Cordaphia Pov.
(Brothers)
”Hey, wake up!” isang agrisibong labi ang humahalik sa akin, malambot ang kanyang labi na halos bumaon sa aking labi.
Nagtataka ako at hindi maka-kilos, patay na ba ako?
Nasa bagong katawan na ba ako at hinahalikan ng isang lalake?
”Sh*t, finally!” lumiwanag ang kanyang mukha, nasilayan ko siyang muli habang may mabilis itong paghinga. ”Are you okay?” wala sa sariling tumango ako, inilalayan niya akong maupo bago ibalot ang puting tuwalya sa akin.
Si señiorito stuart ang sumagip sa akin.
Siya ang night in shinning armor ko.
”Ano ba ang nangyari?” medyo lutang pa rin ako dahil naiisip ko ang paghalik niya sa akin, pero ng maalala ang nangyari kung paano ako muntik mamatay ay bumuntong hininga ako.
”Nais ni señiorito stevan na linisin ko ang pool, aalisin ko sana ang mga isda..”
”Isda?”
”Oo, inilagay ko dito ang mga isda kanina..” napahagod ito sa kanyang mukha, tila problemado bago ako harapin muli.
”Hayaan mo na ang mga isda, ipapalinis ko iyon sa ibang tao.”
Tumango-tango ako. ”S-salamat..”
”It's okay, mabuti na lang at nakita kita..”
”Salamat talaga, utang na loob ko sa'yo ang buhay ko..”
”Wag mo ng isipin 'yon, magbihis ka na..” nahihiya akong tumango, napapatingin pa ako sa kanya habang dinudukot nito ang cellphone sa bulsa.
May tinawagan siyang tao na maglilinis sa pool, ngunit nahihiya pa rin ako dahil maging ang kasuotan niya ay nabasa na.
”Change your clothes..” madali akong tumango ng sumulyap siya sa'kin, hawig na hawig nito si cobra. Ngunit mas matured siya kumpara kay señiorito stevan, siguro ay mas matanda siya.
Ngunit gaya ni cobra ay may angking gwapo rin.
Tumungo ako sa aking kwarto at mabilis na nagpalit ng damit, ngunit halos mapaupo ako ng makita kung gaano kabasa ang pera na nakapaloob sa bulsa ko.
Nanlulumo ko silang inilapag sa higaan ko, basang basa sila at hindi ko alam kung paano ito gagawan ng paraan.
Napahilamos ako sa aking mukha, inipon ko iyon at kinuha bago lumabas ng silid. Pumunta ako ng likod bahay at doon madaling kinuha ang mga sipit na nakita ko kanina.
Isa-isa ko'ng isinipit ang pera upang matuyo ay magamit pa, naiiyak pa ako dahil malaking halaga na ang mga ito para makatulong kay lola.
At dahil sa katangahan ko'y nabasa pa sila.
”Anong ginagawa mo?” nilingon ko ang boses lalake sa aking likuran, si señiorito stuart muli na nakabihis agad. ”They're all wet?” dumapo ang tingin niya sa perang naka-ipit, nahahanginan sila kasabay ng mga damit ni cobra.
Tumango ako. ”Nag-advance ako kay señiorito stevan kanina, ipagbibili ko sana ng gamit ngunit naging abala ako..”
Pansin ko ang pagbuntong hininga nito, nagbaba ako ng tingin dahil nahihiya ako.
”It's okay, I will help you to buy your things..” nag-angat ako ng tingin, mabilis at nagugulat.
”Naku señiorito, wag na. Nakakahiya..”
”Sa kapatid ko hindi ka nahihiya?”
”Ha?” ngumiti ito, pamatay sana yung ngiti niya ngunit iniisip ko bigla 'yung itsura ni cobra kung paano ito ngumiti.
Pero kapatid niya? Tama akong mas matanda nga siya kesa kay cobra.
”You get your advance without hesitation, then you're rejecting my offer, is it unfair?”
”H-hehehe, unfair? H-hindi naman kasi ikaw ang boss ko..”
”I know, but you can consider me as a boss too, i am a villegas son..”
Natutulala na lang ako sa labi nitong nakangiti, pero umuusbong sa paningin ko ang mukha ni cobra na nagagalit.
