(The Client) Chapter 41 Cordaphia's Pov (As Georgina Madrigal) Dahil sa tanong na iyon ni stevan, hindi ako halos makahinga ng maayos. Pakiramdam ko nagduda agad siya, tingin ko iniisip nito na may posibilidad na anak niya ngayon ang kambal na nasa harapan niya. Ngunit naki-ayon yata sa akin ang tadhana, hindi na nakasagot si manang sa tanong na iyon ni stevan. Pinapasok na kasi ng guro ang mga studyante dahilan upang mabaling doon ang atensyon ni manang. Muli na lamang siyang nagpasalamat kay stevan at tuluyan na niya itong tinalikuran. Nakahinga ako ng maayos, napapikit pa ako at tuluyang kumalma na ang sistema ko. Hindi niya maaaring makilala ang mga anak ko, hinding hindi. Sa lahat ng ginawa niya sakin, wala siyang karapatang makasama ang mga anak ko. “Mrs Madrigal..” ikinagula

