Chapter 22

4068 Words
(Ebidensya) Cordaphia Pov... Matapos balatan ni butler ryan ang pinyang pinabili ko, doon lamang nagising si stevan mula sa pagkakatulog niya kanina. Hinihilot nito ang noo niya bago nito hagurin ang kanyang buhok, kalaunan ay bumaling siya sakin. Kunot ang kanyang noo habang may mapupungay na matang nakatingin sakin. ”What happen?” napakurap ako sa tanong niya. Tinatanong ba nito kung anong nangyari sa kanya? “Nakatulog ka kanina.” sagot ko, saktong inilapag ni butler ryan ang mga nahiwang pinya sa tabi ko kung kaya't nabaling roon ang tingin niya. ”Do i fall sleep here?” ”Oo, hindi ba nag-uusap lang tayo kanina? Bigla ka na lang natulog.” Pumaling ang ulo niya sa sinabi ko, para bang iniisip nito ang nangyari kanina bago siya mawalan ng malay. ”Dvmn.” pabulong na nagmura siya na tila'y naalala na nito ang nangyari. Pero imposible ba na dahil sa sinabi ko kaya't nahimatay siya? ”Im sorry if i'm sleep here while guarding you.” Napanguso ako. ”Ayos lang naman kung matulog ka e.” tumango siya, tumayo ito at binalingan ang kanyang butler. ”Where is the food?” ”The food is already ready.” muli ay tumango si stevan ng dalawang beses, sinulyapan ako nito habang nakaupo ako sa gilid ng kama. ”Kumain ka na?” Umiling ako sa tanong niya. ”Hindi pa, hinihintay kasi kitang magising. Gusto ko sabay tayo.” bumuntong hininga siya, muli itong umupo sa tabi ko bago senyasan ang butler niya. Narito pa naman si manang sa loob ng kwarto, siya ang naghanda sa mga pagkaing nasa mesa maging yung mga dala niya na iniluto pa nito sa mansyon. ”You need to eat first, daphia. I'm still full.” humaba ang nguso ko matapos sabihin iyon ni stevan. Inabot na rin sa akin ni butler ang pagkain ko na may sinabawang paksiw. ”Akala ko pa naman makakasabay kitang kumain, masarap pa naman itong ulam ko.” nakanguso pa rin ako, ngunit siya. Hindi yata sang-ayon na masarap itong pinaksiw na bangus, halata kasi iyon sa mukha niya. Pero dahil sa kagustuhan ko tumango siya, nawala bigla ang pagkakabusangot ng aking mukha. Mabilis na kumuha ako ng kanin at itinapat sa kanya ang kubyertos upang subuan siya. ”Tikman mo itong pinaksiw!” umatras ang ulo niya habang namimilog ang mata. ”I can eat by myself, daphia. Kukuha ako ng pagkain ko.” ”Oo, pero tikman mo muna ito. Dati naman kitang sinusubuan hindi ba?” ”Yes, but..” napakurap siya habang nakatingin sa kubyertos na naghihintay bumuka ang bibig niya. Napapikit siya. ”Shvt.” nangunot ang noo ko. ”Ayaw mo ba? Masarap ito, mabango pa.” ”Mabango?” hindi pa siya makapaniwala sa sinabi ko, mabango naman. Malansa nga lang kasi isda siya, pero masarap talaga ito. Ang arte. ”Huwag na lang, halatang ayaw mo naman.” umusog ako matapos kong umirap, hindi ko alam kung bakit ganito ang asta ko. Para bang nagtatampo na ako agad dahil umayaw siya, ang babaw ko pero ayoko talaga yung pag tanggi niya. ”Sabayan mo ng kumain ang asawa mo, stevan. Sundin mo na lang ang gusto niya.” Ngumiti ako kay manang sa pagsabat niya, dahil roon napabuntong si stevan. ”Fine.” umayos siya ng upo at umusog sa akin, dahil ibinuka nito ang bibig niya doon ko lamang isinubo sa kanya ang pagkain. Ngunit hindi halos mapangalanan ang reaksyon niya, hindi