Chapter 23

3065 Words
(War) Cordaphia Pov. Hindi ko halos magalaw ang mga paa dahil sa lalakeng nakatayo ngayon sa harapan ko. Madilim ang ekspresyon ng kanyang mukha maging ang dalawang kamao nito ay nakakuyom. Napalunok ako ng mag-angat ako ng tingin sa mga mata niya. Nasa screen pa rin ang paningin nito at tiyak na napanood niya rin kung anong napanood ko sa videong iyon. Binalot ako ng takot dahil sa sitwasyong ito. Hindi ko pa sana nais malaman niya ang totoo ngunit ang kapalaran na yata mismo ang nagtulak upang malaman niya ang lahat. Humakbang ako upang hawakan ang kanyang kamay. Nais ko siyang pakalmahin kahit na nanginginig ang mga kamay ko habang hawak siya. ”S-stevan..” hindi ako makapagsalita ng maayos. ”P-pasensya na...” nakagat ko ang labi ko. Ang takot na nararamdaman ko para sa paghihiganti niya ay binalot iyon ng awa. Naaawa ako kay stevan dahil hindi lang pala talaga siya napagtaksilan, kundi nawalan din siya ng ina. “I will k*ll them.” napalunok ako kasabay ng panlalaki ng aking mata. Makailang beses akong umiling dahil hindi ko na nais gawin niya pa iyon. Ang pumatay. ”H-hindi... h-huwag mong g-gawin iyon stevan, b-baka mapahamak ka.. h-huwag mong ilagay ang batas sa mga k-kamay mo...” ”But they k*lled my mother! Mga hay*p sila! They all betrayed me!” lumapit si stevan sa mga screen na naroon. Halos mapanood ko ang mabibilis niyang paghinga na para bang pinipigilan nito ang galit. Kinuha niya ang mga tape, mahigpit na nakahawak siya roon habang nakatingin sa mga screen na nasa itaas. Kalaunan ay kanyang pinagsusuntok ang mga iyon, halos lahat ng keyboard ay nasira. Maging ang computer na nasa ibaba ay kanyang tinabig kaya't nawasak rin iyon at nabasag ang salamin nito. Ngunit ang mga tape, naroon pa rin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon, kung ano ang gagawin niya at binabalak niya. Ngunit isa lang ang nais ko, ang magkaroon siya ng sapat na plano at huwag muna siyang magpadalos dalos sa kanyang desisyon. ”Go to your room now.” napalunok ako sa utos niya. Gusto kong magtanong kung saan siya pupunta kung sakaling sundin ko ito, iniisip ko na baka may gawin na siya agad na ikapapahamak niya. ”A-anong g-gagawin mo?” ”I just have something important to do. Go to your room, uutusan ko si ryan na dalhin doon ang pagkain mo.” Nilagpasan ako nito dala ang mga ebidensyang napanood namin. Hindi ko akalain na lahat ng sikretong nalalaman ko ay malalaman lang niya ng isang bagsakan. Ang kasagutan kung sino ang pumatay sa kanyang ina, ang katotohanan na hindi talaga sila anak ni don agaton. Ang pagtataksil ni dahlia gostavo sa kanya. Lahat ng iyon ay nalaman niya. At heto akong muli na wala na naman nagawa upang kumprontahin siya, lumabas ito ng silid. Malalaki ang kanyang yapak habang ang buong katawan ko ay para bang nawalan ng lakas. Nanginginig pa rin ang aking tuhod ngunit nagawa kong lumabas upang sundan siya. Pagkababa ko sa sala, sakto naman ang pag-alis ng kotse nito. Humarang si butler ryan sa daraanan ko ng balakin kong lumabas. ”I'm sorry, seniorita. Your not allowed to go outside, hinabilin kayo ni sir sakin.” masamang tingin ang ipinukol ko kay butler ryan. ”Bakit hinayaan mong umalis ang boss mo! Hindi mo ba alam na baka mapahamak siya dahil sa gagawin nito!” hindi man lang siya nasindak sa pagsigaw ko. ”Everything was under on control, seniorita.” ”Anong under control! Hindi natin kontrolado ang kapahamakan, galit si