(Love: The Forgiven Husband) Chapter 50 CORDAPHIA POV. Ang pagmamahal ay ang siyang mabisang paraan upang mapatawad mo ang isang tao. Kahit gaano pa kalaki ang pagkakasala nito sayo ay magagawa mo itong patawarin dahil sa pagmamahal na meron ka. At dahil nakikita mo ang pagbabago ng taong iyon, maiisip mo na deserve niyang magkaroon ng ikalawang pagkakataon. Lahat naman ng tao ay nagkakamali, ngunit alam ko‘ng hindi iyon lahat kagustuhan ni stevan. Kinukumbinsi ko ang aking sarili na paniwalaan lahat ng sinasabi niya. Nais ko’ng itanim sa isip ko na lahat ng ginawa nito ay para lang sa kaligtasan namin. Ngunit dahil sa sakit na nangyari noon dahil sa ginawa niya sakin. Napakahirap palayain ang galit dito sa puso ko, para ba‘ng nasasaktan pa rin ako sa tuwing sumasagi iyong alaalang n