”If you won't accept my help, I will buy you new things by myself..”
”H-hindi na!”
”Sasama ka?”
”Kasi...”
”Don't worry, my brother is leaving after us..” wala na akong nagawa ng tumalikod ito, napapahinga ako ng malalim bago lingunin ang mga pera na nakasampay pa.
Hindi naman siguro uulan hindi ba?
Sa kadahilanang nais makabili ng gamit ay sumama ako kay señiorito stuart, nakakahiya naman kasi kung bigla akong mangamoy. Wala akong pampalit kahit ano, siguro'y babayaran ko na lang siya sa unang sahod ko.
”You can get all you want..” umiiling akong nilingon si señiorito stuart, nasa isang malaking mall kami. At halos lahat ng presyo ay nakakalunod sa mata.
”Mga damit lang ang kukunin ko, at lahat ng kukunin ko ay ibabalik ko rin sa'yo..”
”Tsk, you don't need to pay me back..”
”Hindi naman yata pwedi 'yon, ang mahal ng mga damit dito at hindi ko iyon maaatim na libre..”
Bumuntong hininga siya. ”Okay, babayaran mo ako ngunit hindi pera..” nagsalubong ang aking kilay.
”Kung ganon ano?”
”It's a condition, maybe not now..” naguguluhan ako sa kanyang sinabi, pero dahil pumayag itong bayaran ko siya ay namili na ako ng aking masusuot.
Hindi ko iyon dinamihan, sakto lang sa pang-araw araw at maglalaba na lang ako para hindi maubusan ng damit.
Matapos mabayaran ni stuart iyon ay may lumapit na saleslady sa kanya, may dala itong limang paperbag na hindi ko alam kung anong laman.
”Is it complete?”
”Yes sir..” tumango si señiorito stuart sa sagot ng saleslady, maganda ang ngiti ng babae habang nakatingin sa katabi ko. Ang gwapo nga kasi naman.
”Let's go?” nahihiya akong ngumiti, hindi nakatakas sa paningin ko ang matinding pag-irap ng saleslady kanina.
Bakit ba sila galit na galit sa akin?
”I know you can't choose the right undergarments, so i decide to buy you another one..” nilingon ko ito habang papalabas kami ng shop, nilalagpasan namin ang ilang saleslady na nakangiting bumabati rito.
Mukhang kilalang-kilala si señiorito stuart.
”Are you hungry?”
Nakangiti akong umiling. ”H-hindi, kumain naman na ako kanina..” tumaas ang kanyang kilay sa tanong ko, ngunit dahil nagugutom ako ay tumunog ang aking tiyan na hindi talaga marunong makisama kahit kailan.
”Your tummy is dissapointed on your answer..” nakangisi ito sa'kin, kung maaari na akong patayin ng mga babaeng nakamasid sa akin na malamang ay naiinggit ay kanina pa ako walang buhay rito.
Ngunit hangga tingin lang sila.
”B-baka kasi may gagawin ka pa..”
”I don't have paper works today, and beside i want to know more about you..” hindi mabura-bura ang ngiti nito sa labi, ikinukumpara ko ito kay stevan dahil nalalayo talaga siya sa kanyang nakakatandang kapatid.
Palangiti ang isang 'to, samantalang si cobra ay tila binagsakan ng isang kabang palay.
”Saan ba tayo kakain?” nawala din ang kahiyaan ko sa katawan, hindi ko na makaya ang gutom. Sa totoo lang ay kaninang umaga pa ang kain ko, naging busy kasi ako kay cobra at paglilinis doon sa kwarto niya.
Hindi na ako magtataka kung magiging tingting ako soon.
”Follow me..” tumalikod ito, nakasunod ako sa kanya dahil follow me daw. Kaya follow the poging blue eyes na pinagpapantasyahan ng lahat dito.
