(Minamahal na kita)
Cordaphia Pov.
Pumatak ang alas tres ng hapon nang humingi ako ng makakain kay aling mercy. Tulad ng sabi ni stevan, hindi nga ako lumabas ng silid. Nanatili ako sa aking kwarto at doon ay nakahiga lamang, ilang oras din akong nakatulog ulit kanina matapos umalis ni stevan. Ngunit hangga ngayon ay hindi pa rin ito dumarating mula sa paghahanap ng prutas na gusto ko.
"Hindi mo ba nagustuhan ang iniluto ko?" Pilit akong ngumiti kay aling mercy. Sinabawan sa sampalok ang kanyang hinanda para sakin, nasabi ko kasi rito na parang natatakam ako sa maasim na pagkain.
"N-nagustuhan po, salamat." Nakasandal ako sa headboard habang nasa kandungan ko ang tray na naglalaman ng aking pagkain, sakto lamang ang dami ng kanin ngunit hindi ko na nagawang ubusin pa iyon. Humilop na lamang ako ng sabaw habang nakamasid sa akin ang ginang.
Maging ito ay hindi niya ako nais kumilos, gusto ko sanang maupo at manood ng tv ngunit hindi niya ako pinahintulutan. Baka nga daw kasi ay buntis ako, hindi niya nais na mapagod ako dahil tiyak na siya raw ang mapapagalitan sa oras na may mangyaring masama sa akin.
Manood lang naman ako ng tv ngunit iyon na ang sinabi niya sakin. Pinakikiramdaman ko rin naman ang sarili, parang may nagbago nga sakin. Kaonting masamang amoy lang ay naduduwal na ako. Tulad ng pag gigisa kanina ni manang, iginisa niya kasi iyon sa sibuyas bago isabaw. At iyon ang muntik ko ng ikinasuka kanina ng pumasok ang amoy nito sa kwarto.
"Bakit iyan lang ang kinain mo? Nabusog ka ba?" Tumango ako sa tanong niya.
"Opo, busog na po ako."
"Siguro nga ay nagdadalalang tao ka na, marahil ay maselan ang iyong paglilihi kaya't hindi mo nagustuhan ang tocino na paborito mo kanina."
"Paglilihi po?" Tumango si manang.
"Base sa aking tingin, naglilihi ka na. At ang unang pinaglihian mo ay iyong makopa na hinahanap mo." Napatitig ako kay manang mercy, kung ganon totoo nga. Malaki ang posibilidad na magkaka-anak na kami ni seniorito.
Biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Hindi ko alam ang mararamdaman sa sandaling ito, masaya naman ako kung sakali ngang buntis ako. Ngunit may halong takot akong nararamdaman dahil sa pagdadala ko sa unang apo ng mga villegas. Ngunit sa pagkaka-alam ko ay may anak si stuart at dahlia. Iyon Kasi ang sinabi ni stuart noon ng magkausap kami.
"Natutuwa ako dahil magkakaroon na ng apo si don agaton, nakalulungkot nga lang na wala rito si senyora amelia." Nanatili akong walang imik sa kanyang tinuran. Alam naman ni aling mercy ang aking papel dito. Ngunit sa lahat ng nangyayari, tinanggap pa rin nito ako rito. "Handa ka na ba sa bagong misyon mo? Ang pagiging ina ay hindi ganoon kadali. Ngunit narito naman ako upang tulungan ka."
"Paano po pag nalaman ni don agaton na magkaayos tayo? Hindi po ba ay malayo ang loob sa inyo ng totoong dahlia?" Ngumiti ito ngpilit .
"Simple lamang iyon lusutan hija. Huwag mo munang isipin ang bagay na iyon, ang mahalaga sa ngayon ay ang malaman nating kung nagdadalang tao ka nga." Tumango ako sa sinabi niyang iyon. Hindi na ako umangal bagkus ay nilahad ko na rito ang tray na naglalaman ng natitira kong pagkain.
"May gusto ka pa bang kainin?"
Umiling ako. "Wala pa po ba si seniorito?"
Bumuntong hininga ito bago tumayo. "Tatawagan ko saglit si ryan upang itanong kung nasaan na ba sila." Tumango ako matapos niyang dukutin ang kanyang cellphone. Lumabas din ito ng silid at muli ay naiwan akong mag-isa na nakahiga sa kama.
