(Secret Way)
Third Person Pov.
Kinaumagahan, sa mansion ni don agaton. Maagang gumising si stevan upang utusan ang butler nitong bumili ng pregnancy test. Hindi na sila nakadaan pa sa pharmacy matapos nilang makakuha ng makopa na nais ni cordaphia.
Bumaba siya sa silid kung saan magkatabi silang natulog ng dalaga. Matapos niyang makapagbihis ay hindi na nito inistorbo si cordaphia dahil mahimbing pa ang kanyang tulog.
Pagkababa nito sa sala, naabutan na nito ang butler niya na nagkakape kung saan ay nakaupo ito sa single sofa. Madaling tumayo ang bulter niyang si ryan dahil nababasa nito sa mata ng boss niyang may i-uutos ito. Sa tagal na niyang kasama ang binata, halos kabisado na nito ang ugali niya. Sa tuwing galit ito, lalo na't pag may hindi ito nagustuhan sa isang bagay. Nag-iiba ang anyo ni stevan at tiyak na kakatukan mo ito.
”I want you to buy five pregnancy test..” nais matawa ni ryan sa utos ni stevan, ngunit itinago na lamang niya iyon. Pinigilan niyang mangiti at pinanatili nito ang kaseryosohan sa kanyang awra.
”Copy, sir..” madaling lumisan ang butler sa harapan nito, ultimong pagkakape niya ay hindi na nito tinapos. Sa oras na may i-utos ito, dapat lamang na agaran mong gawin iyon. Lalo na sa bagay na ito dahil importante sa kanyang malaman niya na buntis nga itong si cordaphia.
Nagpahanda si stevan ng makakain matapos nitong utusan ang butler niya. Nag-usisa ito kung ano ang mga nais kainin ni cordaphia tuwing umaga, ngunit walang naisagot si manang mercy dahil nasabi niya na baka naglilihi ito at mas mabuting ang dalaga na lamang ang tanungin nito.
Ngunit bago pa man siya tumungo paakyat muli ng silid, nakatanggap siya ng tawag mula sa don. Marahas na napabuntong hininga siya dahil paniguradong trabaho lamang muli ang ibubuklat ng kanyang ama.
”What it is?” iyon ang bungad ni stevan sa kanyang ama. Salubong ang kilay nito ng lumabas siya ng kusina.
”Where are you?”
”I was at home, i didn't work today.”
"Why? Is there a problem and you won't leave?” ilang segundo natahimik ang binata sa tanong ng don. Hindi niya muna nais ipaalam ang tungkol sa kundisyon ni cordaphia kahit pa na alam niyang magpapakunsulta sila ngayong araw.
”No, i just have something else to do.” bumuntong hininga ang don sa kabilang linya.
”It's good and if there's no problem there.” panandaliang nanahimik sila bago muling magsalita si don agaton sa kabilang linya. ”By the way, i actually saw the traitor who ran away from the transaction. He's still in the philippines..”
Nagsalubong ang kilay ni stevan. ”Really? where here?” nais malaman ni stevan kung saan mahahanap ang traydor na 'yon. Iyon kasi ang tumakas sa transaksyon kung saan dala niya ang ilang armas at pera para sa kanilang organisasyon.
Hindi lang naman basta negosyo ang meron si stevan. Hindi siya simpleng tao lang na nagpapatakbo ng malaking kumpanya, hinahawakan rin nito ang malaking organization kung saan nagpupundar sila ng armas at iba't ibang ilegal na produkto.
Sinabi ng don kung saan matatagpuan ang lalakeng iyon, madaling nalaman ni stevan ang lugar dahil pamilyar iyon sa kanya. Hindi na siya makapaghintay na puntahan iyon at singilin sa bagay na ginawa niya.
”Then, i will k*ll him..”
Matapos ng usapang iyon, agarang lumisan si stevan at hindi na nito hinintay ang butler niya. Dumiretso ito sa lugar kung saan ang hide out nila, maraming tao roon na nagbabantay. Lahat sila'y kargado ng armas at tila ba ay nataranta ng makitang paparating ang itim na kotse ni stevan.
Mabilis na bumukas ang malaking gate ng sandaling makita nila ito. Ang pagpapatakbo ni stevan ay tila ba nauubusan ng pasensya sa sobrang bagal nilang kumilos, hindi na nakuhang sumalubong ng mga tauhan nito dahil halata ang maitim na awra sa binata matapos niyang bumaba ng kotse.
”Prepare all my weapons.” utos nito sa lalakeng tumatakbo pasunod sa kanya. Yumuko ito at agarang lumisan upang ihanda ang kailangan ng boss niya. ”We're going to clean up a mess, get ready.” sa anunsyong iyon ng binata, mabilis na nagsikilos ang mga tauhan niya.
