(The Wedding Ring) Chapter 49 Cordaphia Pov. Tahimik ang dalawang anak ko habang may kinakain sila na inihanda ni lola. Hindi ko alam na magugustuhan nila iyon kahit na isang beses pa lamang nila iyong natikman. Samantalang ako ay halos maubos ko na ang akin dahil namiss ko ang kumain ng mga kakaning niluluto ni lola para sa akin noon. Nakaupo pa rin kami sa maliit na silong dito sa likuran. Katabi ko pa rin ang aking mga anak habang kasama ang kanilang yaya, si lolo ay kinakausap ang anak ko‘ng si maureen. Si lola naman ay nasa tabi ko habang kumakain rin. Tinatanaw namin si stevan mula doon sa dulo dahil mag-uumpisa na siyang magsibak ng kahoy. Dalawang suman lamang ang nakain nito kaya‘t iniisip ko na baka hindi niya iyon nagustuhan. Laging gulay din ang ulam namin dito na alam ko