stevan! At tiyak na gagawa siya ng hakbang upang makaganti ngayon sa mga taong kinagagalitan niya!” Napabuntong hininga lang ito. ”As you said, he's angry. Kung galit siya, lalo lang tayong walang magagawa. Hangga't hindi nito nakukuha ang gusto niya, wala kahit sino ang makapipigil sa kanya. Lalo na talaga ngayon.” umiling ako. ”Hindi, alam kong mapipigilan ko siya. Makikinig ito sakin, kaya dalhin mo ako kung saan siya pupunta!” Hindi ako nito sinagot. Tumingin lang siya sakin at halatang wala siyang balak na sundin ako. Napahilamos ako sa aking mukha, pumikit ako ng mariin dahil sa pag-aalala. Maya-maya ay dumating si manang mercy upang ipaalala na kailangan ko ng kumain, tumango rin si butler ryan. ”Huwag ka ng mag-alala, seniorita. Uuwi rin siya.” hindi ako kumibo, masama ang loob ko dahil hindi niya ako gustong sundin. Nais ko lang naman kausapin si stevan upang sana'y huwag siyang mapahamak sa gagawin nito. Binabalak ba niyang gantihan si stuart? O hindi kaya naman ay si don agaton? Napakagat labi ako bago umakyat patungong kwarto. Hindi ko nais kumain dahil wala akong gana, hindi ako makakain kung sa kaisipan ko ay baka nasa kapahamakan na si stevan. Tumungo ako ng veranda at iniisip kung paano makakalabas, saan ba tumungo si stevan? Saan ba lupalop siya pumupunta sa tuwing umaalis siya? May sarili ba silang lugar kung saan sila nag-iisip ng plano? Ano ba talagang gagawin niya? ”Seniorita!” nagulat ako sa pagsulpot ni butler ryan. May dala na siyang pagkain at iyon ay ang iniluto ko kanina, kahit gustong gusto ko ang pagkaing iyon. Wala na talaga ang kaganahan sa aking kumain, nag-aalala talaga ako kay stevan. ”Buntis ka, hindi ka pwedeng dumaan diyan katulad nang ginawa mo noon.” sinamaan ko siya ng tingin. Alam ko namang delikado, at hindi naman ako dadaan ulit dito kung sakaling gusto kong lumabas. Iniisip ko pa rin naman ang dinadala kong bata. Ngunit dahil nais ko ngang makita si stevan, ginawa kong pagbabanta iyon kay butler ryan. ”Kung hindi mo talaga ako dadalhin kung nasaan si stevan, tatalon na lang ako dito upang makalabas!” Napakurap siya. ”You can't jump here, seniorita. Pwede kang makunan pag ginawa mo 'yon.” ”At kasalanan mo.” napalunok siya. Bawat oras na dumadaan, lalo lang nadadagdagan ang pag-aalala ko. Paano pa kung manatili ako dito at hintayin lamang ang pagbabalik niya, baka lalo lang akong mag-alala at iyon pa ang maging sanhi upang madala muli ako sa ospital. ”You didn't know what place where is he now. Delikado kung pupunta tayo doon, at hindi ligtas para sa kalusugan niyo.” ”Kung ganon delikado pala, bakit siya pumunta doon!” ”Dahil iyon ang lugar ni sir stevan, he might be k*ll me once i brought you there.” ”Hindi niya gagawin iyon, basta nandoon ako. Wala siyang gagawing masama.” ”How can you surely know if you can talk to him right now? Kilala ko ang boss ko, pag galit siya. May hawak siyang baril, madalas na manakit siya upang doon nito ibuhos lahat ng galit niya. Then you want to see and talk to him, aren't you afraid?” Umiling ako. ”Bakit ako matatakot? Asawa ko si stevan, makikinig siya sakin. Alam kong pakikinggan niya ako!” Bumuntong hininga siya. Nag-iwas ito ng tingin at hindi kumibo. ”Alam na ni stevan ang buong katotohanan, alam na nito kung sino nga ang totoong pumatay kay senyora amelia.” mabilis na napalingon siya sakin dahil sa sinabi ko. ”What did you say, seniorita?” ”Sa kwarto ni stuart, may tagong lagusan