Ito ang buhay na meron siya.
Simula ng mawala ang ina nito, itinayo niya ang mundong inaapakan niya. Nais niyang makuha ang hustisya, kaya lahat ng alam niyang kalaban ay kanyang nililinis. Sa paraang mababahiran ng dugo ang kanyang mga kamay.
Iyon ang lingid sa kaalaman ng dalaga, na ang isang lalakeng pinakasalan at pinakisamahan niya ay hindi mabuting tao.
Ngunit, sa pagsasama nila'y para bang unti-unting nabibiyayaan ng kulay ang mundo ni stevan. Na para bang si cordaphia ang magiging susi upang itigil niya lahat ng kanyang kasamaan, at ang pagkamuhi nito sa lahat ng taong inaakusahan niya.
___________________
Sa mansyon muli ni don agaton, alas nuebe ng umaga. Doon palang nagising ang dalaga mula sa mahabang pagkakatulog, malamang na nagising itong mag-isa na lang. Wala na ang binata sa tabi nito habang kinukuskos ng kamay niya ang kanyang mata.
Inangat niya ang kamay habang humihikab, wala siyang kakaibang nararamdaman ngayon kundi ang pagkagutom lamang. Nangangasim ang buong bibig nito, para bang may nais siyang kainin ngunit hindi nito mapangalanan.
Lumakad siya patungong banyo, naghilamos ito at nagsipilyo ngunit ganoon pa rin ang nais ng kanyang panlasa.
Naupo ito sa gilid ng kama habang nakatingin sa bintana. Marami siyang iniisip ngayon bukod sa nais niyang kainin, isa na roon kung bakit wala si stevan sa tabi niya.
”Pumasok ba siya?” tanong nito sa sarili bago muling tumayo. Pinihit niya ang pinto pabukas upang tumungo ng sala, naglalaway pa rin ito sa maasim na pagkain ngunit hinahanap ng mata niya ang binata.
Naabutan nito si butler ryan na agarang tumayo ng makita niya ang dalaga. ”GoodMorning, seniorita.” pagbati ng binata na binigyang ngiti ni cordaphia.
”Nasaan ang boss mo?” naglapat ng labi ni ryan sa tanong ng dalaga. Alam niyang lumisan ito kanina dahil nakita niya ito, at tumawag rin si stevan sa kanya matapos niyang maghanda sa pupuntahan. Hinabilin niya ang dalaga sa kanyang butler, sinabihan niya ito na kahit anong mangyari ay huwag niyang aalisin ang paningin sa dalaga.
”Sir stevan has work now. He left early this morning.” napanguso ang dalaga.
”Ang sabi niya sakin, hindi na muna siya magtatrabaho. Scam talaga 'yang boss mo!” umirap siya, nagtatampo ito sa kadahilang hindi man lang nagpaalam si stevan sa kanya.
”He couldn't say goodbye to you earlier because she didn't want to disturb you.” kahit magdahilan pa si ryan, hindi pa rin kumbinsido ang dalaga. Hindi naman rason 'yon, hindi rin naman magagalit si cordaphia kung gigisingin siya ni stevan at magpapaalam ito.
Ngunit dahil nga ay may ibang gagawin ang binata, mas minabuti na nitong lumisan ng hindi nagpapaalam.
”Sir stevan asked me to buy something earlier, he wants you to try it so you can know the truth.” nagsalubong ang kilay ng dalaga. ”These are the five pregnancy tests, i will call manang mercy to help you.” inabot ng butler sa kanya ang papel na supot kung saan nakapaloob roon ang limang PT. Naguguluhan siya kung bakit kailangan lima ang mga ito, ngunit hindi na ito nakapagbato ng tanong matapos tumalikod ni butler upang puntahan ang ginang na patapos ng naghahapag ng pagkain sa mesa.
”Seniorita is awake.” anang butler sa matanda na agarang napaayos ng tayo. Mabilis din na nagpunas ang ginang at lumabas ng kusina upang puntahan ang dalaga na ngayo'y pinagmamasdan ang pregnancy test.
”Nakapagbanyo ka na ba?” tanong ng ginang matapos nitong makalapit sa dalaga. Umiling si cordaphia dahil naghilamos lang naman siya kanina sa banyo. ”Kailangan nating subukan ang unang pag-ihi mo, doon natin malalaman ang totoo sa pamamagitan nito.”
”Kinailangan ba talagang lima?”
