ”Fish is healthy to eat, i'll order that now, would you like it fried?”
Umiling ako. ”Yung may suka ang gusto ko, stevan. Paksiw na bangus, yung maasim.”
”What the h*ll is that food?” nilingon niya si butler. ”Is it okay for a pregnant woman to eat sour food?”
Tumango ang butler. ”They usually conceive of sour foods, sir. It's normal, and isn't bad for a pregnant woman.” muli ay nilingon niya ako, hindi maipinta ang kanyang mukha. ”Is that what you really want?”
Tumango ako, tikom ang bibig. ”Nanganasim kasi ang bibig ko, iyon talaga ang gusto ko. Makapaghihintay naman ako habang kumakain ng pinya.”
Lalong nangiwi si stevan sa sinabi ko. ”Do you want pineapple too?”
”Oo, nagugutom na ako.”
”Dvmn!” tumayo siya, lumapit ito sa butler niya na wala kahit anong reaksyon. ”I don't want to order just to cook more at home, just find the food she likes. Just make sure it's clean, including the fruit. Everything should be clean, right? Remember everything i said ryan, babaliin ko ang leeg mo pag sumakit ang tiyan ng asawa ko.”
Napakurap ako, bigla na lamang nag-init ang pisngi ko dahil sa huling sinabi niya. Wala din naman para kay butler ryan ang pagbabanta ng boss niya, para bang sanay na ito sa ganoong trato niya kaya't tumango siya at dagliang lumisan ng silid.
Hinagod ni stevan ang kanyang buhok, hinawi niya iyon upang muli ay maging maayos. Lalo tuloy siyang nagmumukhang bossy sa ayos niya, kumpara kanina na puno ng dugo ang katawan nito.
May halong takot pa rin akong nararamdaman, ngunit hindi sa kanya. Kundi sa kaligtasan nito at ang magiging anak namin, paano na lamang kung balang araw ay gantihan siya ng ilang taong parte ng mga napatay niya. Nag-iwas ako ng tingin matapos nitong maupong muli sa pwesto niya malapit sakin, nakatitig siya sa mukha ko habang binabalot ng katahimikan ang buong silid.
”I saw the cctv footage outside in your room earlier, the house maid who's cleaning on stuart room is acting weird.” natigilan ako sa sinabi niya. Kung ganon, nakikita niya ang babaeng iyon? Konektado ba ang cctv sa cellphone nito. ”I went home immediately after calling butler ryan, he was watching outside the room and he heard the maid accusing you of being a real dahlia.”
Naisara ko ang bibig bago tumango. ”Inakala niya na ako talaga si dahlia, na nagpanggap lamang ako bilang ibang tao.”
”I don't see any sign that you are dahlia. You are different, you will never been dahlia gostavo. Because you are better than her.” ngumiti siya, para na lamang hinaplos ng masarap ang puso ko dahil sa sinabi niya. ”You are my wife, even though we started pretending and in the eyes of some it is not true, but for me. I am really your husband.”
Napangiti na lang ako ng tuluyan, hindi ko iyon mapigilan dahil ang sarap talaga sa pakiramdam lalo na itong nararamdaman ko.
”Mahal na rin kita, stevan.” pansin ko ang gulat nito dahil sa sinabi ko. Hindi niya magawang kumurap maski kumilos man lang dahil sinabi kong mahal ko siya. Nagmura pa siya isang beses nang mag-iwas ng tingin, ngunit yumuko rin ito at hindi na talaga tumingin sa akin.
Hindi ko na muling narinig ang pagmumura niya matapos nitong yumuko, nabahala na rin ako dahil hindi na rin siya gumalaw kaya marahan kong tinapak ang balikat niya.
”Stevan, ayos ka lang?” hindi siya sumagot, sinilip ko ang gilid ng mukha niya at doon nakita ko na itong nakapikit. Napaupo ako ng wala sa oras, inalog ko pa siya upang kumpirmahin kung tulog nga ba ito dahil nakapikit siya. ”Anong nangyari sa'yo?” nag-aalala na ako dahil biglaan na lamang ang pagkakatulog niya. Hindi naman din ako makasigaw dahil sarado ang pinto at bintana ng silid, siguradong wala din naman makakarinig sakin.
Ngunit ano nga ba ang nangyari sa lalakeng 'to?
Tinulugan lang ako matapos kong sabihing mahal ko siya?
Napabusangot ako sabay higa muli sa kama, umirap pa ako bago ipagkrus ang kamay. Ilang minuto ang ganoong eksena bago bumukas ang pinto at iniluwa nito sa butler ryan at manang mercy, may kasama silang isang tauhan na may dalang paperbag na inilagay nito sa lamesa ko.
Lumapit sa akin si manang mercy upang itanong kung maayos na ba ang pakiramdam ko. Tumango lang ako, wala sa kundisyon dahil kanina pa nga tulog itong lalakeng 'to. Lumapit rin sa akin si butler ryan na may dalang plastic bag at prutas na gusto ko. Nabaling ang atensyon niya kay stevan na may pagtataka kung bakit nga ito nakayuko.
”Pagod siguro si stevan kaya nakatulog na lamang siya riyan.” komento ni manang dahil nga nakayuko si stevan sa gilid ng kama at para bang mahuhulog na.
”Sir stevan doesn't sleep like this, he can't just sleep if he's watching seniorita.” napalingon ako kay butler ng sabihin niya iyon.
”Kilala mo na talaga ang boss mo 'no? Pero tinulugan niya nga ako e!”
”I really know my boss, he doesn't sleep on the sofa or anywhere else. If not there is no one else just in his room where he is comfortable. Maybe something must have happened so he fell asleep on the side of the bed.”
Napanguso ako, bakit kailangan pa niyang mag-ingles ng ganito. Kung tatanungin ko lang din naman siya sasabihin lang niyang 'That's my boss order'
”Nag-uusap lang naman kami kanina tungkol sa nangyari, medyo napahaba ang pag-uusap namin at..” natigilan ako, tiningnan ko si manang at butler na naghihintay sa susunod na sasabihin ko dahil pinutol ko iyon sa kadahilanang nahihiya ako.
Dapat ba na sabihin ko ang sinabi ko bago siya matulog?
Pero kalaunan ay humugot ako ng malalim na paghinga, wala naman sigurong masama kung sasabihin ko. Iyon naman ang totoo, bakit ba ako mahihiya sa nararamdaman ko?
”Sinabi kong mahal ko siya..”
Napakurap silang dalawa sa sinabi ko, para bang hindi kapani-paniwala na iyon ang naging rason kung bakit ito natutulog ngayon.
Pero iyon naman talaga ang huling nangyari.
”Maybe he was allergic on that word so he passed out.” napalingon ako kay butler.
”Pwede ba 'yon?” nagkibit balikat siya.
”Kung ganon, hindi kinaya ni stevan ang sinabi ni cordaphia. Dapat pala ay gisingin natin siya.”
Sang-ayon ako sa sinabi ni manang mercy, pero kung totoo nga iyon. Edi hindi ko na uulitin pa ang salitang iyon kung ganito rin naman ang magiging epekto kay stevan.
Masyado bang malakas ang epekto ng pagkakasabi ko? Dapat pala ay nagdahan-dahan ako.
************
To be continued.....