doon sa likuran ng malaking frame. Paniguradong hindi mo alam iyon hindi ba, ako ang nakatuklas nito. At nakita ni stevan ang ebidensyang napanood ko doon mismo sa lumang cctv footage.” Natigilan siya, hindi ito makapaniwala na iyon nga ang rason kung bakit nagpupumilit akong kausapin si stevan. Lumabas siya ng silid, hindi ko alam kung saan ito pupunta ngunit sinundan ko siya. Nakita kong pumasok ito sa silid ni stuart, lumakad ako hangga doon. Naabutan ko na siyang pinagmamasdan ang lumang silid kung saan halos nagkagulo na ang mga bagay doon dahil kay stevan. Napahagod siya sa kanyang buhok. ”Si dahlia ang nakapatay kay senyora, ngunit aksidente lang iyon. Hindi niya iyon intensyon.” ”Pero hindi natin mapipigilan si sir, inalis na nito ang mike sakin dahil paniguradong may trabaho itong gagawin.” ”At nandito ka lang, wala ka man lang gagawin! Sa oras na may mangyaring masama kay stevan, kasalanan mo lahat ng 'yon!” ”Mas mabuting nandito na lang ako at binabantayan ka, mas higit na nanaisin ni sir stevan ang kaligtasan mo dahil kaya niyang protektahan ang sarili niya.” ”Hindi mo kasi ako naiintindihan! Alam kong nasa panganib si stevan, masama ang kutob ko. Baka mapahamak siya kaya't kailangan natin siyang balaan.” ”But he won't listen to me. Wala iyong pinakinggan.” ”Hindi ba ako! Ako nga ang asawa niya, kahit nagpanggap lang kami noon. Alam kong nagbago na ang lahat, kaya hayaan mo akong makausap siya! Dalhin mo ako ngayon kung nasaan man si stevan!” Matagal ang naging pagkibo ni butler ryan. Nag-iwas pa siya ng tingin ngunit tila napaisip siya sa sinabi ko. ”I'm worried too, he's my older brother for me. Para ko na siyang kapatid, matagal na akong naninilbihan sa kanya at ni minsan ay wala pa akong nagawa. Siguro, tama ka nga. He will listen to you, dahil napabago mo siya. Pero nag-aalala lang ako sayo, seniorita. Your pregnant, paano na lang kung ikapahamak mo ang pagpunta sa lugar na 'yon?” ”Hindi, hindi ako mapapahamak. Basta makikinig ako sayo. Hindi ako hihiwalay kung nasaan ka man.” Napapikit siya. Ilang segundo na natahimik ito bago tumango. ”Fine, pupunta tayo doon. Bahala na kung patayin man ako ni sir stevan o tanggalan ng trabaho, basta mabalaan mo lang siya at pakalmahin muna sa galit niya.” Nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Hindi lang saya ang naramdaman ko dahil pumayag siya na pumunta kami kung nasaan man si stevan, kinakabahan rin ako dahil alam kong mapanganib itong gagawin namin. Ngunit alam kong hindi ako pababayaan ni butler ryan, magiging maayos ang lahat at makakausap ko ng maayos si stevan. ISANG itim na kotse ang ginamit namin patungo sa nasabing hide out ni butler ryan. Malayo malayo ang biyahe namin at tila nalalayo ito sa syudad, hindi ko alam kung saang lugar kami dumaan ngunit maraming puno at sukal. Sa isang tagong daan kami dumaan, may malawak na daan kaming binabaybay at mula sa malayo at tanaw ko ang mataas na gate at bakuran na pinalilibutan ng matatalim na bakal. Kinilabutan ako nang huminto kami sa mismong lumang gate. Nilagpasan namin ang malaking gubat bago kami makapunta rito, kakaiba ang lugar na nakikita ko. Para kaming nasa pelikula dahil sa itsura ng bawat taong sumalubong sa amin. ”Ikaw pala sir.” ani ng lalakeng may mahabang balbas at may hawak na baril. May kasama siyang tatlong lalake, bale apat sila na ngayo'y nakatingin na sakin. ”Sino iyang kasama mo, sir? Bago ba siyang kasamahan?” ”She