ko alam kung nginuya ba nito iyon o basta na lang niyang nilunok. Pinagpapawisan pa siya kahit naka-aircon naman ang kwarto. ”Hindi ba't ang sarap?” tumango lamang siya, hindi nagsalita bagkus ay tumayo ito upang uminom ng tubig. Ngumiti ako matapos niyang bumalik sa kinauupuan niya, doon rin ako umayos sa pagkakaupo bago ko balingan ng tingin si butler ryan. ”Kumain ka na rin.” maging siya'y tila nagulat sa sinabi ko. Hindi pangkaraniwan ang reaksyon ngayon ni butler ryan sa madalas na seryoso nitong awra. ”I'm sorry seniorita, b-but im not allowed to eat and share with your meal.” ”Huh? Titikman mo lang naman, gusto kong malaman mo rin ang lasa ng pagkaing ito.” ”I already know, seniorita.” pailalim ko siyang tiningnan habang pahaba ang aking nguso, ano ba ang problema nila? ”Just follow what she'd said, ryan.” nilingon ko si stevan matapos nitong sabihin iyon, ang noo niya ay kaswal na normal sa pagkakasalubong ng kilay. Parang masungit pa rin siya kahit normal lang ang kanyang reaksyon. Dinig ko ang pagbuntong hininga ni butler ryan, dahil sa utos ni stevan. Pumayag nga ito sa gusto ko kaya't yumuko siya at binuka ang bibig. Madali ko siyang sinubuan ng pagkain ko, tulad ng reaksyon ni stevan. Ganoon rin ang kay butler ryan, hindi ko alam kung nangangasim sila o baka hindi lang talaga nila gusto ang lasa. Ngunit dahil natutuwa ako sa pagsabay nila sakin, muli kong pinuno ang kubyertos at itinapat naman iyon kay stevan. ”Y-you need to eat first, wife. Our baby must be hungry, kaya ikaw na. Sayo na yan.” ngumuso ako. ”Last na lang, gusto rin naman ni baby na kumain ka.” ”Yeah, but..” napapikit siya. Hinilot nito ang sintido at walang nagawa kundi sundin ang gusto ko. Ngunit naduwal siya ng isang beses lamang niyang nguyain iyon, tumakbo siya papasok ng banyo at doon nagkulong. Napakurap ako, hindi ba kumakain ng isda si stevan? ”Ano po bang nangyari kay, stevan?” Nangiwi si manang. ”Hindi siya pamilyar sa pagkain na gusto mo, madalas kasi ay karne lamang ang kinakain ni stevan. Kaya sumasakit ang sikmura niya ngayon.” ”Nako, talaga ba? Kung ganon, ayaw niya sa pagkaing ito?” ”Yes seniorita.” sabat ni butler ryan. ”And im not eating sour fish too.” ”Bakit hindi n'yo sinabi? Ayos lang din sakin kung ayaw niyo.” Hindi na lang sumagot sakin si butler, lumabas na rin kasi si stevan na hawak ang kanyang tiyan. Umupo siyang muli sa gilid ko, pinagpapawisan pa yan na para bang tumakbo siya kanina. ”Ayos ka lang ba?” tanong ko, bahagya siyang ngumiti matapos ay tumango siya. ”I'm fine.” ”Bakit hindi mo sinabing ayaw mo sa pagkaing iyon?” ”No, it's okay. Kumain ka na.” Lumabi ako. ”Hindi ba sumakit ang tiyan mo?” ”Nope.” dahil sinabi niyang hindi, medyo napanatag ang loob ko. Hindi na rin ako nagtanong muli dahil nakita ko namang kumain siya ng ibang pagkain. Siguro kaya ganito ako umasta, dahil na rin sa pagbubuntis ko. Masyado akong sensitive, at madalas ay inaantok ako. Pag may nasabi kang hindi ko nagustuhan para bang nagtatampo na agad ako. Iyon siguro talaga ang pakiramdam ng buntis. MAKALIPAS ang tatlong araw, lumabas na rin ako ng ospital. Medyo maayos na ang pakiramdam ko, hinabilin lang ng doctor ang monthly check up ko sa aking