Pumasok siya sa napaka-gandang restaurant, gaya ng ilang salelady doon sa shop ay binati rin siya ng ilang waiter dito. Doon siya sa magandang pwesto iginaya ng waiter, nilingon niya ako bago maupo. Natural na pagtinginan ako ng ilang stuff dito dahil sa suot ko'ng maids uniform. Hindi na kasi ako nakapag-palit kanina pa, hindi ko rin naman sinukat ang ilang binili ko dahil iniisip ko'ng baka may lakad pa si señiorito stuart, kung sinabi niya lang sana na kakain pa kami ay nakapag-bihis lang man sana ako.
Pinaghila niya ako ng upuan, hindi talaga mawala ang ngiti ni señiorito maging ng kumuha siya ng order. Hindi na ito nagtanong sa akin ngunit base sa narinig ko ay ang dami nitong sinabi.
”What is your name, by the way?” bahagyang nakalapat ang aking labi ng tingnan ko siya, naghihintay ito ng sagot habang magkapatong ang dalawang kamay sa mesa.
”Daphia..” pinili ko ang pangalan na ibinanggit kay cobra, hindi ko alam kung bakit kailangan maging ganito ako kasigurado. Pero hindi naman siguro sila kumukuha ng birth certificate di 'ba?
”Saan ka nakita ng kapatid ko?”
Napanguso ako. ”May nagdala sa akin doon sa kumpanya niya..”
”Pumayag ka sa gusto ni stevan?”
”Wala naman na akong magagawa dahil nakapag-desisyon na siya..” bumuntong hininga ito, hindi inaalis ang tingin sa akin.
”Stevan is just not an ordinary man, mahirap siyang kausap at baka mahirapan ka lamang sa kanya..” wala akong naisagot sa sinabi nito, alam ko naman 'yon. Ngayon pa lang nga ay todo na ang hirap na nararanasan ko, muntik pa akong mamatay.
”You don't need to work as stevan servant, you can quit if you want..”
”Ngunit nakapag-advance na ako..”
”Bibigyan kita ng pera, sagot kita..” nag-iwas ako ng tingin at sobra kung mag-isip, nahahabag rin naman ako sa totoong ugali ni stevan. Pero mukha naman siyang mabait at dapat lang maging mahinahon ka at sundin ang kanyang nais.
Gusto ko'ng malaman ang totoong side niya, at kung ano man 'yon ay nais ko'ng buksan ang kanyang madilim na kinaroroonan.
”Nais ko'ng pagsilbihan si señiorito stevan..” hindi ito nakapag-salita sa sinabi ko, hindi ito nagbigay komeno hangga sa dumating ang kanyang order.
Hindi ko batid kung bakit iyon ang pumasok sa isip ko, hindi ko alam kung hangga saan ang kaya ko para makilala siya ng tuluyan. Naguguluhan ako sa aking sarili pero natutuwa rin sa panibagong adventure ng buhay ko.
GABI na ng umuwi kami ni señiorito stuart, nag-enjoy ako sa totoo lang. Ipinasyal pa ako nito sa ilang parlor games at kumain kami sa ilang stall.
Nakangiti akong bumaba sa kanyang kotse, ang sabi nito'y may lakad pa siya at hindi ito matutulog ngayong gabi sa mansyon. Hindi naman na ako nag-usisa pa dahil sino ba naman ako para maki-alam sa gagawin niya.
”You can go to your room and rest..” tinanguan ko siya, nakangiti.
”Oo, salamat nga pala, nag-enjoy ako..”
”We're same feelings, daphia. I hope we can bond next day again..”
Tipid akong ngumiti, nais ko rin maulit ito kaya tumango ako. ”Pag hindi gaanong busy..”
”Okay, I'm looking forward on that day..”
Nakangiti pa rin ito hangga ngayon, maging ng lumisan siya ay nasilayan ko pa ang kumikislap nitong asul na mata habang nakangiti.
Ang gwapo pero bakit si cobra ang agad na naisip ko, narito na ba siya?
Pumasok ako sa gate na may guard ng nakabantay, kilala naman na niya ako kaya't hinayaan niya akong makapasok.
Banayad ang aking paglalakad hangga sa makatapak sa front door na medyo bukas pa, siguro'y gising pa si aling mercy kaya't hindi pa nagsasara ng pinto.
Binuksan ko iyon at natanawang kay dilim ng sala, wala ng ilaw na nakabukas at bukod tanging liwanag lang sa labas ang nagbibigay ilaw sa madilim na paligid.
Tahimik akong humakbang dala ang sandamakmak na paperbag, balak ko'ng tumungo ng maids room ngunit natigilan din ng may magsalita sa likuran ko.
”Saan ka galing?” si cobra 'yon, boses iyon ni cobra.
Pero bakit imbes na matakot ay humanga pa ako, nag-tagalog si cobra for the first time.
Nilingon ko ito, hindi ko makita ang mukha niya dahil napaka-dilim. Pero ang hugis ng katawan niya ay hindi nakatakas sa paningin ko, ang tigas panigurado ng kanyang balikat.
”Are you having fun with my brother?” pilit akong ngumiti, nagseselos yata ang alaga ko sa kanyang kuya.
”Tinulungan lang ako ni señiorito stuart na mamili ng aking mga gamit..”
”Why don't you told me first, I am your boss..”
Napanguso ako. ”Busy ka kasi, atsaka pa. Ayos naman na, wag mo ng isipin 'yon..”
”Stop making up things with my brother, i don't want to see you with him!”
”Bakit?”
”You don't have rights to question my command, daphia..”
Humaba lalo ang nguso ko. ”Ang bait naman ni señiorito stuart.” pabulong lamang iyon, hindi nais iparinig sa kanya.
”Did you understand me?”
”Yes, sir..” hindi na ako sumulyap pa sa kanya, nagbaba na lamang ako ng tingin at nadidismaya dahil hindi na ako maaaring makapag-usap kay señiorito stuart.
Nakakalungkot, ngunit kailangan ko nga bang sundin si cobra?
”Why don't you prepared a pairs of sleepwear for me?” nag-angat ako ng tingin rito, napalukso pa ako dahil nasa harapan ko na siya.
Ang taas nito at nakakatakot ang kanyang mata ngayong gabi, bakit parang nagiging red iyon sa paningin ko? O baka, guni-guni ko lang 'yon dahil iniisip ko'ng kapre siya.
”I can't sleep because of you..”
”D-dahil sa'kin?”
”Yes..”
”B-bakit?”
”You can't ask a question woman, just ready my sleepwear..” nilagpasan na ako nito, mabilis ang kanyang lakad kaya madali akong tumakbo patungo sa aking kwarto. Inilapag ko lahat ng pinamili ko roon at mabilis na pumanhik sa kwarto ni cobra.
Saktong paupo siya sa kama ng makapasok ako, at ang suot nito ay ang inihanda ko pa kaninang hapon.
”S-sandali lang..” nagiging nerbyoso ako dahil sa sama ng tingin nito sa akin, mabilis ang aking pagkilos ng lumapit sa cabinet nito. Hinalungkat ko ang kanyang pajama at isang black shirt.
Inilahad ko iyon sa kanya ng makalapit sa pwesto nito, hindi na lukot ang kanyang mukha ngunit wala namang emosyon ngayon.
”You can clean yourself, and after that go back here again..” kinuha nito ang ibinigay ko, pumasok siya ng banyo na hindi nito ako nililingon.
Babalik pa ako rito matapos ko'ng maligo?
Anong gusto niya ihele ko pa ito para makatulog, o baka gusto niyang dumede?
Nanlaki ang aking mata, sinampal ko ang aking sarili dahil sa naisip. Hindi naman na ako mahalay na babae, pero bakit nagkakaganito ako bigla?
Lumabas ako sa kanyang silid, tinungo ko ang aking kwarto at agad naghanap ng masusuot.
Lahat ay mababango, amoy branded at mamahalin. Kumpleto at talagang hindi nagkulang si señiorito stevan.
Binilhan niya ako ng lahat, ultimong pabango, lotion at personal use ay meron ako. Ngunit wala namang resibo akong nakikita, magkano kaya lahat nito?
Pinili ko ang simpleng blouse at pajama, naghanda talaga ako ng ganitong kasuotan t'wing gabi. May ilang short at bistida naman, para pag maalinsangan kung minsan.
Sa labas ako naligo kung saan nalalapit ang labahan sa likuran, walang sariling banyo ang kwarto ko kaya't dito ako tumungo.