is mrs villegas, stevan's wife.” namilog ang mga mata ng apat. Mabilis na nagsiyukuan sila na para bang biglang natakot sa akin. ”Pasensya na po, hindi na mauulit ang pagtatanong namin.” napakurap ako. Hindi na sila binigyang sagot ni butler ryan dahil maski sa akin at takot ang mga malalaking lalakeng iyon. Ganoon ba kalakas ang kapangyarihan ni stevan? May mga armadong lalake pa ang sumalubong sa amin. Sinabi ni butler ryan na ako ang asawa ni stevan kaya't mabilis na umalalay ang mga lalake sa likuran ko. Kung hindi lang kami nakapasok sa loob, ay hindi nila kami iiwan. “N-nandito na ba tayo?” nilingon ako ni butler ryan. Tumango siya, hindi ko akalain na ganito kalaki ang lugar na pupuntahan namin. Hindi lang basta malaki, tumataas pa ang balahibo ko sa bawat taong nakikita ko. ”Sa under ground tayo pupunta, sir stevan is there.” ”U-under ground?” tumango siya. Pumasok kami sa isang elavator kung saan pababa nga kami sa nasabing under ground ni butler ryan. Pagkahinto nito, inalalayan niya akong humakbang. Agaran na may lalakeng tumutok ng baril sa amin, napaatras ako sa takot at madaling tumungo sa likuran ni ryan. ”How dare you to point your gun with mrs villegas?” Mabilis na binaba nito ang baril ng makita nitong si ryan pala ang kaharap niya. Madaling yumuko siya at nagbigay galang agad. ”Pasalamat ka at hindi ko sasabihin ito sa boss mo, kundi. Ito na ang huling araw na hihinga ka.” Hinawakan na ni butler ryan ang kamay ko. Dahil may nakasalubong pa kaming lalake ay hindi ako umaalis sa likuran niya, ngunit halatang kilala na nila si butler ryan dahil yumuko ang mga iyon. ”Where is sir stevan?” tanong ni ryan sa tatlong kalalakihan. Napalunok ang isa bago sumagot. ”May nililinis na kalat lang siya sa loob, pumalpak kasi sila sa utos niya kahapon. Wala si stuart kung saan sila nagreport na naroon siya.” Nagkaroon ako ng interest dahil sa narinig. May nililinis siya? Anong ibig nilang sabihin? Napalukso ako bigla nang may marinig akong putok ng baril. Halos mag echo iyon sa buong paligid na nagbigay kaba sa dibdib ko. ”S-saan galing ang putok ng baril?” hindi nila ako sinagot. Wala talaga silang balak sagutin ako kaya't ako na mismo ang tumakbo sa pasilyo kung saan sa dulo nito ay may malaking double door na pinto. Dinig ko ang pagsigaw ni butler ryan ngunit hindi ko siya nilingon. Maging ang paghahabol nila sa akin ay hindi ko pinansin, binuksan ko ang pinto at mabilis na bumungad sa akin ang pulang lugar na halos nababalot ng maraming armas, mula sa dulo ay naroon si stevan na nakatalikod sa akin. Nakatutok ang baril niya sa tatlong lalake na ngayo'y duguan na ang mga paa. Napamaang ako dahil sa nakita, ikinasa pa nito ang baril at balak na paputukan sila ngunit tumakbo na ako at mabilis na humarang sa tatlong iyon. Pansin ko ang gulat sa kanyang mata ng makita ako. May dugo siya sa pisngi, kakaibang stevan na naman ang nakikita ko na talaga namang nakakatakot siya ngayon. ”D-daphia?” ibinaba niya ang baril, umiiling ako hudyat na inuutsan siyang huwag ituloy ang ginagawa niya. ”W-what are you doing here?” ”T-tigilan mo na iyan, s-stevan. H-huwag mo silang p-patayin.” naglapat ang bibig niya dahil sa sinabi ko. Matagal ang naging pagtitig nito sa akin bago niya tuluyang ibulsa ang baril na hawak niya. ”M-maraming salamat p-po.” anas na pasalamat ng lalakeng nasa likuran ko, liningon ko sila. Mga nakakaawang lalake lamang ito ngunit bakit niy sila papatayin