OB. Kailangan ko rin ng everyday vitamins para sa baby at sakin. ”I'm going to the office now, I'll go home right away before lunch. I'm just going to sign some papers.” tumango ako sa sinabi ni stevan, nagbibihis siya habang nasa kwarto niya ako. Nakaupo ako sa kama habang sinusuot nito ang longsleeve niya, alas nuebe na ng umaga. Nakapag almusal na kami at nag jogging na rin si stevan. Tatlong araw din siyang lumiban sa trabaho, siguro kailangan na talaga siya sa opisina kaya't papasok na siya ngayon. ”Bakit bago mag tanghalian? Sasabay ka sakin?” ”Yes, ofcourse. What do you want to eat?” ”Gusto ko ng ginataan.” ”What? Ginilataan?” ”Hindi, stevan. Ginataan na langka.” Nagsalubong ang kilay niya. ”I don't know what kind is food that ginilataan, hindi pa ako kumain 'non.” ”Talaga? Huwag kang mag-alala, ipapatikim ko sayo mamayang tanghalian. Magluluto ako, magpapabili lang ako ng sangkap kay butler.” Napalunok siya. ”L-let's see. Just don't go with him on the market.” ”Hm.” tumango ako, nakangiti. Tumayo rin ako at lumapit sa kanya, kinuha ko ang necktie nito at ako na mismo ang nag-ayos para sa kanya. ”Hihintayin lang kita rito hangga sa umuwi ka.” hindi nabubura ang aking ngiti habang inaayos ang necktie nito, nakatingin siya sakin hangga sa matapos ako. ”B-bakit?” umiling siya. ”You know, when I saw you. I thought dahlia wasn't really you. I know dahlia won't come back here for no reason, dahlia won't come back to me.” ”Iniisip mo pa rin ba siya hangga ngayon?” ”No, not anymore. Maybe I used to think about her when you weren't here. but when you came, everything seemed to change.” nakatingin lang ako kay stevan habang dinadama ang sinseridad niya. Para bang ang gaan ng buong pakiramdam ko, ang sarap sa pandinig ng sinabi niya. .....”She doesn't matter to me anymore, I feel she cheated on me and she just used me. I can't help but feel that she was complicit in mommy's death, so I hate her.” Isang beses na napakurap ako bago maglapat ang aking labi. Kung ganon, naghihinala rin siya kay dahlia? Iniisip rin nito na may kinalaman ang dati niyang kasintahan sa pagkamatay ng kanyang ina kung kaya't biglaan ang pagkawala niya. Gusto kong sabihing tama siya. Gusto kong sabihin na namatay nga sa mga kamay ni dahlia si senyora amelia. At may kinalaman roon si don agaton at seniorito stuart, ngunit ang rason ng pagkamatay ni senyora ay puno't dulo lamang ng pagdedepensa ni dahlia sa kanyang sarili. Dahil nang araw na iyon, nalaman ni senyora amelia na si dahlia ay anak sa labas ni don agaton. ”Aalis na ako, ingatan mo ang sarili mo. Huwag kang masyadong mag pagod, baka mapahamak kayo ng bata.” pinilit kong ngumiti matapos niyang sabihin iyon. Hindi ko nais sirain ang kislap sa mata ni stevan, ang kagalakan sa kanyang mukha ay mababakas roon. Saka ko na lamang sasabihin sa kanya lahat ng nalalaman ko sa oras na may sapat na akong ibidensya. ”Mag-ingat ka rin sa pagmamaneho.” ngumiti siya, ang ngiti na mas lalong nagpapalambot ng puso ko. Mas lalong naging maalwalas ang mukha niya, kung noon. Limitado lang ang kanyang pag ngiti, ngunit ngayon. Tila umaapaw ang saya niya, ang ngiti niya ay napapadalas na at hindi na ito gaanong nagsusungit. Maliban