Matapos makapag-linis ay doon rin ako nagbihis, presko at mahangin sa labas. Maraming bituin at hindi ako nangangambang uulan, tanaw ko pa ang perang isinipit ko na tila hindi nakita ng ilang kasambay rito.
Lumakad ako palapit doon, kinuha ko ang damit ni cobra na nakasampay habang nakanguso. Hindi man lang itinabi ng mga kasama ko, pero kung sabagay. Mas maganda ng ako na ang nagtabi at baka makita nila ang limpak na libo-libong nakasampay.
Dala ang damit ni señiorito stevan ay tinungo ko ang kanyang kwarto, hindi ko ito naabutan sa kama at wala kahit saang parte ng kanyang kwarto. Pero bukas pa ang ilaw ng banyo at kitang-kita ko iyon dahil bahagyang nakabukas ang pinto.
Hindi man lang nag-lock.
Inilapag ko sa sofa ang damit nito, bukas na lang ako magpaplantsa dahil nananakit ang aking katawan, pwedi naman sigurong bukas di'ba?
Lumabas si cobra suot ang inihanda ko'ng damit, bagay na bagay talaga kahit simpleng damit lang 'yon. Iba talaga pag mayaman, hindi namimili ng damit.
”Let's sleep..” umangat ang dalawang kilay ko sa sinabi niya, pinapatuyo niya ang buhok gamit ang tuwalya at umupo sa dulo ng kama.
”A-akala ko may sasabihin ka?”
Nilingon ako nito, maayos naman ang mukha niya at hindi salubong ang kanyang kilay.
”You can sing right?”
”Ha?”
”I want you to sing with me until i fall sleep..”
Tumayo siya, inilapag nito ang tuwalya sa gilid at muling bumalik sa kama. Lumingon siya sa'kin bago humiga, naghihintay sa aking pagkilos.
”Come here..” isang beses na paglunok muna ang ginawa ko bago lumapit sa kanya, ni minsan ay hindi ko ginawa ito. Hindi ko pa nga nararanasang magkaroon ng katabing lalake sa kama.
Pero, naranasan ko naman ng magpatulog ng lalake, at iyon ang kapatid ko.
Humiga ito at itinapik niya ang kanyang tabi, pinaparating nitong doon ako mahihiga. At kahit hindi kumportable ay pumwesto ako sa kanyang tabi. Todo tuwid ang aking paa at hindi siya nililingon, natatakot ako na baka magkalapit ang aming mukha.
”Sing for me..” nilingon ko siya, nakaharap ito sa akin at naghihintay. Marunong naman na akong kumanta, pero wala akong mapili kaya't matagal bago ako makapag-isip.
Pero willing naman na akong kumanta para makatulog siya, kaya ng may mapili ay madali ko'ng inumpisahan iyon.
?You're the one that never let's me sleep?
?To my mind, down to my soul you touch my lips?
?You're the one that i can't wait to see?
?With you here by myside im in ecstasy?
?Im all alone without you?
?My days are dark without a glimpse of you?
?Now that you came into my life i feel complete?
?The flowers bloom, my morning shine and i can see...?
Nilingon ko ito bago kantahin ang chorus, ngunit naipaglapat ko ang labi ng makita nakapikit na siya. Tahimik at tila'y natutulog na ito, hindi ko na muling itinuloy ang aking kanta. Ngumiti na lamang ako habang pinagmamasdan ito.
”Ang gwapo mo naman pag-nakapikit..” nais ko'ng hawakan ang kanyang mukha, ngunit hindi ko na itinuloy at tinalikuran na lamang siya.
Ngunit napag-isip ko na baka maaari na akong umalis para tumungo sa aking kwarto, tulog naman na ito. Kaya't makaka-alis na ako.
Binalak ko'ng tumayo para lumabas na, ngunit isang kamay ang pumalupot sa aking katawan at hinila paatras upang mapalapit sa kanyang katawan.
Gising pa si señiorito stevan, yumakap ito sa akin at isiniksik ang mukha sa aking leeg. Bago ako makahinga ng maayos ay may isinambit itong nagpagulo sa aking kaisipan.
”I love you, dahlia.”
***
to be continued.