ng ganon lang? ”Clean this mess.” utos ni stevan na madaling sinunod ng mga tauhang narito. ”I don't want to see their faces again here, itapon niyo sila palayo dito!” Gaya ng utos niya, binuhat nga ng mga tauhan niya ang tatlong sugatang lalake. Hindi pa rin ako makabawi dahil muntik na namang makapatay ng tao si stevan. ”Why did you bring my wife here?” hindi ko alam kung sino ang kausap niya, ngunit narito pa si butler ryan maging ang ilang tauhan ni stevan. Binunot nito ang baril, itinutok niya iyon sa likuran niya at nagpaputok doon ng hindi siya nakatingin. Halos malaglag ang panga ko dahil doon mismo sa pwesto ni butler ryan siya nagpaputok. Hindi man lang gumalaw si ryan sa kinatatayuan nito, ang balang pinaputok ni stevan ay tumama lang sa pader na para bamg tansyado niya ng hindi talaga matatamaan ang butler niya. ”Seniorita want's to talk on you.” aniyang turan na naging dahilan upang tumingin sa akin si stevan. Kahit ganito siya, hindi ako nakakaramdam ng takot. Nagawa ko pa itong lapitan upang hawakan ang kamay niyang may baril ngayon. ”B-bakit ba umalis ka k-kaagad kanina?” Mariin na nakatingin sa akin si stevan. ”Hindi ka dapat pumunta sa lugar na 'to. Masyadong delikado.” ”K-kinakabahan kasi ako, masama ang kutob ko. Baka may mangyaring masama sa'yo.” ”I can protect myself, daphia. Dapat iniisip mo ang kapakanan ng anak natin, paano na lang kung napahamak kayo habang papunta rito?” umiling ako. ”H-hindi naman ako napahamak, gusto ko lang talagang makita ka. Huwag mo munang ituloy ang plano mo, huwag mo ng sasaktan ang kuya mo.” ”But they're betrayed me, they deserve to go on h*ll. Hindi sa kulungan.” ”Stevan, tama na. Huwag mo ng dungisan pa ang kamay mo, tama na..” ”No, after i k*ll them. That's will be the end of war. Doon lang ako titigil, and now. You need to go home, paniguradong makikilala ka ng mga kalaban. Baka mapahamak kayo ng anak ko.” ”M-mga kalaban?” ”Magpapaliwanag ako mamaya.” nilingon nito si butler ryan. ”Bring her back home now, pag may nangyaring masama sa mag-ina ko. Papatay*n kita.” Tumango lang ang butler. ”Copy sir.” Lumapit na sa akin si butler ryan. Ngunit hindi ko tinanggap ang kamay niya bagkus ang tumungo ako sa tabi ni stevan. ”Uuwi lang ako pag umuwi ka na, baka mapahamak ka.” “No, daphia. I will go home safe after this, may aayusin lang kaming problema.” “Problema o may gagawin ka na naman masama?” ”Lahat ng masama ay walang kahahantungang kapayapaan, kung habang buhay na nabubuhay sila. Marami lang na mamamatay.” ”Kung ganon tama ako, paano na lang kung mapahamak ka. Paano kami ng anak mo?” ”Hindi ako mapapahamak.” madiin niyang anas sabay hawak sa aking kamay. Idinala ako nito kay butler ryan at mabilis na tinalikuran ako. Hindi na ako nakapalag dahil lumabas na siya ng pinto ngunit kasabay nito ay ang malakas na pagsabog sa labas ng kinaroonan kong lugar. ”Sh*t!” malakas na napamura si butler ryan bago ko muling makita ang bulto ni stevan na ngayo'y tumatakbo na papalapit sa amin. ”Ilabas mo na siya dito!” aniyang sigaw sa butler niya. ”Doon kayo dumaan sa likuran!” Umiiling pa ako dahil ayokong umalis, ngunit sunod sunod na pagsabog na ang narinig ko na para bang nagkakagulo na sa labas ngayon. Ang mga tauhan ni stevan ay madaling lumapit sa kanya upang sabihin kung sino ang mga taong nasa labas. ”Ang mga orquillano, boss! Nilulusob tayo!” ********** to be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD