(Pagdududa) Chapter 42 Cordaphia‘s Pov. Nakatalikod ako ngayon habang nakaupo sa swivel chair. Hindi pa nakakapasok sila stevan kung kaya‘t tinodo ko na ang paglagay ng facial mask sa aking mukha. Kulay lumot iyon na nagmula pa sa produktong nilabas namin noong huling buwan. At dahil nataranta ako sa biglaang pagsulpot ni stevan dito, hindi ko inaasahang magagamit ko ito ng wala sa oras. Napapa-isip pa ako sa sarili kung anong ginagawa ng lalakeng ito dito. Hindi ba‘t Vicente ang apelyido ng lalakeng pupunta dito? Siya ba si Mr Vicente? Nahanap na ba niya ako at siya ngayon ang nagpanggap? Narinig ko ang pagbukas ng pinto maging ang mga yapak nila hudyat na nakapasok na sila sa loob. Samantalang ako, nanatili pa ‘ring nakatalikod dahil kinakabahan ako sa ayos ko. Mamumukhaan niya b