”Mas mabuti iyon, para sigurado tayo sa resulta.” napatango ang dalaga sa sinabing iyon ng ginang. Tumungo nga sila sa silid ng dalaga at dumiretso ng banyo. Naiwan ang butler sa labas ng silid, doon siya naghintay habang iniisip nito kung napano na ba ang boss niya sa nilakad nito ngayong araw.
Paniguradong nagkalat na naman ang dugo sa kanyang katawan.
Napailing ang butler sa kadahilanang iyon, wala din naman itong magagawa kundi sundin ang utos ng boss niya. Malaki din ang utang na loob nito sa binata dahil kay stevan lang naman siya nakakuha ng pera noong kinailangan niya ito.
”Paano po nating malalamang buntis ako?” bahagyang nangiti ang ginang sa tanong na iyon ng dalaga.
”Sa oras na dalawang guhit ang lumabas rito, iyon ang basehan na nagdadalang tao ka nga.”
”T-talaga p-po?” napalunok ang dalaga. ”K-kinakabahan ako..” nasa limang PT nakatingin ang dalaga kung saan sinusubukan na iyon ng ginang. Ilang minuto siyang nakatingin roon habang hinihintay nga ang sinabi ni manang mercy na sa oras na lumabas ang dalawang guhit roon ay tiyak na buntis nga siya.
Sa sandaling minutong iyon ay madaling nagbago ang lahat kay cordaphia. Tila ba lahat ng nasa isip nito ay nawala ng sa wakas ay lumitaw nga ang nasabing resulata roon.
Napamaang siya, at wala sa sariling nasabing. ”Buntis nga ako.” aniyang turan na natulala na lang sa bagay na tinitingnan.
Dalawang guhit ang naging resulta nito, lahat ng sample na naroon ay magkakamukha lang ang kinalabasan. Walang pagdududa nga na may nabuo ng bata sa sinapupunan ng dalaga.
Hindi siya halos makapaniwala kaya't lumabas na ito ng banyo. Naupo siya sa kama na tulala pa rin kung saan dumapo ang mata niya.
”Sa oras na dumating si stevan, sasabihin natin ang naging resulta.” walang imik na nakatingin lang sa gilid ang dalaga. Alam naman niyang matutuwa si stevan, kahapon pa lang ay gustong gusto na nitong tumungo ng ob-gyne at huwag ng ipagpabukas lahat ng ito. Ngunit dahil kinakabahan ang dalaga ay mas pinili niyang gumamit muna ng PT.
”Hindi ka ba masaya sa naging resulta, hija?” napaangat ng tingin ang dalaga matapos itanong iyon ng ginang. Sa totoo lang ay muling napaisip ang dalaga, kahit pa na sinabi ni stevan na mahal siya nito. Hindi niya maiwasang magduda, noon pa man ay pumasok na sa isip niya ang magiging buhay nila kasama ang binata.
Napapaisip ba ito kung kailangan ba niyang magtiwala sa binata, na dapat ba niyang panghawakan lahat ng sinabi niya sa kanya.
”Naging maayos naman ho ang desisyon kong ito hindi po ba?” matagal bago napatitig ang ginang sa dalaga, ngunit kalaunan ay ngumiti ito.
”Wala naman akong nakikitang mali sa desisyon mo, alam kong totoong pinapahalagahan ka ni stevan hindi bilang dahlia.” muli'y ngumiti ang ginang bago maupo sa tabi ng dalaga. ”Malaki ang pinagbago ni stevan, simula ng mamatay si senyora amelia. Hindi na siya nagiging madalas dito, palagi na lang siyang wala at ni anino niya rito sa mansyon ay hindi mo masisilayan.”
”Paano naman po ang pagkawala ni dahlia?”
”Bago mawala si dahlia, hindi na naging maayos ang pagsasama nila ni stevan. Ngunit alam ko naman na naging bahagi din siya ng buhay nito, ngunit nagkakalabuan sila at si don agaton na lang ang may nais ng kasal.”
”May nalaman po ba si stevan tungkol sa tagong relasyon nila ni stuart?”
”Hindi ko iyan masasagot.”
Nagbaba ng tingin ang dalaga. ”Nagka-anak po si dahlia at stuart.” natigilan ang ginang sa biglaang sinabi nito. Hindi rin naman sana nais sabihin ni cordaphia ang tungkol doon ngunit hindi na niya iyon maitago pa. ”Nasabi iyon sa akin ni seniorito stuart ng pagbantaan niya ako, gusto niyang tumigil ako sa planong ito at layuan si stevan.”
”Josko, hija. Totoo ba iyan?”