Malayo muli ang nilakbay ng aking isip bago bumukas ang pintuan ng silid.
Agarang nabaling roon ang atensyon ko habang nakahiga ako. Hindi ko maiwasang kumilos upang sana'y maupo sa kama ng makitang si don agaton ang pumasok.
"Stay lying." Aniyang utos na siyang kinatigil ko. Sinunod ko ang senyor, nanatili nga akong nakahiga bago ito maupo sa gilid ng kama ko.
"How are you now?"
"I-im f-fine.." Hindi ko maiwasang mautal sa presensya ng senyor. Lalo na sa titig nito sa akin na hindi ko halos mabasa. Bigla akong nakaramdam ng pangamba sa aking sarili maging sa laman ng aking tiyan.
Paano nga kung buntis ako?
"Our family doctor called me earlier, he mention me about your condition."
"M-maayos na ako ngayon."
"Are you pregnant?" Matagal akong napatitig sa senyor. May katandaan na ito at bakas iyon sa guhit ng kanyang mukha. Gayun man, hindi mo pa rin maitatago ang nagsusumigaw na kapangyarihan sa kanyang awra. "If you're pregnant, that's good news." Ngumisi ang senyor sa akin. Wala akong maisagot, tila natiklop ang aking bibig sa takot na namutawi sa akin.
"That's our plan right, dahlia? Kinasal ka na kay stevan, then your having a baby with him. The first grandchild of villegas." Marahan na napalunok ako sa kanyang sinabi.
Paano na lamang kung malaman niya na may totoong apo siya kay dahlia at si stuart ang ama 'non.
Ano na lang sakali ang mangyayari sa amin ng anak ko?
"Sa umpisa pa lang ay binalak na nating makuha lahat ng pera ni amelia. Ngunit na kay stevan lahat iyon, sa kanya iyon nakapangalan ngunit hindi nito alam ang totoo. kaya't nais kong magkaroon ka ng anak sa isang villegas."
Naguguluhan ako sa nais iparating ng senyor. Bakit niya gustong magkaroon ng anak si dahlia sa mismong kadugo nito? Naguguluhan ako at nais kong malaman ang totoo.
"Anong mangyayari sa oras na mailuwal ko na ang bata?" Naitanong ko iyon sa senyor. Dahil sa kuryos ako sa kanilang plano. Bigla'y nagkaroon ako ng lakas.
"Maipapasa lahat ng ari-arian at kapangyarihan sa anak mo. Siguraduhin mo lamang na magiging lalake iyang dinadala mo." Tiklop ang aking bibig sa kanyang tugon. Paano na lamang pala kung babae ang magiging anak ko?
"Alam mong hindi ko totoong anak ang dalawang iyon. Your the first born villegas, sila stevan at stuart. Iba ang ama nila, ngunit inako ko ang responsibilidad upang hindi lamang matakwil si amelia sa angkan nila."
Lalong natutop ng katahimikan ang aking sistema sa nalaman.
Kung ganon, wala ni anong dugo ang nanalaytay na villegas kay stevan at stuart.
Si senyora amelia ay nabuntis ng ibang lalake at inako lamang iyon ni don agaton?
"Ang kambal na anak ni amelia ay makapangyarihan kesa sakin, ngunit ako lahat ang nagpagod sa negosyo. Nararapat lamang na hindi sa kanila mapunta iyon kundi sa inyo ng magiging apo ko."
Wala pa rin akong masabi dahil sa gulat na bumabalot sakin. Para itong isang bomba na sumabog at lumabas lahat ng tinatagong sikreto.
Napalunok ako habang pinakikiramdaman ang pagbilis ng t***k nitong puso ko.
Bago pa muling makapagsalita si don agaton. Bumukas na ang pinto at iniluwal nito ang hinihintay kong lalake buhat kanina pa.
Salubong na ang kilay niya habang humahangos na lumapit sakin. Masama ang tingin nito sa senyor na para bang may masama siyang ginawa sakin.
"What are you doing here?" Ngumiti ang don sa tanong na iyon ni stevan
"I got the news about her, you should risk all your time to take a care with her and the baby."
