Third Person Pov. (The new cordaphia) Makalipas ang apat na taon... “First day niyo sa school baby ha, huwag masyadong malikot. Bawal pagurin si yaya okay?” sabay na tumango ang magkapatid sa habilin ng kanilang ina na si cordaphia. Makalipas ang apat na taon simula ng mabawi niya ang anak kay stevan, hindi na sila nasilayan ng kanilang ama. Tuluyan na 'ngang lumayo si cordaphia at nag-aral ng apat na taon sa kursong bussiness management. May isang negosyo na rin ito na katuwang si rico sa pagpapalago. Kung hindi dahil kay rico, hindi niya mararating kung ano man ang meron siya ngayon. “Mommy won't come with us po?” umiling si cordaphia sa tanong na iyon ng anak niyang babae. “May meeting si mommy sa mga client eh, don't worry. Si mommy ang magsusundo sa inyo mamaya, okay lang ba 'y