”Sa ngayon po, ang sinabi lang sakin ni seniorito stuart ang binabahagi ko sa inyo. Nasabi rin niya sakin na patuloy nitong hinahanap ang mag-ina niya, at sa oras na makita niya ang mata ito. Dapat lang na wala na ako rito dahil magiging impyerno lang ang buhay ko kay don agaton.”
Napakurap ang ginang. Napahawak siya sa dibdib dahil sa rebelasyong sinabi ni cordaphia. ”N-natatakot po ako sa pwedeng mangyari, kaya hindi ko po maiwasang mag-isip. P-paano po kung tuluyang malaman ni don agaton ang t-totoo? Na hindi talaga ako si dahlia gostavo at ako si cordaphia?”
”Kumalma ka muna, hija.” hinawakan ng ginang ang magkabilaang balikat ng dalaga. ”Bago pa niya malaman ang lahat, siguradong nailabas mo na ang anak ni stevan.”
”H-hindi po ba mas m-mapanganib iyon? Lalo na sa bata?”
”Hindi ka pababayaan ni stevan, magtiwala ka sa asawa mo.” isinara ni cordaphia ang bibig, ang pangamba sa kanyang kaisipan ay kailanman ay hindi naibsan kahit isipin man nitong nariyan si stevan.
....”Kailangan mo lang patatagin ang sarili mo sa ngayon, hija. Hindi lang ang sarili mo ngayon ang iisipin mo dahil riyan sa sinapupunan mo ay may nabubuhay ng bata, at iyang batang 'yan ay ang siyang magiging alas mo sa lahat.”
____________________
BUONG ARAW na tulala ang dalaga sa nalaman niyang iyon, hiniling nito kay butler ryan na huwag munang ipaalam kay stevan ang naging resulta kaninang umaga.
Dahil sa pakiusap ng dalaga, napapayag niya ang butler na manahimik muna. Naiintindihan naman ng butler nito ang rason niya, at alam din naman ni ryan na nasa madugong trabaho ang boss niya.
Kaya't mas minabuti na lamang muna niyang manahimik. Nanatili pa rin siya sa mansyon kung saan minamanmanan lang nito ang dalaga. Si cordaphia naman ay ilang beses lang na lumalabas ng silid ng araw na 'yon, para bang ang daming pumapasok sa isip nito. Hindi niya maiwasang magpanic ngunit kinukumbinsi niya ang sarili na kumalma, iyon kasi ang bilin ng ginang dahil nasabi nitong masama sa buntis ang ma-stress masyado.
Dahil sa sobrang pagkainip nito ng sumapit ang alas sais ng gabi, lumabas na siya ng silid at balak sana nitong tumungo ng kusina ngunit pansin niya ang kasambahay na bigla'y nagulat sa presensya niya.
Matindi ang pag-iwas nito sa kanya na para bang takot na takot itong magtama ang kanilang mga mata, pansin iyon ni cordaphia kaya't hindi niya ito maiwasang sundan.
”Teka lang..” natigilan ang kasambahay sa paglalakad ng magsalita siya, sa tingin nito ay mas matanda ang kasambay kesa sa kanya. Ngunit hindi niya maiwasang kausapin ito dahil sa pagbukas ng pintuan niya kanina ay naroon na siya. Napansin niya iyon maging ang kilos nito na halos iiwas niya ang sarili.
”B-bakit p-po?” nanatiling nakayuko ang kasambahay kahit pa na sumagot na ito. Alam ni cordaphia na kilala niya itong babaeng ito, noong bago pa lang siya rito ay nakasama na niya ang babae. Ngunit hindi siya palakibo, para bang hindi ito nagsasalita at masyadong seryoso sa buhay niya.
”May kailangan ka ba sakin?” nag-angat ng tingin ang kasambahay ngunit madali rin itong nag-iwas ng tingin.
”W-wala m-maam, maglilinis sana ako sa silid n'yo ngunit lumabas k-kayo.” tumango tango si cordaphia, tila ba hindi ito kumbinsido sa sagot ng kasambahay.
”Saan ka maglilinis ngayon?”
”Sa silid po ni seniorito stuart.” nangunot ang noo ni cordaphia.
”Maglilinis ka roon kahit wala siya?”
Tumango ang kasambahay, iwas pa rin ang tingin. ”Naghabilin na ito sa akin na kahit sa isang linggo ay dalawang beses lang na malilinisan ang silid n'ya.”
”At may susi ka nito?” Tumango muli ang kasambahay. ”Pwede ba kitang samahan?” nag-angat ng tingin ang babae, tila ba bigla'y itong nagulat sa suhestyon ni cordaphia.
Ngunit sa kaisipan ni cordaphia, nais lamang din niyang magsalita ang dalaga dahil halatang may nais itong sabihin na hindi niya mailabas dahil wala siyang lakas.