Kunot pa rin ang noo ni stevan sa kanyang sinagot. Maging ang mata nito'y naiiba na para bang wala siyang tiwala sa ama.
Ngunit marahil ay mabigat ang dugo ni stevan sa senyor dahil hindi naman niya ito totoong ama.
"I know what to do, you don't need to remind me."
"I know, son. If you want some help we can get a maid for dahlia."
"No need, auntie mercy is enough to look on my wife. I don't need anybody else"
"If that's what you wanted." Sumulyap ang senyor sa akin. "I'm going in europe tonight, i'll be staying there more than week. Just call me if you need something. I have a lots of guard here." Ngumiti ako ng pilit sa kanyang sinabi.
"I will, dad." Lalong lumapad ang ngiti into sa sinagot ko. Matapos iyon ay bumaling ito kay stevan.
"I have transaction in europe tonight. I will call you if the traitor show up."
"Where did that traitor came?" Naguguluhan ako sa pinag-uusapan nila. Ngunit hindi ko na magawang sumabat dahil wala ni ano akong ideya.
"We didn't recognize if that's a man or woman. But i think, that is your past enemy who wants to get revenge on you."
"Then i will k"lled that traitor once i find it."
"Then good luck." Masama ang kutob ko sa ngising iyon ni don agaton. Lalo akong binabalutan ng kaba sa sinabing papatayin ni stevan iyon sa oras na mahanap niya kung sino man ang sinasabing traydor ng senyor.
Pabagsak na sinara ni don agaton ang pinto ng makaluwal ito.
Lumapit sakin si stevan bago pumasok si butler ryan na nagdadala ng malaking basket.
Umawang ang bibig ko ng lumapit s'ya sakin. Inilapag niya ang malaking basket sa ilalim ng kama na halos sundan ko ng tingin.
"Ang dami." Ngumiti ako kay stevan habang nakatitig ito sakin.
"I get all of that fruits."
"Talaga? Gusto ko na silang kainin."
"Wait for auntie mercy, she's slicing some makopa for you."
Ngumiti ako. "Ang tagal niyo naman, saan ba kayo kumuha?"
"Malapit lang." Seryoso si stevan habang nakatitig ako rito. Napansin ko pa ang galos nito sa mukha at kadungisan ng polo nitong suot. "Bakit ang dumi dumi mo?" Agaran siyang yumuko upang tingnan ang sarili. Hindi siya makasagot na para bang ang hirap ng tinatanong ko.
"J-just don't mind me." Aniyang tugon na hindi nais sagutin ang tanong ko. "What did that old man need and he's here in your room?" Pumaling pa ang ulo ko saglit sa tanong niya. Nang marealize kong si don agaton ang kanyang tinutukoy ay napalunok ako.
Biglang pumasok sa isip ko lahat ng nalaman. Kung ganon, wala ang pera kay don agaton? Nililinlang lamang siya ng senyor upang makuha nito lahat ng pera nila.
"Did he said something?"
Umiling ako. Wala pa akong lakas na sabihin lahat ng nalaman ko. Gusto kong maging maayos ang lahat bago ko sabihin iyon kay stevan.
"W-wala, kinamusta lang ako ng don."
Huminga siya ng malalim. "I don't wanna see that old man roaming around you. We need to go home after the consultation." Tumayo ito matapos niyang sabihin iyon. Sang ayon rin naman akong umuwi muna kami sa mansyon ni stevan. Makakasama ko pa roon si tita Mel na siyang tumutulong sa akin noon.
Sa pagtayo ni stevan mula sa kama ay siya namang pagpasok ni aling mercy sa silid. Ngunit pansin ko ang paika-ikang lakad ni stevan bago ito tumungo ng veranda at doon ay may kinausap sa kanyang cellphone.
"Bakit ganoon ang lakad ni stevan?" Napalunok si butler ryan ng itanong ko iyon sa kanya. ngunit umiling lang ito dahilan upang mainis ako.
"Hindi mo ba sasabihin sakin? Bakit napakadumi ng bihis niya!"
Naupo ako sa kama dahil nanatiling tahimik ang butler. Iyon rin ang naging sanhi kaya't muling lumapit sakin si stevan.
"Bakit ka sumisigaw?"
"Hindi gustong sabihin ni butler ryan sakin kung bakit ganyan ka maglakad." Napatitig at napakurap si stevan sakin.
Maging siya ay walang balak sabihin sakin ang nangyari sa kanya kaya't iniwas ko na lamang ang aking tingin.
"Bawal pasamain ang loob ng buntis stevan." Ani aling mercy na para bang pinagsasabihan siya. Dinig ko ang mahinang pagmumura ni stevan dahil sa sinabi niyang iyon.
"Fine. " Aniyang pagsuko bago ko ito lungunin. Napapikit ito at napahilamos sa kanyang mukha.
"I fell."
Nangunot ang noo ko sa sinagot niya. "I fell on the top of makopa."
"Ano!"
"Nabali Kasi ang sanga."
________
Mula sa silid ni stevan, tinatangay ng hangin roon ang itim na kurtina ng veranda habang nakaupo kaming dalawa sa kama.
Panay ang daing ni stevan habang hinihimas ko ang bahaging namulala sa mukha nito.
"I-its h-hurts." Aniyang suway sakin habang hawak nito ang kamay ko na may bulak at alcohol.
"Lilinisan ko lang ang sugat mo, stevan. Kung sana'y si ryan na lamang ang pinaakyat mo sa puno, edi sana ay hindi ka mahuhulog." Salubong ang aking kilay habang nakikinig lang siya sa sermon ko. Kalaunan ay hinawakan niya ang daliri ko at inalis ang bulak na naroon.
Inilapit nito ang aking daliri sa sugat niya. Hinaplos niya iyon sa pamamagitan ng kamay ko.
"I want to get what my baby want's. Ayokong iba Ang kumuha 'non." Napatitig ako sa gwapo niyang mukha. "How can I know if our baby is a little prince?"
Napakurap ako sa kanyang katanungan.
Little prince?
Kung ganon, gustong gusto niya talaga ng lalakeng anak.
"I-itatanong natin iyon sa obgyne."
"I wanna know. I don't know if I can sleep tonight because of excitement, but it's okay.."
"Ilang gabi ka ng puyat at pagod sa trabaho. Matulog ka naman minsan."
Ngumiti siya. "I'm off tonight. Baka hindi muna ako papasok."
Isang pigil na ngiti ang nagawa ko. Madalas kasi ay panay ay nagpupuyat nito, minsan ay madaling araw na siyang umuuwi at agad na dumidiretso sa guest room upang maligo. Matagal bago sya lumipat sa aming silid kung saan ay nakatulog na ako.
Hindi ko pa ito nabibisita sa opisna. Ni minsan ay hindi ko ito nadalaw dahil masama nga ang aking pakiramdam sa mga nagdaang linggo.
"Wala ka bang importanteng gawain ngayon sa opisina?"
Umiling ito habang hawak ang aking kamay. Umusog ito ng tuluyan sakin upang mahagkan ako ng isa niyang kamay.
"Mas importante ngayon ang pumarito ako kasama ka." Wala akong mailuwal na salita sa sinabi niyang iyon. Nakatitig ito sakin bago niya marahang haplusin ang aking pisngi. "It's okay if our baby is a girl, we can make another if that's happen."
Paismid akong natawa sa kanyang hirit. Sa tingin ko, iyon nga ang mangyayari kung sakaling babae ang magiging anak ko.
"As long i'm the father of your child. I will love them, kahit anong kasiraan sila."
"Iyon naman ang gagawin ng isang ama, stevan."
"And I'm going to be a father."
Hindi ko magawang tumango o sumang-ayon man dahil wala pa naman kasiguraduhan kung totoo nga na buntis ako. Ngunit ang kislap sa mata ni stevan ay kakaiba, naglalaman iyon ng kakaibang ngiti na halos ngayon ko lang nasilayan.
"I don't know if this is still a show." Isang haplos sa aking labi ang natamo ko mula sa kanyang daliri. Seryoso ang tingin nito sa akin habang pinagmamasdan nito ang kabuuan ng aking mukha.
"Sa tingin ko'y, nagmamahal na ako." Hindi maiwasang magsalubong ng kilay ko. Kakaiba ang pakiramdam ko ngayong kasama ko ito habang sinasabi niya ang bagay na iyon.
"Minamahal na kita.."
*********
to be continued....