(Karapatan) Chapter 43 Cordaphia Pov Lahat ng nalalaman ni stuart tungkol sa nangyari kay stevan, sinabi niya lahat sakin. Binanggit niya lahat iyon habang nakikinig ako sa loob ng kotse. Alam ko‘ng naging mahirap din kay stevan ang ilayo ko ang aking mga anak. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi ni stuart na nasaktan din siya sa pagkawala ko, may nabanggit din ito sa akin na hindi naniniwala si stevan na namatay ako. Ang iniisip ni stevan, nagpaka-layo ako kasama ng aking kambal. Natukoy din ni stevan ang ginawa ko‘ng pagpapanggap noon bilang olivia policarpio. Alam niya na ako mismo ang kumuha sa mga anak niya, pinagsisihan daw nito lahat ng ginawa niya sakin. At lahat ng ginawa niyang iyon ay kasama lamang sa plano niya upang tuluyang madakip sila agaton. Ngunit lahat ng nalaman