na lang kung pinapabayaan ko ang sarili at nagpapalipas ako ng gutom. ”Sure, see you before lunch.” hinalikan niya ako sa labi, isang marahang halik lamang iyon bago ito tuluyang humiwalay. ”Your check up is on this end of month?” tumango ako. ”Oo, titingnan ako ng ob. Bibigyan rin niya ako ng vitamins.” ”Can i ask her if it's safe for us to make love?” ”Huh?” ”Maybe it's dangerous for the child, but the doctor said it's still small. What do you think?” Napakurap ako. ”T-tinatanong mo ba kung pwede tayong m-magsiping habang buntis ako?” Nag-iwas siya ng tingin. "D-did i offend you? Just forget what i said.” ”S-sige.. Aalis ka na ba?” “Y-yeah.” Tumalikod na siya at hindi na muling tumingin sakin, hindi ko inaasahan na tatanungin niya iyon. Madalas naman kasi noon na hindi na siya nagtatanong pag gusto naming gawin iyon, ngunit dahil siguro sa nagdadalang tao ako. Nagdadalawang isip siya. Napangiti ako. Ang cute niya kanina, namumula kasi ang buong mukha niya. Dahil maputi si stevan, kitang kita ko iyon. Maging ang pagkailang niya matapos nito akong talikuran. __________ NANG umalis si stevan bandang alas nuebe, inutusan ko na si butler ryan na bumili ng ginataang gusto ko. Sumabay siya sa pag alis ni stevan, mga bandang alas nuebe y medya ng bumalik siya. Kumpleto na ang sangkap kaya't hiniwa ko na ang kailangan lutuin. ”Ako na lamang riyan, hija.” umiling ako kay manang mercy. Nais niyang siya na lamang ang magluto dahil baka raw mapagod ako at magalit si stevan, ngunit gusto kong ako mismo ang gumawa nito. Alam ko naman kung paano ito lutuin dahil paborito ito ni lola at lolo. ”Ako na po, hindi naman po magagalit si stevan. Nagpaalam na ako sa kanya bago siya umalis kanina.” ”Sigurado ka ba, kung kailangan mo ng tulong. Tawagin mo lang ako, may bago tayong kasambahay. Naglalaba sila sa likuran, tawagin mo kami roon.” ”Mabuti naman at nadagdagan na kayo ng dalawa, nakakapagod kaya ang mga gawain sa mansyon tapos dalawa lang kayo.” ”Tatlo lang kami, inalis na ni stevan si lyka.” ”Lyka?” Tumango si manang. ”Oo, iyon bang naglilinis sa silid ni stuart. Nasabi sa akin ni stevan na balak niyang pagtangkain ang buhay mo, nagalit rin ako sa kanya ng malaman ko iyon. Kahit matagal ko na siyang nakasama, hindi pa rin tama na saktan niya kayong dalawang mag-ina.” Napapikit ako. Bakit nila tinanggal ang babaeng iyon? Maaari ko siyang gawing witness sa kaso ni senyora amelia dahil may alam siya. Alam nitong si dahlia ang totoong pumatay kay senyora, hindi ko man alam kung ano ang lahat ng nalalaman niya. Ngunit sigurado akong nakita nito ang eksena ng gabing iyon. “Saan po ba nakatira si lyka?” Kumunot ang noo ni manang. ”Huwag mo ng alamin, hija. Mapapahamak ka lang.” ”Pero manang, kailangan po natin ang babeng iyon. May nalalaman po siya sa kaso.” ”Tungkol saang kaso?” "Sa pagkamatay ni senyora, alam nito kung sino ang totoong pumatay.” Namilog ang mata ni manang. ”Paano mo nalaman na may alam siya?” ”Nakausap ko siya noon bago ako madala sa ospital, at inaakala nito na ako si dahlia. Na ako ang totoong dahlia gostavo at nagpapanggap lamang ako si cordahpia. Kung kaya't nais niya akong saktan.” Napamaang siya. "Ang ibig mo bang sabihin, si dahlia ang pumatay? Dahil iniisip niyang ikaw si dahlia, kaya't ikaw ang sasaktan niya?” tumango ako, tikom amg bibig. ”P-pero paanong si dahlia ang pumatay?” luminga ako sa kabuuan ng kusina, dahil walang tao at alam kong mapagkakatiwalaan naman si manang sasabihin ko na sa kanya ang lahat. ”Si seniorito stuart mismo ang nagsabi sakin, manang.” “Josko, si stuart?” ”Opo, dahil may nalamang malaking sikreto si senyora. Nagalit ito kay dahlia, ang sabi ni stuart. Balak daw na patayin ni senyora amelia si dahlia, kaya't dinepensahan nito ang sarili at inagaw nito ang baril sa senyora, ngunit aksidenteng naitulak niya si senyora amelia sa hagdan.” Napaupo siya bigla sa bakanteng upuan, tila nanlambot ito sa sinabi ko at sinapo pa niya ang kanyang dibdib. Nataranta ako at madaling kumuha ng tubig. ”Uminom po muna kayo.” pinainom ko siya habang hinihimas ang likuran, matapos ay humihinga siya ng malalim bago nito ilapag ang baso. ”Bakit hindi mo sabihin lahat ng ito kay stevan?” Nag-angat siya ng tingin sa akin. ”Wala pa po akong sapat na ebidensya, kilala niyo naman po si stevan. Padalos dalos ang kilos niya at baka bigla na lang niyang lusubin ang kapatid at ama nito.” ”Pero bakit? Bakit nagagalit si senyora amelia kay dahlia?” Napalunok ako sandali bago sumagot. ”Anak po ni don agaton si dahlia.” Napamaang na nagulat si manang sa sinabi ko, hindi na siya makapagsalita. Hinawakan na lamang niya ang kanyang noo habang may mabibigat na paghinga. ”Hindi ako makapaniwala.” anyang turan habang umiiling. ”Kaya pala biglaan lamang ang pagkawala ni dahlia, iyon pala ang rason.” ”Sana po sa atin lamang pa muna ito, ayoko po munang ipaalam kay stevan. Sa ngayon, gusto ko munang mailuwal ang anak namin.” Napabuntong hininga siya. ”Tama lamang ang pasya mo, paniguradong malaking gulo ito sa oras na malaman ni stevan ang katotohanan.” Tumango ako, tipid akong ngumiti dahil alam kong ligtas ang sikreto ko mula kay manang. Medyo gumaan rin ang pakiramdam ko dahil nasabi ko lahat ng pasaning tinatago ko. ALAS ONSE nang matapos akong magluto, wala pa si stevan kaya't napag-isip ko munang maligo. Tumungo ako paakyat ng hagdan ngunit biglaang dumapo ang mata ko sa pasilyo kung saan naroroon patungo ang silid ni stuart. Mabigat ang aking naging paglunok dahil sa lagusang nakita ko roon, hindi ba nakita ni butler ryan iyon? Siguradong umalis din siya matapos lumabas ni lyka, kaya't wala siyang nakita at bukod tanging ako lamang ay may alam kung anong meron sa likod ng malaking frame na iyon. Lumakad ako patungo roon, hindi naka-lock ang silid ni stuart ng pihitin ko ang pinto. Hindi ko alam kung may balak pang umuwi ang lalakeng iyon, ngunit panigurado na hinahanap lamang niya ang kanyang mag ina. Iniisip ko pa kung nasaan nga ang totoong dahlia gostavo, may tumutulong ba sa kanya? Dahil madilim sa silid, binuksan ko pa ang ilaw. Malinis na ang kwarto, wala na ang mga nagkalat noong isang araw at lahat ng kagamitan ay nakasalingsing sa kanilang lugar. Tumungo ako sa malaking frame, hinawakan ko iyon ngunit hangga doon lang. Hindi iyon umusog kung hindi ko lamang itinulak. Lumihis ang frame patagilid at tuluyang lumitaw sa aking harapan ang butas na hindi gaanong kalakihan, kailangan mo pang yumuko para lamang makapasok roon. Madilim sa loob, para lang din siyang silid na naglalaman ng kama at mga lumang libro. Dahil nasanay ang paningin ko sa dilim, nakita ko ang switch sa gilid. Nang pindutin ko iyon, tuluyan ng nabigyan ng liwanag ang kapaligiran. Napamaang ako at medyo kinilabutan. Masukal at maraming agiw ang kisame, may computer at lumang dvd na naroon. Napakaraming tape maging screen na para bang kumukunekta iyon sa mga cctv. Ngunit lahat ng iyon ay nakapatay, hindi gumagana na para bang matagal ng hindi nagagamit. Sinubukan kong hawakan ang ilang lumang tape, may mga nakasaad sa bawat tape na para bang araw at taon kung kailan ito nakunan. Doon ko lang din napag-isip na baka kopya ito ng mga cctv sa mga nagdaang araw dito sa mansyon. Pero bakit sila nandito? Alam ba ito ni stevan? Pero ang mga cctv rito ay trabaho iyon ni butler ryan at nasa kabilang kwarto ang mga iyon. Kung ganon, mga tagong cctv footage ito na hindi alam ng mga nakatira ngayon dito? Napalunok ako. Sinubukan kong buksan ang dvd na mabilis na umilaw. Medyo namilog ang mata ko dahil lahat ng screen ay nabigyan ng buhay. Tila ba konektado silang lahat kaya't nag-operate ang mga ito. Sinisilip ko ang mga tape, binabasa ko ang bawat date at taon kung kailan ito nangyari. Ngunit wala akong ideya kung para saan ang mga ito, dahil kuryos lamang ako at nais ko talagang malaman kung para saan nga ang lahat ng ito, sumubok ako ng isa. Hindi ko naman inaasahan na biglang may lilitaw na video sa lahat ng screen, halos sampo ang mga ito. Nakadikit iyon sa haligi ng silid at lahat ng iyon ay magkakamukha lang ng video. At ang videong nakikita ay ang pagtatalik nila dahlia at stuart, napalunok ako bigla. Dahil hindi ko matagalan iyon ay mabilis kong itinigil ang video para lumabas ang tape, hinawakan ko pa ang noo dahil matindi ang pamamawis ko. Ibinalik ko ang tape kung saan ko iyon kinuha, ngunit nakita ko ang isang tape na may markang pula na halos naiiba sa mga kasama niya. Kinuha ko iyon, sinilip ko pa ang likuran ngunit walang date na nakasulat doon. Nangunot ang noo ko. ”H-hindi kaya s-scand*l na naman ito nila seniorito at dahlia?” napalunok pa ako, hindi ko na sana nais i-play iyon ngunit para bang may bumubulong sa akin na panoorin ko na kung anong laman ng video. Kaya't kahit nanginginig ang aking kamay at iniisip na baka nakahubad na naman ang nakita ko, sinubukan ko pa rin ipasok iyon upang tingnan ang video. ”Are you really going to marry my brother? Si stuart ang nasa video mula sa kuha ng cctv, nasa silid sila kung saan ako naroroon. Doon mismo malapit sa kama habang nakasuot ng mahabang dress si dahlia. "We've already talked about this, Stuart. I will file an annulment and break up with your brother too after i get what we want. Why are you repeating this conversation again?” si dahlia iyon, iritable siya at mabilis na tinalikuran si stuart. Lumabas siya ng silid ngunit hinila ni stuart ang kamay niya. ”Why do you still have to marry him, you can disobey your father's orders! ”Because you don't understand, once that i get the money. We can be together after that..” Umiling si stuart. ”Why is just so important to