Karagdagan na rin sa aalamin nito kung ano man ang meron sa silid ni stuart. Ngunit siguradong walang itatago roon ang binata dahil tiyak na mahuhuli lamang ito kung doon siya mag-iiwan ng sikreto.
”W-wala naman pong problema iyon, maam. P-pero b-baka po umuwi si seniorito stevan at hanapin kayo.”
”Ayos lang 'yon, sasamahan lang kita.” walang nagawa ang kasambahay kundi pumayag sa kagustuhan ni cordaphia. Tumungo nga sila sa silid ni stuart kung saan ay nalalayo sa mga silid na nakalaan para sa kanila.
Tulad ng kwarto ni stevan, malaki rin ang silid ni stuart. Mas maliwanag ito kumpara sa silid ni stevan. Ang silid niya ay pinalilibutan ng malalaking frame, may book shelve din sa gilid na naglalaman ng malaking libro. Iyon lang ang pinagkaiba ng kwarto ni stevan at stuart, ang malaking shelve na naglalaman ng maraming libro.
”Gaano ka na katagal rito?” bigla'y hindi makakilos ang kasambahay sa tanong na iyon ni cordaphia. Ngunit kalaunan ay napipilitan siyang ngumiti.
”Matagal na po.”
”Kung ganon, naabutan mo pa si senyora amelia?”
Nakita ni cordaphia kung paano tumango ang kasambahay habang nakayuko. ”Disi otso po ako ng magtrabaho ako rito, bente tres na ako ngayon.”
”Limang taon na pala.”
Lumakad si cordaphia patungo sa kasambahay, may dala siyang walis. Malaking trashcan at dustpan sa kanyang harapan. Suot nito ang uniform maid's na ginamit ni cordaphia noon, ngunit hindi pa rin siya kumbinsido na paglilinis lamang ang nais ng babae.
”Kasama ba kayo sa mga naimbestigahan ng mamatay ang senyora?”
”O-opo.”
”Kung ganon, wala silang nakuhang impormasyon sa inyo dahil hangga ngayon ay wala pa rin suspek kung sino nga ang pumatay?”
”Kayo ho ang pumatay kay senyora.” natigilan si cordaphia sa sinabing iyon ng kasambahay. ”Kayo ho si dahlia gostavo hindi ba?”
Napangisi si cordaphia, matapos iyon ay nag-iwas siya ng tingin bago umiling. ”Alam kong may alam ka tungkol sa pagkatao ko, ikaw na lang ang natitirang kasambahay rito na kasama ni manang mercy, siguradong binayaran ka ni stevan para manahimik na ako si cordaphia.” kunot ang noo ng kasambahay sa sinabing iyon ni cordaphia.
”Ikaw nga si dahlia, imposibleng may kamukha itong babae. Wala ng iibang dahlia kundi ikaw.”
”Kung ganon, iniisip mong ako nga si dahlia gostavo at nagpanggap lamang ako sa ibang pagkatao?”
Hindi umimik ang kasambahay, nag-iwas lang ito ng tingin at dahil sa tensyong namuo ay lumisan siya at iniwan si cordaphia.
Napailing siya.
Pinulot nito ang natumbang walis at itinabi niya ang trashcan sa gilid, ngunit biglang natumba ang trashcan dahilan upang mahulog doon ang mahabang kutsilyo.
Namilog ang mata ni cordaphia habang nakatingin roon, doon lang niya naisip na baka pinagtatangkaan siyang saktan ng kasambahay dahil pinaghihinalaan nitong siya talaga ang totoong dahlia gostavo.
Kung ganon, alam ng kasambahay na iyon na si dahlia gostavo ang nakapatay kay senyora amelia.
Napahawak siya sa dibdib dahil sa kabang bumalot sa kanya. Muntik na siyang malagay sa panganib maging ang batang nasa sinapupunan niya, mabuti na lamang pala at naging alisto ito sa kilos ng babaeng iyon.
Napahagod ito sa buhok niya, dahil sa sobrang kaba ay napasandal siya sa malaking frame kung saan nalalapit iyon sa book shelve. Ngunit sa pagkakasandal nito ay biglang gumalaw ang malaking frame na iyon, para bang mahuhulog iyon dahil sa ginawa niyang pagsandal. Ngunit nagkamali pala ang dalaga, mula sa likuran ng malaking frame na iyon. May butas na halos kakasya ang dalawang tao, namilog ang mata niya ng mapagtantong hindi lang iyon basta butas.
Kundi isang tagong lagusan patungo sa ibang kwarto.
***************
To be Continued....