you that dvmn money! Did haven't enough that i accept you? I accepted everything even the fact that we're not daddy's child! Kahit anak kami sa ibang lalake, tinanggap ko. Hindi ako nagalit kay daddy pati na rin sa'yo!” ”Bakit mo na naman sinisigawan ang anak ko!” biglang sumulpot si don agaton sa video, nilapitan niya si dahlia at itinulak nito si stuart. Ngayon ko lang din napagtanto na kaya mas pabor lahat siya kay stuart. Dahil may nalalaman siya sa lahat ng sikreto niya. ”The engagement party is about to start soon but you're still here, why don't you just let my daughter to be with stevan! Pagkatapos naman lahat ng plano, sayo naman siya tatakbo!” ”B-but dad, this is manupulating. Kaya ko naman magkapera.” ”Shut up, i-escort mo ang anak ko papunta ng party. Huwag kang gagawa ng gulo dahil malalagot ka sakin!” ”Dad.” sumabat si dahlia, hinawakan niya sa braso si don agaton na tila pinapakalma. ”Huwag ka naman masyadong magalit kay stuart.” ”He's hurting my daughter, wala kasi siyang utak!” ”Daddy naman, stuart is just concern for me. Mahal niya ako kaya nag-aalala lamang siya.” ”Alright, fine. Just go with him first, pupuntahan ko pa sa kwarto ang mommy n'yo.” Tumango si dahlia, ngunit maya-maya lang ay biglang may sumulpot na babae sa gilid at mabilis na sinabunutan si dahlia. ”Hayvp ka! Ginagamit mo lang pala ang anak ko! Peperahan mo lang pala siya para makuha lahat ng pinagpaguran ko!” Halos masubsob si dahlia sa maputing tiles ng pasilyo, hindi alam ng mag ama kung paano nila aawatin ang ginang dahil sa sobrang higpit ng hawak niya sa buhok ni dahlia. ”Tinrato pa naman kitang anak! Binihisan kita! Yun pala anak ka naman pala ng asawa ko!” Napalunok ako ng humugot ng baril si senyora, namilog ang mata ko. Napatakip ako sa bibig ng tutukan rin niya ang asawa maging ang anak na si stuart. ”Kayong tatlo, mga magkakasabwat kayo! Iniisahan niyo ang anak kong nagpapakapagod sa kumpanya!” ”M-mommy calm down, ibaba mo yan. Mag-usap tayo.” lumapit si stuart ngunit natigilan rin siya ng itutok ni senyora sa kanya ang baril. ”Bakit ba nagpapauto kayo sa babaeng ito? Tingin niyo ba tama lahat ng ginagawa n'yo! At ikaw stuart! Bakit ka nagkaroon ng tagong relasyon sa fiancee ng kuya mo!” ”Magpapaliwanag ako mom.” ”HINDI!” itinutok niya ang baril kay dahlia. ”PAPATAYIN KO ANG BABAENG 'YAN!” Dahil sa takot ni dahlia, mabilis na inagaw niya ang baril sa senyora. Ngunit mahigpit ang hawak nito kaya't halos lumayo sila sa pag-aagawan ng baril. Hinawakan ni stuart si dahlia upang awatin, ngunit dahil sa pagpupumiglas niya. Aksidente nitong naitulak ang senyora sa hagdan na siyang nagpalaki ng mata ko. Ang t***k ng puso ko ay halos hindi na normal, mabilis na pinatay ko ang video habang paatras ako sa mga screen na pinapanood ko kanina. Nawala na ang videong pinapanood ko ngunit ang pintig ng puso ko ay hindi normal. Hindi ako halos makapaniwala sa napanood ko. Bakit nangyari 'yon? Sa pag-atras ko dahil sa takot, hindi ko namalayang may tao na pala sa likuran ko. Kakaibang kaba ang bumalot sakin at halos himatayin ako nang lingunin ko ang lalakeng tila tigre ang mukha sa galit. ********** To be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD